Chapter 4
Chapter 4
Isang kubo sa gitna ng isang liblib na lugar. Doon ako dinala ng mga kumidnap sa akin. Tahimik ang lugar at isolated. Napakaperpektong hide out sa kanila nito dahil kahit magsisisigaw ako, walang makakarinig sa akin. Walang sasaklolo.
Marahas akong hinawakan ng isa sa mga kidnapper ko at hinatak papasok doon sa kubo. Sa loob ay may dalawang lalaki pa ang nag-iintay sa amin.
"Boss, nandito na kami!" sabi nung lalaking nakahawak sa akin. Binitiwan niya ako at itinulak papalapit doon sa lalaki na kung tawagin niya ay boss.
Kahit na may takip ang mukha nung boss nila, kitang kita ko pa rin ang mala-demonyong ngiti na gumuhit sa labi nito.
"Skye Bernardo! Buti naman nandito ka na!" tinanggal niya ang takip sa bibig ko at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. "Alam mo bang ikaw ang magdadala ng swerte sa buhay namin ngayon? Siguro naman, kayang kaya ng pamilya niyo ang isang milyon?"
Hindi ako nagsalita, instead, tiningnan ko lang siya sa mata. May mga luhang tumutulo sa mata ko pero pilit kong ipinakita ang galit na nararamdaman ko.
"Hindi ko gusto 'yang mga tingin na 'yan!" sigaw niya sa akin at hinawakan niya ako sa mukha. "Gusto mong durugin ko 'yang mukha mo, ha?!"
Hindi pa rin ako nagpatinag. Hindi ko hinayaang ipakita sa kanila ang takot ko. Kung may masama mang mangyari sa akin, ayokong mawala sa mundong ito na puro pag iyak at pag mamakaawa lang ang ginawa sa mga taong ito na halang ang kaluluwa.
"Aba't nakakaubos ka na ng pasensya ha!" sigaw ulit nung lalaking kung tawagin nila ay boss. Inambaan niya ako ng kamay at napapikit na lang ako habang inaantay ang palad niya na dumapo sa mukha ko, pero walang dumating. Instead, narinig kong nagsalita si Dash.
"Nangako ka sa akin. Sabi mo kahit hibla ng buhok niya, hindi mo gagalawin. Sumunod ako sa utos mo, kaya sana matuto kang tumupad sa pangako mo."
Napadilat ako at nakita ko si Dash na nakahawak sa wrist nung boss nila na kasalukuyang naka-amba pa rin sa ere.
"Bakit, Dash? Wag mong sabihing kaibigan mo ang babaeng 'to?"
Iniwas ni Dash ang tingin niya. "Hindi ko siya kaibigan. Sadyang hindi ko lang masikmura ang pinag-gagagawa niyo."
Nabigla ako nang tumawa ng malakas ang pinaka-boss nila habang tinatapik tapik sa braso si Dash. Sa kabilang banda, bakas kay Dash ang pagkainis.
"Hahahaha! Nakakatawa ka talaga, bata! Ang bobo ng pag-iisip mo! Hindi mo masikmura 'to?! Eh samantalang sa ating lahat, ikaw ang may pinakahigit na pangangailangan para gawin ito." Biglang lumapit sa akin ang boss nila at inakbayan ako. "Itong babaeng 'to, siya ang magsasalba sa inyong mag-ina! Kaya wag kang makikialam sa kung ano ang gagawin ko sa kanya!" Binigyan niya ako ng isang nakakalokong ngiti atsaka niya hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng mga daliri niya.
"Ano ba?! Lumayo ka sa'kin! Don't touch me with that filthy hand of yours! Just let me go, pig!" Pilit akong nagpupumiglas sa kanya, but with no avail. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Ang nakakainis, mukhang tuwang tuwa pa siya.
I blinked the tears that are starting to form in my eyes. Ayoko nang umiyak. Alam ko namang kahit ano'ng pag ngawa ang gawin ko, hindi ako pakakawalan ng mga ito.
Hinatak niya ako paupo sa isang silya at doon ay ginapos niya ako. Nagsilapitan sa akin ang iba pang mga holdaper. Napatingin ako kay Dash. He's raging with anger pero hindi siya kumikilos. I saw how his hand balled into fist at alam kong gustong gusto niya nang manapak.
I looked away. Sa inaasta niya, alam kong hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari. Pero kahit ganoon, hindi mawala-wala ang sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya.
Mukha atang nagkamali ako ng lalaking minahal.
~*~
*DASH ESGUERRA'S POINT OF VIEW*
"Isang milyon, katumbas ng buhay ng anak mo," sabi ni Tito habang kausap niya ang mga magulang ni Skye sa telepono.
Napalingon ako kay Skye. Nakatingin lang siya ng diretso at wala siyang imik. Ni-hindi siya sumisigaw at umiiyak. Nakaupo lang siya doon pero kitang kita sa mata niya ang galit.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko na maisip kung gaano katindi ang galit niya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, eh. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa. Alam kong kahit ganyan ang inaasta niya, natatakot siya. At kahit ako rin, hindi ko maalis ang pangamba sa dibdib ko. Sabi ko po-protektahan ko siya. Sabi ko ilalabas ko siya rito ng buhay. Pero sa nakikita ko, hindi ko alam kung mapapanindigan ang pangako kong 'yon.
