Chapter 2

Chapter 2


"I'm starving! Grabe naman kasi 'yung pinagawa sa amin ni Direk kanina. Pinaluha talaga kami ng bongga," sabi ni Arly habang nag lalakad kami papuntang cafeteria para mag lunch break.

"Kaya pala mugto ang mata mo," sabi naman ni Charm habang hindi inaalis ang mga tingin niya doon sa Ipad niya.

"Ang hirap talagang maging artista. Pero mas mahirap pa rin ang humanap ng boyfriend," sabi ni Arly sabay tingin kay Charm. "Buti ka pa, Charm. May isang Jin na dumating sa buhay mo. Ano bang ginawa mo sa past life mo at grabe kang pinag-papala ngayon ha?"

Ngumiti lang si Charm kay Arly. "Feeling ko, matandang dalaga ako nung past life ko, kaya naman maswerte ako sa love life ngayon. Ikaw naman, siguro sagana ka sa love life dati kaya malas ka ngayon."

Sinimangutan ni Arly si Charm. "Tse! I cannot bear to be an old maid. Kailangan ko na talaga ng love life!"

"Eh sagutin mo na kaya 'yung manliligaw mong model?"

"Hmm. Hindi ko siya type, eh. Pero gwapo naman kaya pag-iisipan ko." Bigla akong kinalabit ni Arly. "Ikaw naman Skye, ba't kanina ka pa tahimik diyan?"

'Di ko sila pinansin at nag buntong-hininga lang ako. Hindi pumasok si Dash sa practice namin ngayon. Sabi ni Ms. Mila, hindi na raw sasali si Dash. Bakit kaya? Dahil kaya sa'kin? Pero ano naman ang ginawa ko sa kanya?

Naalala ko bigla 'yung mga titig ni Dash sa'kin nung nag pa-practice kami. Pati na rin ang paghawak niya sa kamay ko, sa bewang ko pati na rin sa pisngi ko. Tapos 'yung boses niya nung tinawag niya ang pangalan ko na parang makakapagbigay sa akin ng heart attack dahil sa grabeng pag lundag ng puso ko.

Napahawak ako sa pisngi ko at 'di ko maitago ang malalapad na ngiti sa mukha ko. Anak ng carabao naman! Kinikilig talaga ako kada maalala ko 'yun! Ba't ba kasi ang gwapo-gwapo ni Dash sa paningin ko? Tapos ang ganda pa ng mata niya, na talagang nakakatunaw naman pag tinititigan niya 'ko. Isa pa 'yung boses niya na nakaka-inlove! Lalo na nung sinabi niya ang napakaganda kong pangalan.

Ayun pa lang ang ginagawa niya, grabe nang kakiligan ang nararamdaman ko. Paano pa 'yung mga susunod?

"I think Skye's brain is already in outerspace."

Natauhan ako bigla nang makita ko si Charm at Arly na nakatitig sa'kin habang nakataas ang mga kilay nila.

"Are you with us? " tanong ni Arly

"Kayo naman oh! Sorry na, hindi ko lang talaga makalimutan 'yung nangyari kahapon." Depensa ko sa mapanuring mga tingin nila. Nai-kwento ko rin kasi sa dalawa lahat nang nangyari kahapon. "Alam niyo 'yung hanggang ngayon eh abot sa kasukdulan ang pagkakilig ko?" Napahinga ako ng malalim sabay ngiti. "Hay, ang gwapo talaga niya," nag lakad naman ako patalikod habang nakatingin kina Charm at Arly. "Ang sarap talaga ma-inlo—ouch!"

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong bumangga sa pader, este sa dibdib ng isang tao. Hinarap ko kung sino 'yung nagmamay-ari nang mala-pader na dibdib na 'yun para mag-sorry.

"I'm sorr—Dash?!"

Tinitigan ako ni Dash ng seryoso. Napalunok naman ako bigla. Kanina pa ba siya diyan? Narinig kaya niya yung mga sinabi ko? Naku naman, nahihiya ako!

