Finale of Part 1



LORCAN

I never liked cute. Cute is a term we used for puppies, for cats, for everything that is small and fluffy but when I looked at her face, it is cute. Even yelping in pain when she kicked my balls the first time we met, I can't get enough of the cuteness that I want to squeeze her so bad and find out what is so cute about her? Kamukha naman siya ng kakambal niya. Her twin is pretty but she's awfully cute.

"Bituin, bituin, sabihin sa akin, ang kapalaran ng lalaki sa aking paningin. Bituin, bituin, puso niya ay pakalmahin, sa isang babaeng paparating na dala ng—" Paulit ulit na hinaplos ng manghuhula ng Mommy ni Ashton ang kamay ko na parang hindi makapaniwala at nag-angat ng tingin. "Ng--Bituin."

Kinilabutan ako nang tingnan ako ng matandang manghuhula na diretso sa mga mata. "Babaeng dala ng bituin?" Binalikan niya muli ang kamay ko na para talagang merong binabasa doon, 

"Hinagpis mula sa isang halaman ngunit mamumukadkad muli ito sa iyong harapan. May nawala na ba sayong Lily ang pangalan?" Dugtong niya.

Tumingin ako sa kaliwa at kanan, sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero pinigilan iyon ng matandang manghuhula, "Babaeng kasing ganda ng bulaklak ng halaman ang papalit sa hinagpis ng nakaraan, sa kanya ang iyong kaligayahan, pitasin nang iyong matikman."

"Madam Charing, you are talking in riddles. My tagalog is really bad.." Reklamo ko. I heard crickets between us, nananahimik lang naman ako at iniintay si Ashton na mamili ng gear para sa bisikleta na gagamitin namin sa cycling patungong Subic nang lapitan ako ni Madam Charing at kunin ang aking kamay.

"Madam Charing! Ayan ka na naman sa hobby mo. Nang-aambush hula ka na naman." Inakbayan ni Ashton ang manghuhula na paborito ng kanyang ina.

Kinalabit ako ng matanda na ngayon ay nakalahad na ang kamay, "Isang libo.."

Napapailing akong kumuha sa wallet ko. She talked in riddles and she gets a thousand bucks. People these days. Pero tumama siya doon sa Lily, which I don't find weird, na-sensationalize ang pagkamatay ng kapatid ko dahil kilala ang aming pamilya. Matagal ko na ding nakikita si Madam Charing sa bahay nila Ashton because we've been friends since I can remember so she probably knows Lily. She thought of getting poetic to squeeze money from me.

"Sancho referred this shop to me. Kumpleto daw ito." Nakangiting itinuro ni Ashton ang Sports Gear shop na nakapwesto na malapit sa Quezon City Circle. Papasok na kami nang biglang bumukas ang pinto at merong babaeng lumabas doon. Akala ko namalikmata pa ako.

She was the girl from last week. The one who kicked my balls.

Napangiti ako. I'll never see her again even in Milkyway pala ha.

"Hindi na ako babalik sa shop mo!" Umirap siya, kagaya pa din noong unang nakita ko siya, akala mo matangkad na babae kung makapang-away. Her gaze was so soft maybe because of her gray eyes. Mas lalong lumiit ang mukha niya because of her short bob which is naturally muted brown and amazingly, it suits her. Nagpamewang siya at tiningnan ang matandang intsik na palagay ko ay amo niya, parehas kasi sila  ng suot na uniporme.

"Napakaimpossible mong babae ka!" Sita nung Intsik.

"Mas impossible ka! Minsan lang mangyari ang Perseid Meteor Shower tapos ayaw mo pa! Ang damot mo sa leave! Maging kamukha ka sana ng gulong ng bisikleta mo. Tse!"

"Calla!"

Calla. I heard that name again. The first word that came in mind was Calla Lily. One, if not most beautiful flower plant.

"Hey, anong nginingiti ngiti mo diyan?"Siniko ako ni Ashton, napatulala ako sa kanya. 

Mahina siyang natawa. "I said, bakit ka nakangiti?"

I didn't know that I was smiling like an idiot, until I realized that she's standing in front of my office table and she will be my Secretary.

