Chapter 20




"So what do we plan to do on our first day as boyfriend and girlfriend?" Tanong sa akin ni Lorcan. Awtomatikong namula ang pisngi ko. Hindi ako sanay sa label na iyon. 

I am somebody else's girlfriend. Astig!

"Ano ba ang ginagawa ng magboyfriend at girlfriend? Tell me." Sumiksik ako sa kanyang dibdib habang nakatulala kami sa two-seater couch sa sitting room.

"Nasty things. They talk dirty. Kiss like there's no tomorrow. Sexy time."

Hinampas ko siya sa balikat. "Hindi muna dapat maulit ang nangyari kagabi. Baka mag-bago ang isip natin tapos nakuha mo na ang lahat sa akin. Pero sabi mo nga, hindi naman ako hot, so palagay ko naman ay safe ako."

Ngumisi siya at nawala ang mata. "You know, when the first scientists thought that the world is flat? I was like them, I first thought yours is flat but it isn't so----"

Napabangon ako at hinampas siya sa balikat. "Sinilip mo?"

His crisp laughter echoed to the whole house. "No. I really passed out. Sayang nga eh."

Sumimangot ako. Hinuli niya ang aking kamay pagkatapos ay mabagal na napailing.

"This marriage will be fun." Aniya.

"We should make this fun." 

"So if this will be boring, you will leave me?"

"If this will be boring, we will apply as astronauts and take our stargazing to the next level."

"That's sounds fun. Or we can try to grow Strawberries in Metro Manila and sell strawberry shakes to schools." Suhestiyon niya.

"Or we could try grow Cherry Blossoms during summer, that's more challenging."

"That's right, get a notebook. We should put that on our bucket list."

---

"What do you think about Manila Cathedral? Pupwede tayong magpabook ng schedule doon." Tanong ni Granny kinabukasan nang mag-dinner kami sa kaniyang mansyon. She's more than pleased to see us ending up together. The only person who doesn't find our set up weird.

"That's too grand. Masyadong maraming kasya. Konti lang ang kaibigan namin ni Calla, hindi naman buong Pilipinas ang gusto naming naroon." Tanggi ni Lorcan. "In fact, I already booked in Amanpulo for next month's wedding."

"Amanpulo is a lovely place for a wedding! Sabagay, tama ka nga. You don't need to invite your suppliers because this isn't a corporate event, but a wedding. By the way, I've talked to your parents."

Nag-angat ng mukha ni Lorcan at mukhang mas naging interesado doon. "I am sorry, Apo but they said they couldn't come. Biglaan daw kasi."

Bumagsak ang balikat ng aking katabi.

"That's fine. They were never there anyway. And they just don't care."

Kinuha ni Granny ang kamay ni Lorcan. "That is why I am here right? Lorcan, about the the money that you were asking, can we talk about it?"

Tipid na ngumiti si Lorcan at saka umiling.

"Pagod na si Calla, La. Magpahinga na din kayo. We can talk about it some other time." Kinuha ni Lorcan ang kamay ko nang magkibit balikat si Granny.

"Goodnight, Granny!" Masigla akong nagpaalam.

Mabibigat ang naging hakbang ni Lorcan papalabas ng bahay. Dumilim ang kanyang anyo at nakatiim bagang pa.

"May problema ba?" I asked.

Umiling si Lorcan habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Mukhang meron. Is it about your parents?" Humigpit ang kapit niya sa manibela.

"I don't want to talk about it right now."

Naging mabagal ang paghinga ko at kumapal ang hangin. There are some things that Lorcan is not ready to tell me. Merong isang linya at hindi ako maaring lumagpas doon. The drive was silent because there's no more to talk about.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang nag-vibrate ang cellphone ko at nakita ko doon ang mensahe ni Clover. Ang kanyang pag-hihimagsik at pagtutol sa magaganap na kasal a month from now ay nandoon sa mensahe.

'You know that I ship you both, right? Pero masyado pang maaga. I don't feel right about this.'

'Indecent proposal iyon. Nakapanty at bra ka lang, siya naman naka-brief. Maghunosdili ka. kung natakam ka lang sa abs. Hindi siya extinct specie! May abs din ang mga gorilla, maniwala ka.'

'Calla, nakamove on na ba yan? Napag-usapan niyo na ba iyon?'

