Chapter 17




Bitbit ang dalawang malalaking maleta, naghiwalay kami ng kakambal ko sa tapat ng bahay namin. There were no dramatic goodbyes. Not even pang-MMK na walling at pagtatanong kung bakit ganito ang binigay sa amin ng tadhana. Magaan sa loob naming tinanggap ang kapalaran ng paninirahan namin sa bahay na iyon. It was good 22 years. All I can say is that I am grateful to live a happy life. Magkikita din naman kami ni Clover bukas ng gabi kaya hindi naman ako apektado masyado.

"Are you seriously gonna ride the bus with those stuffs? Nandyan ba sa loob ang bahay niyo?"

Imbes na 'magandang umaga', ang amo kong may sabing ako ang pinakapaborito niya ang nakasunod sa akin.

Hindi ko pa din makakalimutan ang pagtatama niya sa sarili niya kagabi.

"Paborito kitang asarin, Calla." Paulit ulit na nagre-replay yon sa aking utak. Pagkatapos kong mag-pakatotoo na isa siya sa mga paborito ko, gaganunin niya ako? Umirap ako at nagpatuloy sa paghila sa maleta ko kahit hirap na hirap na.

"Hindi, nandito sa loob ang pride mo. Kulang pa nga ang space eh, may naiwan pa sa cabinet ko. Babalikan ko na lang bukas."

Humalakhak siya. "Sakay na." Aniya.

"Sinabi na sa akin ni Granny kung saan ang address, hindi mo na ako kailangang sunduin. Clingy mo." Angal ko.

Mahina siyang natawa habang mabagal na umaandar ang Mustang niya para sabayan ako sa pag-lalakad.

"Hindi kita sinusundo. Bumili ako ng fertilizer sa Sunday Market na malapit dito." Huminto ang makina ng sasakyan niya at mabilis akong nilapitan. Hinila niya ang maleta ko at pilit na isinikay sa likod ng kanyang sasakyan.

"Mainipin si Abuela. Gusto mo bang magalit yon?"

Wala na akong nagawa nang sumakay na ako sa kanyang sasakyan. Pinagmasdan ko ang kalsada. Dinaanan namin ang building ng Nemesis kaya alam kong malapit lang talaga kami sa opisina. Isang pribadong subdivision ang aming pinasukan. The townhouses were mostly Japanese inspired. Merong mababang bakod na gawa sa kahoy at malawak na garden. Bamboos were the primary ornament on the entricately landscaped lawn. Ang garahe ay pangdalawahang sasakyan lang. Sa pinakadulong block ay natanawan na namin ang sasakyan ni Granny, at naroon siya, matiyagang nag-iintay sa aming dalawa.

Her face lit up when she saw the car of her grandson. Humakbang pa iyon ng ilan nang ihinto na ni Lorcan ang sasakyan.

"Mga apo! Good morning!" Ngiting ngiti si Abuela na parang nanalo ng limpak limpak sa casino. "I am really excited to show you this house. Ako ang nag-design nito."

Pumasok kami sa loob ng bahay na wood ang major accent. It looked so pleasing in the eyes, hindi ito kalakihan at tama lang para sa dalawa hanggang tatlong tao. Imbes na couch ay single Bergere chairs ang upuan sa salas, pangdalawang tao lang. Ang lamesang pang-apatan ay gawa din sa kahoy. The walls were painted white and light yellow. Malawak ang hagdanang kahoy patungo sa second floor na merong dalawang pinto.

"This will be your library.." Binuksan ni Abuela ang kanang pinto at bumungad sa amin ang five-shelves mini library. "And this will be your room."

"Wait, wait.." Hinawakan ni Lorcan ang kamay ni Granny nang tangkang bubuksan nito ang ikalawa't huling pinto, "Your room?"

'Jarann!!!'

Maligayang ipiniresenta ni Granny ang kuwarto na merong kama sa sahig. I know that this is a Japanese-inspired townhouse, hindi ko lang akalain na ang malapad na kama ay nasa sahig, giving no space for another bed or furniture in it. Maganda, kung tutuusin. Very laid back and minimalist.