She was more than that. She's a friend. My partner in crime. My adventure buddy. She was there who taught me how to jump to uncertainty because it is okay to be crazy. It is okay to like weird stuffs. It is okay to say what you want. It is okay to love the universe and love the things that you only know by heart.

I searched for the heat beside me, paulit ulit kong kinapa iyon pero hindi ko maramdaman na naroon siya.

She was sleeping on my chest last night. Mahigpit ang kapit ko pero wala siya ngayon. Mabilis akong napabangon.

I searched for her in our room. Nagmadali akong bumaba pero walang kakaiba doon. My chest hammered like crazy. Binalikan ko ang closet niya, nandon pa din ang mga damit niya pero wala na ang telescope niya at ang mga mapa niya. I know for a fact that she will leave everything behind but not her gears.

So she really left me, she'll leave me because I don't know how to take care of her.

Napasabunot ako sa sarili, I messed up. I messed up big time.

---

"Tumahan ka na nga, Apo. Para kang bata diyan. May magagawa ba ang pag-iyak mo?" Abuela caressed my back. Siya ang una kong pinuntahan para sabihing nawawala si Calla. Nasa ospital pa din siya pero halatang nakabawi na ng lakas.

"She left me, Abuela. I was never kind to her."

"Ikaw pala ang may kasalanan, pag-tiisan mo."

Pinunasan ko muli ang luha ko. "Abuela, I love her."

"I know, I know, Apo. Hanapin mo. Puntahan mo sa paborito niyang lugar."

"Sa universe? Baka kinuha nga ng alien yun at sumama siya."

Tiningnan ako ni Abuela ng masama. "Baliw talaga kayong dalawa. Di ba ngayon ang board meeting? Bakit nandito ka?"

"I don't want to work anymore."

"Ano ka ba? Baby?" Hinampas ako ni Abuela sa balikat. "Ako na ang bahalang magpahanap kay Calla. Mag-trabaho ka."

Pinagtulakan ako ni Abuela kaya napilitan akong umalis sa ospital. Palinga linga ako sa kalsada habang nagmamaneho kahit alam ko naman na wala siya doon. Nang makarating ako sa opisina ay mabigat ang loob ko na pumasok. I am so scared that I won't see her again.

I opened my office, I almost catch my breath when I saw a note on my table. Hindi ko kayang kunin, hindi ko kayang basahin. I know it is from my Calla. Sulat kamay lang iyon at nakatiklop sa dalawa. Tinititigan ko lang iyon hanggang sa dumating ang oras ng board meeting. Ilang araw ko na iyong pinaghandaan. Mabuti na lang dahil wala akong maisasagot kung hindi. At this state, I am so drained. Gusto kong hilahin ang oras para makita si Calla.

"See you again, Mr. Alcantara." Tumango ako sa mga board of directors at nagpaiwan doon sa conference room, inabot na din kami ng gabi dahil sa meeting. Babasahin ko na ang sulat ni Calla pagkabalik ko sa opisina ko.

Whatever was written there, I will still find her. Wala namang kwenta ang kanyang sasabihin kasi nakapagdesisyon na ako na siya ang mamahalin ko ng ganito. Pero bakit naman ganito? Lumabas lang ang sungay ko, ayaw na talaga niya.

Huminga muna ako ng malalim nang buksan ang pinto. Marahan akong pumasok doon. Tinitigan ko muli ang sulat sa lamesa ko at nagpamulsa lang doon na hindi alam ang gagawin nang bumukas ang pinto. 

Napaawang ang bibig ko nang lingunin ko ang dumating. There's my star, my beautiful flower and my love. Meron siyang malaking kahon sa kamay. Her hair was tied in a messy bun, she's wearing an oversized gray shirt and a pair of leggings.

Tiningnan niya ako ng masama, ibinaba niya ang kahon sa kanyang lamesa at sinugod ako.

Sinugod ako?

"Salbahe ka! Bakit mo ako inindyan?" Gigil na sambit niya.

"Indiyan? What are you saying? Saan ka nag-punta? I was looking for you."

