Chapter 2 (Ikalawang Sugo)
TULALA pa rin ako sa nasaksihan ko kanina. I can't believe that angels really exist. Para din pala silang mga manok na may pakpak na puti, ngunit ang pakpak ng isang anghel ay kakaiba ang pagkaputi. Ito ay kumikinang at nababalot ng liwanag.
Bahagya akong napapikit nang tumama sa aking mukha ang mainit na sinag ng araw. Iniharang ko ang aking mga kamay sa nakakapasong sinag ng araw upang maaninag ang mga balahibong nagsisiliparan sa buong kagubatan.
"Omg!" Napatakip ako sa aking labi. Hindi ako makapaniwala. Kung isa lamang itong panaginip ay hinding-hindi ko ito makakalimutan. Nagmistulang mga dahong nalalagas ang mga balahibo na nagsisibagsakan sa lupa. "Manang Georgina!" I shouted her name, even though I knew she was gone.
Maingat akong tumayo mula sa lapag. Napakapit pa ako sa puno na nasa aking likuran. "Ano b-bang nangyayari?" Naguguluhang kong tanong. Nahihiwagahan ako sa mga balahibong kapag bumabagsak sa lupa'y bigla na lamang nagiging abo.
Dahan-dahan akong lumapit sa bangin. Tila may nag uudyok sa akin na sumilip mula roon. Nangangatal ang mga binting inihakbang ko ang aking mga paa. Takot ako sa mga matataas at nakakalulang lugar. "Sinong nandiyan?" halos pabulong na lang na tanong ko. May pagkalaskas kasi ng dahon na nagmumula sa ibaba ng bangin.
"May tao ba na nandiyan? Lumabas ka!"
The color drained out of my face when I almost fell into the cliff. Napahawak ako sa aking dibdib. Mamamatay pa yata ako ng wala sa oras.
Muli sana akong sisilip sa bangin, subalit natigilan ako nang makarinig ako ng isang ingay ng mabangis na hayop na nasa likuran ko lamang. Unti-unti akong humarap at ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang mabilis siyang tumakbo papalapit sa aking kinaroroonan. "Baboy damo!"
Pagkaatras ko ay halos malagutan ako ng hininga. "Ah, Mama!" Napapikit na lamang ako at napapasigaw habang nahuhulog sa napakalalim na bangin.
Lord, dito na po ba magtatapos ang buhay ko? Ganoon na lang po ba 'yon? Mamamatay ako na hindi man lang naka-experience na magkaroon ng masayang buhay?
"Maaari mo nang imulat ang iyong mga mata, binibini."
Nasa langit na ba ako? Bakit hindi ko ramdam ang aking pagkabagsak sa lupa? Bakit hindi man lang ako nasaktan?
At wait, sino 'yong lalaking nagsalita? Bakit ume-echo sa pandinig ko ang boses n'ya? Si San pedro ba siya?
Kinapa-kapa ko ang aking buong katawan. Hindi ba ako nagkalasog-lasog dahil sa pagbagsak ko?
I heard his slight giggle. San pedro laughs at me? Really?
"Open your eyes! You're not in heaven yet." Umecho na naman ang kaniyang boses. "At hindi ka naman tinatawanan ni San pedro," dugtong pa n'ya.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata. My eyes went round when I saw him. "P-Paano nangyari 'to? A-At b-bakit alam mo ang mga tumatakbo sa isip ko?" Napapaatras na naman ako at hindi makapaniwala sa aking nakikita.
Isa na namang anghel. Ito na ba 'yong sinasabi ni Manang Georgina na ikalawang sugo na siyang makakapagpabago sa akin?
Ipinagaspas niya ang kaniyang mga pakpak. "Pasensya na ngunit hindi ako ang ikalawang sugo." He smiled at me. "Nababasa ko ang mga nasa isip mo dahil isa rin akong anghel. Isa sa mga katangian namin bilang anghel na mabasa ang nasa isip ng mga tao." He pursed his lips.
