Chapter 18
"That doesn't look tasty." Puna ni Lorcan sa iniluluto kong tinola pagkatapos naming umuwi.
"Dapat ay sa labas na tayo kumain." Napakamot siya ng kanyang ulo.
"Mahal sa labas. Hindi ka pa ba naipagluto ng ganito? Kawawa ka naman!"
"Well, I don't remember anymore. I grew up eating Western cuisine."
"Sosyal! Magugustuhan mo din ito." Pangungumbinse ko. Hindi nga ako nagkamali. Nang ihanda ko iyon sa lamesa ay nakailang salin siya ng kanin.
"This is not bad. You should cook more of this and start acting like a girl."
"I am a girl!" Nakasimangot na sabi ko. We fool around the whole day. Hindi namin napag-usapan si Margaux which is unusual. We played video games on our pajamas the whole day. We ate chips and ordered pizza to fill us up.
That basically became a habit, I cook lunch and dinner, pero si Lorcan naman ang sa breakfast para makatulog pa ako ng marami at tumangkad pa daw ako. Tuwing nasa bahay kami ay walang hanggan ang pang-iinsulto niya sa akin. Namanhid na nga ako ng husto. Ang akala ko na hindi ko matatagalang set up ay tumagal na ng mahigit na isang buwan. Hindi pa din tapos ang renovation ng mansyon ni Lorcan kaya wala siyang choice kundi makisama sa akin. Palagay namin ay ipinagiba ni Granny ang kanyang bahay at gumawa ng panibago kaya ganito katagal.
"Bakit hindi mo ako inintay?" Lorcan nagged on the other line. Napailing ako nang ayusin ang grocery bag sa aking mga kamay.
"Alam ko namang matatagalan pa ang meeting mo. Mag-luluto pa nga ako ng hapunan." He left after lunch for a meeting, hindi niya ako isinama pero nagbilin siyang intayin ko. Hindi na ako nakapag-intay. Labinglimang minuto pagkatapos ng shift ko ay umuwi na din ako.
"What's for dinner?" There's a tinge of excitement on his voice.
I rolled my eyes. Huminto muna ako sa labas ng supermarket para mag-intay ng taxi. "Kaldereta. Hindi ba nung isang araw mo pa hinihiling yon? Inagahan kong umalis para mapalambot ko ang karne."
"Fine, you are forgiven. Can't wait to go home. See you later. Pauwi na ako."
Mahaba ang pila ng taxi at naroon ako sa pinakadulo. Inip akong nag-intay nang merong tumabi sa akin. Nabahagian ako ng anino non kaya napatingala ako.
"Eros!" Pinanlakihan ako ng mata.
"Hi Calla! Saan ka papunta?"
"Pauwi na." Kaswal kong sagot.
"Boring. Do you want to hang-out? Wala ba ang boyfriend mo?"
Boyfriend. Eros never asked, he just concluded. Hindi man ako ipinaparada ni Lorcan bilang nobya niya ay parang common knowledge na din iyon na hindi na kailangan pang kumpirmahin. Although I felt bad that I need to lie to the only friend I have. Mas kaunting taong nakakaalam, mas maitatago niyang mabuti ang ganito.
"Nag-iintay siya sa bahay."
Napawi ang ngiti ni Eros. He just nodded. Nakakaunawa niyang ibinalik ang ngiti pagkatapos.
"You still have my number, right? Kung kailangan mo ng kausap, you can always contact me. See you around." Inakbayan niya ako saka ikinulong sa mahigpit na yakap. Mas matagal iyon kaysa sa simpleng yakap at gumaan ang pakiramdam ko. Hindi niya ako kailanman huhusgahan. Tinapik ko ang kanyang likod.
"Salamat, Eros. Alam ko naman iyon. Labas tayo isa sa mga araw na ito. Kapag hindi na busy. Sana available ka."
