Part VIII. Visitor

Mga bandang tanghali ay naalimpungatan si Kristin. Muntik na kasi siyang mahulog sa kinahihigaang sofa.

Napaupo siya at nag-inat. Mayroon siyang unang hinigaan at hindi lang iyon, mayroon pang kumot na nakabalot sa kanya.

Lumawig ang ngiti sa kanyang mukha. Kulang na lang ay mapunit ang labi niya sa kangingiti.

Iisang tao lang naman ang naiisip niyang gumawa noon sa kanya.

Si Brian.

Kinuha niya ang unan at inilapit niya iyon sa kanyang mukha. Kung anong itsura niya ay wala na siyang pakialam basta ang alam niya ay kinikilig siya.

Nagpupuso-puso pa ang mga mata niya habang inaamoy ang mabangong samyo ng unan. Nang hindi nakuntento ay niyakap niya ito nang sobrang higpit habang kunwang iniisip na ito mismo ang binata.

Napatigil siya sa pagmumuni-muni. Inilibot niya ang mga mata at hinanap ang presensya ng binata.

Dumako ang tingin niya sa nakatiklop na papel sa center table. Agad niyang kinuha iyon at binuklat.

I'm out for a while. Be back before lunch.

xoxo,
Brian

Inilapit niya ang naturang sulat sa dibdib at dinama pa ito. Ni minsan ay hindi pa siya nakatanggap ng sulat mula sa lalake. Ngayon lang.

Though hindi naman talaga ito sulat kundi isang 'note' lang ay itinuturing na niya itong isa.

Muli niyang itinupi ang papel at isiningit ito sa isa sa notebooks na dala niya. Itatabi niya ito bilang remembrance.

Tumayo siya at nag-isip ng maaaring gawin. Tinungo niya ang storage room at nakakita roon ng cabinet kung saan nakalagay ang cleaning supplies. Kumuha siya ng basahan at vacuum cleaner.

Mayamaya pa ay pinasadahan na niya ang sala. Wala namang gaanong dumi siyang nakuha roon. Halatang laging nililinisan ang bahay.

Sa kalagitnaan ng pagva-vacuum niya ay nabaling ang pansin niya sa pictures na nasa ibabaw ng tokador sa ilalim ng TV. Tiningnan niya iyon at napangiti. Nakita niya ang iba't ibang naka-frame na larawan ni Brian mula pagkabata hanggang sa magbinata.

Nang matapos siya sa paglilinis ay tinungo naman niya ang kusina. Tiningnan ang laman ng ref at kumuha ng maaaring lutuin. Balak niyang magluto ng Irish Banger Skillet. Sinabayan na rin niya iyon ng pagbe-bake ng brownies dahil hilig niya ang pagluluto ng pastries.

Iniaahon na niya ang iniluto nang makarinig siya ng pagbukas ng pinto. Nagulat pa siya kaya nailaglag niya ang takip ng kaldero.

"Ano 'yun?"

"Tara, mate. Tingnan natin!" Dalawang boses ang naulinigan ni Kristin na sinundan ng nagmamadaling yabag patungong kusina.

Bumungad sa kanya ang dalawang lalaki – sina Nicky at Brian na kita ang pag-aalala sa mukha.

"S-Sorry." Agad yumukod si Kristin para kunin ang nalaglag na takip ng kaldero.

Akma niyang kukunin ito nang mapansin niya ang dalawa pang pares ng mga kamay na nakahawak din sa isang bahagi ng takip. Ang mga kamay na iyon ay pagmamay-ari walang iba kung hindi ni Brian.

Pinamulahan agad ng mukha si Kristin. Para siyang natuod sa puwesto. Kaagad nagbitiw si Brian at tinungo ang kalderong naglalaman ng niluto ng dalaga.

"Irish Banger Skillet." Sinamyo ni Brian ang aroma ng pagkaing nagmumula sa kaldero.

"P-Pasensya ka na. Wala akong magawa kanina kaya nagluto ako." Ipinunas niya ang mga kamay sa suot na apron.

Nilingon ni Brian si Kristin. "You don't have to do this. Puwede naman tayong um-order." Muling sumilay ang kinalolokohang half-smile ni Brian sa kaniyang labi. "But I really appreciate you cooking this." He gave her a pat on her head. "Thank you."

Napayuko na lang si Kristin dahil hindi niya alam ang isasagot. Basta, ang alam niya ay nagdiriwang ngayon ang kanyang puso.

"Ehem."

Sabay silang napalingon sa pinagmulan ng pekeng pag-ubo.

"You almost forget that you're not the only people here." Nakapamulsang lumapit si Nicky papalapit sa kanila.

Nakangiting tiningnan ni Nicky ang dalaga. "I think I no longer need to introduce myself, lady but as a courtesy, I am Nicky Byrne." Inialok nito ang kanang kamay bilang pagkilala.

Kiming ngumiti si Kristin at iniabot ang palad. "Of course. Sino'ng hindi makakikilala sa inyo? Halos buong mundo e kilala kayo."

"Except America." Napatawa silang tatlo dahil sa tinuran ni Brian.

Hindi kasi binibigyan ng pagkakataon ng America ang Westlife para pasukin ang music industry nito. Ayon sa haka-haka ay pinalalakas ng USA ang local bands nila kung kaya ang pagpapapasok ng foreign bands tulad nila ay hinaharangan.

"By the way, I'm Kristin Bishop. Third year college student sa Sligo of Further Education. I'm taking up Childcare and Pre-school Education." Sandaling tumigil sa pagsasalita si Kristin. "I am a huge fan of Westlife."

"Cool." Tumango-tango si Nicky. "You know what? I'll give you some signed posters later. I have few in my car."

Naitutop ni Kristin ang kamay sa kanyang bibig. "T-Talaga?"

"Yes! But for now, let's eat." Tinungo ni Nicky ang lamesa at nagpatiuna nang umupo sa upuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top