Huling Kabanata
Maki Say's: Walang magrereact. Talagang ganito din yung orig version, mas mahaba pa ito. Hanggang dito na lang. :D Anyway, I was able to write 8,000 words so this should suffice.
WHIRLWIND ang title ng story ni Clover. Completed na. Dati pa. Hihi. Thank you for reaching this far! Matagal tagal din tayong nagkasama sa story na 'to, thank you for staying :)
----
The days may not always be happy and sunny, but for me, I was at peace. Nag-iintay ako ng delubyong babagsak muli sa harapan ko isang linggo na ang nakakaraan pero wala din namang nangyari. Sumubo ako ng pomelo na isinawsaw ko sa patis at sili, napangiwi si Meico at Tonio habang pinapanood ako.
"Ah! Ang baboy mo!" Maarteng napapikit si Tonio. Napangiwi ako at ibinaba ang pomelo na hawak ko. Nalungkot ako sa pandidiri nila.
"Sorry.." I burped.
"Hoy!" Mula sa likuran ay binatukan ni Clover si Tonio, "Palibhasa wala kang matres! Ganyan talaga ang naglilihi. Sige lang Calla, kumain ka pa." Inilahad sa akin ni Clover ang karagdagang pomelo. I smiled and eat happily. At least my twin accepts me for who I am.
"Okay, fine! Pupwede na ba nating pag-usapan ang future?" Tanong ni Tonio.
"Babalik ako sa States.." Paalala ko.
"Babalik tayo sa States pero hindi muna ngayon, you have to limit your travel dahil ang ibang nagbubuntis nga ng kambal ay kailangan ng bedrest. Sorry pero bawal tayong mag-inarte ngayon, para na din yan sa dinadala mo. And now, may I present to you, my business proposal, French perfumes, locally made by the Filipinos."
Napangiwi ako, mahinang hinampas ni Tonio ang kamay kong my hawak na pomelo. "I know what you are thinking! Malditang 'to! Ang peg ko kasi parang mga pabango sa ibang bansa, leveling ng Jo Malone, pero dito sa Pilipinas gagawin. Tinawagan ko na ang kaibigan kong chemist who worked with top International brand perfumes and he said yes."
"Oh, good idea." Tumango tango si Meico. "Something that will make the Filipinos proud."
"And the flagship store will be in our mall." Suhestyon naman ni Clover.
We all agreed with the idea. Baylan, that's the name of our perfume brand. Ang ilang scents naman ay ipapangalan sa iba't ibang bulaklak, prutas at iba pang mababangong bagay sa Pilipinas, rosas, sampaguita, lemoncito, presa, mangga, pulot at iba pa. The ideas were good actually. Tonio plans to ship it abroad and have it endorsed by international actors with Filipino roots.
Inabot na kami ng gabi sa pagkoconceptualize. Naubos na din ang kinakain kong pomelo at nautusan na din si Ashton ni Clover na bunili ng panibagong batch. Tumunog ang doorbell sa tahanan ng mga Jacinto at ako ang tumayo para pagbuksan iyon.
Napaatras ako nang makita ko si Lorcan, merong bitbit na dalawang plastic sa magkabilang kamay.
"This is heavy.." Napangiwi siya.
Nagsalubong ang kilay ko at agad na sinarhan ang maliit na gate pero iniharang ni Lorcan ang katawan niya.
"Aw.." Reklamo niya. Hindi ko din masarhan ang gate dahil naririnig ko ang pag-ungot niya na parang naiipit na pusa.
"Ashton asked me to deliver these. Bumalik siya sa opisina dahil may nakalimutan siyang puntahan."
"Ibaba mo diyan at bubuhatin ko na lang."
"Mabigat."
"Ipapabuhat ko sa iba, nandyan si Tonio."
"Pupwede ba kitang makausap?"
"Hindi ko gustong makita ka."
"Eh di sarhan mo ang pinto, tapos mag-uusap tayo.. Please. May mahalaga lang akong sasabihin."
Nakakaawa ang itsura niya. Parang pagod na pagod ang mga mata at nakasuot lang ng gray tshirt at jeans pero bumangon ang kakaibang inis sa puso ko. Bakit ba ako nagpa-buntis sa pangit na ito? Gayunpaman, sinarhan ko ang pinto. Narinig ko pa ang marahas niyang pagbuntong hininga.
"Bilisan mo, wala akong forever."
"Wala naman talagang forever, kaya alam kong mawawala din ang galit mo sa akin." Narinig ko siya sa kabilang parte ng gate. Napahalukipkip ako at sinamaan ng tingin ang gate na para bang nakikita niya.
"Nasa kulungan na si Margaux, hindi na niya kayo masasaktan."
Nagulat ako doon sa balita. "W-what? Paano?"
"I—I found out that she was the one who made my accident on purpose dahil hindi ko siya binabalikan."
"Nakakaalala ka na?"
"Hindi pa.." Frustrated na sagot niya. "But I investigated the matter. Isang bagay na sana matagal ko nang ginawa. My mother connived with Margaux after my accident because she needs my money." Pumiyok ang boses ni Lorcan. "I am sorry if I cannot send her to jail, dahil kahit pagbali-baliktarin natin ang mundo, nanay ko pa din siya. Kahit na pinapainom niya ako ng mga gamot para hindi ako makaalala."
"I am sorry to hear." Ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin ko. If he was betrayed by his own mother, it was really unfortunate of him.
"I am sorry if I doubted you. I am sorry. I know I have loved you truly. Kahit hindi ko maalala, lagi kitang napapanaginipan. The photos in our house proved that my dreams were true. That it really happened." Patuloy niya.
Kumibot ang labi ko. Pinakiramdaman ang nilalaman ng puso ko, I felt nothing there but great fear and anxiety. Laging ganito, magiging maayos ang lahat, magugulo muli, paano kung hindi ko na kayanin ang susunod pa?
"Alam mo namang hindi maidadaan sa sorry ang lahat hindi ba?" Puno ng hinanakit na wika ko.
"Alam ko."
"Iwanan mo na ang mga prutas at umalis ka na." Parang asido sa lalamunan ang mga salitang sinabi ko. Narinig ko na lang ang kaluskos ng plastic sa labas ng gate, ilang sandali pa ay tunog naman ng papalayong sasakyan.
---
"Special delivery!" Mabilis kong sinarhan ang maliit na gate na kumakabog ang dibdib. Wala si Clover at Avery, isinama sila ni Ashton sa trabaho kaya naman nang mayroong magdoorbell sa pinto ay ako ang dumalo.
"Calla naman.. Itinanong ko kay Clover kung ano ang gusto mo and she said you want cassava cake."
And there, he just said the magic word. Alam kong ang cheap nang ganito. Pero hindi ako pinatulog ng pagkatakam sa cassava cake na merong macapuno.
Binuksan ko ang maliit na gate at ang ngiting ngiting si Lorcan ang nadatnan ko, "Hi Love!"