"Lagi naman. Basta ikaw. I mean, basta kayo ng kakambal mo. Bye." Ngumiti siya at paatras na lumayo.
I waited for a few more minutes nang makasakay na din ako sa wakas sa taxi. Naging abala ako sa mga sumunod na oras sa pag-luluto. I was challenged to cook more complicated recipes dahil kay Lorcan. Buong puso kong ipinagmalaki ang pagkaing Pilipino. It is not hard feeding him. Hindi kagaya ng inaakala ko. Kinakain niya ang kahit ano basta hindi ang laman loob. He even ate ampalaya, much to my surprise.
Pagod na ako nang pumatak ang orasan sa alas-siyete. Tiningnan ko ang cellphone ko kung merong mensahe doon pero wala ni isa. Matiyaga akong nag-intay. Inabala ko ang sarili kong ayusin ang sitting room habang nag-iintay.
Pumatak ang orasan sa alas-otso. Medyo nag-alala na ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-padala ng mensahe.
'Saan ka na?'
Nang lumipas ang tatlumpong minuto ay napagdesisyunan kong tawagan siya. His phone was ringing, pero pinatay niya ang tawag makalipas ang tatlong ring. Napanguso ako, siguro ay may mahalagang kausap.
I waited for two more hours. Nawalan na ako ng gana. It is 10:30 and I haven't heard from him. Pinatay na din niya ang kaniyang cellphone kaya hindi ko na muling natawagan pa iyon. Inayos ko ang pagkain at inilagay sa ref. Mabigat ang loob kong tinungo ang kuwarto. Paikot ikot ako sa malawak na kama nang humiga. Humihinto ako sa gitna kung saan ko inilagay ang bundok ng unan na iniharang ko simula nang magising akong magkayakap kami ni Lorcan. To avoid further awkward moments ay ginawan ko na ng paraan.
Pumatak ang orasan sa alas-dos ng madaling araw at mulat pa din ako. Nakarinig ako ng pag-hinto ng sasakyan. Mabilis akong pumikit pero napakunot ang noo ko nang makarinig ng tawanan. Kay Lorcan iyon at sa isang babae. Hindi ako nakakilos. Lumakas ang bulungan at ang tawanan nang bumukas ang pinto sa salas.
"Oh Lorcan, I missed getting drunk like this with you. Remember our days in New York? Yung last penny natin, ibibili natin ng alak at doon lang tayo sa flat mo. We will just passed out drinking." Mapang-akit na tumawa ang babae. Hindi ko na napigilan ang pagtungo sa pinto para silipin iyon.
May humawak sa puso ko nang makita si Margaux doon sa sitting room. Wala sa ayos na nakaupo doon sa upuan, lantad ang mahahabang binti sa suot na gintong dress. Sa tabi niya ay si Lorcan, parehas na namumula ang pisngi at wala sa ayos ang upo. Even drunk, they still looked good together. There's a serious lump on my throat when I saw Margaux's hand crawled to Lorcan. Kinuha iyon ni Lorcan at pinagdaop na parang para doon talaga iyon.
"Thank you for not leaving me." Malinaw na bulong ni Margaux. Sa gitna ng katahimikan, maingay na tinambol ang puso ko. I can sense my brain is cheering on me to close the door but I didn't. It is as if I want to hurt myself some more. Parang hindi pa din masakit ang puso ko at kaya pa niyang tumanggap ng mas masakit pa.
Tumingin sa kanya si Lorcan. All I can see is the softness in his eyes, malinaw iyon kahit tanging lampshade lang ang nag-sisilbing ilaw.
"You know, I won't do that. I'll never do that."
This is a straight cut teaser from a romantic film. The hero and the heroine gets drunk and they'll confess their feelings to each other. Gusto ko silang palakpakan sa galing sa pag-arte. My eyes teared up for the very romantic scene. It is a happy scene that it made my heart wrench. Have you watched something happy that it is so painful to see?
Because you know you can't be happy like that.