"Ang ganda hindi ba? Very cozy. Very Japanese. Gusto ko nga ng ganitong kama sa aking kuwarto."

"Abuela, you want us to sleep in one bed?"

Tiningnan kami ni Granny na parang walang malisya, "Ano naman ang masama, mag-nobyo naman na kayo at mauuwi din naman iyan sa kasalan. Ang pabebe mo! Ito ngang si Calla, hindi nag-rereklamo." Turo sa akin ni Granny. Para naman akong natauhan nang sikuhin pa ako nito. Para akong napapagitnaan ng nag-uumpugang bato.

I smiled widely, "W-wala namang masama, Love. Tama naman si Granny. S-saka, wala naman tayong gagawing masama."

"That's the right answer!" Napapitik pa si Granny sa hangin. "You can have your own movie nights in the built in projector, you have a very wide closet and your own restroom. Pansamantala lang naman ito, Apo. Kapag tapos na ako sa renovation then you can go home. Calla can stay here as long as she wants."

"K-kapag tapos na po ang renovation, maghahanap na po talaga ako ng bedspace, sasamahan ko muna si Lorcan dito kasi walang mag-aasikaso sa kanya."

"Bedspace? Hahayaan ka ba naman ni Lorcan na manirahan na hindi kumportable?"

"Fine! Fine!" Wika ni Lorcan na parang naguguluhan, "We take it from here. You may go, mag-aayos pa kami ng gamit." Pagtataboy ni Lorcan kay Granny.

"Kanina ko pa nga iniintay na sabihin mo iyan." Pilyang ngumisi si Granny, napatapik naman si Lorcan ng noo. Inihatid lang namin sila sa labas at parehas kaming nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.

"Look," Pagpasok palang namin ng bahay ay hinila na ni Lorcan ang siko ko, "You don't have to agree on anything my Grandmother says."

"Lorcan, hindi ba nag-papanggap nga tayo?" What I really meant was, kami ni Granny ang nagpapanggap at hindi ko na talaga alam kung ano ang game plan. Sumasakay na lang ako. Still hoping for the best.

"I know, but this is getting out of hand. Nagiging control freak na si Abuela. Pati ikaw ay pinanghahawakan niya. I told you, I can get you a space---"

"Alam mong hindi ko din tatanggapin yon hindi ba? Kung hindi ka kumportable, pupwede naman akong umalis dito. Yun ay kung handa ka nang sabihin sa Lola mo na nagpapanggap lang tayo. Mas makakakilos ako ng maayos." Kapag tapos na ang pag-sisinungaling ng Mag-Lola sa isa't isa.

Napahilamos ng mukha si Lorcan. "No!" Matigas na tanggi niya. "Hindi ko na kailangang umamin dahil magkakatotoo din naman ito, di ba? I am confident that you will agree to marry me."

Nagpamewang ako at mahinang napatawa. "Ang yabang mo din naman. Sinasabi ko namang hindi kita papakasalan kung ako lang ang mag-isang magkakagusto sayo."

May maliit na ngisi sa labi si Lorcan, "Really? Baka magising kang hinihingi ang kamay ko."

Nainis ako sa isiping iyon. "Asa!"

---

Amoy mabangong pagkain ang buong bahay nang magising ako mula sa afternoon nap. Nag-iinat pa ako nang bumukas ang pinto.

"Handa na po ang pananghalian, Mahal na Prinsesa."

"Magaling, magaling!" I giggled. Nakasuot pa ng apron si Lorcan at may hawak na sandok. Itinulog ko ang aking gutom kanina. Wala akong kakayanan na mag-luto ng masarap na pagkain, or worse, isang masarap na pagkain na papasa sa panlasa ni Lorcan Alcantara.

"Hindi ka ba marunong mag-luto?" Tanong sa akin ni Lorcan nang umupo kami sa harapan ng lamesa. In fairness, maganda ang pag-ka-kaayos niya. Restaurant-ish ito at merong pang vase na may fresh flowers.

"Ikaw naman, isang beses ka pa lang nag-luluto, nagrereklamo ka na. Kumakain ka ba kasi ng Dinengdeng? O di kaya yung Ginisang Ampalaya? Misua con Patola?" Tanong ko habang humihiwa ng manok sa aking harapan. Mas mabango nga iyon sa malapitan.