"Don't talk." Iniangat ko ang daliri ko. "Kukunin ko ang cassava cake."
"Kailangan mo din akong papasukin dahil iniintay ko si Ashton." Masayang anunsiyo niya.
"Bakit hindi mo siya puntahan sa opisina niya?" Pinanliitan ko siya ng mata.
"Because he said to wait for him here. Bisita ka din naman ah, bakit ayaw mo akong papasukin?"
"Dahil wala ang mayari ng bahay!" I hissed.
"But you know me. Kinuha mo nga ang cassava cake na dala ko."
"Kasi ibinigay mo!"
"I also have a seven-part dvd about the universe, fresh from Amazon."
Pinanlakihan ako ng mata nang makita ang Universe: The Mega Collection. Fresh and unscathed, my eyes turned green, I am jealous!
"B-bakit ka meron niyan? They don't ship in the Philippines!" Iniabot ko ang DVD na ipinagparangalan ni Lorcan pero inilayo niya sa akin iyon. Napasimangot ako.
"And they only have two stocks left, I got one."
Napapikit ako, "Kapag pinapasok kita, hindi ibig sabihin pinatawad na kita. Kapag pinapasok kita, walang ibig sabihin. Galit pa din ako sayo." Kinalma ko muna ang sarili ko.
Ngumiti si Lorcan, lumiit ang mga mata niya at lumitaw ang dimples niya. "Yes, Ma'am."
"Do not attempt to do anything funny like kiss me. Do not kiss me, I don't like to be kissed." Patuloy kong habilin habang naglalakad kami papasok ng mansyon ng mga Jacinto.
"I don't want to be kissed, too. So please."
"What? Nakakainis ka." Nagpatiuna ako sa pagpasok sa bahay at binuksan ko ang cassava cake. I let him start the DVD at itinuon ko doon ang atensyon ko.
"Calla.." Three DVDs after, nagsalita si Lorcan, "I am sorry. I didn't mean to call our babies monsters. I am the monster."
"Yes, you are." I nodded.
"Sana mapatawad mo pa ako."
"Hindi pa ngayon. Ikaw pa din ang pinaka nakakainis na tao sa buong mundo."
"I know.. And it sucks."
"It is. Hindi ka pa ba uuwi?"
"I have to wait for Ashton."
It was an everyday ordeal. Kinailangan kong tiisin si Lorcan like he was part of the pregnancy, hindi ko lang siya kasama sa pagtulog because, hello. He can't just do that. Lagi niya lang idinadahilan si Ashton na pinapapapunta siya sa bahay na ito. I can smell connivance but I cannot protest, pamamahay pa din ito ni Ashton at Clover.
"Patawarin mo ako. Huhu!" Halos maglumuhod si Clover sa harapan ko kasabay ng malakas na pag-atungal. "Hindi ko gustong ipamigay ka. Huhu."
"Tama na, Clover. 'Wag ka nang magpaliwanag." Matabang kong sabi.
"No! Hindi ko talaga alam na merong surprise Carribean cruise ang asawa ko para sa akin. Alam mo namang hirap ako sa pagbubuntis kaya siguro gumawa siya ng paraan para marelax ang sperm cell niya at egg cells ko. They need to chill like a villain. Mabuti ka pa nga, magkakaroon agad ng kambal." Umirap sa akin si Clover, "Kung ano ano na nga ang the moves naming dalawa, nag-monkey bar na kami.."
"Monkey bar?! Paano niyo ginawa 'yon? Sumabit ka pagkatapos ay..."
"I don't want to be graphic, nakikinig ang anak ko!" Sabay kaming napatingin kay Avery na inosenteng kumakagat sa hiniwang mansanas na nakalagay sa high chair niya habang nakikinig sa usapan ng mga matatanda.
"Bakit ngayon pa? Si Tonio at Meico, sumama doon sa chemist patungong France. Ako lang mag-isa ang maghahanap ng suppliers ng perfume bottles?" Isa ito sa mga problema ko. Hugis babae pa naman ang mga pabango na naapprove naming design mula sa product designer. Mahal ang cost ng pagko-customize at hindi pa kami ganoon kaconfident para umorder ng napakarami.
"Ikaw naman, isang buwan lang naman kaming mawawala. Babalik naman kami. Pupwedeng ipagpaliban mo muna ang project natin para makapagpahinga ka."
"And how do you think I can rest with Lorcan?"
"Kailangan ng mag-aalaga sayo.."
"Pero ikaw na din ang nagsabi na hindi siya makakalapit sa akin! Sabi mo noon."
Nagbago ang mukha ng kakambal ko at biglang naging malambing.
"Kawawa naman yung tao, araw araw din namang nandito yon para icheck kayo ng kambal. Siya din naman ang nagbabayad ng check up at mga gamot mo. He's doing his responsibility. Biktima din naman siya, huwag na nating ipersecute yung tao.."
"Ano bang mahirap intindihin sa I cannot stand looking at his face for just a second? Tapos araw araw ko pang nakikita?! And now, pati sa gabi, magkikita kami?"
"Hindi din naman ako mapapalagay na wala kang kasama, kahit nakakulong naman na si Margaux, nakakatakot pa din na baka makalaya yon o mag-utos ng halang ang bituka para saktan kayo.."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Clover at naisip na meron siyang punto.
Merong nagdoorbell sa gate at alam ko na agad kung sino. I rolled my eyes. Patalon talon naman si Clover na lumabas nang bahay para daluhan ang 'bisita'. I prepared my tiger look, hate dripping on my veins but then my nerves relaxed when I smelled apple pie. Ang pinaglilihian ko ngayong linggo.
Ibinaba ni Lorcan ang apple pie sa harapan ko. Agad siyang nagtungo sa kusina at pagbalik niya ay meron na siyang dalawang cake knife, fork at plate. Like he's really living in this house with us.
"Kumusta ka na? May gusto ka pa ba?"
"Hindi ka na naman ba pumasok sa opisina?" Inis na sagot ko.
"Gusto ko lang malaman kung may kailangan ka pa." Pabulong na sabi niya.
"Kung may kailangan ako—"
"Naku, highblood na naman ang buntis. Ganyan talaga, Lorcan. Normal 'to." Pinandilatan ako ni Clover. "So, pupwede mo na siyang sunduin kahit mamaya."
"Hindi pa ako pumapayag.."
Mas lalong nandumilat si Clover, "Hindi ba, ang sabi ko, delikado, kapag ikaw lang mag-isa. Makinig ka."
I sighed.
"Don't worry, I promise that you won't see me. I will stay in another room if that's what you want." Singit ni Lorcan sa usapan.
"Of course yun ang gusto ko." Napahawak ako sa tiyan ko na nag-uumpisa nang magpakita. Out of instinct iyon. Mothers automatically feels connected with the child in their womb, an instant sign of protection and care shown by touch.
