Chapter 2


"Ms. Calla Sussane Torres?" A tall, morena beauty stood in front of me. Nakasuot siya ng dark green pencil cut dress, smelling fresh flowers and warm vanilla. Tumayo ako bilang pag-acknowledge at saka sinundan ang mga hakbang niya.

Nag-tungo kami sa isang conference room. A huge room with glass walls and floor to ceiling windows. 

So this is the corporate setting. 

I used to see this when I was a kid. Parehas na magulang ko ay accountant sa magkakaibang kumpanya. I never imagined being part of one. Mas gusto ko ang maaksyon na working environment. This will surely be boring..

But it will pay the bills, Calla. Mahinahon kong paalala sa sarili ko.

"My name is Jarlene, I am the HR Manager of Nemesis Industry. We are a multi-million company who handles huge construction industry here and abroad. We are looking for a personal assistant, we don't care who you are and how much we pay but we want someone who can offer us loyalty and integrity. A person who is smart and quick thinker. You see Ms Torres, we dont want to waste time in training people, we need that personal assistant in three days. Our boss is really private, ayaw nya sa chismosa. So, do you think you can handle the job? If yes, why do you think so?" Mahaba niyang litanya. Sa tingin ko ay nakakita ako ng naparaming stars sa bawat pagbukas ng bibig niya.

Tumikhim ako at nagpalinga linga pero ang mga mata ng masungit na HR Manager ay sinusundan ang bawat paggalaw ng aking ulo.

"W-well. I need to pay the bills. Badly." Napangiwi ako sa pangit na sagot. Pinanliitan ako ng mata ni Miss Jarlene at napailing. Lumakas ang tibok ng puso ko. Hindi iyon maganda. Nagkibit balikat siya at inipon ang papel sa kanyang harapan.

"Okay, let's go meet your boss." Tumayo sya at dumiretso sa salaming pinto.

Hindi ako nakagalaw. Was that a yes?

Bukod sa mas mahaba pa ang sinabi niya kaysa sa sagot ko, wala na ba siyang ibang gustong malaman mula sa akin?

Binalikan ako ni Miss Jarlene nang makita niyang hindi ako sumunod sa kanyang pagtayo at saka niya inilahad sa akin ang kanyang palad.

"Congratulations, you are hired." Matamis pa siyang ngumiti.

Hindi ko agad iyon naproseso.

"Miss Torres, you are hired!" Ulit ni Miss Jarlene sa mas masayang tono.

Unti-unting kumurba ang ngiti sa aking mga labi. "T-thank you!" Bulalas ko kahit di ko tiyak kung deserve ko ba iyon.

Sabay kaming nag-lakad ni Miss Jarlene papalabas ng conference room. Halos libutin namin ang buong floor na pasikot sikot at naparaming pribadong kwarto na nahahati ng glass wall. Ang mga cubicle ay hindi kagaya ng sa imagination ko kung saan tambak ang mga papel. It was actually paperless. Even the printers are laser printers, para lang iyong bumubulong kapag nag-lalabas ng papel.

"Grabe, parang seminaryo." Di ko mapigilang punahin. "May pa-vigil ba dito tuwing alas-sais? Sobrang solemn!" Humagikgik ako.

"Mr. Alcantara don't like noises. Papaalalahanan na kita, madali yong mairita sa ingay. Ang sabi niya, mas nakakapag-isip siya sa katahimikan and he wanted to keep his company that way."

"Boring." I snorted. Ngumiti si Miss Jarlene at umiling.

"He's actually fascinating. Magaling siya sa negosyo. All his arguments are valid and topnatch. He can turn tables. Kahit ang multi-million dollar done deal ay kaya niyang ipasakamay. Of course, we need to praise him for that for keeping this company alive. That means, more years of employment and benefits to us."

The office is really big and impressive. Kahit hindi ako mahilig sa arts, alam ko artistically placed ang bawat furniture. Very classy kahit na ang amoy ng humidifier, it has a scent of flowers. The hallways were designed with paintings mostly abstract, flowers and more flowers?

"Peruvian lilies." Puna ko sa isang abstract painting. Still, an abstract but it resembles lilies.

"Ang galing ng mata mo. Well, those are personal choice of Mr. Alcantara. He may be masculine by all means but I think he do love flowers, especially lilies."

"Ah, bading." Bulong ko.

"Kung ako sayo, hindi ko ipaparinig yan." Mahinang tumawa si Miss Jarlene. Nag-kibit balikat ako at itinuon ang mga mata sa painting.

"Wala namang masama kung oo. Alam mo, Miss Jarlene, uso na yan ngayon. Pero kung hindi siya mag-a-out, I will be patiently waiting."