Napatitig ako roon. Ang pula ng labi n'ya. Dinaig pa nito ang kulay ng labi ko. Muli n'yang ipinapagaspas ang kaniyang mga pakpak, kung kaya't nagsihulugan ang mga balahibo niya na naging abo pagkabagsak sa lupa.
Namamanghang napaatras na naman ako. "Pasensiya na ngunit ang mga balahibong nakita mo kanina sa itaas ay akin. Hindi ko rin sinasadya na takutin ka dahil nag-anyong baboy damo ako."
My eyes twinkled. I still can't believe na may nakikita akong anghel ngayon sa aking harapan. "Ikaw ang sumagip sa akin mula sa pagkakahulog?" Napapalunok na tanong ko.
Napatingin ako sa kaniyang pang-ibabang bahagi ng katawan. Mabilis kong naiwas ang aking paningin mula roon. Nakasuot lamang siya ng maikling tela na nakapulupot sa kaniyang bewang. Kitang-kita ko ang kaniyang walong naglalakihang pandesal.
Naiiling na ipinikit ko ang aking mga mata. "Mababaliw na yata ako!"
"Ako ang nagligtas sa 'yo dahil ako rin naman ang dahilan ng pagkakahulog mo. Kung iyong mararapatin, maaari bang muli tayong bumalik sa itaas at ikukuwento ko na lamang sa 'yo kung bakit ako nandito?" Sinuri n'ya ng tingin ang aking mukha.
"P-Paano?"
He immediately approached me and hugged me on my waist. "Lilipad tayo." Ipinagaspas n'ya ang kaniyang mga pakpak at lumipad siya habang yakap niya ako papuntang itaas.
Hindi ako makapagsalita. Nanigas lamang ako sa aming posisyon. Namamangha kong pinalibot ang aking paningin sa paligid. Lumilipad kami ngayon at nakikipagsabayan sa pag-ihip ng hangin. Nakakamanghang hindi ko ramdam ang pagkalula, pakiramdam ko'y magiging ligtas ako dahil nandiyan siya.
Pagkarating namin ay biglang nagliwanang ang kaniyang mga pakpak at unti-unting naglaho ang mga ito. "Isa na akong ganap na tao!" tuwang-tuwang ani nya. "Sa wakas ay isa na rin akong ganap na tao!" Napayakap siya sa akin. "Ikaw nga ang matagal ko nang hinahanap!"
Naguguluhan ako sa kaniyang ikinikilos. Wala talaga akong maintindihan. Ano bang mayroon?
Humiwalay siya ng yakap sa akin. Nahihiyang napakamot siya sa kaniyang ulo. "Pasensya na, labis lamang akong nasiyahan sapagkat isa na akong mortal."
Iginaya niya akong maupo sa tabi ng puno. "Alam kong gustong-gusto mo ng malaman ang lahat ng mga nangyayari. Alam ko rin na gulong-gulo ka ngayon." Nakatanaw lamang siya sa malayo at malayang pinapanood ang nagliliparang mga ibon. Hinihintay ko siya na magsalita. Pinakatitigan ko lamang siya.
"Isa akong anghel na ang misyon sa mundo'y magligtas ng buhay ng mga tao. Makakabalik lamang ako sa aking pinanggalingan oras na matapos ko na ang aking misyon. Ngunit hindi ko akalain na magkakagusto ako sa isa sa mga taong iniligtas ko." Nakangiti ngunit mahihimigan mo ang lungkot sa kaniyang tinig. "Isa sa mga mahigpit na habilin sa amin bago pa man kami bumaba sa lupa ay huwag na huwag kaming iibig sa isang mortal." Pasekreto niyang pinunasan ang kaniyang luha sa kaniyang mga mata.
"Anong mangyayari kapag umibig ka sa isang tao?" I bit my lip when he stared at me. "B-Bakit?"
"Mamamatay ang taong minahal namin." His eyes swam with tears. Hindi ko magawang makapagsalita.
So, namatay 'yong babaeng minahal n'ya? Pero bakit masaya siya na naging tao siya?