"S-sumisipa na ba sila?" Lorcan asked.
"Paano sila sisipa? Three months palang sila. Do your research." Pagsusungit ko.
"S-sorry. Kakabili ko lang kasi ng baby book kahapon. Plano kong basahin ngayon.."
"It is a common knowledge na hindi pa sila sumisipa sa first trimester." I rolled my eyes. Tumusok ako ng apple pie at isinubo iyon.
"Sorry.." Ulit niya. Pinaypayan ko ang sarili ko. Hot flashes, hindi ko mapigilan ang mainitan dahil sa hormone spike. Maagap na kumuha si Lorcan ng magazine at ipinampaypay iyon sa akin habang kumakain ako. Naging human electric fan siya hanggang sa maubos ko ang pagkain sa harapan ko at nagpaalam na din siya para umalis.
Nang makaalis na si Lorcan para sa trabaho ay nagsimula na din si Clover na sermunan ako.
"Bakit mo siya ginaganon? Kawawa naman."
"He deserves it."
"Bakit? Dahil nakalimot siya? Stop being unreasonable. Hindi niya gustong makalimot siya."
"I know hindi, anong magagawa ko? I hate him to bits."
"Well, Calla, siya pa din ang Tatay ng anak mo and he acknowledged his faults, he's trying to make up for his shortcomings. Dapat bago lumabas ang kambal ay maiayos niyo na yan."
"But I don't want to be with him anymore. Yun ang pakiramdam ko. Ideally, I need to be with him, pero dito sa puso ko, wala na akong maramdaman.."
May bumagsak na kung ano sa may maindoor ng tahanan ng mga Jacinto. Naroon si Lorcan, sa kanyang paanan ay basag basag na ceramic bowl at pasta. Nakatingin siya sa akin at pulang pula ang mga mata hanggang sa kanyang leeg.
Fear. It was the first thing that I feel. Ramdam ko ang halo-halong emosyon na pinipigil niyang sabihin.
"G-ganoon ba kalaki ang kasalanan ko? K-kasalanan ko bang maaksidente ako at makalimutan ang lahat?" Puno ng hinanakit na sabi niya. Hindi kami nakakibo ni Clover. Bakas ang kaba sa mukha ni Clover. Hindi ko naman maipaliwanag ang nararamdaman ko.
"Lorcan.." Clover called. I almost jumped when Lorcan started slapping his head. Malalakas na pukpok at paulit ulit. Napaluhod siya dahil doon.
"Lorcan, stop it.." Awat ni Clover. Ako naman ay hindi makapagsalita.
"Makaalala ka na, please.." Paulit ulit na sambit ni Lorcan habang lumuluha at pinupukpok ang ulo. "Gusto ko nang bumalik sa kanya, gustong gusto ko na.."
Hindi ko na din mapigilan ang pagtulo ng luha habang pinapanood si Lorcan na sinasaktan ang kanyang sarili.
Mabagal akong tumayo, nanginginig ang katawan habang papalapit ako sa taong gusto ko nang kalimutan.
"Tumigil ka na, Lorcan. Tigil!" Sigaw ko nang nakatakip ang tenga. Tumayo si Lorcan na punong puno ng luha ang mata. Napapailing siyang tumingin sa akin pagkatapos ay naglakad na papalayo.
Kinukurot ang puso ko sa bawat hakbang niya, pero hindi ko din maikilos ang mga paa ko para sundan siya. Tatlong araw ko siyang hindi nakita pagkatapos non. Nakatakda nang umalis si Clover at Ashton nang araw na iyon at hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Ikaw kasi.." Paninisi sa akin ni Clover. "Baka madepress yon." Susog niya pa.
"Mahal.. Do not stress your sister. Malaki na siya."
"B-bakit hindi siya bumalik?" Naiiyak na tanong ko.
"Eh kasi maarte ka! Tse!"
Nagmamadali akong tumalikod at umakyat sa guest room. Mabilis kong inilagay sa maleta ang mga gamit ko. Nakabukas ang labi ni Clover nang makita niya akong bitbit ang maleta habang bumababa ako.
"Saan ka pupunta?"
"Basta. Enjoy your vacation."
Dire-diretso ako papalabas kahit naririnig kong sumisigaw ang kakambal ko. Mabuti at nakakuha agad ako ng taxi at nagpahatid ako sa lugar kung nasaan daw dapat ako.
Nasisilaw ako sa repleksyon ng araw sa wind chimes na display sa pintuan ng bahay. Ilang minuto na akong nakatayo doon nang walang ginagawa. Hindi ko matanawan si Sirius mula sa loob. Alanganin kong pinindot ang doorbell. Nakatatlong pindot ako nang bumukas ang pinto ni Lorcan, napalunok ako.
"Calla." There's no warmth or any trace of smile on his face when he saw me.
"H-hi.." Umangat ang isang palad ko.
"Lorcan!" Isang babae na nakasuot lang ng pantulog ang sumilip sa pinto at hinila ang kamay ni Lorcan. Napasinghap ako.
Kaya naman pala hindi na ako binalikan ng walanghiya! May ibinabahay na agad?!
"Calla."
Agad kong hinila ang malaking maleta na bitbit ko papalayo.
"Calla!" The wheels of my luggage made rough noises against the road. Mas marahas na paghila, mas nilalamon ang boses ni Lorcan sa ingay.
Hindi ako lumingon hanggang sa naramdaman ko na lang na papalapit na ang boses kasabay ng paghila ng braso ko.
"Ano, magwawalkout ka na naman?"
"Bakit hindi? Kaya ba hindi mo na ako binalikan? Sabi ni Clover babantayan mo ako habang wala sila!"
"Mamaya pa naman ang flight nila ah. Pupuntahan naman kita."
Natawa ako nang nanunuya, "Talaga? Eh mukhang enjoy na enjoy ka nga sa babae mo!"
"Babae? That's Greta. She's my cousin. Nasa loob din ng bahay ko ang kapatid niyang si Greg."
"And I was supposed to believe that?"
"Because that's the truth. Pero kung ayaw mo, pupwede ding hindi. You give chances to everyone else except me, anyway."
Pagkakataon naman ni Lorcan para talikuran ako at mag-walkout.
"Hoy! Ikaw naman ang magwawalkout?! Teka nga lang! Baka mapaanak ako ng maaga dahil sayo!"
"Walang nanganganak ng three-months!" Giit niya.
"Oh so you are reviewing now?"
"Para hindi mo na ako maliitin! You know what, dahil lang malaki ang kasalanan ko sa'yo, you have the guts to make me feel this way!"
"What way?"
"Yung ganito! Lagi kang galit. Mas inaamo ka, mas nagagalit ka. Saan pa ako lulugar?"
"Hoy! Is-tap!" May humintong SUV sa harap namin. Hindi na ako nagulat nang makitang ang kakambal ko iyon, sinundan nga ako. Nagbukas agad siya ng payong at agad na lumapit sa akin.