"Looking for me? Eh nag-iwan nga ako ng sulat sa---" Sumilip siya sa lamesa ko at mas lalong nadagdagan ang pagsimangot niya. "Hindi mo binasa?"

"Hindi! Ano ba yan?"

Iniladlad niya ang sulat at merong mapa doon, a poorly drawn treasure map. May hearts and stars pa na palatandaan. Itinuro niya ang dulo ng map na merong palatandaang puso.

"Nandito ako kanina! Bakit hindi mo binasa?"

"Ewan ko! Natatakot ako! Bakit ka ba kasi nag-iiwan ng sulat na ganyan? Bakit hindi mo ako ginising? Nasaan ba yan?"

"Kasi alam kong pagod ka! Nanood ako ng Eclipse kanina tapos dumiretso ako sa puntod nila Mama at Papa kasi Death Anniversary nila. Ipapakilala sana kita." Ngumuso siya. Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti sa sobrang tuwa.

"So, I will meet the parents now?" Niyakap ko siya at pinatakan ng halik sa leeg.

"Dapat! Pero sabi nila ayaw na nila sayo kasi hindi ka nagpakita." Sinuntok niya ako muli, mahina akong natawa.

"Epic fail naman kasi yung pamysterious mo." Biro ko.

"Kasi sabi ko nga hindi kita kakausapin!"

"Really?" Kumunot ang noo ko. "You know what, hindi pa naman tapos ang death anniversary nila Mama at Papa."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagtawa sa pag-tawag ko sa kanyang mga magulang.

"How about bringing them pizza?"

Pinanlakihan siya ng mata, "Ngayon na?" Tumingin siya sa labas ng bintana at napangiwi, madilim na kasi dahil gabi na.

"Scared?"

Mabilis siyang umiling. "Of course not."

Ilang sandali pa ay mayroon kaming malaking flashlight at hinahanap na ang puntod ng mga magulang niya. May bitbit kaming pizza, softdrinks at pasta. Dala din namin ang telescope niya.

"Kapag may nagpakitang mumu dito magkakalimutan na tayong dalawa, kanya-kanyang takbo talaga." Banta niya habang sineset up niya ang telescope sa tabi ng puntod ng Mama at Papa niya.

"Tandaan mo, hindi ka marunong mag-drive kaya malayo-layo ang tatakbuhin mo papalabas. You need to stick with me whatever the odds may be."

Umirap siya at ngumiti sa mga puntod. "Hi Mama and Papa. Guess what? Babae po ako." She giggled. "Baka nagdududa kayo kanina nung sinabi kong gwapo ang napangasawa ko, so here's the proof. Maganda ang ngiti niya pero laging nakasimangot. I think style niya yun para kunwari pa-mysterious." Hinila ako ni Calla para humarap sa kanyang mga magulang.

"Hi po. Happy Anniversary in Heaven .." Ngumiti ako, "Thank you for bringing Calla in this world. She's the most beautiful thing that ever happened to me. Sayang wala kayo nung kasal namin, wala naman kasi talagang tao don, wala nga kaming halos na suot."

Hinampas ako ni Calla, pinatakan ko siya ng halik sa labi, "Huwag niyo nang alalahanin ang isang 'to, ako na ang bahala sa kanya. I will make sure that she's happy. I will smile as often as I could because now, there's a reason to. She's my lucky star."

"Papa, he also like stars." Singit ni Calla.

"That's because of her."

"Gumagaya ka?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Of course not. Well, sort of. Gusto ko kasi parehas tayo ng hobbies." Pag-amin ko.

"I love plants, too."

"Ako, I love you." I said and my wife blushed.

"Corny mo." Sabi niya para itago ang kilig kahit kitang kita ko naman.

We shared the box of pizza as we sat on the grass. I find it weird that the cemetery looked peaceful and not scary at all with Calla around. Parang naging ordinaryong park na nga lang ito na walang tao, puro kaluluwa lang, I guess. 

Nakasilip si Calla doon sa telescope pagkatapos ay hinarap ako na parang may naalala.

"Nasaan si Lily?" 

My eyes widened, "You want us to walk again?"