"Oo, namatay siya, ngunit bago siya mamatay ay nagsilang siya ng isang sanggol. Isinilang niya ang anak namin. Ginusto kong maging isang tao upang maalagaan ko ang aming anak. Mahigit isa't kalahating dekada rin ang ginugol ko upang maging isang ganap na tao."
"Puwede kayong maging tao? Paano? Tao ka na?" Namamangha kong tanong at hinawakan ko siya sa kaniyang likuran at kinakapa ang pakpak niyang nawala na, ngunit hindi ko na talaga ito mahagilap pa.
Napabuntonghininga siya bago sumagot. "Magiging tao lamang kami kung dodoblebin namin ang misyong iniutos sa amin. Mahigit isandaang-libong tao ang iniligtas ko sa loob ng dalawang dekadang pagkakatuntong ko sa mundo n'yo. At ikaw, ikaw ang aking huling taong iniligtas." His mouth curved into a smile.
"Wait! Wait! Ano 'yong sinasabi mo sa aking ako ang matagal mo ng hinahanap? Hindi ko maintindihan, eh! Ano bang pakialam ko sa inyong mga anghel?" sunod-sunod kong tanong.
"Nais ko sanang sabihin sa iyo ang lahat ng aking nalalaman, ngunit labag ito sa batas naming mga anghel. Hanggang doon na lamang ang maaari kong sabihin sa iyo." He averted his eyes from me.
Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo at inialok niya sa akin ang kaniyang mga kamay. "Halika na't ihatid na kita sa iyong tahanan." Alok niya sa akin.
Tinanggap ko na lamang ang kaniyang tulong at hindi ko na tinangka pang buksan ang aking labi. Sabi niya kasi hanggang doon na lang ang maaari niyang sabihin.
Ano ba 'yang mga batas niyo? Kakaiba ba iyan sa batas ng mga tao? Edi sana hindi ka na lang nagkuwento kung bawal naman palang ilahad ng buo!
"Bagama't hindi na ako isang anghel, pero ang mga abilidad ko ay nasa akin pa rin. Ano mang tumatakbo sa iyong isip ay nalalaman ko," bigla na lamang n'yang sabi. Natigilan ako sa paglalakad.
Okay, shut up na lang ako.
Papadilim na ang paligid, ngunit malayo pa raw ang lugar kung saan ako tutuloy. Ang daming mga huni ng kuliglig kaming naririnig. Nakakatakot, hindi ako sanay sa ganito. "Sa muli n'yong pagkikita, pigilan mong muling mahulog sa kaniya dahil baka maulit na naman ang inyong nakaraang kapalaran!"
Tangka na akong magtatanong sa kaniya, ngunit bigla na lamang siyang nawala. Kung saan-saan ko iginala ang aking paningin ngunit bigo ako na makita siya. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.
Bakit ba sinasabi nila na huwag daw akong muling mahulog sa kaniya o huwag na ulit kami magkagustuhan? Eh, hindi ko pa nga nakikita ang sugong sinasabi nila sa buong buhay ko!
Hawak-hawak ko ang aking malaking maleta. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Parang may sariling isip ang aking mga binti at alam nito ang lugar kung saan dapat ako tatahak.
Tuluyan ng dumilim ang buong paligid. Tanging flashlight lamang sa cellphone ko, at liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag upang makita ko ang daan. Bakit ba ako minamalas nang ganito?
Nagpahinga na muna ako saglit at sinubukan kong buksan ang aking data upang makapag internet, ngunit walang internet. Balewala rin itong cellphone. Hindi man lang ako nakapag-paalam sa mga kaibigan at mga boyfriends ko.
Napatingin ako sa kalangitan nang bigla na lamang may kakaibang bagay na tumunog mula roon. Isang napakalakas na pagsabog. Napaatras ako nang may malaking bulalakaw na papalapit at babagsak sa aking puwesto. "Fuck!" Napatakbo ako na lamang ako at nabitawan ko ang aking mga gamit.
Makaraan lamang ang ilang minuto ay tuluyan nang bumagsak sa lupa ang napakalaking bulalakaw. "Ano na naman ito?"