"Level up ang away, sa kalsada talaga! Mga tambay ba kayo sa kanto? Nakatira sa ilalim ng skyway?! Nire-raid ba kayo tuwing umaga? Sa kariton ba kayo nagse-s*x?"
Natahimik kaming dalawa ni Lorcan. "Nasaan ba ang kutsilyo at magsaksakan na lang kayo?"
"Mahal naman.. Do not suggest violence."
"Biro lang." Nag-peace sign pa si Clover. Binuhat ni Clover ang maleta ko at isinampa sa likod sasakyan. Pumasok ako sa loob ng sasakyang minamaneho ni Ashton, pumagitna si Clover at si Lorcan naman ay nasa kabilang dulo "Magbati na kasi kayo!"
"Siya kasi!" Sabay naming turo sa isa't isa.
"Oo, kayo, kayong dalawa talaga ang may kasalanan. Ganito na lang para matapos na, hawakan mo nga sa tenga kung matapang ka." Sabi ni Clover sa akin. Hindi ko alam kung para saan pero ginawa ko naman.
"Oy, hinawakan ka sa tenga, pitikin mo nga si Calla sa ilong kung hindi ka duwag." Susog naman niya kay Lorcan.
"Ouch!" Reklamo ko nang gawin nga iyon ni Lorcan. Hinawakan ko muli siya sa tenga para makaganti.
"Ano ba?!" Sabay naming reklamo.
Humalukipkip si Lorcan, "Ang problema kasi sayo, kapag minamahal ka, ayaw mo."
"Naku, naku, naku, naku.." Kinurot naman ni Clover sa tagiliran si Lorcan na parang kinikilig. "Dapat meron kang rebuttal, Calla. Nag-bars siya."
"Gusto mo kasi pagnag-sorry ka, ayun na. Pupwedeng maghintay ka?"
"Boom, Panes!"
"Mahal, nandito na tayo sa apartment nila. Hayaan muna nating mag-usap ang mag-asawa. Pasensya na, Lorcan. Pumasok na muna kayo sa loob."
Bumaba kaming dalawa at nanatili kami sa garden, halata sa mga mukha ang naghihimagsik na damdamin.
"Kapag pumasok tayo sa loob, mangako kang hindi mo aawayin ang mga bisita ko." Baritonong boses ni Lorcan.
"Why? You think I am jealous?"
"You get mad in every little things!"
"Oh, hello, welcome to pregnancy!"
"You are using the pregnancy card." Reklamo niya. "You can't use that on me! 'Wag mo akong pipikunin dahil lang sa mahal kita."
"Wow, 'mahal', big word."
"Bakit ka ba nandito? Di ba magsosorry ka? Bakit ka galit?" Nagpamewang sa harapan ko si Lorcan. Uminit ang ulo ko.
"I am not saying sorry! I just want to stay with you dahil wala akong kasama! Paano na kami ng mga baby mo?" Unti unting lumiit ang boses ko. "Fine! I am about to say sorry. Sorry!"
"Parang hindi ka naman sincere." May multo ng ngiti sa labi ni Lorcan. Sumimangot ako.
"I am sincere." Humalukipkip ako. "Sorry." Bulong ko.
"I can't hear you.."
"Oh, you heard me!"
"Okay, bye."
"Sandali! Sorry na. Sorry. Sorry na kung masungit ako. I just don't like your face and your smell. But that's it. I don't hate you as a person. Mali ang pagkakaintindi mo."
"Kiss me."
"What?"
"Kiss me and you are forgiven."
"Wala naman akong hininging ganyang kapalit!"
"Pwede mong hingiin ngayon. I am that generous."
"Ah!" Inis na tili ko. Lumapit ako kay Lorcan at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Tumingkayad ako at pinatakan siya ng halik sa labi. Hinawakan naman ako ni Lorcan sa beywang para hindi agad maghiwalay ang aming mga labi. We kissed longer than I allowed him to!
"Sweet!" Mula sa loob ay lumabas ang mga pinsan daw ni Lorcan. Meron ding nag-click na camera at napalingon ako sa kakambal ko. Agad akong lumayo kay Lorcan nang namumula sa hiya.
"Ang daldal ng couple na 'to. Foreplay niyo yan?" Nakangising tanong ni Clover.
Napatakip ako nang mukha at pumasok sa loob ng apartment ni Lorcan, tumuloy ako sa kuwarto niya at nagtalukbong ng kumot sa sobrang hiya.
---
Ito na ata ang pinakaawkward na gabing matutulog ako. Nakaalis na si Greg at Greta, nakumpirma kong pinsan nga sila ni Lorcan na mula sa Iceland, bumisita lang sila dahilan kung bakit naging abala si Lorcan, he needs to drive them wherever they go.
Hindi ako tinigilan ni Clover sa pang-aalaska at sinasabing pang-Famas at Gawad Urian ang aktingan naming mag-asawa. Bakit ba kasi kailangan niya pang makita iyon? And she really need to rub it on my face.
"So.." Alanganing umupo si Lorcan sa tabi ko. "Okay lang ba 'to sa'yo? Yung magkatabi tayo?"
"Medyo hindi ko pa din gusto ang amoy mo.." I scoffed but as lightly as I could.
"I don't have any perfume on me."
"I know. But it is your natural scent, it irritates me."
"Sige, I'll sleep on the floor." Maagap niyang binuksan ang cabinet niya at kumuha doon ng sleeping mat pati ekstrang mga unan. Malaking parte ng utak ko ang hindi nakadama ng awa sa kanya. Naiinis na ako sa sarili ko dahil alam kong dapat ay magkaayos na kami pero hindi ko talaga magawang tanggapin siya ng buong puso. "Better yet, I'll sleep on the next room."
"Huwag." Napapikit ako. Bakit ko nga ba siya pinipigilan? If he wants to sleep on the next room, dapat ay hayaan ko.
"A-ayon sa Mayan Calendar, merong Lunar Eclipse bukas."
Kumunot ang noo ni Lorcan at dahan dahang umupo sa tabi ko, "D-don't tell me—"
Mabagal akong tumango, "I read the book."
Napalunok si Lorcan, "Y-you did?"
"Ikaw din?"
Napatango din siya. "Sabi doon sa nabasa ko, merong ritual ang mga naniniwala sa Mayan belief tuwing Lunar Eclipse."
"They offered blood." Bulong ko.
"Random blood." Pinanlakihan ng mata si Lorcan at naramdaman kong sumiksik siya sa akin.
"The demon gets blood to those who's ritual were unveiled. Kaunti pa lang ang nakakaalam ng ganoong ritual sa buong mundo. It was kept as a secret for a thousand years until a Mayan believer Edward Keller revealed it to his tell-all book before he died. Now, everyone who reads the book is at risk of welcoming the demon inside their house."
