Chapter 13
Mga five minutes na din ang nakakalipas na nakatanga ako at nakaluhod sa may paanan ni Granny. Five minutes na din ang nakakalipas ng nawala sa paningin namin si Lorcan at pinaharurot ang sasakyan nya papalayo sa amin. Nag-walk out ang lolo niyo.
Tiningnan ko si Granny na parang wala lang nangyari dahil mukhang naglalaro pa nga ito ng kung ano sa cellphone nya. Candy crush pa nga ata yun.
"Granny." Mahinang tawag ko.
"Hm?"
"Ito naman eh opinyon ko lang, Granny. Kasi friends tayo di ba? Pero kung ayaw nyo pong pagbigyan ang hinihiling ni Lorcan, sabihin nyo na lang po na ayaw nyo, kasi po alam naman nating lahat na peke po ako na girlfriend kaya hindi mangyayari ang sinasabi nyong kasal." Hindi ko alam kung saang kaban ako kumuha ng hinahon habang sinasambit ang mga salita, pero iniiwasan kong magalit si Granny kaya hindi ako maghi-hysterical dito.
"Malay mo." Kibit balikat nyang tugon.
"Malay ko? Malay ko na ano?"
"Malay mo pakasalan ka nga ni Lorcan. You can never can tell.." matalinhaga nyang sabi.
"Ah! Gets ko na.. kung pumayag po si Lorcan--- ibig bang sabihin ibibigay nyo ang hinihingi niya tapos irereveal nyo na joke lang talaga yung gusto nyong mangyari?" Parang test lang siguro sa yon pero hindi naman talaga gagawin. Tinitingnan nya lang siguro kung hanggang saan si Lorcan para makuha ang gusto nya.
"What joke? I will give him the money he wants if he marries you, if not, no deal." Lalo akong naguluhan sa kanyang sinabi, gusto nyang ituloy ang kasal? Bakit ba may kasal na magaganap dapat? At bakit kailangan ako ang bride sa kondisyon nya? Para ba malaman nya kung gaano kapursigido si Lorcan na kahit ang pagpapakasal sa isang katulad ko ay makakayanan niya?
This is the reason why fairytales aren't real. Naiimahe ko na ang batuhan ng plato namin ni Lorcan kung mag-papakasal kami. Siguro maghihirap din si Lorcan kasi magiging miserable siya at magbibisyo siya bago umuwi sa bahay namin. Marahil bubugbugin niya ako at sisisihin sa hindi magagandang pangyayari sa buhay niya.
Mariin akong napailing
"Pero ayaw nyo naman po sa akin!"
"Whatever Calla. It's just him marrying you or not." Kinumpas pa ni Granny ang kamay nya sa hangin at hinilot ang kanyang sentido.
"Pano po kung pumayag sya tapos ako hindi?" tanong ko, mabilis naman ang pagdilat ni Granny, tila nagulat sa tanong ko. Nilapit nya ang mukha nya sa akin at bumulong.
"You should marry Lorcan, Calla. Kaya nga don't tell him that I know your act. I can pay if you will marry him."
"Patawa ka, Granny. Hindi nga po ako binabayaran ng apo niyo."
"Okay... just do this for an old lady.." Nagpuppy eyes pa si Granny sa akin.
"Bakit ako?"
"Wala lang. Trip ko lang." She chuckled. Napailing na lang ako.
Mahirap talagang makipag-usap sa matanda. Nang mapagod si Granny ay ipinahatid na niya ako sa bahay namin, hindi ko maibukas ang bibig ko para sabihin kay Clover ang pangyayari. Dahil doon hindi ako nakatulog at maagang pumasok kinabukasan.
Madilim ang paligid habang nag-lalakad ako patungo sa opisina namin ni Lorcan. Wala pang masyadong tao sa doon. Hindi nakatulong ang amoy ng humidifier para kumalma ang nerves ko. I thought this job is going to be easy. Nasa ikatlong linggo palang ako pero katumbas ng tatlong taong stress ang nararamdaman ko.
Hinawakan ko ang doorknob para itulak iyon pero pwersado itong sumara at tumama sa ilong ko ang pinto.
"Aray!"
Sinubok kong buksan ang pinto pero nakalock na ito. Malalakas ang naging katok ko.
"Lorcan! May susi ako 'no!"
Inihanda ko na ang susi at nang subukin iyon ay hindi ko pa din maitulak ang pinto. Inihanda ko ang sarili ko para itulak ang pinto gamit ang lakas ko. Humakbang ako ng sampu papalayo at saka tumakbo para itulak ang pinto. Nang magawa iyon ay kusang nagbukas ang pinto at bumagsak ako sa carpeted na sahig. I hit my head at the arm of my own chair. Mukhang iyon ang iniharang ni Lorcan sa pinto para hindi ako makapasok.