'Siya na ba si Mr. Right? Siya na ba ang cupcake sa buhay mo?'

Napailing ako at marahas na napabuga ng hangin.

"Sino yan?" Silip ni Lorcan sa gilid ng kanyang mga mata bago iparada ang kanyang sasakyan sa harap ng aming bahay.

"Si Clover, ayaw niyang pakasalan kita."

His jaw moved. Hindi siya nag-salita at pakiramdam ko na mas nakakadagdag pa ako doon sa problema niyang hindi niya masabi. Well, at least I can talk about anything to him right?

I forced a smile as I hold his hand. . "Nag-aalala lang iyon. Masyadong mabilis."

He pressed the push button to turn off his car "I said I like you, and you like me, too. Doon din naman papunta iyon." He reasoned.

"Yun don naman ang sinabi ko. She's my twin, she worries about my life like her own."

Dumiretso na si Lorcan sa aming silid nang makapasok ng bahay. I took my time to give him space mula doon sa dinadala niyang problema at sa idinagdag ko pa. I texted Clover to make her stop texting me those things. Wala nang magagawa pa ang pag-aalala sa puntong ito. We are planning and I am not ruining any plans.

Kumuha ako ng libro doon sa library at umakyat doon sa attic para doon iyon basahin. Ilang beses ko nang nabasa ang The Little Prince pero yun pa din ang napili ko. It reminded me that it is only the heart that can see rightly and is essential to an invisible eye. Kagaya nang hindi nakikita ni Clover ngayon. Nahuhusgahan niya si Lorcan dahil hindi niya ito kakilala. He's not really a beast.

I lay down and look at the stars from the glass roof, pagkatapos ay inilapit ang lampshade doon sa libro at sinimulan ang pag-babasa. I was half way through the book when I heard the heavy footsteps. Ibinaba ko ang hawak na libro at sinilip si Lorcan.

"Can I stay here too?"

Tumango ako at ngumiti. Humiga siya sa tabi ko at itinagilid ang katawan paharap sa akin. Sinubukan kong mag-basa muli pero hindi na iyon pumasok sa utak ko. Alam kong nakatingin sa akin si Lorcan.

"Bakit?"

"Will you still like me if I have mood swings?" Mahinahon niyang tanong.

"You are not you if you don't have those."

"Am I still you favorite person?"

"Second to my favorite. My twin comes first."

"That's good enough." Pinaglaruan niya ang buhok ko at bahagyang bumangon para abutin ang noo ko at halikan.

"I was never this peaceful. I want to stay like this, so much, that I am scared to ruin it."

"Si Mr. Perfect ka nga di ba? How can you ruin it?" Natatawang tanong ka.

"If I'll come too late and my pride will come our way."

"Then tell Mr. Pride to stay out of the way because you are not giving in."

"I doubt that it will listen. It controlled my life since.. Since.." Pumikit siya ng mariin pagkatapos ay hindi na nagpatuloy. "Should we sleep here?"

"Can we?"

His smoldering eyes gazed at me. His smile was so warm that I couldn't believe we reached this part where we will be this intimate. Daig pa namin ang aso't pusa kung mag-talo. We trash talk every single opportunity we can pero tuwing tahimik na ang lahat, we enjoyed the tranquility of our breathing and heart beats. He said we are not there yet, if not, then, what do people call this?

Hindi ko din alam. Isa lang ang malinaw sa amin, we want to stay this way.

---

"Bakit ba excited kang umalis ako?" Sumimangot si Lorcan habang pinapanood niya akong ayusin ang maleta niya patungong Bacolod para umattend ng isang business convention bukas.

"Hindi ako excited. Hindi ba dalawang buwan na itong naka-book sa planner mo? Tatlong araw lang naman ito. I don't like the idea being your secretary and fiancee. Hindi ka sumusunod sa schedule mo ngayong pupwede ka nang magreklamo sa akin." Umirap ako at siniksik ang light snacks doon sa maleta niya.

Lumapit siya sa akin at saka ako binuhat at walang ano ano ay ibinagsak sa kama. "You better pack yourself in my bag."

"Hindi ako kasya." I giggled. "Saka pupunta kami ni Clover sa Amanpulo."

"Damn it. Yan ang isa sa mga rason kung bakit ayaw kong umalis. We will be getting married next week. Dapat ay may excuse ako."