"Skye..."

Halos tumigil ang paghinga ko nang sabihin na naman niya ang pangalan ko. Ano bang meron sa lalaking 'to at boses pa lang niya eh pamatay na?

"W-w-why?"

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Pwede ka bang sumabay sa akin na mag lunch?"

"H-ha?"

Hindi naman ako nagkakamali ng dinig, 'di ba? Inaalok niya akong mag-lunch kasama siya! Tama ako ng dinig, 'di ba?

"Ah!" Napaharap naman kami bigla kay Arly nung sumigaw siya. "May gagawin pa nga pala ako! Ikaw ba Charm?"

"Huh? Ah, yeah, me too." Tiningnan ako nung dalawa. "Skye sumama ka na muna sa kanya, okay? Kakain lang kami sa labas," sabi ni Charm then they both gave me a meaningful smile sabay takbo palayo sa amin.

Mga tunay talaga kayong kaibigan. Alam na alam niyo kung kelan kayo dapat mag-disappear! I so love you both!

"Tara?" aya ni Dash sa akin.

"Sige..."

Sabay kaming nag lakad ni Dash papunta sa cafeteria ng University namin. Walang umiimik ni isa. Nakakailang. Pero bukod doon, halos mag hyperventilate ako sa kilig. Susme, para akong bumabalik sa pagka-High School! Ang pakiramdam ko ngayon, parang first time akong nginitian ng crush ko.

Pero ba't kaya ako naisipang yayain ni Dash na sabayan siyang mag-lunch? Hindi naman kami close, eh. Teka, baka naman mag tatapat na siya sa akin ngayon kaya niya ko niyaya? Baka aaminin na niya sa'kin na matagal na siyang may lihim na pagnanasa—este—pag tingin sa akin!? Oh my crocodile! Anong ire-react ko? Sasagutin ko na ba siya agad-agad o magpapakipot muna?

Lord, ito na ba talaga? Magkaka-lovelife na ba talaga ako? By the end of the day, maiiba na ba ang relationship status ko sa Facebook?

Nang makarating kami sa cafeteria, tinanong ako ni Dash kung ano ang gusto kong kainin. Sabi ko, isang burger lang.

"Sure ka? Mabubusog ka na ba doon?"

"Ah, yeah. I'm not that hungry pa naman," sagot ko rito kahit na hindi ako nakapag-breakfast kaninang umaga. Bago ako yayain ni Dash, gutom na gutom na ako noon. Pero ngayon, parang nag-evaporate ang gutom na nararamdaman ko at napalitan ng paruparo ang aking tyan.

Bumili na si Dash ng pagkain namin habang ako naman, nag-iintay sa table sa may sulok na bahagi ng cafeteria. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ninenerbyos talaga ako. Hindi naman ako sasabak sa isang job interview pero kabadong kabado talaga ako.

Eh kasi naman, nag a-assume talaga ako na magtatapat siya sa akin ngayon. As in now na! Alam kong masyado akong advance mag-isip at masama ang naga-assume. Pero ano pa ba ang pwedeng maging dahilan ng pagyayaya niya sa akin?

"Okay ka lang?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko siyang magsalita mula sa likod ko. Inilapag niya ang tray sa lamesa at agad ko namang kinuha 'yung sandwich na binili niya para sa akin.

"Y-yeah, I'm fine."

Oo, okay lang ako. Okay lang at kinikilig!

"Ah," tanging sagot lang niya then we eat in silence. Nakakabingi. Wala ni isa samin ang nagsalita.

"Uhmm...gusto mo palagi rito pumwesto 'no?" tanong ko sa kanya to start our conversation. Nagiging awkward na kasi ang katahimikan namin. Mukha kaming sira rito. Magkasabay nga kumain pero hindi naman nag-iimikan.

"Tahimik kasi sa pwesto na 'to," sagot naman niya sa akin.

"Oh, I see."

Katahimikan ulit. Why is he giving me an answer na wala akong pwedeng ipang-follow up na question?! Nakakainis naman!

