Chapter 1
Chapter 1
"Okay, Skye! It's your turn!"
I stood up and stepped in front of the class. The moment she turned on the music, my body automatically danced into the rhythm. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang katawan ko habang sinusundan nito ang bawat beat ng tugtog. I got a glimpse of my classmates with their envious eyes on me. Alam kong sa larangan ng pagsasayaw, mahirap akong tapatan. Paano ba namang hindi, the moment I learned how to walk, tinuruan na ata agad ako ng mommy ko kung paano magsayaw.
After the music stopped, I gave them my signature bow then I heard a round of applause.
"Perfect! You're really the daughter of Shelina Oler Bernardo!" said my professor.
I gave her a proud smile.
I am Skye Bernardo, the daughter of Kris Bernardo and Shelina Oler Bernardo. My dad is an entrepreneur and we own a five star hotel. My mom is a retired prima ballerina, pero sikat siya nung kapanahunan niya. Sa ngayon, I am an 18 years old college girl taking up theater and performing arts. I can sing and act pero ang pinaka forte ko talaga ay ang pagsasayaw like my mom. 'Yung pagkanta ko naman ay nakuha ko kay dad. Kahit pa mukha siyang seryosong business man, pag nakahawak na 'yan ng mic, naku, 'di niyo na siya mapipigilan sa pagkanta.
I guess I am so blessed having a talented and lovable parents. At hindi lang ako sa magulang maswerte kundi pati na rin sa kaibigan.
After ng dance class namin, naaninag ko agad mula sa pintuan ang isang babaeng kanina pa tanaw nang tanaw sa may entrance ng Dance Studio. Nang makita niya ako, kumaway siya. "Hey! Skye!"
That's Arly Lee, one of my best friends. Half-Korean siya and she's a year older than me, though we are both a third year college student. Dati kasi medicine ang course na kinuha niya dahil na rin sa family niya. Pareho kasing doktor ang magulang niya. They owned a hospital at dahil only child, siya ang naka-destined na magmana noon. Pero wala talaga siyang interes sa medicine. Lagi na lang siyang bagsak sa karamihan ng mga subjects niya. Though pinilit pa rin niyang magpatuloy nun dahil 'di rin naman niya alam ang gagawin niya sa buhay niya.
Kaso, dahil nga wala siyang interest sa pagdo-doctor, palagi na lang siyang nagpapanggap na masakit ang ulo, ang tyan at kung anu-ano pa para lang ma-excuse sa klase. And swear, lagi niyang naiisahan ang mga professors niya dahil award winning naman talaga ang pag arte niya to the point na kahit sino, mapapaniwala niya.
At doon niya na-discover ang tunay niyang talent –ang acting. Kaya ngayon isa na rin siyang theatre arts student tulad ko at acting naman ang kanyang forte.
"Arly! Matagal ka bang nag-antay?" Salubong na tanong ko sa kanya.
"Yes! What took you so long?"
"Sorry, medyo late nag-dismiss si Ma'am Mila. Let's go?"
"Yep, puntahan na natin si Charm. Nasa cafeteria na raw siya."
Sabay kaming naglakad ni Arly papuntang cafeteria. Agad naman naming natanaw si Charm na nakaupo doon sa usual place namin—sa may couch sa gilid na katabi ng bintana. As usual, bising-busy na naman siya sa pagbabasa ng libro at halos hindi niya namalayan ang paglapit namin ni Arly.
"Hey Charm! What's up?" Tinapik ni Arly si Charm sa balikat.
"Oh, you're here." Tiningnan kami ni Charm at nginitian sabay ibinalik ang tingin sa librong kanyang binabasa. Nagkatinginan na lang kami ni Arly at sabay na napa-iling. Pagka talaga nagbabasa ng libro si Charm, hinding-hindi namin siya makausap. Para kasing pumapasok siya sa ibang mundo eh.
Charm Watson is an English Major student. Para sa akin, sa aming tatlong magkaka-ibigan, siya ang pinaka pinag-pala sa lahat. Bukod sa above average niyang IQ, mayaman, maganda at siya lang din ang natatanging may love life sa amin. Nasa kanya na ang lahat! Samantalang kami ni Arly, tanging beauty, money at talent lang ang meron. Zero love life.