"Bakit mo kasi binasa?" Paninisi sa akin ni Lorcan.
"What? Ikaw din naman eh! Do you have a death wish?"
"Well, apparently, you have too." Umirap siya.
"What? You know that I always read anything about universe. Now we both know the Demon's secret." Dismayadong sabi ko.
"Buntis ka pa naman. And we have to pass 7 Lunar eclipse in our lifetime."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Alam mo ba kung kailan tayo matetegi?"
"Hm, if my guesstimate is right, we will live until we are 90."
"Kung hindi kukunin ng demon ang blood nating dalawa." With that being said, we jumped on the bed at sabay kaming nagtakip ng kumot.
"I really regret reading the book." Bulong ni Lorcan, nagmulat ako ng mata at nakita ko na mataman siyang nag-iisip, his lips were pursed and jaw tightened.
"Sorry.. It was I that made you curious about the universe."
"Yeah. It was your fault. I fell inlove with the universe because apparently, you were a part of it."
My cheeks flared. Bahagya kong itinagilid ang ulo para hindi niya mahalata. Nakarinig kami ng kalampag sa ibaba ng bahay. Napasiksik ako kay Lorcan, swear! Kahit hindi ko gusto ng amoy niya ay napilitan ako. Humigpit ang yakap niya sa akin.
"N-nandyan na ba ang demon?" Bulong ko kay Lorcan.
"M-maybe.." He whispered back.
"We should leave this house. Maybe the demon knows our address by now."
"Should we drive right now?"
"Yes, and we should go where there's a lot of people."
"Okay get dressed."
Bumangon ako sa kama at hindi na kami naghiwalay pa ni Lorcan. Magkatalikuran kaming nagbihis at saka patakbong bumaba ng bahay dala lamang ang overnight bag. We played alternative music to keep us occupied while were on the road. Binaybay namin ang mahabang kalsada paakyat ng Antipolo at nagbakasakali kaming magbook sa isang Cafe na merong bed and breakfast.
"Magkasama kami ng room." Mabilis kong sinabi sa receptionist na hindi mapawi ang ngiti.
"Oo naman, Ma'am.."
"Sinisiguro ko lang, I don't really want to stay in a room, alone." Ulit ko.
Napatingin ako kay Lorcan nang may mapaglarong ngiti, lumapit ako sa kanya para bumulong, "Hm, mukhang tumaas ang confidence mo doon. I don't want to be eaten by the demon. That's it."
"Ako din naman." Umakbay sa akin si Lorcan. Umakyat kami ng isang palapag patungo sa hotel room na napili namin. The hotel room doesn't need to be so high to have a breathtaking view. Ang malaking bintana ay nakapaharap sa ibaba kung saan makikita ang metro. The room was modest, hindi kalakihan ang kama at ang space, the design were wood and abaca. Walang masyadong free space, sa paanan ng kama ay wall mounted TV na kaagad at maliit na lamesa. The colors of the room were a spill of vibrant orange and white.
"D-do you think we are safe here?"
"I think so. Mahihiya naman ang demon na kumatok kung maraming tao diyan sa baba. The demon won't reveal itself in the light."
We watched the Martian after we settled. Magkatabi kami ni Lorcan habang nililibang ang sarili sa isang space film kung saan natrap si Mark Watney sa Mars. Oooh, it'll be three years before a rescue mission could reach him unless they still think that he's still alive. Medyo nastress ako sa pelikula at kahit papaano ay naibsan ang pag-aalala ko sa Demon na maaaring kumuha ng dugo namin ni Lorcan. Hindi ko na namalayan kung kailan kami natulog. Basta maliwanag na ang buong kuwarto nang magising kami. The windows were opened and the clink of glasses and kitchen utensils were a bit of a chirp early in the morning. Nakahinga ako ng maluwag.
Only that when I saw Lorcan, mahimbing pa din siyang natutulog at nakayakap sa akin.
His phone rang. Hindi siya nagising sa tunog non kaya ako na ang kusang bumangon para lapitan iyon. I saw 'Abuela' at the color ID.
"H-hello?"
"Hello?" Matalim na asik ni Abuela. "Sino ka? Bakit ikaw ang sumasagot sa telepono ng apo ko, babae ka ba niya? He's married, Hija! Kung sino ka man—"
"Granny.." Naisantinig ko.
"Calla? Calla, apo, ikaw ba yan?"
"Opo.."
"Magkasama kayong natulog ng apo ko, maayos na ba kayo? Magsasama na ba kayong ulit? Magkakaroon na ba ako ng apo sa tuhod?" Humagikgik si Granny.
"Medyo.. Hindi ko po alam. Pero oo."
"Anong medyo, hindi, oo?"
"Medyo maayos na po kami, hindi ko po alam kung magsasama na kami ulit at opo, magkakaroon na po kayo ng apo sa tuhod."
Malakas na tili ang narinig ko sa kabilang linya, "That's good news! I am very happy! Sana yung medyo ay maging sobrang ayos, at ang hindi mo alam kung magsasama kayong ulit ay maging siguradong sigurado. Malapit nang matapos ang unos, Calla. Nararamdaman ko. Malalagpasan niyo din ng apo ko ang lahat ng naging problema."
Nang ibaba ko ang tawag ay napalingon ako kay Lorcan. Nakakunot ang noo niya at napansin ko ang butil butil na pawis sa kanyang mukha.
"Lorcan?"
"Calla... Calla.. I—I am sorry.."
"Lorcan.." Tinapik ko ang kanyang pisngi sa kabila ng malalim ngunit mabibilis niyang paghinga.
"I need to go home. Calla!"
Napaatras ako nang bigla siyang bumangon. Basa ng pawis ang kanyang likod at dibdib. Nagtataka siyang nakatingin sa akin.
"Love?" He called me.
"Lorcan? Nananaginip ka." Agad akong tumalikod para kunin ang bote ng mineral water sa side table pero pinigil niya ang kamay ko.
"That day.. That day I had a confrontation with Margaux. She's pushing me to file an annulment against you. Naniniwala siyang hindi kita mahal. I was so mad. That is not true." Itinuro ni Lorcan ang kanyang dibdib, "This heart belongs to you.."
"Nakakaalala ka na?" I whispered.
Kitang kita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata at marahang tumango.
"Finally, I am home.."
---
Maingay, malungkot, may mga panaghoy. Hindi ko maipaliwanag kung paano mabubuhay sa isang institusyon na kagaya nito. Marahil, hindi ko kaya, wala naman sigurong may kaya, pero kinakaya na lang ng iba dahil kinakailangan nilang pagbayaran ang bawat pagkakamaling nagawa.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Galit. Hindi ko maipaliwanag kung paraan saan pero inuunawa ko na lang. Sabi ni Madam Charing, ang pusong hindi marunong magpatawad ay habang buhay na magiging bihag ng kalungkutan. We really owe something to the old woman. Kung hindi dahil sa kanya, baka mangimi din akong magpatawad.
