Chapter 3 (Babala)


“ALAM mo ba ang daan? Nangunguna ka pa sa akin, eh!” Bigat na bigat ako sa buhat-buhat kong maleta. Hindi man lang n’ya ako magawang tulungan. Kanina kasi nang kaya na n’yang maglakad mag-isa ay hinayaan ko na siya.

“Hindi mo man lang ba ako kakausapin?” naiinis na wika ko.

He stopped walking and told me not to make any noise. "“Shhh,” he murmured, turning to me for a moment. I gripped my bag tightly and nodded in response.

He released his wings, and the whole area lit up. His wings are very bright, and they glow in the dark. “Okay na, wala na siya.” He hid his wings again.

“Kanina ay may mabangis na hayop na nais umatake sa atin kung kaya’t inilabas ko ang aking mga pakpak upang takutin siya,” he said that even though I hadn’t asked him yet. What else would I be surprised at? He can read my mind.


“Alam mo ba ang daan patungo sa baryo? Baka naliligaw na tayo?” Binilisan kong maglakad upang magkasabay kami. “Kapag kinakausap kita matuto kang sumagot!” I hit him with my shoulder.

He blocked my way and looked at me seriously. “Isa pang beses na bastusin mo ako, paparusahan kita gamit ang kapangyarihan ko.” His eyes glowed blue, and there were fireflies flying all around.


I stared into his eyes in amazement. “Don’t stare into my eyes!” Tinakpan n’ya ang aking mga mata. “Baka mahulog ka sa akin at hindi kita masalo.” Then, he suddenly grabbed the bag in my hands and started walking away.

Natutulalang napahawak ako sa aking
kaliwang dibdib. I was short of breath and I could feel the redness on my cheeks. I slapped myself to bring myself back to reality. “H-Hintayin mo ako!” Lakad-takbong humabol ako sa kan’ya habang nasisiyahan sa mga alitaptap na panay ang buntot sa amin.


“Alam mo ba—”


“Alam ko ang daan. Likas na mas matalino at mas malakas kami kaysa sa inyong mga tao. Pambihira rin ang aming mga kapangyarihan dahil nab—.”

“Nababasa n’yong mga anghel ang nasa utak naming mga mortal kung kaya’t hindi kami puwedeng magsinungaling sa inyo!” Putol ko rin sa kaniya at mayabang na tingin ang ipinukol ko sa kaniyang gawi. “Namamangha ka?”

“Hindi. Bakit naman ako mamamangha? Eh, nalaman mo lang naman ‘yan sa kaibigan kong anghel.” He glowered. My eyes widened.


Really? Ginawa niya ‘yon?

“Bakla kang anghel!” Natatawa kong hinampas ang kaniyang balikat na siyang kaniyang ikinainis. “Bading!”

“Huwag kang magsalita ng mga walang katuturang bagay, kung ayaw mong maghubad ako sa iyong harapan.” He gave me a lopsided grin, and his eyes darted.

Scary!

My mouth twisted. Naitikom ko lamang ‘yon nang may alitaptap na pumasok sa loob ng aking bibig dahilan ng aking pag-ubo.


Natatawang hinila n’ya ang aking palapulsahan papasok sa isang kubo. “Narito na ang magiging tahanan mo.”


Sinindihan n’ya ang isang lampara at lumiwanag ang kabuuan ng loob ng kubo. Gusto ko na lamang maglumpasay sa lapag nang makita ko kung gaano karumi ang loob. Mukhang napabayaan ang kubo na ito. Really? Dito ako titira? Ako na anak ng mayaman?

“Baka naman nagkakamali lang tayo nang pinasukang kubo? Halika, umalis na tayo!” Lalabas na sana ako, ngunit may umalulong na aso.


Kingina!


“Ito ang tahanan mo at kung gusto mong lumabas ay hindi kita pipigilan. Ngunit tandaan mo, maraming naglalakihang aso sa labas ang maaaring lumapa sa makinis mong mga balat.” Nahiga siya sa banig at ipinikit n’ya ang kaniyang mga mata. “Tumabi ka na lamang sa akin kung nais mo nang matulog.”



“Hoy! Anong tingin mo sa akin? Tatabi na lang basta-basta sa isang lalaki? Baka nakakalimutan mong conservative akong tao at masyadong stric—”


Iwinasiwas n’ya ang kan’yang hintuturo at isang bula ang lumitaw sa ere.

Nanlalaki ang matang lumapit ako sa kaniya upang pigilan siya sa kan’yang ginagawa. “Tigilan mo nga ‘yan!”



“Hindi nagsisinungaling ang aking balintataw. Kitang-kita riyan kung ilang lalaki na ang nakagalaw sa ‘yo.” His jaw tightened. Iniunan n’ya ang kaniyang mga palad. “Tumabi ka na at matulog. Bukas na lang tayo kumain.”


Tumahimik na lamang ako at bagsak ang balikat na nahiga sa kaniyang tabi.

Ano pa nga bang itatanggi ko? Alam n’ya kung gaano ako karuming babae. Siguro’y pinandidirihan n’ya ako dahil sa mura kong edad ay hindi na ako birhen? Siguro nga.