Yumuko na lang ako at muling itinuloy ang pagkain ko.

Seriously, bakit ba niya ko niyayang sumabay sa kanya tapos hindi naman niya ko pinapansin dito? Ako pa tuloy ang mukhang trying hard na makipag-usap sa kanya!

Teka, baka naman kumukuha lang siya ng tyempo para magtapat sa akin? Syempre nahihiya pa siguro siya at iniisip pa maigi kung ano ang sasabihin niya sa akin.

Pwede na naman ang simpleng... "Skye, I like you ," eh. 'To talagang si Dash, ine-excite ako eh!

"Skye..."

Napaangat bigla ang ulo ko dahil sa sobrang gulat nang banggitin niya ang pangalan ko. Nakita ko ang nag-aalangan na expression sa mukha niya.

Naku po, eto na nga! Kahit ako, kinakabahan!

"B-bakit?"

Huminga siya ng malalim. Eto na, bumibwelo na siya! Anak ng crocodile!

"Skye..."

"Yes?"

Skye nang Skye! Sabihin mo na kasi! Tokwa naman!

"Talaga bang aalis ka this Saturday night?"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa tanong niya. Ano baaaa?! Akala ko magtatapat na, eh! Biglang napunta na naman ang topic namin sa pag-alis ko sa Sabado! Ano ba talaga ang meron?!

"It's my best friend's debut. Ano ba talaga ang meron, Dash?"

"Hindi mo ba pwedeng palagpasin na lang ang araw na 'yun?"

Napabuntong-hininga ako. Ba't ba ayaw niya akong pumunta sa birthday ni Charm? Yayayain ba niya ako sa araw na 'yun? Bawal ba sa ibang araw na lang kami mag-date?! Pwede namang ngayon, eh. Sasama ako sa kanya, agad-agad!

"I need to be there. It's Charm's special day."

Napahinga ng malalim si Dash.

"Wala na talaga akong choice," halos pabulong niyang sabi.

"Choice? Na ano?"

Tiningnan ako ni Dash at umiling siya. "Wala. Sige Skye, I need to go." Tumayo siya sa kinauupuan niya.

"Teka, hindi ka pa tapos kumain!"

Hindi niya ako pinansin at tinalikuran ako.

"W-wait, Dash..."

"I'm sorry, Skye." After that, tuluyan na niya akong iniwan doon.

~*~

"Hey Skye-high, magdamag ka nang naka simangot diyan! Ano, paslangin na ba natin si Dash?" sabi ni Charm sa akin habang nakasilip siya doon sa may dressing room at isinusukat ang gown niya.

Nandito kami ngayon sa boutique kung saan ipinagawa 'yung gown ni Charm para sa debut niya, pati na rin 'yung mga gowns ng mag sasayaw sa cotillion niya. Kasama kami ni Arly doon, kaya naman sumabay na kami sa pagkuha ng gown niya.

"Eh kasi naman nakaka-badtrip talaga si Dash. He's the one who asked me para sumabay sa kanya na mag lunch then all of a sudden, iiwan niya akong mag-isa doon. Nakaka-badtrip talaga! Abnormal ata ang taong 'yun! I hate him!"

"Well, at least he paid your lunch," sabi ni Arly.

I rolled my eyes, "yeah, right. A sandwich worth fifty pesos. Napaka-laking utang na loob ko na 'yon."

Bukod sa pagka-bad trip ko dahil iniwan ako ni Dash, hindi ko talaga malaman kung bakit parang ayaw niya akong paalisin sa Sabado. Ano bang meron? Para tuloy akong biglang kinabahan.

Kung sundin ko na lang kaya siya at wag na akong pumunta sa birthday ni Charm? Pero ano namang idadahilan ko kay Charm?

"Bagay ba sa'kin?"

Napatingin kami ni Arly kay Charm na kalalabas pa lang sa dressing room at suot-suot ang gown niya.

Me and Arly gasped at sabay pa kaming napa-"OMG".