Marami namang boys na umaaligid sa amin. Si Arly, madalas 'yang makipag-date sa kung sinu-sinong mga commercial model na nakakasama niya. Ako naman, lagi ko silang tinu-turndown. Hindi sa masyado akong choosy—sadyang may isang tao lang talaga na nagpapa-tibok ng puso ko ngayon.
"Skye, look who's here."
Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Charm. Halos mapatigil ako sa pag hinga nang makita ko kung sino ang papasok sa may pintuan ng canteen.
Isang matangkad na lalaki na medyo may pagka-moreno ang kutis. Nakasuot siya ng kulay pulang t-shirt na tinernohan niya ng kupas na maong. Pero kung hindi mo papansinin ang weirdong get-up niya at magpo-focus ka sa mukha niya, makikita mo kung gaano kaganda ang mga mata niya. Para bang punong puno 'yon ng emosyon. Ang mga matang 'yon ang lalong nagpapa-amo sa mukha niyang talaga nga namang nakakaakit—kahit pa ang messy tingnan ng buhok niya ngayon.
"Your Prince Charming is here, Skye," bulong sa akin ni Arly kaya naman hindi ko maiwasan na kumawala sa labi ko ang isang ngiti.
He is Dash Esguerra, isang Senior Education Student. Nakasama ko siya once sa isang outreach program na sinalihan namin. Nakakwentuhan ko siya nung araw na 'yun. May pagka-deep siyang tao. At ewan ko ba, habang nagkukwento siya sa akin tungkol sa pagka-inis niya sa gobyerno dahil ang daming nagugutom na tao, hindi ko na magawa pang mai-alis ang tingin ko sa magaganda niyang ngiti. Simula nang araw na 'yun, naging curious na ako sa kanya. 'Yun nga lang, pag nagkakasalubong kami, ni hi o hello, wala. Ewan ko nga kung natatandaan pa niya ako, eh.
At masakit 'yun. Aba, sa ganda kong 'to, walang lalaki ang madaling makakalimot sa beauty ko! Kaso siya, waley, dedma.
Sinubukan kong mag-research tungkol sa kanya, pero bukod sa pangalan at course niya, wala na akong iba pang nalaman tungkol sa kanya. Nakakainis kasi dati noong High School ako, pag nagka-crush ako, kahit mismo paboritong brand niya ng underwear ay nalalaman ko. Pero ngayon, kahit ano'ng research ko tungkol kay Dash, wala akong mahagilap. Ang misteryoso niya masyado, pero weird, ang pagka-misteryoso niya ang nag tulak sa akin para mas lalo ko siyang kilalanin. Gusto kong mapalapit sa kanya.
Sinundan ko ng tingin si Dash habang papasok siya ng cafeteria at nag-tungo sa counter para bumili. Nakita ko kung paano niya kausapin 'yung babae sa counter para sabihin ang order niya. Nothing special, pero naiinggit ako. Sana ako na lang 'yung babaeng nasa counter para ako na lang ang kinakausap niya. Pinagmasdan ko siya kung paano niya buhatin ang tray ng pagkain niya at kung paano siya naupo sa pwestong hindi kalayuan sa table namin.
"Girl, matutunaw na si Dash sa lagkit ng tingin mo sa kanya. Kung lapitan mo na lang kaya siya, 'no?" sabi ni Arly sa akin.
"Oo nga. Mukhang mag-isa lang siya. It's your chance to make a move, Skye!"
"Eh ba't ako ang gagawa ng move? Dapat siya 'di ba? He's the guy!"
Charm and Arly rolled their eyes on me. I pout. "Why?! Did I said something wrong?!"
"You know what, Skye, alam naming maganda ka. Pero for Pete's sake! That guy doesn't know your very own existence! Kailangan mo munang gumawa ng move para mapansin ka niya and after that, makikita mo, siya naman ang gagawa ng move sa 'yo," sabi ni Charm.
Tumango-tango naman si Arly. "Oo nga! Oo nga! Makinig ka sa expert!"
Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang, kayang kaya ko naman talaga gumawa ng moves. Sisiw lang sa akin 'yan. Sus, expert ako sa ganyan! Pero kasi, palaging may exception at nagkataon na ang exception na 'yun ay si Dash. Presence pa lang niya, natitiklop na ako, eh.
