Part VI. Signed
"Kumain ka na r'yan. Hindi mo pa nagagalaw 'yung pagkain mo oh," ani Brian na hinahati ang sunny-side-up eggs na inihain niya. Kasunod niyon ay ang paghiwa niya sa hotdogs na kanyang prinito.
Ngunit walang sagot na natanggap si Brian kung kaya nilingon niya ang dalaga.
Napatigil siya sa ginagawa dahil para bang wala sa sarili ang dalaga na nakatitig lamang sa kanya. Ngingisi-ngisi pa ito na para bang may iniisip na napakalalim.
Ipinitik ni Brian ang daliri sa hangin na ka-level ng mga mata ng dalaga ngunit hindi pa rin ito natinag. Bagkus, humalumbaba pa ito sa lamesa at mas lalong lumawig ang ngiti sa mukha.
"Miss.."
"Hayyy, totoo ba talaga ito? Kaharap ko na ang ultimate crush ko?" Nag-pretty eyes pa siya habang nakatingin sa iniidolo.
Napaatras naman si Brian habang nakahawak sa leeg na parang inaalalayan ang paglunok ng laway.
Sanay siyang maka-encounter ng obsessed fan in a public area pero hindi sa ganitong enclosed space.
Mukha namang harmless.
Nasa gitna siya ng malalim na pag-iisip nang 'di niya namalayan na nakalapit na pala ang naturang fan. Huli na nang makita niyang pinipisil-pisil na nito ang kanyang dalawang pisngi.
"H-Hey. Miss.." Mahinay na tinabig ni Brian ang braso ng dalaga.
"Hayyyy... Totoo ka nga!" Matapos noon ay pumalirit ito nang pagkatinis-tinis, dahilan para mapatakip sa dalawang tenga ang binata.
"Miss!" Para bang walang narinig ang dalaga dahil tuloy-tuloy pa rin ito sa pagtili.
Walang nagawa si Brian kundi yugyugin ang dalawang balikat ng babae.
"Kristin, kumalma ka!" Sa puntong iyon ay agad napatigil si Kristin sa pagpalirit. Para bang nabuhusan ang mukha nito ng isang timbang tubig na nagyeyelo.
"Hey... What now?"
Panay ang pagtaas-baba ng balikat ni Kristin para pakalmahin ang sarili. "T-Tinawag mo ang pangalan ko?"
Agad napabitiw si Brian sa dalaga. "Oo. 'Di ba nagpakilala ka kanina?" Sinuklay ni Brian ang buhok pataas. "Kumain ka na dahil mahaba-haba ang lalakbayin mo. Mahuhuli na rin ako sa paggo-golf." Kinuha ni Brian ang pinagkainan at tinungo ang kusina. "Iwan mo na lang d'yan 'yang kinainan mo. Pupunta muna akong kuwarto. Baka lalo kang 'di makakain 'pag nand'yan ako e." Napailing-iling na lang si Brian dahil sa inakto ng dalaga.
Nang masiguro namang nakaakyat na si Brian ay saka lang naisipan ni Kristin na kumain. Halos naubos niya ang pagkaing inihanda ni Brian – bacon, eggs, hotdogs, toasted bread, cheese. Hindi talaga siya morning person and she usually skips breakfast pero kinalimutan niya iyon ngayon lalo pa at si Brian ang naghanda. Para sa kanya, every bit of the food is worth chewing for kaya sinamantala niya na kainin ang mga iyon.
Makalipas ang isang oras..
Nakaupo si Kristin sa sofa ng living room nang datnan siya ng binata pagkababa nito galing sa hagdan.
"Are you done?" Sinulyapan siya ni Brian at pagkatapos rin ay inialis niya ang tingin sa dalaga. "Medyo tanghali na. Let's go."
Pipihitin na sana ni Brian ang seradura ng pinto nang mapansin niyang hindi pa rin sumusunod sa kanya ang dalaga. Nilingon niya ito nang hindi binibitiwan ang pihitan ng pinto.
"Bakit hindi ka pa tumatayo?" may pangungunot ng noo niyang sabi.
Nakatungo lang ang dalaga habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay.
Sa puntong iyon ay bumalik si Brian at hinarap ang dalaga. Yumukod siya habang nakatuon ang mga kamay sa tuhod para lumebel kay Kristin.
"Hey.."
Dahan-dahang iniangat ni Kristin ang mukha habang nakanguso. Hindi alam ni Brian ngunit nagdulot ng kakaiba sa kanya ang inasta ng dalaga. He finds her cute that way.
Kaagad niyang isinantabi ang kaisipang iyon upang muling balikan ang pangunahing dahilan kung bakit nasa harap siya ngayon ng dalaga.
"Ayoko pang umuwi, Bri."
Nagsalubong ang mga kilay ng binata at tumayo siya nang maayos.
"Hindi puwede. Hindi magandang tingnan na may kasama akong babae sa isang bahay... lalo pa at may girlfriend na ako." Ihinalukipkip ni Brian ang kanyang mga kamay.
"E-Eh. Gusto pa kitang.." lumunok ng laway si Kristin. "...makasama."
May pagmamakaawa sa mga mata ng dalaga. "Fan na fan mo ako."
Napailing-iling na napatingin si Brian sa ceiling habang nakapamaywang. Isang ideya ang pumasok sa isip niya. "I'll just give you an autograph."
Nagliwanag ang mukha ni Kristin. "T-Talaga?"
Dahan-dahang tumango si Brian at sinuyod ng tingin ang bag na bitbit ng dalaga. "Do you have anything there that you want me to sign?"
"O-Oo!" Aligagang binulatlat ni Kristin ang bag. Isa-isa niyang inilabas ang lahat ng mga puwedeng pirmahan tulad ng notebook, ang mini poster ng Westlife na nakasingit sa isa sa mga libro niya. Pati ang pina-print niyang larawan ni Brian ay kinuha din niya.
Agad niyang iniabot ang mga iyon kay Brian. Walang pag-aalinlangang pinirmahan ang mga iyon ng binata.
Halos maihi sa kilig si Kristin habang pinagmamasdan lang ang lalaki na pumipirma. Para pa rin siyang nasa mga ulap at hindi pa rin makapaniwalang kaharap na niya ang iniidolo.
"Here." Inabot ni Brian ang mga gamit ni Kristin. "Okay ka na?"
Sunod-sunod na tumango ang dalaga at isinukbit na ang bag. Muli siyang nagpakawala ng isang pagtango, tanda na siya ay handa nang magpahatid sa terminal.
Nagpakawala ng isang ngiti si Brian at agad na niyang tinungo ang pinto. Nang makalabas ay hinayaan lang niya itong nakabukas para magbigay-daan sa dalaga.
Ilang hakbang na lang ay mararating na ni Kristin ang pinto nang makita niyang humahangos papasok ng pinto ang binata.
"Yuko!"
Wala na siyang panahon para iproseso ang mga pangyayari dahil dinambahan siya ni Brian. Parehas silang natumba sa sahig.
Si Kristin ay nakahiga habang nakapaimbabaw sa kanya si Brian.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top