Chapter 19
I have no idea that admitting you like someone would feel awkward. Sinimulan namin ang araw naming nag-aaway, nauwi sa aminan, ngayon ay ilangan.
"This is really awkward." Huminga ako ng malalim habang tinitingnan si Lorcan, rattling while fixing the table. Napag-usapan naming umuwi nang bahay nang sunduin niya ako sa opisina ni Clover. Naging sobrang tahimik nang biyaheng iyon. Crush palang ang aminan na naganap sa pagitan namin pero parang nag-aya na siya ng kasal at tumanggi ako kung makaasta kami.
"Ah! I can't do this." Ibinagsak ni Lorcan ang kubyertos sa plato at gumawa iyon ng ingay.
"Aalis na ba ako?" Tumayo ako para kuhanin ang gamit.
"No! Just—just stay there."
Bumalik ako sa upuan nang kinakabahan, "We can't let this happen." Aniya. Mabilis akong tumango.
"We cannot live like this. Ayoko nung pakiramdam na mahihimatay ako araw araw." Dagdag ko.
"Exactly. Wine. Tama. We should drink wine so we can laugh about it." Tumayo si Lorcan at pumunta sa Wine cellar. Kumuha din siya ng ilang saltines at chips. Bitbit iyon ay hinila niya ako paakyat. Imbes na sa kuwarto ay ang pinto sa library ang pinuntahan namin.
"Dito tayo iinom?" I asked.
Ngumiti siya at umiling, "Wait 'til you see it."
He went to one of the bookshelves and it popped open. Itinagilid ni Lorcan iyon ay lumitaw ang isa pang kuwarto. Hagdaanan iyon paakyat ng isa pang silid. Probably an attic.
What made it look special is it's glass ceiling. Mala sa labas ay hindi iyon mapapansin pero namangha ako nang makitang ang natural na liwanag mula sa buwan at bituin ay kusang tumagos para mag-bigay ng liwanag sa hagdan paakyat.
"Ang ganda!"
"This was my surprise for you last night if you did not just betray me."
Pinanliitan ko siya ng mata. Siya ang nanguna sa pag-akyat. "Back at you." Sagot ko.
Mas namangha ako nang makita ang attic. Gawa iyon sa kahoy na sahig at ang pader ay may iba't ibang posters na inirelease ng NASA sa market. Meron pang mga glow in the dark stars sa paligid na iba't ibang constellations. A personal ref and a lot of pillows!
"You made this?"
Namula ang pisngi ni Lorcan at nagkibit balikat.
"Sobra sobra ka naman kung magka-crush. I am flattered." I uttered.
Sumimangot siya. "This is not yours alone. Dagdag ito sa bahay. This is for me to enjoy too. Look at that." Turo ni Lorcan sa telescope na nakatayo sa tabi ng bintana. "Limited ang vision pero kahit papaano, maganda pa din tingnan.
Sa isang tabi ay ibinaba ni Lorcan ang hawak na alak at pagkain. Humila siya ng kutson at inilagay ang mga unan doon. "You can explore from here." Pinagpatong patong niya ang unan hanggang sa maabot na nito ang telescope. Dumapa siya doon at sumilip.
"Ang ganda." He whispered.
"Bakit ikaw ang nauna?" Itinulak ko siya para malaglag sa mat at pumalit ako sa puwesto niya.
Sumilip ako sa telescope at nakita ko ang kanyang sinasabi. I smiled just by looking at it. Nakasentro iyon sa Polaris. So, Lorcan has a favorite star now.
May iba't ibang libro tungkol sa astronomy sa mga shelves na naroon sa palibot ng attic. This is my dream room. Lorcan made it happen. Inabutan ako ni Lorcan ng wine at tinanggap ko naman iyon habang nakatanaw kami sa labas. Kung tutuusin, kahit na tumingala ay maganda pa din dahil kita ang mga bituin.
"Look, I bought a game. Do you want to play?"
Ipiwangayway ni Lorcan ang flashcards na mukhang pang-trivia game at base sa disenyo non ay mukhang trivia pa iyon tungkol sa universe.
"May backbone ka na ha?" I giggled. Hinahamon niya ako sa isang bagay na ako ang naunang magkaroon ng interes.
"Try me."
"Which is the second planet from the sun?" I asked. Nakapahinga ang mga flashcards sa aming gitna at bumubunot lang kami doon. Every wrong answer is equivalent to a drink on glass full of wine without ice as penalty.
"Easy. Venus." He answered. Kumuha din siya ng kaniyang flashcard at tinanong ako.
"Phobos and Diemos are the moons of which planet in our solar system?" Ganti niya.
"Mars." Mayabang akong ngumiti. Kumuha pa ako ng isang tanong.
"Which US President's name can be found on the Apollo 11 moon plaque?"
