Chapter 23




"Sino ang kamaganak ng pasyente?" Lumabas ang doktor mula sa treatment room at sabay kaming naglakad ni Lorcan papalapit doon. Tiningnan niya ako ng masama pero hindi ko iyon inalintana.

"The patient is in a stable condition right now. Tumaas ng husto ang blood pressure niya and she has to stay here for a couple of days hanggang sa bumaba iyon. At her age, hindi na dapat tumataas ng ganon but you may see her now." Tumango ang doktor at iniwan kami. Naging malalaki ang hakbang ko pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay hinawakan na ni Lorcan ang kamay ko.

"Wait." Pigil niya sa akin. Tumiim bagang siya nang magkatinginan kami.

"We have to convince Abuela that we are okay now. We cannot risk her health."

Kumunot ang noo ko.

"I know I said things. Let's delay our plan of separating. Although Abuela is really at fault, I don't want her to feel guilty. She's old, I should understand her."

"Naiintindihan mo si Granny, pero ako, hindi?"

"You are at the right state of mind." Umiwas siya ng tingin. "I will pay you on a regular basis."

"Pumapayag ako sa alok mo pero hindi ako tatanggap ng bayad."

"Really?" Tumaas ang kilay niya. "We will just proceed if you agree with the payment. Kung hindi ka papayag ay maaari ka nang umalis. Huwag ka nang magpapakita sa amin."

"Teka, ang unfair mo naman!"

"Naging ganon ka din naman sa akin hindi ba? What's your answer?"

"Fine. Payag na."

Pumasok kami sa silid ni Granny nang hawak kamay at may ngiti sa labi.

"Mga apo!" Ngumiti si Granny kahit na namumutla ang mukha. "Ayos na ba kayo?" Bumaba ang mata niya sa mga kamay naming magkahawak. Mukhang mas nag-alala pa siya sa paghihiwalay namin kaysa sa kanyang sarili. Mas lalo tuloy akong naawa.

"Of course we are, Abuela. We just fight with passion. Siguro kaya kami compatible, right, Love?"

Peke akong ngumiti. Pinaliit ko pa ang mga mata ko para magmukhang masaya. "Kumusta na po, Granny?"

"Eto, sakit talaga iyon ng matanda, Hija. Matagal tagal na din simula nung huli akong makakita ng away. Pasensya na kayo, imbes na namamahinga, nagpunta pa kayo dito."

"Iiwan ka ba naman namin, Abuela?" Lumapit si Lorcan sa kanyang Lola at yumakap dito.

"Masaya ako, Apo at naayos niyo agad ni Calla ang problema niyo. Kung magkakahiwalay kayo, mabuti pa talagang kunin ako ni Arnaldo sa langit dahil wala na akong ginagawang maganda dito sa lupa."

"Ay si Lord po ang kukuha sa inyo hindi si Arnaldo, baka po iniintay niyo siya—"

"Arnaldo's my grandfather, Calla." Mababa ang boses ni Lorcan.

"Alam ko, nag-bibiro lang." I hissed.

"Nag-aaway ba kayo, mga Apo?"

"Hindi po!" Sabay pa kaming natawa ng peke ni Lorcan.

"Mabuti naman. Gusto ko nang matulog, sabi ni Doc, hindi daw ako dapat nagpupuyat para bumaba ang BP ko. Umuwi na kayo at late na. Dadalaw na lang ako sa inyo kapag nakalabas ako dito."

Hinilot ko ang panga ko nang makalabas kami ng kuwarto ni Granny. Panay ang ngiti ko at halos mapunit ang labi. Marahas na binitawan ni Lorcan ang kamay ko na parang nandidiri pa. Galit ko din siyang tiningnan, nagtagisan pa kami ng titig pero sabay naman kaming nag-lakad papalabas ng ospital.

Sumabay pa ako kay Lorcan papauwi ng bahay. Walang nag-sasalita sa amin kahit na isa.

"Sa attic ako matutulog." Presinta ko nang makapasok kami nang bahay.

"Your call." Sagot niya. Kinurot ang puso ko sa kanyang panlalamig. Naiintindihan ko kung bakit siya galit. Ang hindi ko matanggap ay ang kanyang sobra sobrang galit at pagdududa sa intensyon ko. Nang makakuha na ako ng ilang mga gamit doon sa closet, umakyat na ako sa attic at pinanood ang mga bituin sa langit habang nakahiga. Nakatitig lang ako doon hanggang sa sumilip na ang araw. Hindi man lang ako pumikit kahit isang saglit.