I have accepted Lorcan in my life, he was constantly part of it. Matiyaga niya akong pinakikisamahan. He's there when I am being stubborn, he stood firm whenever I pushed him away.
"I forgive you." Bulong ko kay Margaux.
"Walang nanghihingi ng kapagtawaran. My lawyers will make way to release me from this filthy place!"
"My lawyers will make sure otherwise." Bahagya kong siniko si Lorcan, napabuntong hininga siya dahil sa pag-awat ko.
"Hindi ka niya mahal." Angil sa akin ni Margaux, napatingin ako sa tiyan ko. Bulag na lang ang hindi makakapagsabi na I am very much pregnant.
"You ruined your life." Mahina ngunit may diin na sabi ko.
"Mahal ko siya!"
"Pero naging makasarili ka."
"Dahil akin siya."
"Dati pero sinayang mo. I met this man broken. Binuo ko siya at noong buo na, gusto mo na ulit? No, it doesn't work that way. You break something you want to get rid off, if you want it back, you should fix it. Anyway, nagpunta lang kami dito para sabihin kong pinapatawad na kita. Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa pamilya ko, three years, you wasted three years of our lives.." Pinaypayan ko ang sarili ko, "Pero hindi talaga ako galit. Oh my God, Love. I really need to compose myself."
"Huwag kang magpapauto sa kanya Lorcan.."
"Oh, and one more thing, nakakaalala na pala siya."
Margaux eyes widened, "H-hindi yan totoo.."
"I remember it all, Margaux."
P-paano?"
"Naghanap ako ng panibagong doctor."
I couldn't contain my happiness when I learned that Lorcan started to see Doctor Lester Concepcion. Ito din ang mismong nakatulong sa kanyang alaala. Hanggang ngayon ay nagtutungo pa din siya dito para sa mga therapy. It helped his temper, too. Pagbalik niya sa opisina ay naging tigre siyang muli. Lahat ay takot sa kanya. Marami siyang pinapagalitan at sinusungitan. But hypnosis helped to calm his nerves and his employees were thankful.
"You'll feel sorry for this, Lorcan."
"I never was. I think I am ready for the best days of my life with my family."
Padabog na tumayo si Margaux at iniwan kami sa lamesa. Nagkatinginan kami ni Lorcan. His arms snaked on my shoulders. Umalis kami sa correctional nang walang konklusyon, we gave forgiveness but it wasn't accepted.
"Oh no!" Reklamo ko nang may maupuan sa shotgun seat. Masama ang tingin ang ibinato ko kay Lorcan.
"What?" Natatawa siyang napailing. "Stargazers." Aniya habang kinukuha ang mga bulaklak na naupuan ko. Hindi ko alam kung kailan niya inilagay iyon pero lagi na lang akong nasusurpresa.
Walang araw na hindi ako binigyan ni Lorcan ng mga bulaklak. It was always like this. Kahit walang okasyon. He's trying to make it up for the lost years. Para naman sa akin, walang panahon ang nasasayang, whatever time had passed, no matter we wanted the series of events or not, it maybe something that we don't like or we don't plan, we learn from it. It may be a wisdom or newly garnered strength.
May mga bagay na pinaghihiwalay para mas lumakas, at para sa muling pagsasama ay wala nang makakapagpabagsak pa.
"Lunch?"
"Hindi ba may invitation ang Mommy mo?" Humigpit ang hawak ni Lorcan sa manibela. Inabot ko iyon para haplusin, "Forgiveness. We need to forgive, Lorcan. Pinatawad nga kita." I reminded him.
"Excuse me? Is that a dig?" Tumaas ang kilay ni Lorcan. I giggled.
"What I am saying is, everyone deserves forgiveness, lalabas na ang kambal natin."
"Kung nakakaalala lang ako, hindi kita masasaktan, pangako yon."
"Talaga lang ha."
We went to a restaurant that Lorcan's mother booked. Mula sa glass walls ay nakita ko agad ang pamilya ni Lorcan na tahimik na nakaupo sa mga lamesa. Some of his relatives were here and it seems like the whole restaurant were booked for us.
The whole place went silent as we entered. I flashed a smile and everyone smiled awkwardly in return.
"Mga apo.." Granny called. Lumapit kami sa kanyang lamesa kung nasaan ang Mommy at Daddy ni Lorcan.
"Kumusta ka?" Aleana asked me. "Okay lang po, Tita. Medyo hirap nang maglakad pero nakakapasok pa ako sa opisina."
Meico and Tonio set up a small office. Sa Nemesis din naman iyon at binigyan kami ng maliit na space ni Lorcan para sa sarili naming business.
"Oh, the perfume business." Granny smiled with acknowledgement. "Napakacute ng business mo, Calla. Bagay na bagay sa personality mo."
Tumango ako, "Padadalhan ko po kayo ng samples kapag nailabas na ang first batch, Tita, Granny. Wala pa kaming scent na panlalaki kaya hindi pa kita mabibigyan Tito.."
"Kami din!" Lorcan's cousin from another table joined the conversation. Maya maya pa ay nawala na ang awkwardness. Everyone was having a very relaxed conversation like we don't have past hurtings.
"We booked Iceland's Artic Resort!" Excited na sabi ni Greta, ang second cousin ni Lorcan. "Mula doon ay makikita din ang Northern Lights."
"Kapag nakapanganak na si Calla." Singit ni Lorcan.
"Of course, that's in October, we will fly by private plane since isang buong pamilya naman tayo."
Mas umingay ang restaurant dahil sa pagpaplano. Nakaramdam ako ng pag-gagap sa palad ko at nag-angat ako ng tingin sa kung sino man iyon. Tita Aleana was looking at me. Hinila niya ako sa sulok ng restaurant, kung saan malayo sa lahat.
"I want to apologize."
"Tita.."
"No, no, Calla. Hindi ko lang matanggap na wala na talagang pag-asa ang napili naming kabuhayan sa Amerika. Umasa kami sa stocks pero nagkaroon ng recession. I know it was not an excuse, I myself was not convinced that what you and my son have is real. Isa iyong pagkakamali. I should have accepted you in our family long before.. Our relatives accepts you, I should have accepted you earlier."
Huminga ako ng malalim, ngayon ko lang siya natitigan ng matagal, kamukhang kamukha niya si Lorcan at sa kanyang mga mata, nakikita ko din ang asawa ko.
"Wala na po iyon, hindi yon ang gusto kong pagtuunan ng pansin. Ang panganganak ko ang priority ko. Kung pupwede ko lang gawing perpekto ang mundo kapag lumabas na ang mga anak ko, gagawin ko, pero imposible naman iyon.."
"I will help you. We will make it perfect. I will make it perfect for you. We will be staying here for good. Gagawin ko ang mga hindi ko nagawa kay Lorcan. Just tell me anything.."
"Tita.."
"Mommy, call me Mommy."