Napatingin ulit ako kay Skye at sa pagkakataong 'to, nagtama na ang mga paningin namin. Katulad ng mga tingin niya sa mga kasamahan ko, ganoon din niya ako tingnan. Puno ng galit at pagkamuhi.
Hindi ko siya masisisi. Malamang iniisip niya na kaya ko siya nilalapitan noon ay dahil sa plano naming ito. Alam kong kahit kailan, hinding hindi niya ako mapapatawad.
Lumapit si Tito at hinila niya ang buhok ni Skye.
"Gusto niyong marinig ang boses ng anak niyo? Sige, pagbibigyan ko kayo."
"Humingi ka na ng tulong sa mga magulang mo," sabi nito ng may kasamang mapanlokong mga ngiti sa labi niya sabay tapat ng cellphone sa tenga ni Skye.
"Dad, mom, don't worry. I'm okay. Masyado lang mapagbiro ang kaibigan ko. Wag niyo siyang pansinin."
Dahil sa gulat ko, bigla ko na lang naisigaw ang pangalan niya. "Skye!!!"
Tumingin siya sa akin, puno pa rin ng galit ang kanyang mga mata.
'Please sumunod ka na lang sa kanila. Please ' bulong ko sa sarili ko. Alam ko kung gaano ka-ikli ang pasensya ng boss namin. Natatakot ako na baka mamaya ay hindi na nito mapigilan ang sarili niya. Si Boss, wala siyang takot na manakit ng iba. Kayang kaya niya ngang pumatay ng tao, eh. Ilang beses na bang nalagay sa piligro ang buhay ko sa mga kamay niya? Ilang latay ng latigo na ba ang natamo ko?
Nakaramdam ako ng matinding galit. Hindi ako makapaniwalang itinuring ko na ama ang demonyong 'to.
Nagitla ako nang biglang sampalin ni Boss si Skye na halos matumba sa kinauupuan nito gawa ng lakas ng sampal sa kanya. Hinawakan kong maigi ang baril na nasa bulsa ko at inihanda ko ang sarili ko na bunutin ito in case may gawing hindi maganda si Boss.
"Wag niyong sasaktan ang anak ko! Payag na 'ko sa gusto niyo!" dinig kong sigaw mula sa kabilang linya.
Natigilan si Boss at biglang napangiti. "Madali naman pala kayong kausap eh. Bibigyan ko kayo ng tatlong araw para ihanda ang hinihiling ko. Tatawag ulit ako sa inyo para sabihin ang lugar na pagdadalhan niyo ng pera. Wag kayong magkakamaling magsumbong sa mga pulis. Isang kalabit ko lang ng baril, sasabog ang ulo ng anak niyo!"
Tinitigan ko si Boss habang nakikipag-usap siya sa mga magulang ni Skye. Pinag-sisisihan ko talaga ang araw na dumating siya sa buhay namin ni Mama.
Dati kong hinangaan ang lalaking 'to. Mabait siya sa amin. Siya ang nag-ahon sa amin ni Mama sa hirap. Akala ko, tunay niyang mahal ang mama ko, kaso hindi. Ginawa niyang pampalipas oras ang nanay ko. Binaboy niya ang pagkatao nito at ginamit. Ngayon naman, ako ang ginagamit niya.
Naaksidente si Mama at wala akong maipangbayad sa ospital. Para sa isang part time working student na nagtatrabaho sa isang fastfood chain, saan ako kukuha ng pangpa-opera sa nanay kong nag-aagaw buhay?
Nilunok ko ang pride ko at lumapit sa hayop na lalaking 'to. Sabi niya may paraan pa. Hindi ko inaasahan ang paraan na sinasabi niya ay ang pag gawa ng krimen na ganito.
Easy money daw. Tama siya, easy money nga. Pero pag namatay ka, panigurado, masusunog ka sa apoy ng impyerno.
Hindi ako pumayag sa mga pinaplano niya. Hindi ko kayang gumawa ng masama. Pero binlack-mail niya ako. Sabi niya, papatayin niya si Mama.
"Dahil wala kang maipangbabayad sa operasyon ng nanay mo, ba't hindi ko na lang siya tuluyan, 'di ba? Tutal doon din naman patungo 'yon."
Iyon ang eksaktong sinabi niya sa akin.
Doon ko napagtanto kung gaano kahalang ang kaluluwa ng taong 'to. Dapat una pa lang, hindi ko na siya pinagkatiwalaan.
Kahit matinding konsensya ang bumabagabag sa akin, tiniis ko para kay Mama.
Pero iba na nang malaman kong si Skye ang plano nilang dukutin.
Bakit sa lahat, siya pa? Bakit 'yung babae pang matagal ko ng gusto?
Sinubukan kong pigilan na matuloy ang plano nila, pero wala akong nagawa. Natuloy ang plano. Nasa kamay ng masasamang tao ang babaeng mahal ko—at isa ako sa mga taong 'yun.
Si Skye ang naging kapalit para mabuhay ang nanay ko.
*END OF DASH'S POINT OF VIEW*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top