Tumaas ang kanyang kilay. "That's unfair! It is not about space."
"Hindi mo kilala? Drink up!" Giit ko. Naiinis siyang umiling pagkatapos ay kinuha ang baso. Pumula ang kanyang pisngi dahil doon.
Sunod sunod ang naging mali ni Lorcan. Walang tigil ang kanyang pag-inom at tawa naman ako ng tawa.
"You know you can tap out, alright?" Suhestiyon ko.
"Hindi ako susuko. Quitters are losers" Kumuha muli siya ng isang flashcard at binasa iyon.
"In 1610, who became the first person to observe Saturn's rings through a telescope?"
Natigilan ako doon. Malakas na humalakhak si Lorcan sa pagkabigla ko doon sa tanong.
"C-copernicus?"
"Wrong, inom." Inabot niya ang baso sa akin at ininom ko nga iyon.
Mukhang naguluhan na ako sa mga sumusunod dahil sa alak na nainom. May mga tanong na hindi ko nasagot kaya naparami na din ang inom ko. Uminit ang pakiramdam ko kahit fully-airconditioned ang attic.
"Io, Europa, Ganymede and Callisto are all moons of which planet in our solar system?"
"Jupiter." I answered
"Dork." Napapailing na ibinaba ni Lorcan ang pang-huling flashcard. "You should have a weakness or something. We had a lot of wine and I drank more than half of it."
"Naiinggit ka lang ata." Bulong ko nang nakapikit. Namamahinga na ako sa kanyang balikat. "You can challenge me on the area that you know the most. Game, magbigay ka ng trivia at kapag hindi ko iyon nasagot ay parusahan mo ako."
Nanatili siyang tahimik. Siniko ko siya, "Gising ka pa ba?" I asked.
"What is the chemical that spikes when you kiss someone?" Natigilan ako sa baritonong tanong niya na iyon. Nag-angat ako ng tingin at malawak na ngumiti. His eyes fueled with something new. Binalewala ko iyon dahil bumagay sa kanya.
"Chemicals? Mayabang ka ha. Hindi ko iyan alam."
"It is dopamine, Calla."
"Dopamine? Ano yun?" Napakamot ako ng ulo. Hinawakan ni Lorcan ang aking batok at inilapit ang kanyang mukha sa akin. Napakurap kurap ako pero awtomatikong napapikit nang bumagsak ang labi niya sa akin.
"Do you feel it? It is dopamine." Bulong niya sa pagitan ng aming paghinga. "It is a chemical that makes you crave for more." Bumaba muli ang mukha niya at hinalikan ako. My hand traced his hair and the rush of emotions and everything foreign trapped my senses somewhere out of my body. I did not blush, instead, my body responded to the type of kiss. Teasing, hot and vulnerable.
"Totoo nga." I whispered. "Do I need to drink? Hindi ko nasagot ang tanong mo."
Umiling siya. "Just a kiss in every wrong answer, okay? Mas exciting iyon."
Tumango ako.
"Next question, what is the chemical released when kissing that bring on waves of euphoria?"
"That sounds familiar. But I don't know the answer." Bumigat ang talukap ko. I traced my finger on his strong jaw, nakarinig ako ng ilang pagmura pero hindi ko iyon maintindihan.
"Damn it. You better answer, I might lose myself if you wont." Ginawaran na naman niya ako ng isang halik bilang parusa.
I smiled ear to ear, "What is that called?" I asked.
"Endorphine."
"That's a happy feeling. It reduces pain, right?"
"It is." Bulong niya sa aking leeg. Napapikit ako dahil doon. Nakikiliti at di alam ang susunod na gagawin. "How long is the longest kiss on the world record?" He pat a kiss on my neck and it burned up my insides.
"Hmm, I don't know." I mumbled. "3 hours?"
"Wrong, two days, Calla." Lorcan bit my ear and I couldn't help but moan.
"How is that possible?" Napakunot ang noo ko.
"Do you think we could beat that?"
"No!" Sumimangot ako. "But we should at least try."
"Yes, that's right. We should."
May maliliit na kuryente ang gumapang sa aking katawan. Lorcan carefully rested my back on the bed and started kissing me slowly. It was not a hungry kiss. Iyong hindi pabaya kung hindi ay puno ng ingat. Like he was so sure what is his at the first place and he's taking his time because no one can take it away from him and that's right, no one.
It I reminded me of a short story that made me hook by a few words. I fell in love with it instantly. Mahinahong pinatakan ni Lorcan ng halik ang aking balikat. The moonlight loved him, he's beautiful even on the slightest kiss of light upon him. He yanked me to him to give me another tender kiss. It was so filling.
He unbuttoned my pajama top and I couldn't think right anymore. Para akong pumasok sa isang butas at wala nang daan palabas kundi iyon.