"Wala ka namang ginagawa para sa kasal natin kung hindi pumayag sa lahat ng sinasabi ng kapatid ko. You are really spoiling her."

"Baka mamaya ay biglang magtaas ng kamay yon kapag nagtanong ang Judge kung sino ang gustong tumutol."

"Yeah, that means goodbye, One Billion!"

Sumeryoso ang mukha ni Lorcan at nagsalubong ang kilay. "It is not purely like that."

Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. "Huwag ka ngang masyadong seryoso diyan. I understand, Lorcan. Masaya akong matulungan ka."

"You don't believe this will work, do you?"

"Do you? You still love her." Napalunok ako at malungkot siyang tiningnan.

"But I like you."

"Still. You love her. Mas mabigat iyon." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "She comes first, and I come second." Pinilit kong ngumiti. "But that's okay. Kung nalulunod kayo ng kakambal ko at isa na lang ang lifejacket, I will give it to her, not to you." Sinubok ko siyang saktan sa choice kong iyon pero pumait ang likidong gumuhit sa lalamunan ko nang mapagtantong hindi iyon totoo. I will give Clover the life jacket and I will give Lorcan mine. Mas masaklap iyon. I can be my silly selfless self when it comes to him and I am at that point already. 

"Relationship is a choice, Calla and I chose this."

Mapait akong tumawa, "You really do believe that, don't you?"

Humiga si Lorcan sa aking tabi pagkatapos ay niyakap ako, mahigpit.

"Mas lalo kong ayaw umalis."

Pinipiga ang puso ko na pilit niyang binibigyan ang sarili ng dahilan kung bakit ako ang tama. Nakatulog kami sa ganong posisyon at nang gumising ako ay wala na siya sa tabi ko.

Ang sunod sunod na doorbell ang nag-bangon sa akin. Napakamot ako ng ulo nang masilip ang kakambal ko doon sa bintana na may bitbit na overnight bag. Lorcan asked her to stay with me habang wala siya. Hindi ko akalaing pag-bibigyan ni Clover si Lorcan.

"Nakaalis na ba ang magaling mong fiance?" Bungad sa akin ng kakambal ko.

"Nakaalis na."

"Nagpaalam ba? Hinalikan ka?"

"Ewan ko, tulog pa ako. Early morning flight siya kaya hindi na talaga ako gigisingin. Tiyak na tatawag yun mamaya kapag nakarating na doon."

"Hopiang asado." Umirap si Clover. Hindi ko na siya sinagot. Her fears are also my fears. Hindi ko lang iyon masabi dahil mas dodoble din ang nararamdaman kong bigat.

My twin helped me with the handmade giveaways. Siya lang naman ang bisita ko. Nagpauna na si Eros na hindi makakarating dahil sa isang modelling commitment sa Tokyo Fashion Show. Nakatawag na si Lorcan, he informed me that Margaux was at the convention. Hindi na iyon sorpresa.

"Tingnan mo! Tingnan mo sa TV!" Ipinagtulakan ako ni Clover habang nakikikain ng left-overs namin sa ref.

"Hayaan mo nga siya. Parehas na nasa negosyo ang mga pamilya nila kaya parehas silang nasa convention."

"Bakit? Sinabi niya ba iyan sayo? O itinawag man lang?"

"Itinawag niya. Ikakasal na kami sa isang linggo."

"Alam mo, di ko alam na mabait ka pala. Bulag pa. Martir! Che!"

Manhid kong pinanood kung paano tuksuhin si Margaux at Lorcan ng mga reporters. Ang masuyong tiningnan nila sa isa't isa ang kumurot sa puso ko at hindi ko iyon maaring iyakan dahil magagalit si Clover. No one knows that we will be getting married pero nagkasya na ako doon sa kagustuhan ni Lorcan maging pribado ang lahat.

"Private, private! Pero pagdating sa ex niya, laging may interview! Bakit ka ba nagpapagamit sa heyup na yan?" Binato ni Clover ng grapes ang TV na para bang nababasa ang naiisip ko. Nanatili akong tahimik.

"Kapag nakuha na niyan ang pamana ng Lola niya, iiwan ka din niya, Calla. Negosyante yan. Gumising ka nga! Mga wala silang puso!"