Pero kung sabagay, mukhang tama nga naman sina Arly. Kailangan ko nang gumawa ng move kung gusto kong umusad-usad naman ang nakatengga kong love life.
Tumingin ako sa dalawa kong best friend. "What should I do?"
They both gave me a creepy smile that made me shiver. Ba't parang kinakabahan ako?
"Pinakasimpleng moves sa pagpapapansin. Um-order ka ng pagkain at maki-share ka ng table sa kanya," pag-papaliwanag ni Charm sa akin.
"Eeeeh, ayoko. I'm shy!"
"I'm shy your face! Arte mo! Gagawin mo ba o baka gusto mong ako na ang lumandi kay Dash?!" pagbabanta naman sa akin ni Arly.
Sinimangutan ko sila. "Ito na nga! Ito na! Gagawin na po!"
Tinalikuran ko sila at nagpunta ako sa counter para bumili ng lunch. Habang naglalakad ako patungo sa kinalulugaran ni Dash, halos humiwalay na ang puso ko sa katawan ko dahil sa sobrang nerbyos. Nangangatog din ang mga kamay ko.
Skye, what's happening to you? You're good at flirting, pero bakit ka ninenerbyos ng ganito? Ok, I need to relax. Kaya ko 'to. Tatabi lang naman ako sa kanya at wala namang kakaba-kaba doon, eh. Wala. Wala talaga.
Holy cow, my hands are trembling!
Huminga ako ng malalim at taas noo akong lumapit kay Dash looking oh-so confident while deep inside may iba't ibang explosion nang nangyayari dahil sa halong kilig at kaba na nararamdaman ko.
"Uhmm, excuse me." Napatigil si Dash sa pagkain at tiningnan ako. I gave him my sweetest smile. "May I sit here?" tanong ko habang itinuturo ko 'yung vacant seat sa tabi niya.
Tiningnan niya lang ako na parang nagtataka.
Oh, for Pete's sake Dash! Sumagot ka na bago ko pa maibagsak ang tray na 'to dahil sa nakakatunaw mong tingin! My gash!
"Bakit?" tanong niya sa akin habang bakas ang pagtataka sa mukha niya.
Jusko day. 'Yung puso ko nakarating na sa kisame. Biglang lumundag nang nagsalita si Dash, eh! One word lang 'yun! One word! Pero kinilig ako!
Pero ano ulit tanong niya? Bakit? Bakit na ano?
"Sorry?"
"Ah, sabi ko, ba't ka uupo rito?"
"H-huh? Ahmm I-I can't find any vacant seat."
"Hmm, 'di ba palagi mong kasama ang mga kaibigan mo? Bakit hindi ka sa kanila naki-table ngayon?" tanong niya sa'kin sabay tingin kina Charm at Arly.
Parang nabato ako sa kinatatayuan ko. I opened my mouth pero agad ko rin itong itinikom kasi hindi ko na malaman ang isasagot ko sa tanong ni Dash. Ano ba naman ito?! First move pa lang, buking na agad ako!
"Uy! Dash!" bigla akong napalingon doon sa tumawag kay Dash at nakita kong may lalaking papalapit sa amin. Agad-agad siyang dumiretso sa table ni Dash at naupo sa vacant seat sa harapan nito. "Kumain ka na pala, 'di mo man lang ako niyaya!"
"Sorry, kala ko busy ka pa kanina." Sabi ni Dash dito atsaka ibinalik ang tingin niya sa'kin. "Sorry, may nakaupo na, eh," sabi niya sabay turo doon sa lalaki.
"A-alright." Tinanguan ko sila at nag-lakad ako palayo habang pinapanalangin ko na sana bumuka na ang lupa at lamunin ako.
~*~
"Waaah!! Nakakahiya! Nakakahiya talaga! Ayoko nang mabuhay! Hayaan niyo na akong lamunin ng lupa! I cannot take this anymore! It hurts like hell! Huhuhuhu!"
Hinimas-himas ni Arly ang likuran ko. "Ok lang 'yan, best friend! Kaya mo 'yan! Mag move-on ka na lang at humanap ng bagong Prince Charming! Marami namang gwapo rito na marunong mag-appreciate ng magaganda."
"Eh siya lang talaga ang nag-iisa kong gusto eh! Kahit balandrahan niyo pa 'ko ng nag-gagwapuhang lalaki na may abs, siya pa rin ang gusto ko! Pero ang saklap, basted na 'ko Hindi ko na 'to kaya!