"You know what I regret the most?" Bulong ni Margaux.
"No, Margaux. Do not get there, please." Hindi nakinig si Margaux. Tumayo siya at umupo sa kandungan ni Lorcan. A tear fell on my cheek. Madali kong pinunasan iyon habang tahimik na nanunuod. Pinipigilan ang sarili sa pag-hikbi.
Bumagsak ang labi ni Margaux kay Lorcan, hindi sila gumalaw. Doon ko napagdesisyunang hindi ko na kaya. Tahimik kong sinarhan ang pinto at nagtungo sa restroom. Nag-tungo ako sa tub na walang laman at doon ko hinayaan ang sariling iyakan ang pangyayaring hindi ko maintindihan kung bakit nakakaiyak.
Siguro dahil matagal akong nag-luto at hindi siya umuwi. He should have told me not to wait. That was my cue. I know I need to leave tomorrow, impronto.
Hindi ko na namalayan kung paano at kung kailan, basta nagising ako sa loob ng tub. Nagmamadali akong tumayo para mag-handa sa pagpasok. I took a quick shower and prepared for work. Amoy pang-almusal na pagkain nang bumaba ako mula sa silid. Nakaupo si Lorcan sa upuan habang nakaharap kay Margaux na abala doon sa kusina. She's wearing his polosleeves like it is her own. Bagay na bagay sa kanya. Kung ako ang mag-susuot non ay tiyak na magmumukha akong trying hard na multo. He's too big for me. Too tall, too strong and too honest enough to hurt me.
Lumingon si Margaux para isalin ang pancakes sa plato ni Lorcan. Nag-angat ito ng tingin nang makita ako.
"Calla!" Ngumiti si Margaux sa akin. "I hope you don't mind. Naparami ang inom namin ni Lorcan kagabi. I prepared the both of you breakfast to pay you for crashing at your place. Pagkatapos nito ay aalis na din ako."
Nag-paste din ako ng ngiti, "Walang anuman. Siguro ay hindi na ako makakasabay." Tumingin ako sa wristwatch ko, "Merong breakfast huddle sa opisina na kailangan kong puntahan. Mukhang hindi pa handa si Lorcan, I need to represent the office of the CEO. Lorcan?" Pag-papaalam ko.
"Okay." Tipid niyang sagot na hindi man lang ako pinigilan. Parang kinurot muli ang puso ko doon. I forced a smile once again. Nananalangin na hindi iyon bumagsak.
"Ganoon ba?" Malungkot na tiningnan ni Margaux ang pagkain, "Kami na lang pala ang uubos nito."
"Enjoy your breakfast!" Tipid pa akong kumaway at saka tumalikod na. Pinalis ko ang maliit na luhang nag-babadya sa mata. Hindi ko pa man nabubuksan ang gate at pinigil na iyon ni Lorcan.
"Come inside and wait for me." Seryoso ang madidilim niyang mata sa akin.
"Hindi na. Trabaho muna. Mag-kita na lang tayo mamaya." Ngumiti ako kahit nag-uulap ang mata. Kumunot ang noo ni Lorcan pero nanatiling tikom ang bibig. Hawak niya pa din ang braso ko nang mahigpit.
"Dito ka muna, mabilis lang ako. Hindi na din ako kakain." Mababa ang boses niya pero umiling ako. Yumuko ako at nahuli ko ang pagpatak ng isang luha sa sapatos ko. Umaasa ako na hindi niya iyon nakita.
"Calla.."
"Ano ba?!" Tumaas ang boses ko, "Andyan na siya, Lorcan. Ano pa bang inaarte arte mo diyan?" Napaatras si Lorcan dahil sa sigaw ko. Narealize ko kung ano ang nasabi ko. Binawi ko ang kamay ko at matapang siyang tiningnan, "I am sorry. Aalis na ako."
