Chapter 4 (Halik)
“BAKIT ka umiiyak?” naluluhang tanong ko sa kaniya. Pinupunasan ko ang aking luha. “Nakakaiyak ba ‘tong kagandahan ko?”
His mouth curved into a smile. “Hindi ka naman maganda.” He lifted his eyebrows before he turned his back on me. Ipinagaspas n’ya ang kaniyang mga pakpak kung kaya’t napapikit ako sa lakas ng hangin na nagmula roon. Hanggang ngayon ay hirap na hirap pa rin siyang itago ang kaniyang mga pakpak. Nasira tuloy ang kaniyang damit.
“Bakla!” I teased him before I left the hut.
Siraulo ‘yon, sabihan ba naman akong hindi magandan. Halos nga lahat ng naging naging boyfriend ko ay libog na libog dahil sa kagandahan at kasexy-han ko.
“Vicente!” Tinawag ko siya. Nakatayo ako hindi kalayuan sa labas ng bahay-kubo. Napapangangang napatingin ako sa kan’yang katawan nang lumabas siyang naka-shirtless habang ang kaniyang mga nagkikintabang abs ay nadadampian ng sinag ng araw na nagiging dahilan nang lalong pagkintab nito. “Sarap!” Halos tumulo na ang laway ko sa aking nakikita.
Kung ano mang isipin ko ngayon ay hindi niya malalaman dahil wala na siyang kakayahan pang basahin ang nasa isip ko. Malaya ko na siyang magagahasa gamit ang utak ko, salamat naman.
Napapangiting napakagat ako sa aking pang-ibabang labi.
Kahit na anghel siya ay handa akong bumukaka ngayon at lasapin ang masarap niyang pagbayo.
“How many more times do I have to tell you na huwag mo akong pagnanasahan,” he said seriously to me.
Boses pa lang n’ya ay nakakaakit na. Paano pa kaya kung may gawin pa siya sa aking kakaiba? Baka mabaliw na ako sa sarap at hanap-hanapin ko siya.
“Gusto mong maparusahan?!” tumaas ang kaniyang boses. Nagulat naman ako sa kaniyang turan kung kaya’t mabilis kong inilihis sa iba ang aking pag-iisip.
Nanlaki ang aking mga mata. “A-Ang akala ko ba’y hindi mo na kayang basahin ang n-nasa isip ko?” nauutal na tanong ko sa kaniya. Hindi ako makatingin nang diretso sa kaniyang mga mapang-akit na tingin.
“Ang sabi ni Arturo ay isang babala lamang ang nangyari kanina na naging dahilan nang pagkawala ng aking mga kakayahan. Kung kaya’t ngayon ang alin mang kahalayang tumatakbo riyan sa bastos mong pag-iisip ay nababasa ko na!” may diin ang bawat katagang turan niya sa akin. “At sa susunod na ulitin mo pa ‘yan ay hindi na ako magdadalawang isip pa na parusahan ka!” Halos mabingi ako sa lakas nang sigaw n’ya. Ume-echo pa ito sa buong paligid. Mabuti na lang at hiwa-hiwalay ang mga bahay rito kung kaya hindi ito maririnig pa ng iba.
“Anong klaseng parusa? Sa masarap at masakit na paraan ba?” hindi ko napigilan ang matabil kong dila na sabihin iyan.
Unti-unti siyang lumapit sa akin at napaiktad ako nang tumama sa aking mukha ang mainit at mabango niyang hininga.
Parang isang nakakaadik na gamot ang kaniyang hininga at amoy. Halos manlambot ang aking mga tuhod. Handa kong isuko ang aking pagkababae sa kaniya, gusto kong maranasan ang mainit at masarap n’yang mga haplos.
“Talaga namang wala kang balak na sundin ako?”
Parang isang huni ng ibon ang kaniyang boses. Napakasarap pakinggan. Kung ganito kakisig at kaakit-akit ang lalaking mag-aaya sa akin sa motel ay walang pagdadalawang-isip na papayag agad ako, baka siya pa ang kaladkadin ko papuntang motel.