"Charm, ang ganda-ganda mo diyan sa gown mo!" sabi ko sa kanya at nilapitan ko siya. She turned around to give us a better view on the gown she's wearing.

"Bagay ba talaga?"

"Naku girl, mas mai-inlove ang boyfriend mo sa 'yo diyan," sabi naman ni Arly.

Ngumiti si Charm. "I'm really excited! Ang tagal-tagal ko 'tong pinaghandaan. For the first time, hindi school uniform ang suot ko at hindi libro ang kaharap ko." Lumapit si Charm sa aming dalawa ni Arly. "Walang mawawala sa Saturday, ha? I want my two most important besties to be there. Pag wala kayo, hindi makukumpleto ang gabi ko."

"Oo naman 'no, bruha! Tinanggihan ko na nga 'yung isang commercial shoot offer para lang makapunta sa debut mo. Ganyan kita ka-love!" sabi ni Arly

"Ow, na-touch naman ako doon." Tumingin sa akin si Charm, "how about you Skye? You're coming, right? Please!"

Hay, hindi ko kayang tiisin si Charm. Isa pa, kitang kita ko na masaya siya ngayon. Dapat hindi ko na intindihin 'yung mga sinabi ni Dash.

Sa ngayon, mas gusto kong unahin ang best friend ko kesa sa lovelife ko.

Nginitian ko si Charm, "of course I will."

~*~

Friday afternoon, maaga akong umuwi para bilhin 'yung regalo ko kay Charm. May nakita kasi akong cute na cute na dress sa mall at alam kong babagay sa kanya 'yun. Mga bandang 7:00 P.M. na rin nung matapos akong mamili. Tinawagan naman ako ni Mommy at sinabi niyang pinasundo niya na ako sa driver namin dahil medyo malakas na rin ang ulan.

Lumabas ako sa mall papunta doon sa may parking lot. Hay talaga 'tong si Manong Alfred oh, ang hilig mag-park sa malalayo. Naka-heels pa naman ako ngayon.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, nagulat ako nang makita ko si Dash na nakaupo sa may bangketa at basang basa ng ulan. Ni hindi man lang niya naisipang sumilong para hindi mabasa. Pero ang mas ikinagulat ko ay nung makita ko ang expression sa mukha niya.

Parang may dinadala siyang malaking problema. 'Yung itsura niya, parang gusto niyang mag-collapse eh.

Gusto ko siyang lapitan at i-comfort ,pero hindi ko alam kung paano. Wala akong idea sa kung ano ang problema niya at mas lalong hindi naman kami gaanong close. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang pang-iiwan niya sa akin sa cafeteria kahapon.

But still...

Huminga ako ng malalim at nilapitan ko si Dash. Inilapag ko ang payong sa may balikat niya para hindi na siya maulanan. Napatingin naman siya bigla sa akin

"Skye?"

Nginitian ko siya, "mahirap magkasakit ngayon, lalo na madaming activities sa school."

Napatayo naman si Dash bigla at itinapat sa akin ang payong. "Ano bang iniisip mo? Bakit mo itinapat sa akin ang payong mo? Ikaw naman ang mababasa."

"Ok lang, nandun lang naman 'yung kotse namin sa 'di kalayuan. Sa'yo na 'yan."

"Pero..."

"It's alright." I gave him a reassuring smile at nag-wave na ko sa kanya at tsaka ako naglakad palayo. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang bigla niya akong hinatak.

"O-oy, Dash—!"

"Sumama ka sa'kin."

"Ha? P-pero... teka lang.."

Hindi niya ako pinakinggan at tuloy pa rin siya sa paghatak sa'kin hanggang sa makapasok kami sa isang eskinita.

"B-bakit tayo nandito?"

Nagulat ako nang biglang bitiwan ni Dash ang payong ko sabay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at isinandal sa pader.

"D-dash, teka b-bakit—?"

"Skye," huminga siya ng malalim at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Sorry. Sorry talaga. Wala akong choice at hindi ko ginusto 'yun. Sorry..."