"Aray!" Kinapa ko ang noo ko at nakapa ko ang dugo doon. "Kita mo to?" Tanong ko at pinakita ko sa kanya ang palad kong may dugo. Nanatiling blanko ang ekspresyon nya. Nanggigil ako sa inis dahil hindi man lang siya humingi ng tawad.
Mabilis kong kinapa sa bag ko ang librong binigay sa akin ni Abuela kahapon, hardbound iyon. Ibinato ko iyon kay Lorcan at malutong ang naging landing non sa ulo niya.
"ARAY! CALLA SUSSANE TORRES!!!!" Gigil na sigaw ni Lorcan nang dumampi sa kanya ang hampas ng libro ko!
An eye for an eye, a tooth for a tooth! Kala niya ha!
"Argh! Ang sakit! What's wrong with you lady?!" Inis na singhal sa akin ni Lorcan na napayuko pa sa paghawak nya sa noo.
I rolled my eyes at him. Isang aray lang ako, nakamove on na ako agad samantalang sya ang daming sinabi. Daig pa ang babae. Inirapan ko sya at umupo ako sa lamesa ko. Inabot ko ang tissue sa harapan ko at ipinunas ko iyon sa noo ko. Napangiwi ako sa hapdi pero hindi ko iyon ipinakita. Only losers will show defeat.
Nang matuyo na ang dugo ay inayos ko na ang gamit ko sa lamesa na parang walang nangyari, samantalang padabog namang lumabas ng opisina nya ang boss ko.
Ilang minuto na ako nagsimula sa pagtatrabaho nang bumukas ang pinto. Mainit pa din ang ulo ni Lorcan at nakasimangot pero may band-aid na ang kanyang noo. Narinig kong humila ng upuan si Lorcan at inilapit nya yon sa lamesa ko.
Tumaas ang kilay ko, "Dont tell me pupukpukin mo na ako ng upuan?!
May kung anong binubuklat sya na paperbag at biglang naramdaman ko na lang na may malamig na dumadampi sa noo ko. Nang lingunin ko sya ay seryoso lang sya na naglalagay ng gamot sa noo ko gamit ang bulak.
"Tsk, wag ka ngang malikot!" Pagsusungit nya pa. Hininto ko na lang ang pagtatrabaho at hinayaan ko sya sa ginagawa. Nilagyan nya din ako ng band aid pagkatapos.
"How can I marry this girl?" halos bulong iyon pero dinig na dinig ko.
"Sino bang may sabing magpapakasal ako sayo? Sumusobra ka na kung pati ang apelyido ko ay papalitan mo din."
Binaba ni Lorcan ang tingin sa kanyang mga palad na parang nag-iisip. Alam kong hindi din sya nakatulog kaya may topak sya kaninang umaga. How can I marry this guy too? Kaya ko bang gumising araw araw na haharapin ang sumpong niya? That's straight from the book nightmare.
"Calla, given a chance, are you willing to marry me? Yes or No?" seryoso nyang tanong. Hindi ko maiwasan na matawa sa tanong nya, hindi ko kayang seryosohin!
"Bakit ka ba natatawa?" Inis na pakli niya.
"Marriage proposal ba yan o exam? Pupwede kitang pakasalan kung mahal na kita."
"You are so idealistic."
"Bakit ikaw? Papakasalan mo ba ako?"
"If it is for the investment of my Abuela—"
"Alam mo, sinasabi ko na nga bang kayo talagang mayayaman ang mukhang pera at hindi kami. You will do everything for money."
"Can I court you then?"
Nag-init ang pisngi ko.
"B-bakit mo naman gagawin yon?"
"Courtship is our way to know if this could work. Hindi naman natin malalaman agad na gusto natin ang isa't isa kung hindi natin susubukan. This is a win win situation for both of us. If it is a yes, then we will be happy, if it is a no, then, at least we had good times."
Tumaas ang aking kilay. Ganoon ba kadali iyon?
"If you will like me, then you have to marry me."
"Paano kung magustuhan kita tapos ikaw, hindi mo ako gusto?"
"Don't worry much about me, I can live with that."
"I can only love someone if the intentions are true." Nagkibit balikat ako.
"Really?" Unti unting lumapit ang mukha ni Lorcan sa akin. Iniiwas ko ang mukha ko pero hinawakan ni Lorcan ang baba ko at iniharap sa kanya.
"Laro lang ba saiyo ito?" Angil ko, nagrereklamo sa pagkakalapit.
"If you want to think about it that way."
"Kailan ka susuko?"
"Did you know that courtship has five stages, Calla?" Bulong niya na magkalapit ng husto ang mga mukha namin.
"Number one, attraction. Do you find me attractive, Calla?" He winked his eye. Binalot ng init ang mukha ko dahil sa tanong at sa ginawa niya.