We shared a hug after that. Pinakawalan ang hinanakit sa isa't isa na ilang taon din naming itinago. The most important lesson of forgiveness is it never lacked. Nakadisensyo ang mga puso natin para magpatawad at wala iyong katapusan.
"What's wrong?" Naroon agad si Lorcan sa aking tabi, nakakunot ang noo at masama ang tingin sa Mommy niya.
"Wala, we are just talking.." Maagap na sagot ko pero ang mga mata ng asawa ko, naroon pa din sa Mommy niya.
"Are you bothering Calla again, Mom?"
"Hindi, Lorcan. Ano ba.." Mahinang bulong ko para hindi gumawa ng komosyon.
"Anak, I am sorry.." Nanginginig ang boses ni Mommy Aleana.
"I have forgiven you, but I have never forgotten."
"It's okay, it's okay." Paulit ulit kong hinaplos ang braso ni Lorcan at itinulak siya papalayo.
Maybe there are hurtings that we can easily forgive and forget, pero meron din iyong malalalim. Those which can healed by time and there's nothing wrong with it. Kung hindi ka pa handa ay hindi naman kailangang ipilit.
Nang matapos ang lunch na iyon ay nagplano kami ni Lorcan ng spontaneous out of town trip. We went to Villa Susanne. Inihatid kami ng suki naming bangkero patungo sa mailiit na isla. Natuwa ako sa pag-amoy ng malinis na hangin, malayong malayo sa Metro Manila. Kung ako ang papipiliin, I want the twins to grow up here, pero hindi naman kumpleto ang facilities. I only want the best for them kaya tama nga si Lorcan na doon na lang sa bahay na ipinagagawa niya.
Inalalayan ako ni Lorcan sa pagbaba ng bangka, pag-apak ko doon sa buhangin ay napangiti ako.
"Paano kung hindi bumalik ang alaala mo? Hindi ka na din makakabalik dito." I smiled. Kinuha ni Lorcan ang kamay ko at inilagay sa kanyang pisngi, masuyo niyang hinaplos ang likod ng palad ko.
"I always go after you. Iniisip ko nga kung anong gayuma ang ipinakain mo sa akin."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Mas sweet yung Lorcan na walang maalala."
"Ha, that is because I was flirting with you." He laughed hard.
"Ah, so iyan nga ang totoo mong ugali? Magaspang? Masama!" Akusa ko. Niyakap ako ni Lorcan at saka hinalikan ang aking batok.
"Medyo malambing din." He said. Naglakad kami papalapit sa resthouse. I inserted the keys and to my surprise, there were vandals all over the house. Hindi na puti ang lahat dahil ang pader ay meron nang mga calligraphy writings in black ink. Ganoon din ang sahig.
"Ang dumi! Anong ginawa mo? Hoodlum ka ba?" Hinampas ko siya sa balikat.
"Ouch!" Reklamo niya. "Hindi yan vandal. Basahin mo kaya." Itinuro ni Lorcan ang sahig kasabay ng pag-irap sa akin.
'March 18. The day we first met.'
But
'January 6. Was the first day I saw you.'
'June 19. It is your birthday.'
'May 17. It is the twin's due date.'
There were so many dates written all over the house. Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinagmamasdan ang mahahalagang araw para sa aming dalawa. Ang dami non.
"It is so nice to remember everything about you, everything about us." Hinaplos ni Lorcan ang isa sa mga nakasulat na petsa. "We can add some more. We still have forever to fill this in. Together with our sons and daughters, our grandchildren and the next generation after us."
Hindi ko mapigilan ang pagluha. How can he think about this? Wala man lang romantic bone si Lorcan sa katawan. As usual, we always debate over anything now that he can remember everything!
'But Pluto is still not a planet.' Nakarating ako sa dulo at yun ang nabasa ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Of course! There will always be something to annoy me!
"It is a planet! I know I will live longer to prove it to you."
"Pwedeng yung love mo na lang sa akin ang patunayan mo? Akala mo ba nakalimutan ko na ang pang-iiwan mo sa akin ng tatlong taon?"
Napatakip ako ng mukha, "Because you can't remember me!"
"Kapag ikaw ang nakalimot---"
"Magpapaparty ka? Siguro gagawin mo ang lahat ng gusto mo."
Ginulo ni Lorcan ang buhok ko, "Ganon ba ang ginawa mo? How dare you." Nagpantay ang kanyang kilay.
"Tapos na yun."
"Anong tapos na?" Reklamo niya, inakbayan niya ako at pinabigat ang kanyang braso.
"Ouch!"Pilit kong inalis ang kamay niya nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan.
"Wait.." Natigilan ako sa pagkilos.
"Oh, umaakting." Kinurot ni Lorcan ang aking ilong.
"No, m-manganganak na ata ako."
"Next month pa ang due date mo." Umaktong aakyat si Lorcan patungo sa second floor ng resthouse pero hinila ko siya.
"No, really, I think I will give birth."
"Four hours away tayo sa Manila, Calla. Stop joking." Sumeryoso ang mukha ni Lorcan.
"Ano?! Ikacancel ko na lang ang panganganak ko? Bukas na lang, ganon?"
Nagbago ang mukha ni Lorcan at napalitan ng sobra sobrang pag-aalala. "N-no, ngayon na.. W-wait. Mang Gusting!" Sigaw ng asawa ko kasabay ng pagbubuhat sa akin. Dinala niya agad ako sa bangka.
"Naku, manganganak na si Ma'am! Bakit mapapaanak na siya?"
"Kasi buntis ako!" Tili ko habang patuloy ang paghilab ng tiyan. Napapangiwi ako habang nababasa ng tubig alat ang katawan ko dahil sa paghampas ng bangka namin sa malalaking alon sa dagat.
"Saan pinakamalapit ang ospital?" Tanong ni Lorcan sa nag-aabang sa amin na mga taga-Baryo doon sa pampang. Parang merong radar ang mga ito nang makita sigurong humaharurot ang bangka ni Mang Gusting.
"Mga dalawang oras at kwarenta minutos po."
"Dalawang oras at kuwarenta minutos?!" Sabay naming tanong ni Lorcan.
"Konti na lang nasa Maynila na din ako! Ang sakit na Lorcan.." Pagmamakaawa ko.
"Merong nagpapaanak dito, si Manang Elena." Sabi ng isang taumbayan.
"No!" Mabilis na tanggi ni Lorcan, "Unang anak ko ang mga ito, kambal pa."
"Lorcan, baka pwede na don.."
"Pero Calla—"
"Ano? Bukas na lang ulit? Lalabas na! Baka mahulog sa buhangin ang mga anak mo." Pagsusumamo ko.
"Sige, saan ba yon?" Dinala ako ni Lorcan patungo sa isang simpleng kubo sa tabing dagat. Agad na may sumalubong sa amin na matandang babae, hindi ko na halos matingnan dahil napapapikit ako sa sakit.
