Chapter 3

Chapter 3


"Pare ang bango niya!" hinawakan nung lalaking katabi ko 'yung buhok ko at inamoy niya ito. "Amoy mayaman!" nagtawanan sila doon habang ako, iyak lang nang iyak. Wala na rin akong lakas para manglaban sa kanila. Napatingin ulit ako kay Manong Alfred. He's just looking straight ahead. Hindi siya tumatawa at nagsasalita. Gusto ko siyang sigawan at pagmumurahin. Hindi ko inakalang magagawa niya 'to. I felt so betrayed.

Itong mga taong nakapalibot sa akin, kinikilabutan na ako ng husto sa kanila. Parang ang saya-saya nilang makita ako sa ganitong kalagayan. Ayoko ng isipin ang mga pwede nilang gawin sa akin

Napapikit na lang ako at humingi ng saklolo sa alam kong makakarinig sa akin ngayon.

God, help me. Please, please, help me. Gusto ko na pong umuwi. Ayoko na rito.

"Miss, ba't ang kinis mo? Haha, tae mukhang bago pa tayo makarating eh 'di ko na mapigilan ang sarili ko!"

"Oh, pare, wag mo munang galawin! Patay tayo kay boss niyan. Kailangan muna nating mapagkakitaan ang babaeng 'to."

Nagtawanan silang lahat na ikinasanhi ng mas paghagulgol ko.

"Oooohhh, iiyak na siya oh!" kantyaw nung isang kidnapper sa akin tapos bigla niya akong niyakap. Nagpupumiglas ako at pilit na inilalayo ang sarili ko sa hayop na lalaking 'yon. "Aba, aba, lumalaban! Halikan kita diyan, eh!"

Gusto kong magsisigaw at pagmumurahin silang lahat. Gusto ko ring mag makaawa sa kanila na pakawalan na nila ako. Hindi ko magawa dahil sa nakatapal sa bibig ko kaya naman tanging pag-iyak na lang ang naging sagot ko sa mga pinag-gagagawa nila.

Pero ang hindi ko inaasahan, biglang itinulak nung kidnapper sa kabilang side ko ang lalaking nakaakbay sa akin. Katulad ni Manong Alfred, itong kidnapper na 'to ay tahimik lang din at hindi umiimik.

"Tsk! Ok, nakuha ko!" sabi nung kidnapper na nakaakbay sa akin kanina. "Napaka-boring mo bata! Pasalamat ka at anak ka ni Boss, kung hindi, nagulpi na kita!"

Hindi siya pinansin nito at sa halip ay ipinatong nito ang kanyang kamay sa aking balikat.

"Wag kang matakot, 'di ka naman namin gagalawin eh. Kailangan lang namin ng pera," sabi nito sa akin.

Bigla akong napahinto sa pag-iyak at napatingin sa lalaking katabi ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig at nakikita ko. Nakaka-gulat ang ginawa niya, pero ang mas nakakagulat, ang mga tingin niya, ang boses niya, kilalang kilala ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

Si Dash...

Biglang nag-flashback sa isipan ko ang lahat ng nangyari nung mga nakaraang araw. Lahat ng sinabi niya, biglang nag-sink in sa akin.

Kaya ba niya ako ayaw papuntahin sa birthday ni Charm dahil ayun ang araw na pinlano nilang pagdukot sa akin? Kaya ba siya humihingi ng tawad? Kaya ba niya ako hinalikan?

Napailing ako bigla. No. It can't be. Dash is not a kidnapper. He wouldn't do that to me. Alam kong hindi niya magagawa 'yon... alam kong hinding hindi niya magagawa 'yon..

"Oh, Miss Beautiful, ba't parang natulala ka? Nakikilala mo ba yang katabi mo?" sabi nung isang kidnapper na nasa likuran ko. "Panigurado, magugulat ka pag nalaman mo kung sino 'yan!"

Tiningnan siya ng masama nung kidnapper na katabi ko.

"Ang sama mong makatingin, bata!" ngumisi ang kidnapper na nasa likuran ko at bigla niyang tinanggal ang takip sa mukha ng katabi ko.

Napaiwas na lang ako ng tingin at hindi ko na talaga mapigilan pa ang luha sa paglabas mula sa mata ko nang makita ko ang mukha nito.

Masakit nang malaman na kasabwat nila ang driver namin na halos itinuring ko ng pangalawa kong ama. Pero ang malaman kong pati siya ay kasabwat dito? Nakakabaliw, ang sakit.

Hindi ko inaasahang magagawa sa akin 'to ng lalaking mahal ko.

Bakit si Dash pa? Of all people, bakit siya pa ang kailangang gumawa sa akin ng bagay na 'to? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top