"Oh gosh, Skye, shut up! Ang OA na. Tama na, okay?" iritableng saway naman sa akin ni Charm.
Hinarap ko siya habang nakasimangot ako. "You're so mean! Palibahasa may gwapo, gentleman at loyal kang boyfriend! Hindi mo alam ang pakiramdam ng isang tulad ko na bigo sa pag-ibig! What kind of friend are you?!"
"A beautiful and wonderful friend? Anyway, wag ka ng magdepress-depressan diyan! Kung ia-analize mo ang mga pang-yayari kanina, maco-conclude mong interested din siya sa 'yo!
"Paano naman mangyayari 'yon, eh kita mo nga, ni-hindi niya ako pinaupo sa tabi niya?"
"But you said that he asked you kung ba't hindi ka sa amin tumabi, right?"
"Oh, eh ano naman ang konek nun?"(rephrase)
"Can't you see? Alam niyang kaibigan mo kami! Alam niyang lagi tayong magkakasamang kumain! Ibig sabihin, lagi siyang nakatingin sa 'yo! Maybe he likes you too. Sadyang torpe lang siya kaya ganun ang pakikitungo niya sa 'yo!"
Napatigil ako bigla sa sinabi ni Charm. Parang nag-evaporate ang lahat ng kahihiyan na nararamdaman ko.
She's right! Hindi naman madalas kumain si Dash sa cafeteria pero paano niya nalaman na lagi kong kasama sina Charm at Arly? Hindi kaya simpleng stalker ko rin siya, tulad ng pagiging stalker ko sa kanya?
Holy carabao! Kinikilig talaga ako!
Napayakap ako kay Charm. "I'm so lucky to have a genius bestie!"
Nakiyakap rin si Arly kay Charm. "Correction—we're so lucky! Not just you, Skye! Kaya Charm, pa-help naman sa assignment ko sa Algebra. You know how numbers are like boys to me—they're making me crazy."
The three of us laughed. Mahal na mahal ko talaga ang dalawang best friend ko na 'to.
"But girls, before anything else, don't forget sa Saturday ha? Wag na wag kayong mawawala sa birthday ko or else, end of friendship na talaga!" sabi ni Charm. Sa Saturday kasi ang most awaited event ni Charm—ang debut niya. Katakot-takot na nga na pagbabanta ang inabot namin ni Arly sa kanya, eh. Kaya bawal talaga kaming mawala sa event na 'yun.
"Of course, we will be there. Prepare yourself para sa gift ko sa 'yo!" I told her.
She grinned. "I am looking forward to it!"
The next day, maaga akong pumasok sa school dahil nag-volunteer akong magturo sa mga education students ng ballroom dancing. May culminating activity kasi sila sa P.E. nila at kina-kailangan nila ng mag tuturo dahil isasali sila sa dance fair. Hindi naman sapilitan, pero may extra credit pag nag-volunteer kami.
A few minutes pagkarating ko sa studio, dumating na rin ang dance instructor namin na si Ms. Mila. Agad naman niya kaming ipinakilala sa mga education students. After ng brief introduction, ipinaliwanag niya na ang gagawin namin.
"I'll teach you the steps one by one pero gagawin na agad natin ito by pair. So ngayon, mga education students, ipe-pair ko kayo sa ating mga dancers para may guide kayo sa bawat steps na gagawin natin. By height ang partnering so please stand up everyone and fall in line according to your height."
Sumunod naman kami sa sinabi ni Ms. Mila at pumila kami. Makikipila na rin sana ako kaya lang tinawag ako ni Ms. Mila at sinabing kailangan niya ako sa harapan para maituro niya nang maayos ang mga steps. Sinunod ko siya at nag-stay ako sa tabi niya doon.
Nag-start na ang dance lesson. Madali lang naman ang mga dance routines na ginagawa namin. Simpleng swing lang na sayaw with the tune of Sway ng Pussycat Dolls. Madali rin namang nakakasunod ang mga education students, siguro dahil natuturuan din sila ng maayos ng mga dance partners nila.
"Ok, good job!" sabi ni Ms. Mila nang matapos namin 'yung pang third routine. "Doon naman tayo sa next routine natin."