"Andeng! Mainit na tubig! Madali ka!" Sigaw ng matanda.
Inihiga ako sa kama at para akong mawawalan ng malay sa sobrang pagkirot. I was wailing, calling Lorcan's name, God, angels and all the stars in the universe.
"Hindi ka na makakaulit!" Paulit ulit kong hinampas ang braso ni Lorcan at napansin ko ang pamumula non pero hindi ako nagpaawa.
"Isa pang ire. Yung malakas lakas, Ineng."
"Uhm---ahhhhh!!!" Tili ko. "ah!!!!"
"Ayan na, lumabas na ang panganay, lalaki! Andeng, ang gunting at yung lampin." Nakarinig ako ng malakas na pag-iyak kasabay non ang nakakapanhinang pagkahiwalay ng kung ano sa katawan ko.
"Oh, kita mo nga naman, sumunod agad ang babae, ayaw magpadaig."
Hilong hilo ang pakiramdam ko, "Haplusin mo ang buhok ng asawa mo, Mister. Madami ang lakas na nawala sa kanya. Kami ang bahala dito. Napapikit ako at hindi ko namalayan kung kailan ako nakatulog. Naramdaman ko na lang na gumagalaw ako habang nakahiga. Nang magmulat ako ay nasa tabi ko si Lorcan.
"Y-yung kambal?"
"Nasa ambulansya tayo. Don't worry you were all fine. Ililipat ko lang kayo sa ospital para makasiguro. Kulang din sa araw ang kambal, na-excite lumabas."
Nang ibinaba ang stretcher sa ospital, nakita ko agad ang kakambal ko na nag-aalala ang itsura. Sumama siya sa pagtulak ng kinalalagyan kong stretcher. Meico and Tonio were there, too.
"Calla! Jusmiyo, kumusta? May masakit ba? Okay ka lang?"
"Masakit ang lahat!" Sumbong ko na naluluha.
"Ay, tatahiin pa yang flower mo kaya mas masakit pa."
"Mahal!" Suway ni Ashton.
"Eh ganun talaga, she should manage her expectations!"
Dinala nga ako sa delivery pagkatapos ay tinusukan ng anaesthesia. Nakatulog muli ako. Hindi ko na alam ang ginawa, all I can smell is the stuffy scent of the hospital. Mahihinang bulungan sa paligid na tila nagtatalo.
"Imposibleng kamukha mo kasi wala kayong lahing kambal!" Gigil na pakikipagtalo ni Clover.
"Wala din naman kayong lahing maganda."
"Hoy!" Angil ko nang marinig ko ang asawa ko. Humalakhak siya. Hindi man lang siya mukhang pagod kahit tiyak kong wala din siyang tulog. He looks so happy.
"Sabi na nga ba, magigising ka don. How are you, sleepyhead?" Masuyo akong hinalikan ni Lorcan sa labi.
"Medyo may kirot, down there. Nakita mo ba nung lumalabas ang kambal? Nawasak ba talaga?"
"You don't realize that Granny and my parents are here in this room right?" Napatakip ako ng bibig, inilibot ko ang paningin ko at nakita ko agad si Mommy Aleana, Daddy Rodrigo at Granny na pinagkakaguluhan ang kambal.
"Hindi nila ako narinig."
"We are just pretending not to hear.." Nilingon ako ni Granny at naglakad patungo sa akin, "Kumusta ka na, Apo? Thank you for giving birth to beautiful grandchildren."
Dinala sa akin ni Mommy Aleana at Daddy Rodrigo ang mga anak ko. They look the same! And they look exactly like their father!
"Bakit ganun? Ako ang naghirap dito ng ilang buwan tapos kamukha ng Tatay?"
"Ha, your fault for hating me so much and using the pregnancy card."
"Wag mo ngang inisin si Calla." Singit ni Mommy Aleana, "What will you name the twins? Have you decided?"
"Yes. Elliot Lisander and Engrid Lily." Ani Lorcan.
Napangiti ang lahat kahit nanatili sa katahimikan. Elliot opened his eyes and looked at me. He's a bit chubby and cheeky baby. I hope I can feed him well enough. Engrid yawned, she's really feminine and very beautiful. Nakuha nila ang labi at ilong ng kanyang ama. At sa akin, ang kulay ng mga mata. Namana ni Engrid ang pagkababae ko and that's it.
"Huwag kang mafrustrate. Ganon talaga." Biro ni Lorcan habang pinagmamasdan namin ang kambal. "God blesses the kids. Hindi mo sila kamukha kaya pinagpala sila."
"Seriously?!" I rolled my eyes, "Half of the genes are mine."
Hinalikan ako ni Lorcan sa noo, "Biro lang. Sayo nakuha ang mga mata nila. I hope they have your heart and kindness. That they will live and love like their mother. Tuturuan ko silang irespeto ka at unahin ka sa lahat ng bagay."
That night, as everyone leaves, nanatili si Lorcan sa tabi ko. I never thought I will feel tired and energized at the same time. Excited na akong umuwi kasama ang kambal.
"Ang dami na nating pinagdaanan." Sambit ni Lorcan habang nakahiga din siya sa tabi ko. Pinagkasya namin ang aming sarili sa hospital bed.
"From a fake relationship, now we are celebrating having a baby."
"Thank you for not giving up on me."
"I almost did but you held my hand, too."
Humigpit ang hawak ni Lorcan sa aking mga kamay. "So this is the part when we are supposed to kiss, right?"
I bit my lower lip.
"Uy, pabebe."
Hinampas ko sa dibdib si Lorcan, "Stop it."
Lorcan moved his head and his lips touched mine. That was the sweetest kiss I ever had, a parents' kiss. We are now officially raising our own kids and my heart is full. Finally, my amusement with the universe was now replaced with my amusement to my children.
There's no perfect relationship, and imagining that it will end is the scariest thought one could be. Loving someone at some point is not a guarantee that it will be the same 'til the end. But fears, we must not live in fears. It is love that we should live and die with and for. Maaring umulit ang pagsubok, kaya ang pagdedesisyon na magmamahal ka at hindi ka susuko ay hindi sa kalagitnaan ng problema kung hindi doon sa umpisa. That way you will not be overwhelmed. That way you will not even think of giving up.
"So this is our happy ending?" Tanong sa akin ni Lorcan.
"I think so.." Nagkibit balikat ako.
"We should end it as classic."
"What do you mean?"
"I love you Mrs. Alcantara." He smiled.
"I love you, too, Mr. Alcantara."
We shared another kiss, kasabay non ang malakas na iyak ng kambal. Sabay kaming napatayo ni Lorcan, oo nga't may kasama na kami. Hindi na siya at ako, kundi kami at ng mga anak namin. Hindi pa dito natatapos, alam ko. Simula pa lang ito ng mas maganda pang buhay na aming haharapin sa mas marami pang taon.
-The End-
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top