"If that is food from the stars then I rather have my processed foods daily."

"Hmm, ang sarap." Wika ko nang tikman ang manok. Itinuro ako ni Lorcan ng kanyang kutsilyo at saka tumaas ang kanyang kilay.

"Tandaan mo, tayong dalawa lang dito, wala kang katulong. You know how OC I could get. Ayoko ng kalat, ng maingay, ng madumi."

"Ang dami namang ayaw. Daig pa ang Nanay. Huwag kang mag-alalala, bukas ay mag-luto ka na lang ng para sa iyo. Uuwi ako nang nakakakin na."

"I am not joking, Calla. If you want me to like you, then start acting like a matured woman. I don't like to babysit."

"Newsflash Lorcan, I don't want you to like me. Hindi naman ako ang nanliligaw dito, ikaw naman. I won't gain anything if I will marry you, you will." Umirap ako.

"That's not what I meant. Hay! Paano ko ba matatagalan ang ganito kung umpisa palang nag-aaway na tayo?"

"Brace yourself, there's more to come."

Napapailing niyang ibinalik ang atensyon sa masarap na pagkain. Hindi nga ako nagkamali. Nang dumating ang gabi ay mas dumami pa ang hindi namin napagkakasunduan. Simula sa kung sino ang maghuhugas ng plato o sino ang mag-lalampaso ng kusina. I couldn't believe how hard we fought about it on our first day. Masamang nagwawalis tuwing gabi. Malas iyon.

"NO, I am on the window side." Giit ni Lorcan na nakikipagpaligsahan pa sa akin sa pamamagitan ng walang pakundangang pag-dagan sa akin nang pumwesto na kami sa kama. This is not the first time na magtatabi kami kaya hindi na ako kinakabahan ngayon. Ang tanging nararamdaman ko ay galit at pagkamuhi sa kanya dahil gusto niyang agawin ang puwesto ko.

"Gusto ko malapit sa bintana!"

"No, I want that space! Nakikitira ka lang!"

"Mas kailangan mo ako kaysa kailangan kita!" Pagbibida ko.

3 hours later.. And so the argument goes on...

"Turn the TV off!" Nag-takip ng kanyang tainga si Lorcan sa pamamagitan ng unan.

"Namamahay nga ako. Pumikit ka lang, makakatulog ka din." Nakanganga pa ako nang panoorin ang extraterrestrial discoveries that proves the existence of aliens. Malapit na akong makumbinse dahil alien din ang palagay ko sa amo ko. He could complain the whole day and he won't even blink.

Umupo si Lorcan sa kama at tiningnan ako ng masama. "You want me to sleep despite that noise?"

"Mahina lang naman eh."

Mabilis na inagaw sa akin ni Lorcan ang remote at saka inilipat iyon sa isang action film.

"Fine, manonood tayo."

"Ayoko kay Jackie Chan.." Ungot ko.

"Ha! Greatest Asian actor of all time!"

"Si Bruce Lee kaya."

"Whatever."

"Huy, ibalik mo na sa Discovery Channel." Kinalabit ko siya pero nanatili siyang ganon.

"You told me I am your favorite person? Bakit hindi mo ako pinagbibigyan?"

Nawalan ako ng choice kung hindi ang panoorin ang gusto niya. I saw nothing special with the film. Isang manginginom ang master ni Jackie Chan, the fight scenes were inspired by a person extremely drunk. I ended up sleeping. Hindi ko alam kung paano naging maayos ang higa ko at nagising na lang ako sa perky music doon sa ibaba ng bahay. Tiningnan ko ang orasan at nakita kong maaga pa kaysa sa dapat na gising ko. Medyo madilim pa nga sa loob ng bahay. Tiyak kong inaasar na naman ako ni Lorcan kaya nagmamadali akong bumaba para mag-reklamo.

Then I saw him sitting on one of the Bergere chairs lifting weights. Topless, sweating and panting. Pinanlakihan ako ng mata na parang mahihimatay pa. Hindi ko alam kung bababalik ako sa silid o didiretso na dahil nakatingin siya sa akin ng diretso.