"Napagawa mo na ba ang isusuot mo sa kasal namin?" Pag-iiba ko ng usapan. Malalim na huminga si Clover para pakalmahin ang sarili at saka ako naawang tiningnan.

"Pasensya na kung hard ako. Pero Calla naman, malinaw pa sa araw na hindi pa siya nakakaget over sa ex niya. It is either ginagamit ka niya para pagselosin ang ex niya o para makuha ang isang bilyon. Whichever it is, siya pa din ang panalo."

Ngumiti ako, "Nagseselos ka lang ata kasi feeling mo iiwanan na kitang mag-isa."

"Excuse me! Alam kong hindi mo ako ipagpapalit kay Lorcan."

"Kaya nga, di ba? Ano bang ipinag-aalala mo?"

"Yung masktan ka. Kasi mas masasaktan ako."

I smiled sadly. "Malaki na ako."

Tulog na si Clover doon sa attic nang mag-inat ako para sumunod sa kakambal ko, doon din ako matutulog. Bukas ng umaga ang flight namin patungo sa Isla. My phone rang before I climbed the stairs at kinuha ko agad iyon nang makita ang pangalan ni Lorcan.

"What kind of stars the wears sunglasses?" Patiuna niya sa kabilang linya.

"Huh?"

"Movie stars!" Lorcan chuckled.

"Nakainom ka ba?" Pigil ang tawang wika ko.

"Why did the star get arrested?"

"Bakit?"

"Because it is a shooting star!"

"You are weird." I rolled my eyes, "Kumusta ka? Masarap ba ang pagkain diyan?"

"Wala akong kaaway dito." His voice was raspy. I could only picture him lying down on bed with only night lamp as his light. "The food was tolerable but missing you, isn't."

"Hindi mo na ako kailangang bolahin, magpapakasal na tayo." Hinaplos ko ang pisngi ko dahil sa pag-iinit non.

"I miss cuddling with you." Mas humina ang boses niya. "I want to go home."

Pumikit ako. "Nahihirapan ka ba dahil nandiyan siya?"

"We are not having that conversation, Calla." He dismissed. "Kumusta kayo ni Clover?"

"Gumawa lang kami ng giveaways mag-hapon. Dadalhin namin doon sa isla."

"There would probably around 10 people on our wedding."

"I like that." Paniniyak ko sa kanya.

Itinulak ko ang pinto ng silid ng aming kuwarto ni Lorcan at niyakap ang kanyang unan. His scent was there and I was comforted by it.

"See you in three days." Bulong niya na parang nahihirapan.

"Yeah. See you.."

--

First thing in the morning, my twin and I we went to the airport. Isang private jet ang sinakyan namin ni Clover, meron kaming kasabay na wedding suppliers na mag-aayos doon sa venue.

Masayang masaya si Clover nang makita ang asul na tubig. Kakaibang pagod naman ang nararamdaman ko kaya nag-paalam akong mamamahinga muna sa villa.

Naging panatag ako sa hampas ng alon sa dagat na maririnig sa nakabukas na wooden doors at windows ng villa. I slept soundly. Nanaginip nga lang ako nang isang kasal kung saan ako ang bisita at si Margaux at Lorcan naman ang ikinakasal. Dagli akong napabangon at saka kinilabutan dahil doon. Bangungot.

Napatingin ako sa upuan at naroon ang one piece white swimsuit na iniwanan ni Clover para sa akin. Nagpalit ako ng suot at saka lumabas. Hindi ako halos makapaniwala kung gaano kapuro ang tubig at ang lamyos ng maliliit na alon sa tabing dagat sa pribadong isla. Hinayaan kong umapak ang paa ko sa mainit na buhangin nang may humintong frisbee sa paanan ko kasunod ang malaking aso na may ginintuang balahibo. Palagay ko ay nakangiti iyon nang akmang susugurin ako.

"Caramel!" Kasunod niya ay ang amo niyang tumatakbo papalapit sa akin. Dinilaan ng aso ang aking paa, nakiliti ako doon. Hinaplos ko ang makapal na balahibo ng aso at dinamba ako nito para halikan.

"Hey, Caramel!" Natawa ang amo ng aso. A guy in his black sando and orange board shorts smiled at me. May tatoo iyon sa kaliwang braso at gumagapang ang balbas nito sa baba.