Dahan-dahan akong lumapit doon at napatakip ako sa aking bibig nang may nakita akong isang lalaking hubo't hubad. Nagbabaga ang kaniyang buong katawan at katulad ni Manang Georgina at ng isa pang anghel kanina ay may pakpak din siya.
Napakaganda ng hubog ng kaniyang katawan. Tila isang kakaibang creature ang nasa harapan ko ngayon. Dinaig niya pa ang super model sa mga magazine. Tinakpan ko ang aking mga mata. "Gising! Gumising ka!"
Kapag hinawakan ko siya ay baka mapaso ako. Tapos nakahubad pa siya, kaya mas lalong hindi ko siya puwedeng hawakan. "Buhay ka pa ba?"
Tinanggal ko ang pagkakatakip ng kamay sa aking mga mata. Ganoon na lamang ang aking pagkabigla nang makita ko siyang nakatayo na sa aking harapan.
"Yawa!" Napasigaw ako pagkasilip ko sa kaniyang pang-ibabang bahagi ng katawan. Wala siyang saplot na kahit ano!
"Maligaya akong makita ka, Evangeline. Ako ang iyong anghel, ako ang sugo na siyang makakapag-pabago sa iyo. Ako si Vicente, na itinalagang makasama mo sa mundong ibabaw," malalim ang kaniyang boses na pagpapakilala.
Laglag ang pangang, pinakatitigan ko ang kaniyang postura. Hindi ako makapaniwala na may ganitong kaguwapong anghel. Hindi ako makapaniwalang nakahubad siya ngayon sa harapan ko.
"Sa loob ng tatlong buwan ay magkakasama tayo. Kailangan kitang baguhin bago ako makabalik sa mundong aking pinagmulan. At isang paalala, mahigpit kong ipinagbabawal na huwag na huwag kang iibig sa nilalang na kagaya ko. Hindi ka puwedeng umibig sa akin kahit na anong mangyari." Para lamang siyang robot na nagsasalita. Kung hindi lang siya anghel ay baka nahalikan ko na siya.
"Alam ko ang mga nasa isip mo, itigil mo 'yang binabalak mo. Isang kasalanan ang pagnanasa mo sa akin." He glared at me and took a deep breath.
Bumalik ang aking tamang pag-iisip. Masiyado akong nalunod sa kaniyang nakakaakit at makalaglag underwear na kaguwapuhan. Hindi ko namalayang nakahubad pa rin pala siya kung kaya't paglapit ko sa kaniya'y sumanggi sa aking puson ang kaniyang kahabaan.
"Bastos!" Itinulak ko siya, ngunit kumurba lamang sa isang ngiti ang kaniyang labi. "Pervert! Hindi porque guwapo ka ay puwede mo nang ipakita sa akin 'yang alaga mo!"
"Ikaw ang lumapit sa akin at nababasa ko sa aking isip na nagustuhan mo rin ang nangyari. Hindi mo 'yan maipagkakaila pa. Maaari ba akong makahiram ng kasuotan sa 'yo?" He smirked.
My cheeks reddened. Nakakahiya. Kahit anong pagtanggi ko ay hindi ako makakapagsinungaling sa kagaya niya. Patakbo kong kinuha ang over size t-shirt at short na puwede sa lalaki't babae. Ibinato ko 'yon sa kaniyang mukha. "Magsuot ka na riyan!" Naiinis akong tumalikod.
Tumawa lamang siya nang malakas. "Ang alin mang pagnanasa sa isip mo ay huwag mo nang ipagpatuloy pa at baka tayo'y makagawa ng kasalanan at maparusahan ng kataas-taasan." Naramdaman ko na lamang na nakaakbay na pala siya sa akin. Itinago na rin niya ang kaniyang mga pakpak. Mabuti na lang.
"Masakit ang aking mga binti dahil sa pagkakabagsak ko mula itaas patungong kalupaan kung kaya't hayaan mong gawin kitang aking mga paa."
_____________________
Don't forget to vote, comment and follow. Thanks alot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top