"Ay ano ba yan! May kasama kang babae dito, hindi ka pupwedeng basta bastang nag-huhubad."

"Conservative.. Good morning! Pandesal?" Alok niya, napalunok ako. I scanned his abs and started counting how many were there. Nang lumagpas na sa anim ang bilang ko ay huminto na ako.

"P-pandesal? A-ang harot mo naman."

"Anong maharot? May pandesal diyan sa lamesa. Nag-luto na din ako ng bacon and eggs, Mahal na Prinsesa."

Namula ang pisngi ko sa pagkapahiya. Ano bang iniisip ko? Ang pandesal niya sa tiyan? Hindi naman makakain iyon. I should stop thinking about Clover's language para hindi na din maging malisyosa ang isip ko.

"Hindi na ako makikikain dito. Sa labas na lang. Ako na lang bahala sa pagkain ko."

Huminto si Lorcan sa pagbubuhat at tumayo mula doon sa upuan. Inabot niya ang kanyang blue towel at ipinunas iyon sa kanyang katawan, umiwas ako ng tingin.

"Nag-tatampo ka na niyan?" Lumapit siya at inakbayan ako. Nahirapan akong huminga. He doesn't stink with sweat, parang umangat pa ang kanyang bango dahil sa init ng katawan.

"A-ano ba. Lumayo ka."

"Alam mo, willing naman akong ipagluto ka. 'Nanliligaw' ako hindi ba? Best foot forward dapat."

I rolled my eyes at him at nagpunta sa lamesa. Ngiting ngiti niyang inilahad ang mga iniluto niya. In fairness ay maayos ang pagkakaluto ng lahat, walang sunog o kahit ano. Kahit ang dinner namin kagabi ay siya din ang naghanda. Ano kaya ang wala sa lalaking ito? Ah, alam ko na, 'kabaitan'.

"Marunong ka talagang mag-luto 'no?"

"Napilitan. Noong nag-aral ako sa Colombia University, I rented my own flat in New York. Masyadong mahal ang mga pagkain sa paligid kaya natuto akong mag-luto. It is not my favorite thing to do but I can also do that everyday."

"Buti ka pa. Marunong naman akong magluto but it is such a chore. Madalas ay bumibili na lang kami ni Clover sa labas kasi marami naman doon na mura."

"Like intestines? Chicken head, chicken feet and chicken blood?"

"Isaw, helmet, adidas at betamax. You made it sound so off."

"It is off! Sino ba naman ang taong kakain ng laman loob?"

"Hoy, madami kami. 'Wag kang mag-alala. Ako na ang mag-luluto mamaya. Kumakain ka naman siguro ng adobo, tinola, sinigang and the likes."

"Not so frequently, but I can live with what you can cook. I will help you prepare later. Just to make sure you won't put any innards in it."

"Yung menudo merong pork liver."

"Oh please."

We ended up being late because of endless chatting. Ipinagtanggol ni Lorcan ang pinapanood niyang pelikula kagabi. Pinag-usapan din namin ang rules sa room's TV kung hanggang anong oras lang pupwedeng buksan pati ang paglilinis ng kusina ay napagkasunduan na namin na sa umaga lang mag-wawalis para hindi kami malasin.

Lahat nang tauhan ni Lorcan ay nakangiting bumabati sa amin nang dumating kami sa opisina. I never had a chance to talk to any of them  kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip nila sa amin ni Lorcan. Maybe they saw me in the news already that is why they never asked.

"Lorcan." Natigilan kami sa pagbubukas nang aming opisina nang tawagin si Lorcan ng isang kaibigan. In his full suit, the tall moreno flashed a sad smile to the both of us.

"Cyrus, what are you doing here?" Sumeryoso ang mukha ni Lorcan.

"I need to talk to you."

Hindi inalis ni Lorcan ang tingin sa kaibigan, "Calla, please open the door for us."

Dali dali ko iyong ginawa at pinagbuksan ang dalawang lalaking nag-susukatan ng tingin.

"Lorcan, this is about Margaux." Hindi ko pa tuluyang nasasarhan ang pinto ay nagsalita na si Cyrus.