"Bad dog! How dare you kiss my fiancee?" Mula sa kung saan ay parang namalikmata pa ako nang makita si Lorcan. Ang matipuno niyang braso ay bumalot sa akin. Dumikit ang aking likod sa hubad niyang dibdib. Napadaing ako sa sobrang lapit niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Bulong ko na tuluyan nang nalasing sa init ng kanyang yakap. Nakasimangot siya at masama ang tingin kay Caramel.

"Leigh, suwayin mo yang aso mo. Manang mana sayo, magnanakaw ng halik."

"Lorcan, I didn't realize you'll come here early. Hindi ba may convention pa sa Bacolod?"

"Naroon na ako kahapon, ikaw, bakit hindi ka nagpunta?"

"Nagbabakasakaling maagaw pa ang fiancee mo. Hi, Babe. I am Leigh Vladimir Montebello, we are cousins. I am better than this douche." Inabot ng lalaking may ari ng aso ang kanyang kamay pero bago ko pa man matanggap iyon ay itinalikod na ako ni Lorcan.

"I shouldn't have invited you."

"Still worth to push my luck. Mamaya magkikita pa tayo sa dinner!"

Kumaway sa amin ang lalaking weirdo.

"You shouldn't have talked to anyone. Paano kapag inaya ka noon ng date? And what? Because you are sad you will come with him?" Binalingan ako ni Lorcan nang nakasimangot.

"Bakit naman ako magiging malungkot?" Tanong ko.

"Because you thought I am having a great time with Margaux. I am not, okay? Isang beses ko lang siyang nakita doon. Those prying reporters wants to make our life complicated." Napailing siya at hinuli ang kamay ko. "And why are you wearing that skimpy clothing? Alam mong wala ako. Paano kung makakuha ka ng atensyon? Well, you did already. The dog liked you."

"Pati ba naman ang aso." Natatawang sabi ko.

"Everyone is a suspect. Maari ka nilang agawin sa akin. Even the aliens could get you and because of your outstanding curiousity, you'll probably ride the spaceship with them. They will not even have a hard time kidnapping you. Goodness, I missed you. So bad. Like I never missed anything in this world so much." Itinulak ako ni Lorcan sa malaking tipak na bato na aming nadaanan. Isinandal niya ang likod ko doon at mariin akong hinalikan.

The slowly butterfly kisses made my knees wobbly. The afternoon sun touched my shoulders and he gently pat his lips on it. His caramel eyes looked like a dark honey as it reflects the image of my hair that he tenderly combed with his fingers. Alam ko na mahaba na iyon dahil huminto ang kamay niya sa aking balikat. His thick lashes made his eyes looked smaller but it complimented his thick brows that furrowed to battle the soft rays of sunlight.

Yumuko siyang muli para gawaran ako ng halik. This time it is deeper, more exhaustive, deep and everything sweet. Ayaw niya iyong matapos. Ganoon din ako. Maybe that's the reason why people kissed in legion, the delicious sensation is hard to find anywhere.

"Let's get married now." He whispered under his breath.

"Married?" Tumaas ang kilay ko. "Ngayon." Paniniyak ko.

Tumango siya. A curt smile formed his lips. Like a silly romantic couple on a old classic movie, he pulled my hand and we were half running to the reception lobby.

"Is Judge De Guzman here, already?" Humihingal na tanong ni Lorcan doon sa receptionist.

"Was he expecting you today, Sir?"

"No.. But I need to talk to him. Tell him I will meet him at my Casita right now."

Gumawa ng tawag ang receptionist at ibinigay ang detalye doon sa Judge. Hindi binitawan ni Lorcan ang kamay ko hanggang sa makarating sa kanyang casita. Mas malawak iyon kaysa sa inookupa namin ni Clover ngayon. The wooden floor is spotless, isang malawak na kama ang naroon sa pinakagitna. All the windows are opened, the ivory white curtains dances with the wind. Sa pinakaunahan pang bintana ay nakahilera din ang wood planks na maaring lakaran. It has its own gate going to the beach, two cerulean blue couches on both sides too.

Nakasunod samin si Judge De Guzman at nakangiting lumapit.

"Hindi na makapaghintay, huh?"

I realized that I am on my bathing suit and Lorcan is on his white board shorts. Parehas kaming natawa ni Lorcan. This is really a spur of the moment, crazy move. Palagay ko ay sasabunutan ako ni Clover kapag nalaman niya ito.