We're about to start our next routine nang biglang may nag bukas ng pintuan ng studio. Lahat kami ay napahinto sa mga ginagawa namin at napatingin sa kadarating pa lamang na estudyante.
"Sorry, I'm late."
Bigla akong napadiretso ng tindig at halos malaglag ang panga ko sa sobrang pagkabigla nang makita ko kung sino ang nasa may pintuan.
It's Dash Esguerra.
"Next time, hijo, pag na-late ka, hindi na kita pasasalihin. I don't want any late comers in my class"
"Yes ma'am. I'm sorry," he told her, expressionless.
Nag lakad na papalapit sa amin si Dash habang ako naman ay nakatulala at pinagmamasdan siya.
Wait, kasama siya sa section na 'to na tuturuan namin?! Totoo ba 'to?! As in dalawang Linggo kong makakasama si Dash sa ballroom dance class na 'to?!
Holy carabao! Sabi na, may maganda ring nai-dudulot ang pag vo-volunteer eh! Pinag-pala talaga ako!
"Okay, since you're late at wala ka nang makaka-partner, Skye will be the one who will guide you."
Napatingin naman ako kay Ma'am. "A-ako po?"
"Yes. Partner-an mo muna si Mr. Esguerra. Dito na lang kayo pumwesto sa harapan para may guide sila."
Lumapit sa akin si Dash and he gave me a quick smile. Parang biglang tumigil ang mundo ko.
Nangyayari ba talaga 'to? Hindi 'to panaginip? Makakapartner ko siya sa sayaw?! Ballroom dance to be exact! Can I die now?! Ay, wag muna pala! Tsaka na, pag tumanda na 'ko kasama ang lalaking 'to. Wahaha, pero my gosh, the luck fairy is on my side today!
"Ok, back to step one! Hold the hand of your partners side by side," utos ni Ms. Mila
Napalunok ako bigla sa sinabi ni Ma'am Mila. Shocks! Mahahawakan ko ang kamay niya! Ipinunas ko agad ang kamay ko sa may skirt ko. Baka kasi mamaya pawis na 'to eh gawa ng sobrang nerbyos. Teka pakiramdam ko, nanlalamig din ang kamay ko at parang nanginginig ang buong katawan ko!
Okay, Skye, kalma. Kalma lang. Pag dating sa pagsasayaw, ikaw ang reyna. Wala kang dapat ikatakot, kahit pa 'yung lalaking kinamamatayan mo ang ka-partner mo ngayon. Jusko Skye, kalma!
Pero bago ko pa makalma ang sarili ko, naramdaman ko nang hinahawakan ni Dash ang kamay ko.
"Hold your partner's hand daw," aniya.
"H-ha? Ah o-oo." Iniayos ko ang magka-hawak naming kamay. Para namang nakukuryente ang buong katawan ko dahil sa pagkakahawak niya sa akin.
"Okay, follow my lead!" dinig kong sabi ni Ms. Mila at nag start na siyang mag bilang. Sumunod kami ni Dash sa steps. Buti na lang kahit ninenerbyos na ako at parang may nagpa-fireworks display na sa puso ko eh nagawa ko pa ring makapag-sayaw ng maayos.
Si Dash lang pala ang makakapagpa-distract sa akin sa pagsasayaw.
Paano kasi, kakaibang feelings ang nararamdaman ko ngayon. Mixed emotions. Ganito pala ang pakiramdam pag unang beses mong nahawakan ang kamay ng taong mahal mo—nakakakuryente. Tapos ka-partner mo pa siya. Malaya mo siyang matititigan sa mukha.
Sabi sa akin ni Arly, gwapo raw si Dash, pero hindi kasing gwapo ng iba kong manliligaw. Ni-hindi nga siya marunong pumorma eh. Medyo may pagka-jologs pa. Pero kahit ganun, para sa akin, siya na ata ang pinaka-gwapong lalaki na nakilala ko. Well, sunod syempre sa daddy ko. Pinaka-gwapo pa rin 'yun, kasi sa kanya nagmula ang magandang genes sa katawan ko.
Anyway, iba pa rin pala ang ka-gwapuhan ng nilalang na ito kung titingnan mo siya sa malapitan. Hindi ko gaanong matitigan ang mata niya, pero napako naman ang paningin ko sa labi niya. Ang sarap kagatin. Tapos 'yung amoy pa ng pabango niya, nakaka-high. Para 'kong mababaliw...