Napagdesisyunan kong bumaba na. Naabutan ko si Lorcan doon sa kusina na nagsasalin ng pagkain sa kanyang plato. He cooked for himself, taliwas sa paghahanda niya ng almusal para sa dalawa noong mga nakaraang araw. Dumiretso ako doon sa ref at nagsalin ng tubig sa baso. Kitang kita ko ang pangangalumata ni Lorcan, maaring ganoon din ang itsura ko. Sunod sunod niyang isinubo ang pagkain. Umismid ako. Akala niya ata ay maiinggit ako doon.

"Lorcan! Calla! Yuhoo!" Sabay kaming napalingon sa pinto sa pamilyar na boses na iyon. Dali dali kaming nagtungo sa pinto para silipin iyon.

"Manang Rose?" Sabay pa kami.

"Mabuhay ang bagong kasal! Naku, isang karangalan ang pagsilbihan ang bagong henerasyon ng Alcantara!" Masiglang bati ni Manang Rose na meron pang bitbit na malalaking bag.

Nilakad ni Lorcan ang gate at pinagbuksan ang mayordoma sa kanyang mansyon. Tinulungan niya pa iyon sa pag-bubuhat ng gamit.

"Hi Calla! Ang ganda gandang bata." Dumiretso si Manang Rose sa kusina at sumilip sa lamesa. "Nakapag-almusal na ba kayo? O bakit isa lang ang plato? Sino ang hindi nag-aalmusal?"

"A-ah.. Wala, Manang. Plato namin yan ng misis ko. Share lang kami."

"Uy, ka-sweet naman, jud!" Kinurot pa niya si Lorcan sa tagiliran. Tiningnan ako ni Lorcan at sinenyasan akong lumapit. Umupo siya sa harap ng kanyang plato at saka ako hinila sa kanyang kandungan. Pinamulahan ako ng pisngi ng itapat ni Lorcan ang kanyang tinidor na mayroong hotdog para isubo ko iyon.

"Kain ka na, Mahal. Baka ma-late tayo sa opisina." He flirtatiously winked.

"Aww! Ganyan ka pala, Lorcan." Namumula ang pisnging wika ni Manang Rose. Hindi ko napigilan ang pag-ngiwi.

Masuyong dinampian ni Lorcan ng halik ang aking pisngi. "Act natural, Abuela has eyes." Bulong niya sa aking tainga.

Sabay kaming pumasok ni Lorcan sa opisina. It was a walk of shame because of the unusual surprise. Lorcan's staffs even presented a video presentation about our stolen photos in company's event. Marami rami na pala kaming naging litrato sa halos anim na buwan kong pagtatrabaho sa Nemesis. They even had their own cake cutting and wine drinking ceremony for us..

"Kiss! Kiss!" Nang mag-subuan kami ng cake ay giniit nilang maglapat ang aming mga labi. Lorcan pat a quick kiss on my lips,ngunit sinundan niya iyon ng mas malalim pang halik pagkatapos. Mas naging malakas ang palakpakan ng lahat ng mga empleyado.

"Ayon! Akala ko ay mag-titipid pa si Sir Lorcan sa paghalik!" Humalakhak si Gary, ang baklang pasimuno sa surprise Wedding celebration doon sa opisina.

Sumakay lang kami ni Lorcan doon at halos hindi kami makatingin sa mata ng isa't isa. It was past lunch time nang bumalik sa normal ang lahat.

Nang malapit nang mag-uwian ay inayos ko na ang gamit ko. Handa na akong lumabas nang tumikhim si Lorcan.

"Sabay tayong uuwi. Nag-text si Manang Rose na ubos na ang stocks."

"Yes boss." Walang ganang tugon ko. Matiyaga akong nag-intay sa kanya hanggang sa maisaayos na niya ang kanyang gamit.

Sa pinakamalapit na supermarket lang kami nagpunta pagkatapos ng trabaho. Kalkulado ang bawat kilos ni Lorcan. Hindi siya halos dumikit sa akin.

"Lorcan." I called, nakataas ang kilay niya nang lingunin ako.

"What do you call a crazy spaceman?"

Nagbawi siya ng tingin, "Astro-nut."

"Bakit mo alam yun?" Napakamot ako ng ulo. Napailing siya na parang naiinis. Hindi na ako muling kumibo at kumuha ng ilang stocks.

"Libre pa din ang pagkain ko?" I asked.

"Do I have a choice? Basta ikaw ang magluluto."

"Si Manang Rose na ang magluluto, ibig sabihin ba, Western cuisine na din ang kakainin natin lagi?"

"Why do you worry about food?" Naiinis na pagalit sa akin ni Lorcan.

Bumukas ang bibig ko, "I—I don't worry about the food. M-may alam ka ba sa birth control pills?" Bulong ko. Kumunot ang noo niya.

"We had unprotected s--- y-you know." Napalunok ako. "You don't want a basketball team with me anymore, right? M-may lahi kaming kambal, if I will give birth to triplets or worst, quadroplets, hindi ko kayang buhayin." Napangiwi ako. "Baka sa lansangan kami pulutin."