Lumabas ako ng gate at nagsimula nang mag-lakad papalabas ng subdivision. The most excruciating walk that I ever made. Habang naglalakad ay masyadong maraming pumapasok sa isip ko. On how I would walk away and say goodbye on this arrangement. Maybe I should start looking for a job. I am busted. I looked so jealous. Hindi ako pinagtawanan ni Lorcan ngayon pero tiyak kong gagawin niya iyong katatawanan sa susunod na araw. Hindi ko kayang pagtawanan kung ganito kasakit. Hindi ito kayang idaan sa ngiti.
Natigilan ako sa bumalot na yakap sa aking katawan. His scent was a giveaway. Alam kong si Lorcan iyon. Umigkas ako para kumawala doon pero naging mahigpit ang yakap. I melted my insides in a bad way. Kung tunaw na ako, paano pa ako lalayo?
"Pumasok ka na doon sa loob." Giit ko nang pagalit.
"If you make one step, I know I'll lose you so just go inside and be with me." Bulong niya sa aking tainga.
"Lorcan naman."
"I acted like a douche last night. I have a surprise for you. I was never on a meeting because I prepared something for you but I saw you hugging that a**hole at the supermarket. I was so mad at you."
Pumikit ako ng mariin, hindi handang makipagtalo.
"Papasok na ako, please."
"I saw her at the bar drinking alone. Sinamahan ko siya. There's nothing to do but to get drunk, too. She's still my friend."
"Lorcan, bumalik ka na doon."
"Fine, she kissed me but that was nothing. Alam kong nasaktan kita."
Pinilit kong kumawala sa yakap niya pero nagmatigas siya.
"Calla, what's wrong with you?"
"Nahuli mo ako. Nalaman mong gusto na kita." Bulong ko nang may pag-sisisi. "Siguro alam mo na kung bakit ayoko nang ako lang ang magmamahal. Kasi ayokong palagi na lang masasaktan dahil ako lang ang nagmamahal." Pinalis ko ang luha ko, "You are not responsible for this. Sabi ng horoscope ko ngayon 'I will meet someone that will make me happy for the rest of my life.'" Pinilit kong ngumiti. "Bahala na ako sa buhay ko simuila ngayon. Balikan mo siya at maging masaya kayo. Ang inaalala lang naman ng Lola mo ay yung tumanda kang mag-isa. Mukhang pinayagan na kayo ng universe na mag-sama."
May dumaang taxi at mabilis kong pinara iyon. Nang huminto ay ginamit ko ang buong lakas ko para makawala kay Lorcan. Nakakuyom ang kanyang kamao nang sundan ako ng tingin sa papalayong taxi.
--
"Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo! Bakit ba ang rupok mo?" Paninisi sa akin ng kakambal ko nang puntahan ko siya sa kanyang opisina. Inabutan niya ako ng juice. "Tigilan mo na ang pag-iyak. Hayaan mo na yung engot na yon. Hindi niya alam ang pinakawalan niya. Dadalawa na lang tayong Diyosa sa mundo, napunta na nga sa kanya ang isa, tatanggi pa. Para siyang nagtampo sa bigas."
"Sinira ko ang friendship namin." Ngumuso ako.
"Anong friendship? Amo mo siya."
"Exactly!" Napatakip ako ng mukha. "Nakakahiya, ayoko nang pumasok."
"Anong ayaw mo nang pumasok? Wag ka ngang rebelde. Face it like a big girl."
"Pagtatawanan niya lang ako."
"Sinong tatawa sa ganda nating 'to? Sasapakin ko!"
Tumunog ang cellphone ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Malamang ay mag-wawala si Lorcan kapag nalaman niyang hindi ako pumasok ngayong araw.
Nang makita ko ang pangalan niya ay mas dumoble pa ang tibok ng puso ko. Clover clicked the message. Sumabulat doon ang mensahe ni Lorcan.
'Where are you? Please tell me that you are safe.'
Wala sana akong balak na sumagot pero kinuha muli ni Clover ang cellphone ko at nagtype doon. Magrereklamo pa sana ako nang mabilis niyang napadala ang kanyang reply.