"Skye!"
Bigla akong natauhan at nakita ko si Ms. Mila pati na rin 'yung iba pang dancers na nakatingin sa'kin
"Y-yes, ma'am?"
"What's wrong with you, Skye? Kanina ka pa nagkakamali sa steps. Nahuhuli na kayo nang galaw ni Dash. Please focus."
"S-sorry po!"
Nakakahiya! Unang beses akong nawala sa focus at nasita ni Ms. Mila! Sa kamalas-malasan, sa harap pa talaga ni Dash!
Ang laking distraction naman kasi nitong ka-partner ko, eh.
Nag-start na ulit 'yung first routine and I tried my best para wag magkamali kahit nanginginig ako. Magka-hawak kamay pa lang kami nito, nahihirapan na 'kong makapag-concentrate. Hindi ko na ma-imagine pa kung paano ako makaka-survive sa second routine.
Dumating ang second routine at napunta si Dash sa harapan ko. Binitiwan niya ang kaliwang kamay ko at inilagay ito sa shoulder niya habang 'yung free hand naman niya ay ipinalibot niya sa waist ko. Napatingin ako sa mukha niya at nag-tama ang mga paningin namin. Napalunok ako bigla.
"Tama ba ang position ko?" tanong niya sa'kin habang 'di pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa mata ko ng seryoso.
"Ah, o-oo. T-tama."
Ginawa namin ang second routine. Tulad nang ikinakatakot ko, nagkamali-mali na ako ng mga steps. Naapakan ko na rin ang paa ni Dash pero hindi siya nagre-react. Nakatingin pa rin siya sa akin ng seryoso.
Halo-halo na sigurong emosyon ang naramdaman ko. Kaba, takot at kilig.
'Yung tingin niya parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ko alam kung ano. Alam kong importante ang eye contact sa pagsasayaw pero yung tingin niya kasi, kakaiba eh. At sa hindi ko malamang kadahilanan, para akong biglang kinabahan. But at the same time, hindi ko rin ma-i-alis ang tingin ko sa lalaking 'to. Ramdam ko ang sobrang pagka-ilang pero mukhang nag-glue na ata ang mata ko sa mata niya dahil hindi ko na 'to magawang ma-i-baba.
Nagulat ako nang biglang inalis ni Dash ang pagkakahawak niya sa waist ko at saka niya hinawakan ang pisngi ko using the back of his hand. Agad din naman niya itong ibinaba tapos hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka ako niyakap ng mahigpit.
"T-teka Dash...?"
"Skye," parang biglang nagtayuan ang balahibo sa katawan ko nang sabihin niya ang pangalan ko. "Kailangan mo ba talagang umalis sa Sabado?"
Nagulat naman ako sa tanong niya pati na rin sa pinag-gagagawa niya. Wala naman itong pagyakap-yakap na 'to sa routine namin eh! Tsaka isa pa, ano ulit 'yung itinatanong niya? Hindi ko gets...
Wait, is he asking me on a date?! As in totoo?! As in date agad-agad?! Waaaah!
Pero teka, aalis ako ng Saturday eh! Birthday 'yun ni Charm.
"Uhmm m-may lakad ako sa Saturday eh. Debut ng best friend ko," sabi ko sa kanya. "But I'm free this Sunday!" Agad ko namang pam-bawi.
"Wag ka na lang pumunta, please."
"Bakit?"
Kaloka. Ganoon niya ba ako ka-gustong makasama? Isang araw na postponed lang naman eh! Kahit buong araw pa kaming magkasama sa Sunday, okay lang!
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin at tiningnan ulit ako sa mata na para bang may gusto na naman siyang ipahiwatig. Bigla niyang inalis ang tingin niya sa'kin atsaka tumingin kay Ms. Mila.
"Ma'am, I think Skye's sick. Kanina pa siya nagkakamali eh. Isa pa, I need to go." Biglang tumalikod si Dash sa amin at naglakad palayo.
"Wait, Mr. Esguerra!" tawag ni Ma'am, kaso hindi siya pinansin kaya tumingin siya sa'kin. "Are you alright?"
"Y-yes."
Tiningnan ko ang likod ni Dash habang naglalakad siya palayo.
Ok, what was that?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top