"Baka mamuti ang mga mata mo. Ssshhh." Iniligay ni Miss Jarlene ang kanyang hintuturo sa labi at mahinang kumatok sa pinto.

'Lorcan Adam Alcantara- CEO'

There's a huge sign at the entrance of the frosted door. Sumenyas sa akin si Miss Jarlene para mag-intay sandali nang pumasok siya sa loob. Ilang sandali siyang nanatili doon sa opisina. Naririnig ako ng mababang boses sa loob na parang seryosong nag-uusap.

I was getting anxious every second. Ngayon pa lang ako makakapagtrabaho sa formal office setting after graduating college. Like them, I need to be beautiful and formal. Milya-milya ang layo non sa pagkatao ko.

"Para sa bahay." Bulong ko sabay hampas ng malakas sa dibdib ko.

Napangiti ako nang sumilip si Miss Jarlene mula sa loob, "Pasok ka." Anyaya niya na niluwangan ang bukas ng pinto.

"Para sa bahay." Bulong ko muli na para bang isa iyong mantra.

Ngiting-ngiti ako nang pumasok sa malaking opisina. Just like the conference room, it is surrounded by wall to ceiling windows. The wide landscape of Metro Manila seems like a painting from here. Ang palibot ay merong mga matataas na snake plants at heart-leaf philodendron, meron kaming parehas na halaman sa bahay, alaga ni Mama noon, aside from that, I have this innate knowledge with plants, my twin and I were named after a leaf.

"Miss Torres, glad to see you in space." My eyes rested into the familiar baritone voice. Gumapang ang lamig mula sa aking mga paa paakyat ng sikmura. The Helix Nebula was glaring at me, the owner of the beautiful orbs was sitting gloriously in an expensive swivel chair, a devilish smile planted on his lips. Expensive black suit, check, expensive watch, check, expensive leather shoes, check! Hindi naman ganito noong una kaming nagkita. He was the boy next door type, he looks different now.

"Maiwan ko muna kayo."

Natataranta akong napatingin kay Miss Jarlene nang mag-paalam siya. Impit akong napatili pero huli na bago niya marinig iyon. Walang ingay na sinarhan niya ang pinto. Kumapal ang hangin sa pagitan namin ni Helix Nebula. Like how the Darth Vader spread darkness in Star Wars the Movie. Like any moment, there will be a Supernova. Sasabog talaga ako at magiging falling star pero magiging pangit na falling star because for sure, this guy will throw water on me to kill my fire.

Nanliit ang mga mata ko nang tumaas ang kilay ni Mr. Alcantara. Halos lumabas ang puso ko dahil sa lakas ng tibok. Mas tumaas ang kanyang kilay sa ilang segundo ko pang pananatali sa kanyang harapan. Hindi iyon maganda.

Lumapit ako sa kanyang swivel chair at lumuhod doon. Pinagdaop ko ang mga palad ko at mariing pumikit.

"Patawad na talaga!" Kinapa ko pa ang kanyang kamay pero naramdaman kong iniwas niya iyon.

Okay, ayaw niya non. Hands off, Calla!

Pinagdaop ko muli ang aking kamay at nagmamakaawang tiningnan siya.

'Para sa bahay!' Muli kong bulong sa sarili.

"Please." I made puppy eyes, napangiwi siya dahil doon.

"Hindi. Bagay."

I know right, I am not the compliant type.

"Pogi ka naman." Maliit na boses ko, umaasa na ang pambobola ko ay may mabibigyan ako ng pag-asa. Narinig ko ang mahina niyang pagbuga ng hangin.

"Sorry na talaga Boss Pogi, sorry na talaga." Pakiusap ko na parang nag-lalambing sa poon ng mga pusa.

"Tumayo ka na dyan." Inayos niya ang kurbata niya.

This is the end, really, this is my Black Hole, no, probably my wormhole. Hindi niya ako mapapatawad sa paninipa ko sa pag-asa ng kanyang henerasyon. It shouldn't be that bad, wasn't it?

Sa mukha niya kasi parang luging lugi. I put an end to his bloodline at ngayon palang ay nag-sisisi na ako. The genes must've been good. Smoldering Asian eyes paired with thick brows, perfectly chiseled nose and luscious pink lips. His body is toned and boasts muscles, all at the right places. Madalas kong makita ang ganito sa mga sporty type sa triathlon. I doubt if he still has time for it, maybe he works out.

Really, Calla? 

"Fine, magsimula ka na bukas, you go straight to my office and if I wont see your face at exactly 8AM, you will be dead. Here." Inihagis nya sa akin ang isang susi na palagay ko ay sa pinto ng opisina nya at halos gumapang ako para kunin iyon.

"Thank You talaga, Boss Pogi." I smiled sweetly. I was waiting for him to reject my address but he just frowned in response.

So, Boss Pogi it is.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top