"Ha? Sorry? Saan?"

"Kung magagalit ka sa akin, maiintindihan ko. Pero pangako, ilalabas kita doon ng ligtas at walang galos. Kahit ano'ng mangyari Skye. Tandaan mo 'yan."

Napa-kunot na lang ako ng noo dahil sa mga pinagsasasabi niya. Tatanungin ko na sana siya kung ano ba ang ikinahihingi niya ng tawad pero bago ko pa magawa, biglang hinawakan ni Dash ang magkabila kong pisngi. Tinitigan niya ako sa mata at bago pa mag sink-in sa isip ko ang mga nangyayari, naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.

Hindi ako makakilos o makapag-react habang nararamdaman ko ang malalambot niyang labi sa akin. Napapikit na lang ako at naramdaman kong inilagay ni Dash ang kanang kamay niya sa may likod ko habang ang kabilang kamay naman niya ay nasa pisngi ko.

Samu't saring emosyon ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung bakit niya sinabi ang mga bagay na 'yun o kung bakit niya ako hinahalikan ngayon.

Basta ang alam ko, gusto nang mag explode ng puso ko dahil sa pinag-gagagawa niya.

Nasa gitna pa ako ng pag-iisp nang bigla na lang humiwalay si Dash sa akin.

"S-sorry..." pagkasabi niya nun dali-dali siyang tumakbo palayo habang ako, naiwan doong nakatayo.

Iniwan na naman niya ako. Pero hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

Napahawak ako bigla sa labi ko at hanggang ngayon, parang nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Dash na nakadikit dito.

Holy Carabao! He kissed me! Dash kissed me!!

Pwede na ba akong mamatay sa kakiligan?

~*~

"Hay ang cute nilang tingnan," sabi ko kay Arly habang nakatingin sa kaibigan namin na nakikipag-sayaw sa pang 18th guy na nag-abot sa kanya ng rose—si Jin.

It's Charm's debut. Hindi ko maialis ang tingin ko sa best friend namin kasi napakaganda niya talaga ngayon. Malayong malayo sa nerdy look niya. Idagdag mo pa na para akong nanunuod ng eksena sa isang fairy tale-like romance movie habang nag-sasayaw sila ng boyfriend niyang si Jin.

"Hay, naiinggit talaga ako sa kanila. Kelan kaya darating ang akin?" tanong ni Arly habang nakatitig din doon sa dalawa.

Bigla akong napahawak sa labi ko at napangiti. Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sa'min kahapon ni Dash. Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya sa akin, pero hindi ko magawang isipin 'yun dahil sa halik niya. Naguguluhan ako at the same time, halos mabaliw ako sa kilig nang dahil sa halik na 'yon.

Lumingon ako kay Arly na kasalukuyang nakapangalumbaba habang pinapanood sina Charm. "Uhmm, Arly, pag bigla kang hinalikan ng isang lalaki, ano'ng ibig sabihin nun?" Diretsahan kong tanong sa kanya.

"Hmmm, most probably, that guy likes you."

Tiningnan ko si Arly at nginitian, "really?!"

"Yap!—wait a minute, ba't mo natanong?" Tinaasan niya ko ng kilay, "dearest bestie, may hindi ka ba kinukwento sa amin ni Charm?"

Napakagat ako sa labi ko, "well... kasi... you know..." I gave Arly a meaningful smile.

"OH. MY. GOSH! Don't tell me—? Oh my gosh! You and Dash—?..." napatakip siya ng bibig.

"Uhmm, h-he kissed me... under the rain." Napahawak na naman ako sa labi ko at naalala ko ang nangyari. I'm positive, hindi ako nag-iilusyon na nangyari 'yun kasi sinipon ako dahil nabasa kami ng ulan!

Pareho kaming nagpigil ng tili ni Arly. "Lucky girl! May gusto rin pala sa 'yo ang prince charming mo!"

"Sana nga! Pero oh my, talagang ang saya ko!"