"Nandito din siya?"

"Calla, it is past 12!"

"Scared?" Kumindat kindat siya. Wala akong nagawa kundi sumakay sa gusto niya, magkahawak kamay kami habang hinahanap kung nasaan si Lily and it is seriously hard to find dahil magkakamukha ang halos lahat ang puntod, hindi ko na din ito maalala kung saan. 

The worst part is, ang hirap lumingon sa kaliwa at kanan dahil kung ano ano na ang naiisip ko.

"Pinanlalamigan ka na ng kamay." She teased, napailing lamang ako. Napatingin ako sa unahan. Nakuha non ang atensyon ko dahil sa malapad na flower pot na nakapalibot doon, lahat ay may buhay na buhay na bulaklak ng Lilies.

"There." Turo ko doon, siguradong sigurado.

"Wow! Dito? Bakit hindi ko ito naisip? Forever may bulaklak si Mama at Papa sana kung nagtanim ako." Sumimangot si Calla habang hinahawakan ang mga Calla Lilies na namumukadkad sa water flower pot. I put it there when I was 10. I never went back since then because this is the same place where my parents left me and made me realized that everything's my fault and I believed them. I believed it myself until Calla came.

"Hi Lils," I smiled, nakaramdam ako ng pamimigat ng dibdib. "I am with my wife. I. Well, I, grew up. And I feel sorry that you never did." Kinuha ni Calla ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. I felt the sides of my eyes heated up. Pinilit kong ngumiti pero hindi ko magawa.

"She's Calla and God, you gave her to me, did you? The signs are really obvious. You are Lily, she's Calla. And I love Calla Lilies. Remember when you hide the easter eggs and you make it obvious so it will not be hard to find? Kasi ayaw mo akong nahihirapan. You said I am impatient and cranky. But like as I always thought, you love me so you make things easy for me. " Mapait akong ngumiti.

"Kahit lagi mong sinasabi na you hate me. I heard your prayers every night while you were still with us, you thank the Lord everyday because you have me. You said you are so happy to have a baby brother. And sorry Lils if I did not visit you kasi hindi ko pa din mapatawad ang sarili ko."

Calla wiped away my tears that I didn't notice falling on my cheeks.

"I am sure you'll like Calla." Dagdag ko.

"Yes, I am more lovable than your brother. Let's meet in heaven someday. Mag-papaalam tayo kay San Pedro para mag-day tour sa Black hole, talaga bang wala ng life after black hole?"

"Lils, wag ka munang sumagot, baka iwanan ako ni Calla dito."

We sat at my sister's grave for a while and stayed until it is almost morning. Naghahati na ang dilim at liwanag. Basa na ng hamog ang damo sa aming paligid. The morning birds started chirping. Paisa isa nang nagsisimula sa kanilang araw.

"Hindi naman pala nakakatakot ang sementeryo, 'no?" Calla said.

"Alam mo kung ano ang mas nakakatakot?" I asked.

"What?"

"Yung mawala ka. Boom!" I kidded.

Calla giggled and punched me softly on the face. Tahimik naming inintay ang pagsilip ng araw habang magkatabi. Niyakap ko siya.

"Who would have thought we'll have a date at the cemetery?" Tanong niya.

"Ako. I just didn't know when pero sa sobrang weird natin, I am pretty sure hindi natin malalagpasan ito."

"Buti walang multo magdamag no?"

Nakarinig kami ng mababagal na tunog ng bell sa paligid at sumunod ay amoy ng insenso.

"What's that?" Kinakabahang tanong ko.

Nagkibit balikat si Calla, dahan dahan kaming tumayo at nakiramdam. Mas lumakas ang bell kasabay ng pagtibok ng puso ko. Hinawakan ko ng mariin ang kamay ni Calla nang may usok na dumaan sa aming harapan at may mahinang boses na parang nagdadasal ng latin.

"Requiem aeternam, Requiem aeternam dona eis, Domine,"

"Ah!" Tumili si Calla at nagsimula nang tumakbo, hinabol ko siya hanggang sa may matandang nakaitim na belo ang humarang sa aming daan. I was terrified dahil nakayuko pa ito at may hawak na brass incense holder sa kamay. Mula doon ay makakapal na usok kaya natatakpan ang kanyang mukha.