Tumayo kami doon sa gate na nagdudugtong sa beach front habang kalmadong ipinapaliwanag ng Judge ang pros and cons ng marriage. Even the legalities and responsibilities.

"By the power vested in me by the Republic if the Philippines, I now declare you as Husband and Wife. Ang pinagsama ng Diyos ay hindi maaring paghiwalayin ng tao. I pray that you will stick together through thick and thin."

Lorcan pulled my nape and kissed me. Hindi na namin namalayan na nawala na si Judge De Guzman sa aming harap. We were panting, and kissing endlessly. Nakarating kami sa kama at sabay na bumagsak doon.

"We are crazy." Anas niya sa akin. I snickered.

"Magagalit ang lahat ng nag-handa para sa kasal na ito."

"We will still get married in front of them. I just don't want lose you at this point."

I don't know what made it happen but the slow kisses burned me inside. His face, smiling down on me made me smile too and feel not sorry for anything. He's my first, and probably the last on everything. If this won't work, I am pretty should that it'll be hard to recover. Maybe not in a lifetime.

---

Malalakas na katok ang gumising sa amin. Bumangon kami ni Lorcan at inabot ang roba sa aming tabi. Sabay kaming lumapit sa pinto. To my surprise, a couple that looked exactly like Lorcan appeared in front of us. Ang babae ay sinalubong si Lorcan ng malakas na sampal.

"Aleana!" Suway ng lalaki na katabi nito, probably in their late fifties. May tikas iyon na kahawig nang kay Lorcan. "Huwag kang mag-eskandalo dito. Pumasok tayo sa loob."

Hindi iyon nagpaalam. Itinulak nang lalaki si Lorcan papasok at umatras ako.

"Magpapakasal ka sa isang basura?" Bulalas ng palagay ko ay nanay ni Lorcan. Maganda ito sa kabila ng edad. Puno ng diamante sa buong katawan. Her blue body hugging summer dress is beyond regal.

"I thought you cannot come because you are busy?" Sarkastikong sagot ni Lorcan. Poot ang bumakas sa mata ng kanyang mga magulang.

"Hindi nga sana because we trust your taste pero ano ito? Nagpapapansin ka ba? Ito na, nakuha mo na ang atensyon namin."

Lumatay ang sakit sa mukha ni Lorcan pero nag-tiim bagang siya at matapang na tiningnan ang mga magulang.

"Abuela approves of this marriage."

"Oh come on, Lorcan. She's old. We know why you did this. We can get you the money you need and you don't have to marry this cash poor slut."

"Stop it!"

"Pinapatunayan mo lang na palpak ka pa din! You didn't grow up! Tama nga ang desisyon naming hindi ka palakihin dahil ganyan ka pa din. Kung hindi dahil sa iyo—"

"Aleana!" Sumigaw ang ama ni Lorcan para pigilin ang asawa na mabilis na tumulo ang luha sa mga mata. Nanginig ang boses ng babae kasabay ng panginginig ng balikat dahil sa nakaambang pag-iyak.

"If it is not because of you, Lily should—"

"Aleana, you are breaking down again." Kalmadong itinayo ng ama ni Lorcan ang asawa. Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Lorcan habang nakakuyom ang kamao. Pinanood niyang mawala ang mga magulang sa pinto.

"Lorcan.." Lumapit ako pero iniiwas niya ang kamay na nanginginig. Lumapit siya sa kanyang side table at inabot ang kanyang cellphone para gumawa ng tawag. Malalim siyang huminga bago nag-salita.

"Margaux, I need you right now."

Nanginig ang tuhod ko kagaya ng pangingig ni Lorcan.

"I need to be alone right now." Matigas na anyong hinarap niya ako.

Now I know how words bleed, I am not sure how it stabbed my heart too. It hurts so much right now.



---

M/N: Ang haba! Papatapos na ang part 1 ng librong ito. Part 1 lang ang naroon sa libro dahil ibang iba talaga ang part 2 ng HMHS (alam iyon ng mga nakabasa na). Itutuloy ko ang Part 2 dito sa wattpad version, huwag kayong magwelga kung sakali.

Votes and comments please. Dumugo ang utak ko sa eksena.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top