I faked a smile. Tapos na rin naman ‘yon at wala na akong magagawa pa. Huminga ako nang malalim bago ipikit ang aking mga mata.

Rinig ko ang kan’yang pagbuga ng hangin. Pagtingin ko sa kaniyang puwesto ay nakatitig siya sa itaas ng kubo. “Hindi kita hinuhugashan, hindi ako nandidiri sa iyo. Malawak ang pag-unawa naming mga anghel. Ipinadala ako para sa iyo upang baguhin ka, hindi para husgahan ang pagkatao mo. Good night!” Then, he shut his eyes.

I observed his face. He has an aquilline nose shape, downward-turned lips, a diamond-shaped face, and perfect eyebrows. Hindi siya nakakasawang tingnan, para sa sa akin siya ang pinakaguwapong lalaking nakilala ko. Napaka musculine n’ya, at bakat na bakat sa suot n’yang fitted na damit ang magandang pangangatawan. My eyes landed in his shorts, bahagya akong napalunok at naipikit ang aking mga mata


Mali na ito! Nakakahiya! Pinag nanasahan ko ang isang anghel?


“Uulitin ko, ang alin mang pagnanasa sa isip mo ay huwag mo nang ipagpatuloy pa at baka tayo’y makagawa ng kasalanan at maparusahan ng kaitaas-taasan,” bigla na lang na wika niya. “Huwag ka nang magkaila pa, dahil alin mang gawin mo ay alam ko at alin mang nasa isipan mo ay nababasa ko,” he added.


A flush crept up my face. Umayos ako nang higa at tumalikod ako sa kaniya. Kahit na magsinungaling ako ay hindi ako ligtas, kahit na itanggi ko pa ay alam na niya ang totoo. “Oo na!” I closed my eyes, and decided to go to sleep.


Huwag mo akong iiwan! Nakikiusap ako sa iyo! Kahit na anong mangyari, ‘wag kang bibitaw sa mga kamay ko!” nanginginig ang boses na wika ng isang lalaki habang mahigpit siyang nakahawak sa aking kaliwang braso. “Pakiusap, huwag kang bibitaw sa akin! Kung may kapangyarihan lang sana ako ay maaari kitang mailigtas! Kumapit ka!”

Pilit kong inaaninag ang kan’yang mukha ngunit panay liwanag lamang ang siyang aking nakikita. Luhaan na rin ang aking mga mata, ngalay na ang mga braso, at nais nang sumuko. I forced a smile. P-Pagod na ako. Bitawan mo na ako! N-Napapagod na ako,” humihikbing pakiusap ko. Alam ko na kahit anong pilit niyang isalba ako ay wala nang mangyayari. Hindi namin magagawang takasan ang tadhanang nakalaan na para sa amin.

“H-Hindi, gagawa ako nang paraan . . . gagawin—” Hindi naglaon ay dumulas ang kaniyang mga kamay sa pagkakahawak sa aking braso kasabay niyon ay ang pagkakahulog ko sa napakataas na bangin. “Hindi maaari!


“Bangon! Gising, Vangie!” Nagising ako sa malakas na pagyugyog sa akin ni Vicente. “Ayos ka lang ba?” nag-aalala n’yang tanong.

Habol ang hiningang napakapit ako sa kaniyang braso. “Hindi mo alam ang napaniginipan ko? Ang Akala ko ba’y lahat ay nalalaman n’yo?” nagtataka kong tanong sa kan’ya.

Umiling lamang siya sa akin at inabutan ako ng isang basong tubig.
“Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko man lang nabasa o nakita ang alin mang nasa panaginip mo. Nakapagtataka.” Tila malalim ang kaniyang iniisip.

“Habang nananaginip ka’y nanakit din ang ulo ko. Immortal at tanging kapuwa mga anghel ko lang ang maaaring makapanakit sa akin.” Nababagabag na siya dahil sa mga nangyayari.

Pilit ko mang ibuka ang aking bibig ay tila may puwersa na pumipigil sa akin na makapagsalita. Hindi ko kontrolado ang aking bunganga. Ang nais ko lang naman ay sabihin sa kaniya kung alin ang nasa panaginip ko. “Basahin mo ang nasa isip ko!” utos ko sa kanya, ngunit kunot noo siyang umiling sa akin. “Bakit?” I asked confusingly.

“Wala, wala na akong kakayahang basahin ang nasa isip mo. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.” Napahawak siya sa kaniyang ulo at napasigaw na lamang bigla. “Nanakit ang ulo ko! T-Taama na! Ah!”

Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat, ngunit mabilis kong nailayo ang aking mga kamay. “Ouch!” Napaso ako sa sobrang init ng kaniyang katawan. Sa sobrang init nito ay para itong baga na nagliliyab, subalit laking pagtataka na hindi man lang nalapnos ang aking palad.

Humangin nang napakalakas at naiharang ko na lamang ang aking mga palad sa aking mga mata dahil sa mga buhangin at basura na nagliliparan. Ilang minuto ay tumigil ang malakas na paghangin.