"Requiem aeternam, Requiem aeternam dona eis, Domine,"

Umubo ang nakabelo. Binitawan niya ang insenso sa kalsada ng sementeryo at pinalis ang usok  sa kanyang mukha gamit ang kamay.

Napakunot ang noo ko nang numipis ang usok, "Madam Charing?"

Dumilat ang matandang nakaitim na belo na may hawak din pala na rosaryo. "Ang tapang ng usok, grabe! Isasaoli ko nga iyan sa Quiapo." Bulong pa nito bago humarap sa akin.

"Oh, Lorcan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Madam Charing! Ang lakas mo manakot." Hinila ko si Calla sa aking tabi.

Ngumisi si Madam Charing at tiningnan si Calla, "Sorry. Ay kuuu! Sinasabi na nga ba! Hindi na naman ako pumalya! Ang galing mo Charing!" She extended her arms like a lunatic.

Kinuha niya ang kamay ni Calla at hindi ko na iyon napigilan. Umiistyle na naman siya.  "Madam Charing, if that is another ambush hula, 'wag kami."

Pero hindi siya nagpapigil, kinuha ni Madam Charing ang kamay ni Calla at saka tinitigan iyong mabuti at tumingala sa langit.

"Bituin, bituin, sabihin sa akin, ang kapalaran ng babae sa aking paningin." Pumikit siya at nagkatinginan kami ni Calla, dumilat si Madam Charing at madidilim ang matang tiningnan si Calla. 

Calla flinched, akmang babawiin ang kamay niya pero hinila ito muli ni Madam Charing at hinawakan ang isa pang kamay, "Bituin, bituin, masamang pangitain, kaligayaha'y bibitinin. Lahat ng iibigin, tiyak na mamalasin, bituin bituin, kapalaran ba'y di babawiin?"

Tinitigan niya si Calla at ipinatong ang kanang kamay sa noo nito. Like she's praying in chants.

"Kumapit ng mariin, puso ay paganahin, wag mong isusuko, kahit bituin ay iyong hamakin. Sanga sangang daan dapat ay iyong tahakin, sumpa ay putulin, kamalasa'y iyong sugpuin."

"Madam Charing! Ito na ang isang libo." Mabilis kong inilagay ang pera sa kamay niya at hinila si Calla. Malungkot siyang tumingin sa aming mag-asawa at hinawakan ang kamay ko bago pa man kami makalayo, ibinalik niya doon ang pera at itinikom ang kamay ko. I thought she'll say something normal pero nang bumukas ang bibig niya ay panibagong riddle na naman iyon. 

Malungkot siyang ngumiti, "Tuwing naliligaw, bituin ang iyong hanapin, ibulong ang iyong panalangin, nawa ang Diyos kayo'y dinggin."

"Madam Charing, you are getting creepy. Mauuna na po kami."

"Mag-iingat kayong dalawa. L-lalo ka na, Lorcan." Bulong niya.


The End.


--------------------------

Maki Say's: 

Maraming Salamat sa pagbabasa hanggang dito. Hanggang dito na lang ang Part 1. Ang Epilogue naroon sa Published book kaya Bili Bili na kayo kapag nailabas na. 

Uyy! Naiintriga na siya kay Madam Charing! :D Ano kaya ang hula ni Madam?

Sisimulan ko ang Part 2 dito sa wattpad kahit wala pa ang Published book kasi sa 2018 pa yun. 

Pero di niyo na kailangan mag-add ng panibagong libro  kasi dito lang ako mag-uupdate.

Hindi kasali sa usapan namin sa Psicom ang Part 2 so I will give it a new working title (Pinag-iisipan ko pa.)

Isa lang ang hiling ko, sana mag-ingay kayo hanggang part 2 para maging libro din siya. For sure may bonus chapters doon.

Sa mga nakabasa nung part 2 nung Jeje writer pa ako, kalimutan niyo na yon kasi major revision yun ulit. Enchendes? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top