“Wahh!” Bigla na lamang akong lumutang sa hangin. “Ano itong ginagawa mo? Ibaba mo ako! Hoy! Hindi ako nakikipagbiruan!” kinakabahang sigaw ko sa kaniya.
“Vicente!” Ngunit lalo lamang niyang tinaasan. Gamit lamang ang kanyang hintuturo ay nakakaya niya akong palutangin sa ere. Shutangina! Hindi ko inaasahan na may ganoon din siyang klaseng kapangyarihan.
Umiikot-ikot na ang aking paningin. Hindi ako sanay sa matataas, mabilis akong malula. Isa ito sa mga kinatatakutan ko, depende na lang kung may kasama ako. “Vicente naman!”
“Sundin mo ang sasabihin ko sa iyo! Huwag mo akong pagnanasahan kung ayaw mong ihagis kita sa kabilang bundok!” Unti-unti n’ya akong ibinababa sa kaniyang harapan. Halos mabuwal ako pagkalapag ko sa lupa.
“Isa itong babala, Evangeline.” Tumalikod na siya at iniwan akong nahihilo at bumabawi ng lakas.
“B-Bakla!” habol-hiningang sigaw ko rito. Natawa ako nang bigla na lamang siyang kumembot pagkapasok sa loob ng kubo.
I don’t know why he affects me like this. I really want to tease him. Then every time I see him, I’m just stunned and, like a fool, lose my mind.
“Kain na!” Tinawag niya ako habang siya’y kumakaway. Nakangiti akong tumakbo papunta sa kaniyang kinaroroonan.
When I went inside, I immediately sat down on a wooden bench. “What is this? Pagkain ba iyan?” Napapangiwi kong itinuro ang kakaibang bagay na ngayon ko lamang nakita. “Ayoko n’yan!” Nandidiri kong pagtanggi.
Dinampot n’ya ang kakaibang bagay na iyon na nasa kaldero at kaniyang binalatan. “Ito ang tinatawag na kamoteng kahoy. Isa itong masustansiyang pagkain. Kung kaya’t huwag mo itong pandidirihan. Bigyang halaga mo ang mga pagkaing nakahain sa lamesa. Huwag maging pihikan at sa halip ay magpasalamat ka dahil may nakakain ka pa.” Iniabot niya sa akin ang kamoteng kahoy.
“Ang tagal mo nang namumuhay sa mundong ibabaw, ngunit hindi mo pa rin alam kung anong klaseng pagkain ‘yan. Anong klaseng tao ka?” Hindi makapaniwalang aniya.
“Maganda! Isa akong napakagandang tao!” Kinindatan ko siya sabay nguya sa kamote na siyang kan’yang ikinasamid.
Masarap naman. Hindi ko akalain na manamis-namis ito. Ang akala ko ay hindi maganda ang lasa, puwede na rin.
“Seriously? Ito lang ang pagkain natin sa umagahan? Wala man lang KFC? Nuggets? Sausages? Hotdogs? Eggs?”
“Wala!”
“Bacon? Fried rice? Chicken? Steak? How about abal—”
“Gusto mong maparusahan?” His forehead creased. I immediately shut my mouth. Ini-enjoy ko na lang ang aking pagkain. Hindi naman gaano kasama kung pagtitiisan ko ‘to, malay mo ay iba naman ang ihain n’yang pagkain sa lunch namin mamaya.
“Palakang bukid.”
“Ang alin?” Muntik ko nang masuka ang kinakain ko. “What do you mean? Palakang bukid? Para saan?”
“Our lunch,” tipid n’yang sagot bago muling ngumuya. Napatayo na ako at tuluyang nasuka. “Evangeline!”
Bigla na lamang natigil ang aking pagsusuka. Naiiling akong tumingin sa kaniya. “Kahit anong mangyari, hinding-hindi mo ako mapipilit na kumain ng palakang bukid! No way! Kung gusto mo ay ikaw na lang!”