"You are blushing. That's a yes. Level one unlocked, let's go to number two. Reading body language. You blushed it means you are shy. Your gray eyes couldn't hide so much from me. Level two unlocked."
"Teka!"
"Level three, verbal communication. What is it you want to say?"
"Unfair naman yong level two, madali naman talaga akong basahin. Sabi mo di ba?"
"Level three unlocked, you can communicate your thoughts. Let's go to number 4. Physical touch. I just kissed you. So we should unlock that one, too and level five, intimacy."
Kung merong salamin ay mas mapula pa sa kamatis ang pisngi ko ngayon.
"Ang daya mo! Yung nabanggit mong level 1-4, nakasalalay sa akin lahat ang signs."
"Because I am courting you! I read it in an article that a woman should say yes after level 5."
"Intimacy?" Itinulak ko siya, "Pumirma ako ng chastity covenant sa school ko at ino-honor ko yon. I shall give my V-card to anyone who deserves it after marriage. That is not a give away. Mabulok ka diyan."
"Alam mo, ang berde ng utak mo. Intimacy doesn't have to be s*x. It could be cuddling and comfortably being with each other. Now, I will work on Level 5."
Tinakpan ko ang tainga ko habang hawak naman nI Lorcan ang magkabilang pisngi ko.
"Ibig mong sabihin, if I'll get intimate with you then that's it?"
Tumango siya.
"Ha, ako pa talaga ha? Mamatay muna ako bago kita landiin."
"Pinakamahirap sa mundo ay yung pigilin ang nararamdaman."
"Wala akong nararamdaman."
"Willing akong magpalandi. Although the package is small—" Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko.
"Bastos!"
Piniga ni Lorcan ang pisngi ko at pinanggigilan.
"Can I invite you for a dinner date later? Tingnan natin kung hindi mo ako magustuhan."
"So confident." Umirap ako.
"You bet."
---
Nemesis was built at the center of Metro Manila. It is being considered as one of the best skyscraper in the country. Bakit nga ba hindi? 360 degrees ang view nito at matatanaw mula dito ang boundaries ng Rizal at Laguna nang walang harang dahil ito din ang pinakamataas.
Naglakad ako sa rooftop. Kalahati ng araw ay nawawala si Lorcan, nakatanggap lang ako ng mensahe na wag munang umuwi. Ang pangalawang mensahe ay isang utos na umakyat ako sa rooftop ng building.
Malamig ang hangin na dumampi sa aking balat, sa gitna ng rooftop ay isang malawak na carpet na maraming unan. A small table was at the center of it. At si Lorcan, nakatayo doon na may ngiti ang mga mata. May pagmamalaki niyang inilahad ang inihanda niya.
"You like it?"
Pinilit kong kumalma. May mga scented candles pa sa paligid. Hinakbangan ko iyon at tinanggal ko ang sapatos ko bago lumapit sa carpet.
"Nag-effort ka talaga, ha."
"You will say yes at the end of everything. I am sure of that."
"Uy, may pakain si Mayor." Humagikgik ako at tiningnan ang nakahanda. Nothing fancy, only pizza and take out pasta but something that I've been longing to eat since this morning.
Umupo kami sa mga unan na naroon at sabay pa kaming kumuha ng pizza. Napansin ko ang isang binoculars na naroon sa lamesa.
"Can you tell me more about stars?" Tanong niya.
"Akala ko ba date? Magpapaturo ka pala." Nadidismayang sabi ko. "Joke lang. Sige, mamaya. Kain muna tayo."
He did as I say. Nang mabusog na ay sinimulan ko nang ipaliwanag ang constellations. It feels good that someone listens. Si Clover kasi ay walang interes sa mga bituin. Nakapuwesto si Lorcan sa likuran ko at nakapasandal ako sa matipuno niyang braso.
"What's your Zodiac?" Tanong ko.
"Scorpio."
Hinanap ko iyon sa maliwanag na kalangitan at napangiti ako nang makita iyon, iniabot ko sa kanya ang binoculars para makita niya. He giggled like a kid when he saw it.
"Lorcan.." Natigilan kaming dalawa sa boses ng isang babaeng tumawag.
"M-margaux. What are you doing here?" Sabay pa kaming napatayo ni Lorcan. Margaux is wearing a casual shorts and tanktop taliwas noong una naming pagkikita na elegante at puno ng sigla ang maganda mukha.
"I—I am sorry, nakakaabala ako." Nanghihina siyang ngumiti at tumalikod na. Lorcan took huge steps to stop her.
"No. Why are you crying?"
"Cyrus.. He wants to call off the engagement and I don't know why." Lumakas ang iyak ng babae at mahigpit na yumakap kay Lorcan.
Humawak ako sa aking puso, I am sure there's something wrong with it because it stopped for a millisecond.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top