Lasing niya ayong tiningnan, I tried to cover my chest with my arms but he pulled my hands down. "Beautiful." It made me giddy. He went down and kissed me slowly. I closed my eyes, I felt it was a dream.
A dream until....
---
"Por Dios Por Santo! What did you do both of you?!" Ang matinis na boses na iyon. Mabilis akong napabangon at nakita ko si Granny na nakatakip ang mata.
Maliwanag na ang araw nang tumingala ako.
"Abuela? What are you—"
Hindi naipagpatuloy ni Lorcan ang sasabihin nang mapatingin sa akin at sa sarili niya. We were both half naked. Napaawang ang labi ko pero hindi din ako agad nakatili dahil tinakpan ni Lorcan ang bibig ko. "Do not shout." Bulong niya sa akin, "I'll figure this out."
"Figure this out! No, the wedding should happen now!" Giit ni Granny. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanila. Nanatili pa din akong nakatulala.
"Abuela, please!"
"Anong please? Hindi mo aalukin ng kasal eh nakita mo na ang lahat sa kanya?"
"Hindi ang lahat, okay!" Giit ni Lorcan, "We both passed out before anything could happen."
Nakahinga ako ng maluwag dahil doon kasi ako, wala na akong maalala.
"Is that an excuse? Dahil para sa akin ay hindi talaga! Kailangan niyong ikasal sa lalong madaling panahon."
"Abuela, we are both grown ups here. We won't get married just because you said so. Fine, we like each other but—"
"You both like each other?" Nagliwanag ang mukha ni Granny. "That's great! I am so happy!" Kumindat pa sa akin si Granny. "That's enough reason to get married hindi ba? Hindi totoo yung long engagement na iyan, naghihiwalay lang."
"Can we talk about this, Abuela? In private?" Napapagod na ginulo ni Lorcan ang kanyang buhok.
"Of course, we can."
"Hindi ka kasali, Abuela. Please, leave us alone and we will meet you tomorrow."
"Okay, okay.. Excited lang akong magkaroon ng apo sa tuhod." Pakanta kanta pang bumaba si Granny sa attic at iniwan kaming dalawa. Napatakip ako ng mukha. I remember going up here to make sure everything's not awkward, hindi ko akalaing mas magiging awkward pa pala ang sitwasyon nang manatili kami dito.
"Anong nangyari gabi?" Tanong ko kay Lorcan.
"Hindi mo maalala?"
Mabilis akong umiling.
"Wow, amazing." Natatawa niyang bulalas. "We kissed and almost---"
"Hindi ka nanamantala?"
"You are not really hot for me to do that—"
"Bastos ka!" Hinampas ko ang kanyang braso. Nawala ang hiya ko sa katawan at tumayo ako basta. "Alam mo, hindi ko sasabihing panagutan mo ang nagawa mong kalapastanganan." Tumayo din si Lorcan, natakpan ako ng kanyang anino.
"Really? Parang ako lang ha. Paano naman ang karapatang pantao ko? You exploited me too. You removed my shirt and it is nothing to you now?"
"So ano? Paano ang karapatang pantao nating dalawa? Should we seriously get married dahil naging marupok tayo at gumanda ako bigla sa paningin mo? At ako naman, uto-uto. Naniwalang malinaw pa ang mga mata mo kagabi kaya nagpadala ako sa—"
"Akala mo ba hindi mo maalala? Bakit alam mong sinabihan kitang maganda ka? Not that I mean it but---"
"Oh come on! Kahit kailan talaga, sa akin mo ibabaling ang sisi dahil hindi mo matanggap na hindi ka magkakagusto sa simpleng taong kagaya ko. And I am sick of it. Magdesisyon ka na ngayon, Lorcan. Kung anong magiging desisyon mo, makakaasa kang susuportahan kita."
"Talaga?" Tumaas ang kilay niya.
"Talagang talaga. Itaga mo sa bato."
"Will you marry me?"
"Aba't talagang—"
"I am serious, Calla. There's nowhere to go at this point. You annoy me to bits and I annoy you beyond this universe. I didn't like you the first time I saw you and I know you didn't like me either. I kissed you like I never kissed someone, and you responded like your life depended on it. You have an effect on me and I have an effect on you too. Isa isahin ko pa ba ang level of courtship? I think we have checked everything on the list."
Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang mapagtantong wala na akong lalabasan sa sitwasyong ito, "Baliw ka. How can you propose in our underwear in broad daylight? We both smell alcohol and sweat, most of all you have no ring. How dare you ruin my idea of fairytale?"
"This is the truest form that we could be. Let's get married."
Bumukas ang bibig ko. "You think so?"
"Yes, Ma'am." He reached for my lips and kissed me to seal the deal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top