“Kahit ihagis pa kita sa kabilang bundok?” He looked straight into my eyes, and he raised his index finger.
”K-Kahit na ihagis mo pa siya!” Itinuro ko ‘yong pusang lumundag sa labas ng bintana. Bigla na lamang siyang nangiti nang palihim. Pilit n’yang pinipigilan ang kaniyang pagngiti. Kinilig naman ako roon.
Siguro crush n’ya ako at nahihiya lang siyang umamin sa akin dahil isa siyang anghel. Ipinagbabawal din na mahulog o magkagustuhan kami. Sabagay sa ganda at pagiging hot ko ay baka nagkakagusto na siya sa akin. Aba! Sino ba namang hindi maattract sa mal—
“Maliit mong hinaharap! Tigilan mo nga ‘yang pag-iimagine sa isip mo. Don’t assume too much. With so many women in the world, why would I like you? You’re not even pretty.” He rolled his eyes on me.
Laglag ang pangang napaupo ako. Dinampot ko ang kamote at kaagad ko iyong binato sa kaniyang mukha. “Baklang jutay!” Tumayo na ako at umalis sa hapag-kainan.
Badtrip!
“Pagbalik mo, ihahagis kita sa kabilang bundok!” Umalingawngaw ang kaniyang tinig sa aking pandinig.
Inis akong naupo sa isang duyan na nakatali sa puno ng mangga. Pinagmasdan ko ang mga ibong malayang nagsisiliparan.
I’m still can't accept na may anghel akong kasama ngayon. Hindi lang isang anghel, kundi hot at masarap pa. Napawi ang aking pagkakangiti nang maalala ko si Manang Georgina.
Nakagisnan kong siya ang laging nandiyan para sa akin, ngunit ngayon ay wala na siya. Tumayo siya bilang aking ikalawang magulang kahit na sakit ako sa ulo. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na iiwan n’ya rin ako. Gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil sa pagmamahal, at pag-aaruga na pinaramdam niya sa akin. Kung wala siya ay baka tuluyan na akong bumigay.
“Nakikita ka n’ya.” Bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Vicente. Mabuti na lang at nakadamit na siya ngayon. Baka kasi pagnasahan ko na naman ang kaniyang katawan. “Ayan siya, oh!” Itinuro n’ya ang isang makapal na ulap katabi lamang ng araw. “Binabantayan kaniya.” Pumunta siya sa aking likuran.
“B-Burikat ka!” Nagulat ako nang bigla n’yang paugain ang duyan. Hindi naglaon ay napangiti ako nang malasap ko ang preskong hangin na humahampas sa aking magandang mukha. Napakasarap sa pakiramdam ng sariwang hangin, para akong hinihele nito. “Vicente, ilan taon ka na nga pala?” Habang umuuga ang duyan ay pilit akong lumilingon sa kaniya.
“Isang bilyong taon na ako. Sa loob na mahabang panahon na namumuhay ako bilang isang anghel ay gusto kong malaman kung ano ba ang pakiramdam nang may minamahal. Masuwerte kayong mga tao dahil may pagkakataon kayong magmahal ng kapwa n’yo.” Nakatingin lamang siya sa malayo.
Tumigil ang pag-uga ng duyan. Tumayo ako mula roon at nilapitan ko siya. Tumingin ako sa kaniyang asul na mga mga mata.
“Gusto mong maranasan ang magmahal?” Lumundag-lundag ako upang harangan ang kaniyang paningin. Masiyado kasi siyang matangkad. “Tumingin ka sa akin!” Ikinakampay ko pa ang aking mga braso’t kamay.
Natigil ako sa aking ginagawa nang yumuko siya at pagpantayin n’ya ang mukha naming dalawa. Hindi ko na naman naiwasang hindi mapanganga.
Napaka-perpekto nang pagkakagawa sa kaniyang mukha. Kitang-kita ang bawat detalye nito. Oh, Pak! Ulam na ulam.