My eyes searched for Vicente, who had just been next to me. I covered my mouth when I saw him lying on the floor, unconscious. His wings were outstretched, and his blue eyes were glowing. “A-Anong nangyayari sa iyo? Vicente!” Nagdadalawang-isip pa ako na hawakan siya, ngunit sa huli ay napagpasyahan ko rin na hawakan siya sa pisngi. Normal na ang temperatura n’ya ngayon, hindi na s’ya mainit.

Nawala ang ilaw sa kan’yang mga mata at bigla na lamang kumawala doon ang mga luhang nag-unahan sa pagbagsak. Tulala lamang siya at ako naman ay kinakabahan sa mga nangyayari. Nakakatuliro ang mga nangyayari. Para kanina lang ay sa panaginip kong napakamisteryoso, samantalang ngayon naman ay ang kakaibang nangyayari sa kaniya. What does it mean?

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Pikit-mata n’yang pilit itinatago ang pakpak ngunit ayaw nitong mawala. “Bakit ganito? Bakit hindi ko magawang maitago ang mga pakpak ko? Bakit unti-unting nawawala ang mga kakayahan ko bilang isang anghel?” Kinakausap n’ya ang kan’yang sarili at pawisang pilit ulit na ginagawa ang pagtatago sa kaniyang pakpak.


“Tao po!”

Parehas kaming nagkatinginan ni Vicente nang may tumawag sa pintuan. Paano kapag nakita n’ya na may pakpak itong kasama ko?

“Magtago ka! Bilisan mo! Doon ka magtago!” Itinuro ko ang palikuran. Mabilis naman siyang nagtago roon.


“Huwag kang magpapakita!”

Mumunting butil ng pawis ang pumapatak sa aking noo habang binubuksan ko ang pintuan. Bumungad sa akin ang mukha ng anghel na nakausap ko kahapon sa bangin. “Ikaw!” Nagugulat kong turo sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito?”

Blangko ang ekpresyong tumingin siya sa aking mga mata. “Nasaan siya?” Pumasok siya sa lob ng kubo at mabilis kong isinara ang pintuan. “Siguro’y may kakaibang nangyari sa inyo, hindi ba?”


“Paano mo nalaman?” Bigla na lamang lumabas mula sa palikuran si Vicente. “Bakit ka nandito, Arturo?”

Arturo pala ang pangalan n’ya. Ngayon ay alam ko na.

“I can read everyone’s mind, at nandito ako para balaan kayo sa ikalawang pagkakataon.” A muscle in his jaw twitched. “Ang nangyari kanina sa inyo ay isang babala na nanggaling sa itaas. Babala ‘yan upang hindi n’yo na ulitin pa ang nakaraan n’yong pagkakamali.”

“Ano bang kasalanan namin?” Halos sabay na tanong namin ni Vicente. Kung ano mang kasalanan ang binanggit n’ya ay wala akong alam. Ngayon ko lang sila nakilala tas may kasalanan na agad ako na nagawa kasama ang anghel na ito? Imposible!

Tumingin sa akin si Arturo nang seryoso. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ng lalaking katabi ko na ngayon. Nananatili pa ring nakalabas ang kaniyang maliwanag na mga pakpak.

Sinuri n’ya kami ng tingin. “Ang kasalanan n’yo ay ang mahalin ang isa’t isa. Isang napakalaking kasalanan ang nagawa n’yo. Ang pag-iibigan ng mortal at immortal ay labag sa aming batas. Maging ako na umibig sa isang mortal ay nagdusa. Hindi maaaring isa na naman sa inyo ang bawian ng buhay dahil sa pag-iibigang ipinagbabawal.” His eyes were glossy.

Ramdam ko ang sakit sa kaniyang mga salitang binitawan. Tagos sa aking puso ang mga katagang kaniyang isinatinig. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong kinabahan at nasaktan. Parang may mga punyal na tumatarak sa aking dibdib at bumabaon sa kaibutaran ng aking puso.

May kakaibang nangyayari. Kung hindi ako nagkakamali ay maaaring matagal na kaming nagkatagpo ni Vicente? Pero, bakit wala akong alin mang naaalala?

“Ang mas mabuti pa ay gawin mo na lang ang misyon mo sa mundo, Vicente. Bilisan mong tapusin ang misyong itinalaga sa iyo upang hindi na muling lumalim ang pagtitinginan n’yo sa isa’t isa. Ito ang ikalawang pagkakataon na hinayaan kayong itama ang inyong tadhana. Ito na rin ang huling pagkakataon upang tahakin n’yo ang tamang landas. Sana’y huwag kayong mabigo.” Iniwan na n’ya kami sa loob ng kubo.

Nagkatinginan lamang kami ni Vicente at hindi magawang makapagsalita. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko.

Nagmahalan kami? Paano, saan at kailan?

Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang may lumandas na luha sa mga mata naming dalawa. Nagtataka namin iyong pinunasan ngunit hindi iyon mahinto. Nagtuloy-tuloy lamang ang pagbuhos ng luha sa aming mga mata at hindi na maawat pa sa pagbagsak.

_____________________________


Don’t forget to vote, comment and follow. Thanks alot!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top