'Masama ang pakiramdam ko. Nandito lang ako kay Clover, aalagaan niya ako.'
Clover replied on behalf of me.
Tumunog ang cellphone ni Clover at napatili siya dahil doon.
"Ay, ang bongga. Tinext ako ni Mr. Alcantara. Saan daw ang opisina ko. Pak. Reply."
Napangiwi ako. Parang si Clover lang ang nag-i-enjoy sa komosyon. Nanatili ako sa sleeping area ng kompanya nila Clover at hindi na niya akong pinayagang umalis doon. Dinadaanan niya lang ako doon para kumustahin at dalhan ng pagkain. Nang matapos na ang araw ay sinundo ako muli ni Clover. Madilim na sa labas at mas dumoble ang lungkot ko nang hindi ko na alam ang gagawin.
"Taralets, bagets." Hinila ni Clover ang kamay ko at parang may lakad dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong nagkababa kami ng kanilang opisina. "Kumusta ka naman doon? Wala namang lumapit sayo?"
Umiling ako, "Wala naman."
"Walang nakipagkilala?" Tanong niya.
Umiling ako, "Wala naman. Bakit?"
Nagkibit balikat siya, "Sabi kasi ni Mr. Alcantara wag ka daw ipapakilala kahit kanino. Pati nga kay Tami hindi na kita naipakilala. Sumusunod lang naman ako."
"Bakit daw?"
"Malas daw eh. Parehas pala kayong naniniwala sa Feng Shui. Bagay kayo. Ay andyan na pala siya. Sige, uuwi na ako. Ako ang nakatoka sa dinner ngayon."
Walang ano't ano ay ipinagtulakan na ako ni Clover papalapit kay Lorcan na ilang dipa lang ang kayo mula sa akin. Hindi ko na nagawang mag-reklamo.
"Anong ginagawa mo dito?" Sinubok kong sumimangot pero hindi ko iyon napanindigan. "Wag kang lalapit, nakakahiya ako."
"Hi.. My name is Lorcan Adam Alcantara, you are?" Humakbang siya papalapit. Even his eyes were smiling. Ipinagmamalaki niya ang kanyang dimples na bumagay sa kanya ng husto. Hindi nakisama ang mga paru-paro sa sikmura ko na patuloy sa pagsayaw habang lumalapit ang kanilang amo.
"A-ayoko. Umalis ka."
Tinakpan ko ang mukha ko.
"Ang suplada mo naman."
"Umalis ka na, Lorcan."
"Nice to meet you." Hinawakan niya ako sa magkabilang siko at hiniling ko na lang na kainin na ako ng lupa. I can't adult anymore kung ganito lamang ang haharapin!
"Ayoko. Ayoko. Alis!"
Sinarhan na ni Lorcan ang aming distansiya at nanatili siyang nakangiti habang magkadikit ang aming mga katawan sa harapan ng opisina ng kakambal ko.
"Bakit ka naman mahihiya kung magkagusto ka sa akin? It is a normal thing. Ipinagtataka ko nga kung bakit ang tagal."
"'Wag mong ipapaalala." Mas lalong dumiin ang mga palad ko na nasa mukha.
"Sige, ganito na lang para fair. I will tell you a secret."
"Ayokong marinig."
"I think I have a crush on you, too." Bulong niya sa aking tainga kasabay ng paghalik sa buhok. Sumiksik ako sa kanyang dibdib para itago ang mukha, tiyak kong sobrang pula na non.
"I know. It is as weird as the footsteps of the astronauts on the moon will stay there for millions of years, but I am weird, and this happened.."
"Mas weird yung walang atmosphere ang moon."
"Mas weird yung nagpaalam kang papasok pero niloko mo ako."
"Sorry."
Ginulo ni Lorcan ang buhok ko. "Let's go home then I'll forgive you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top