"Why are you thinking about those things?" Tumaas ang boses ni Lorcan.

"Shhh.." Sinenyasan ko siyang huwag maingay pero mukhang nagalit ko na naman ata siya.

"Calla, you are talking nonsense."

"Sige, ako na lang ang bibili." Tumalikod na ako para magtungo sa pharmacy.

"You will not do that." Banta niya, "If you will get pregnant, I will provide for you and the kids. That is not a problem."

"T-tapos magkakaroon ka ng sariling pamilya, mamamalimos ng atensyon ang magiging anak natin. Magiging rebelde, tapos itotokhang—"

"Bakit ba ang advance mo mag-isip?" Napahilamos si Lorcan ng kanyang mukha, tila nawawalan na ng pasensya.

"'Kyah, kyah, pembarya.' That would be their first sentence to learn. May eyebags na sila at the age of four---"

"Stop!" Tinakpan ni Lorcan ang kanyang tainga. "We aren't supposed talking right? I am still mad."

"Maghihiwalay pa tayo. Sagot mo ba ang annulment?"

Hindi niya ako sinagot at binalingan muli ang groceries. Umuwi kami at naabutan namin si Manang Rose na nag-wawalis doon sa may bakuran.

"Kadarating niyo lang? Madami bang trabaho?" Nawala sa isip kong naroon pala si Manang Rose at iniintay kami. "Kumain na kayo?"

"Kumain na po ako, Manang. Salamat." Tipid akong ngumiti at didiretso sana sa attic nang pigilan ako ni Manang Rose.

"Ay, pansamantalang diyan muna ako matutulog sa attic. Babalik naman tayo sa mansion kapag natapos na ang renovation. Diyan ka din ba natutulog?"

"Hindi po. Sa kakambal ko po iyon." Nag-peke ako ng ngiti.

Tumango ako at tahimik na kinalma ang sarili. Lumapit ako doon sa silid namin ni Lorcan at saka pumasok doon. I prepared myself to sleep then I laid down at the side of my bed after putting the pile of pillow in between Lorcan's side and mine.

Pumikit ako at nagising akong nakayakap kay Lorcan. Napangiwi ako at dahan dahan akong humiwalay pero mas humigpit ang yakap ni Lorcan sa akin. Nagpanggap na lang tuloy ako na tulog at inintay siyang gumising.

Saka lang ako nakakilos nang magtungo siya sa banyo. Nagtataka kong tiningnan ang mga unan na iniharang ko, lahat iyon ay nakakalat sa sahig.

Nang mga sumunod na araw ay ganon pa din. Palagay ko ay nakakapagod lang talagang maglagay ng harang na unan sa aming pagitan dahil nagigising pa din akong nakapaloob sa kanyang yakap pero hindi pa din kami nagpapasinan. Isang linggo na.

Sobrang nag-ke-crave na ako sa pagngiti niya pero ayaw pa din niya iyong ibigay. Gusto ko sanang subukang kilitiin kaya lang baka sapakin ako.

"Calla!" Napahawak ako sa dibdib ko nang gulatin ako ni Eros nang bumibili ako ng kape sa malapit sa opisina.

"Eros! Konnichiwa!"

"Ohayu gozaimasu, Calla-san"

"Ha? Alin ang kakalasan mo?" Lumingon ako sa paligid. "Joke!" Humagigik ako. Nakalimutan ko na kung paano tumawa. Tuwing nasa bahay ako at opisina lagi akong seryoso. Napilitan pa nga akong pumasok ngayon ng maaga para hindi ko makasabay sa almusal si Lorcan na palagi akong sinisiringan. "Anong ginagawa mo dito? Libre mo naman akong blueberry cheesecake."

"Wala, nagbabakasakali lang na makita ka. May pasalubong ako sa'yong Tokyo Banana saka pusang kumakaway."

"Uy, kailangan ko nito, papamswerte. Ilalagay ko sa table ko at itatapat ko don sa---"

"Calla." Natigilan ako sa matigas na boses na iyon.

"Why didn't you wait for me?" Gumapang ang kamay ni Lorcan sa aking tiyan at masamang tiningnan si Eros.

"Magandang umaga, Mr. Alcantara. Iniabot ko lang kay Calla ang pasalubong ko. Sige, maauna na ako. Calla. Text na lang."

Kinalas ko ang kamay ni Lorcan at inis siyang tiningnan. "You don't have to be mean."

"He's flirting with you."

"Bakit? Masama? Iiwan mo din naman ako and guys will wish to flirt with me because I am single and that time, I promise to make it right." Nag-init ang sulok ng mata ko. "And love someone that will never doubt me."


--


M/S: Oo may book 2. Irerevise ko din. Comments para ganahan akong ituloy agad sa book 2 :)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top