“Bakit? Gusto mo rin maranasan ang magmahal?” His eyes flashed.
Nilakasan ko ang aking loob at kaagad kong hinawakan ang kaniyang dalawang pisngi. Mabilis kong pinaglapat ang labi naming dalawa. Nanlalaking matang hindi siya nakagalaw sa aking ginawa. Ipinikit ko ang aking mga mata habang iginagalaw ang aking mga labi sa kaniyang tikom at masarap na mga labi.
Tila tumigil ang pag-ikot ng oras at huminto ang aming buong paligid. Ang mga dahon sa punong babagsak ay naiwan sa ere at ang mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid ay natigil sa paglipad.
Nagsimula lang sa mga asaran
Biglang nagbago ang naramdaman
Saksi ang araw at ang kalangitan
Mundo‘y nagdahan-dahan~
Sa ‘yo‘y mayro’ng kakaiba
Isang tingin na lang pala~
Ikaw ay anghel na bumaba sa lupa
Para sagipin ang puso kong nalulumbay
Ikaw ay anghel na bumihag sa akin
Huwag ka nang mawala sa ‘kin~
Mabilis siyang umayos nang pagkakatayo at natutulalang napahawak sa kaniyang labi. “B-Bakit mo g-ginawa ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Ngumiti ako sa kaniyang harapan. Pinaghugis puso ko ang aking mga daliri gamit ang aking dalawang kamay at itinapat ko iyon sa aking dibdib. “Sabay nating hanapin ang pag-ibig.”
His forehead furrowed. Nang Natauhan siya sa mga nangyari ay mabilis niyang iwinasiwas ang kaniyang mga hintuturo at muli akong inilutang sa ere. Ang akala ko’y ihahagis n’ya ako sa kabilang bundok ngunit inilagay n’ya ako sa sanga ng puno ng mangga. Para akong unggoy na nakalambitin doon. ”Vicente! Ibaba mo ako!”
“Ilang beses kitang sinabihan na huwag mo ak—”
“Natukso lang ako sa mga labi mo! Sinubukan ko lang naman kung tatamaan ka sa mga halik ko! Ibaba mo na ako! Ang sakit na ng mga braso ko, oh!” putol ko sa kanya.
Tumingala siya sa akin at nginitian ako. “Sana sa next life mo unggoy ka na lang!” natatawang pang-aasar niya pa.
Mabilis akong napikon at pilit kong hinubad gamit ang aking mga paa ang tsinelas na aking suot at tumama ‘yon sa kaniyang mukha. “Evangeline, masakit!” Napupuwing na pagdaing n’ya.
“Oo, sana unggoy na lang ako sa next life para kainin ko ‘yang saging mo! Putakte!” Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang puwersahan akong lumapag sa ibaba. Sigurado akong galit na galit na siya ngayon dahil sa aking mga pinagsasabi. Ginantihan ko lang siya dahil ako lang ang puwedeng mang-asar sa aming dalawa.
“Bakit ganiyan ka makatingin?!”
“Ano ulit ‘yon?” He gritted his teeth. “Pakiulit nga, Evangeline!” His jaw clenched. Kahit na galit ay napakaguwapo niya pa rin. Sana all pinagpala.
“Ang sabi ko cush kita!" Itinulak ko siya at tinakbuhan. Hindi pa man ako nakakalayo ay natalisod ako sa nakaharang na bato. Nataranta na lamang ako nang may pagaspas ng pakpak ang papalapit sa aking kinaroroonan. Hindi puwedeng mahuli niya ako!
Buong sikap akong tumayo at iika-ikang muling naglakad-takbo. “Ah ‘wag!” Napairit ako nang biglang may yumakap mula sa aking likuran at inilipad ako sa napakapayapang kalangitan. “V-Vicente?”
___________________________
ANGHEL
Song by: The Juan’s
Please don’t forget to vote, comment and follow. Thanks a lot!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top