Nang matapos ang debut, ikinuwento ko rin kay Charm ang mga nangyari and as expected, nagtitili rin ang bruha.

"Ikaw na talaga Skye-high! Umaariba na ang lovelife mo!" sabi niya with matching kurot pa sa tagiliran ko.

"Hay naku, kayong dalawa na ang may love life!" Arly pouted.

Inakbayan ko siya, "ikaw kasi, wag ng maging choosy sa lalaki at go na, mag entertain ka na ng mga suitors!"

"Hmm, tsaka na 'pag artista na talaga ko. Malay niyo, si Xian Lim ang manligaw sa akin! Bongga 'yun!"

Nagtawanan kaming tatlo.

"Sige Arly, go lang! Mangarap ka lang!" pang-aasar ko sa kanya.

"Tse! Just wait and see, Skye! Magiging boyfriend ko rin si Xian Lim!"

"Hay naku! Basta ako, kuntento na ako sa boyfriend ko ngayon," sabi naman ni Charm. "Group hug girls!" nagyakapan naman kaming tatlo ng mahigpit.

Well, may love life o wala, masaya ako dahil sa dalawang babaeng 'to. Ang sarap magkaroon ng mga tunay na kaibigan. Sobrang swerte ko talaga sa kanila

Bigla akong napahiwalay sa pagkakayakap ko sa kanila nang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag and saw our driver's name in my screen.

"Our driver's here. I think I need to go."

"Oww, sige Skye, ingat ka ha? Thank you sa pagpunta," sabi ni Charm at niyakap niya ako. "Too bad hindi ka makakapag-overnight dito."

"Oo nga eh. Maaga kasi kaming aalis ni Mommy bukas. May papanuorin kaming ballet performance."

I hugged Charm and Arly then sinagot ko na 'yung tawag sa akin.

"Hello, Manong Alfred? Nasaan na po kayo?"

"Ma'am Skye ,nandito na po ako sa may kanto malapit sa bahay ng kaibigan niyo," sagot naman niya mula sa kabilang linya.

"Sige po, punta na ko diyan."

Lumabas na ko sa gate ng bahay nila Charm at hinanap ko si Manong Alfred. Kaso paglabas ko, isang isolated na daan naman ang sumalubong sa akin.

Eh? Nasaan siya?

Tiningnan ko ang orasan. Alas-dos na ng madaling araw. Napabuntong-hininga na lang ako. Kahit kailan talaga si Manong Alfred, ang hilig magpark sa malayo.

Naglakad ako sa may gilid ng bahay nina Charm, pero wala naman siya doon. I was about to call him nang bigla may humintong isang van sa gilid ko at may nag-babaang mga lalaking pare-parehong naka-takip ang mukha.

Nanlaki ang mata ko nang makita ko sila. Bumilis ang tibok ng puso ko. I was about to run pero bago ko pa magawa, hinatak nila ako, tinakpan ang bibig at ipinasok sa isang van. Doon ay agad nilang tinalian ang mga kamay at bibig ko.

Teka, ano'ng nangyayari? Sino sila? Ano'ng gagawin nila sa akin? My heart is pounding really hard. Halos hindi ako makahinga sa sobrang kaba. Hindi ko na rin makuhang manlaban pa dahil sa grabeng panginginig ng buong katawan ko.

Napatingin ako sa bintana at ipinapanalangin kong sana hanapin ako ni Manong Alfred. Sana ma-realize niya agad na nawawala ako.

Sana...sana may magligtas sa akin.

"Paandarin mo na!" sabi ng lalaking nasa tabi ko doon sa naka-upo sa driver's seat.

"Okay, boss!" sagot naman nito.

Napatingin ako agad doon sa lalaking nagda-drive at nakita kong nakatingin din siya sa akin sa rear view mirror. Nagtama ang mga paningin namin. Halos himatayin ako nang mapagtanto ko kung sino siya.

Siya si Manong Alfred, ang driver namin.

My last ray of hope vanished into thin air. Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top