"Calla, can you make us coffee, please?" Imbes na lumabas ng opisina para iwanan sila ay napigilan ako nang utos na iyon. 

"What about her?" Tanong ni Lorcan sa kaibigan.

Dumiretso ako sa pantry at naghanda ng brewed coffee. The air felt heavy and dark. Parang may paparating na bagyo kung magtinginan ang dalawa. Parehas na malalim ang boses, mapanganib at seryoso. Ang haba ng buhok ni Ateng Margaux, that's all that I can say.

"I just realized that I am not yet ready."

"Oh come on, Cy." Natatawang panunuya ni Lorcan, "You stole her from me when we were about to get married. You know that this will happen."

Mayroong bumara sa lalamunan ko habang nag-sasalin ng coffee beans doon sa brewing machine. Tumingin ako sa labas na bintana at inaliw ang sarili sa liwanag ng araw na nagmumula doon. If that all happened, wala ako dito ngayon. Siguro nandito pero hindi naging ganito kalapit. He will surely be the Boss that I hate at wala akong masyadong kinalaman sa buhay niya. It all changed because of Margaux, on how he did not recover on her, leaving him. He's bitter up until this day, there's still pain in his eyes for that betrayal.

"I am sorry, okay."

"You know that I said let bygones, be bygones. I mean it."

"But I need your help. She's so wreck and you are the only person that she trusts."

Bahagyang natapon ang ilang butil ng beans doon sa coffee machine. Kailangan niya lang pumayag, kailangan niya lang magpatawad at mawawala na din ako sa buhay niya. Kakailanganin ko ding umalis kapag tinanggap niya muli si Margaux. All she need was to ask. I recall him telling me that. Natataranta kong nilinis ang nalaglag na beans at binuksan ang machine. Gumawa iyon ng mahinang ingay. Pilit na inaalis sa isip ko ang mga pag-babagong maaring mangyari sa aming pagitan. 

"You don't need to tell me that. She's my bestfriend."

Nakaramdam ako ng pananakit ng puso. I should really file a sick leave today, there's something wrong.

Bago pa man matapos ang kape doon sa brewing machine ay tumayo na si Cyrus at nagpaalam. Tumingin siya sa akin at tumango. Malungkot ang mga mata. I know what's next. The moment he goes out, it is my turn to listen to Lorcan on how much he's hurting on how it turned out for Margaux. Pagkatapos niyang magparaya doon sa dalawa. But he should rejoice, right? She's all his. Pumait ang aking panlasa.

Hindi ko mapilit ang sarili kong ngumiti nang magawa na ang kape ni Lorcan. Nag-lakad ako papabalik sa kanya bitbit ang tasa. I can't listen to anything right now.

"P-pwede ba akong mag-file ng sickleave n-ngayon?" Pangunguna ko nang ibaba ang kanyang kape. Kumunot ang kanyang noo at hinawakan ang kamay ko bago ko pa iyon mabawi. Akala ko ay samu't saring lungkot ang makikita ko sa mata niya pero sa sobrang pagkakakunot ng noo niya ay tanging pag-aalala lang ang nakita ko doon.

"What's wrong? Anong masakit?"

Ang puso ko. I want to answer, pero baka dalhin naman ako sa cardiologist.

"Medyo masakit ang ulo ko." I reasoned.

"H-hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Do you want to sleep more?" Tumayo siya at lumapit sa akin. "Gamot? Water? Tsk, dapat hindi na kita pinakilos."

Kinuha niya ang kanyang coat na nakapatong sa swivel chair, "Let's just go home."

"B-bakit ka sasama?"

"Bakit hindi? Sinong mag-aalaga sayo?"

Hindi ko alam kung maganda ba iyong ideya. Gusto ko siyang iwasan. Kung sasama siya ay baka pagkuwentuhan lang namin si Margaux. We can talk about anything, right? And I am not ready.

"I am just lying. I don't feel like working today." Napangiwi ako dahil doon. Tiyak na magagalit siya.

Tiningnan niya akong mabuti, "Ako din."

"You feel bad?" I asked. Probably. 

"No, anong gagawin ko dito kung wala ka?"


--

Maki Say's: Don't forget to vote & Comment :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top