Chapter 12


"Granny.." pukaw ko sa atensyon nya habang umiinom sya ng hot chocolate na syang inihanda ko sa kanya. I bit my lower lip. Kanina ko pa sinusubukang tawagan si Lorcan pero cannot be reached naman siya. Nag-angat ng tingin si Granny sa akin na nanliliit ang mga mata.

"Itong bahay nyo, masyadong maliit." Sabi nya sabay tayo sa upuan, pinasadahan niya ng tingin ang mga picture frames na nakadisplay sa wooden shelves doon sa malapit sa pinto.

"Ikaw ba to?" Tanong nya habang inangat ang isang picture frame na kulay pink.

"Kakambal ko po yan, si Clover." Magiliw na wika ko. Marahan siyang tumango.

"These were your parents?" Tukoy niya sa wedding picture ni Mama at Papa. "Tell me, how are they as parents?"

Bumuga ako ng hangin para pakawalan ang bigat sa dibdib. "Mabait. Hindi sila mahigpit. Malaya kaming pumili ng kapatid ko kung ano ang gusto namin. Sayang nga at maaga silang kinuha."

Mahigpit na hinawakan ni Granny ang kamay ko. Akala ko ay papalipitin niya pero nakakaunawa siyang tumango at saka malungkot na ngumiti. "They are surely watching you from above. Kaya you better be good." Nag-salubong muli ang kilay niya at lumapit sa akin.

"Halika, samahan mo ako sa mall." Maingat nyang binaba ang larawan nila Mama at tiningnan muli iyon ng saglit, parang bumulong ng mahinang dasal bago ako muling nilingon.

"M-mall po?" Paniniyak ko. Tumango sya sa akin. Kaya nya bang mag-mall? Weekend pa naman. Tiningnan ko ang mga paa nya at tiningnan ko ang mukha nya, inirapan na naman nya ako.

"Kaya ko pang mag-mall. Thank you." Nakaismid nyang sabi. Kitang kita ko si Lorcan sa paraan ng pag-sasalita niya. Hindi ko alam kung sino ang mas cranky sa kanilang dalawa. Siguro aware naman si Lorcan sa kagaspangan niya, hindi ba? He must seen his exact copycat all his life.

--

Ipinagdrive kami ni Manong Rudy patungo sa mall na gusto ni Granny pero bago kami bumaba ay hinawakan nya ang braso ko para pigilan.

"Bakit po?" Takang-tanong ko. Hindi kaya pauupuin nya ako sa driver's lounge hanggang sa makabalik sya sa pamimili? Syempre, kamag-anak sya ni Lorcan, may kagaspangan kasi ugali non. Naku, pag iniwan ako dito, maniniwala na akong it runs in the blood!

"Abuela, call me abuela." Halos pabulong nyang sabi. Laglag ang panga ko habang tumango tango sa kanyang sinabi. Inirapan nya akong muli.

"Not that I like you, but, they know that you as Lorcan's girlfriend, act like one." Aniya. Bagsak ang balikat ko nang sumunod sa kanya, mata-touch pa naman sana ako, isa din pala si Granny na conscious sa sariling image kaya ganon.

Nauna kaming pumasok sa isang bookstore. Naexcite ako sa amoy ng mga libro at sa mahinang Gospel music na umiikot sa store. Dumiretso ako sa fiction section at nagbasa basa ng mga libro. Paminsan minsan ay dinadako ko ang tingin ko kay Abuela baka kasi iwanan ako dito na parang pusa.

Umalingawngaw ang ringtone ko habang seryoso akong nagbabasa, madali kong kinuha yon at nakahinga ng maluwag nang makita ang pangalan ni Lorcan.

"Lorcan! Asan ka na ba? Kasama ko si Granny!" Bulong ko habang humahakbang ng palayo para walang makarinig ng usapan.

"Wha—WHY?" Sigaw niya sa kabilang linya.

"Wala daw syang bantay, asan ka ba?" Tanong ko habang kumukuha ng librong nakakaengganyo ang cover.

"Tell Abuela to stop fooling around, andito ako sa bahay nya. We need to talk." Maawtoridad na utos ni Lorcan. Napairap ako sa hangin, nagbibiro ba siya? Paano ko naman uutusan ang Abuela nya, ang sungit sungit nga sa akin.

"We need to talk?" Ulit ko sa kanyang sinabi.

"No, hindi ikaw, me and abuela."

"Fine. You should buy a halo-halo para you can chill."

I heard him hissed. Pinatay ko ang tawag nang makita ko si Abuela papalapit.

"May nagustuhan ka bang libro?" Mula sa likod ay narinig ko ang boses ni Abuela, nilingon ko sya at umiling, wala sa budget ko ang libro kaya kahit gusto ko, I should pass.

Kinuha ko ang basket mula kay Abuela at naglakad na kami patungo sa counter. Nagulat na lang ako dahil nilapag nya ang dalawang librong hinawakan ko kanina, nung nagkatinginan kami ay muli nya lang akong inirapan.

Nang mabayaran, padabog nyang binigay sa akin ang dalawang libro na pinahiwalay nya ng bag saka kami lumabas sa bookstore.

"Salamat, Granny!" Di ko napigilang yakapin siya ng mahigpit pero iniiwas niya ang katawan parang yung apo niya na ayaw mahawakan.

"Saan mo gustong kumain?" Masungit nyang tanong.

"Kahit saan po na merong healthy na food para sa inyo, Granny."

Napailing si Granny at nagpatiunang mag-lakad sa isang Korean Restaurant. There was an awkward silence between us.

"Granny? Galit po ba kayo sa akin?" Lakas loob kong tanong. Napabuntong hininga si Granny.

"I told you to call me Abuela, bakit matigas ang ulo mo?"

"Masyado kasing pormal yon. Kapag Granny, cool!"

"Stop it. Tapos tatanungin mo ako kung galit ba ako sayo."

Napangiwi ako.

"Sorry na, Granny. Sorry kung mahirap lang ako."

"Never say sorry for being poor, say sorry if at the end of your life nothing has changed. And in your case, mukhang hindi ka maghihirap ng matagal, Im sure Lorcan is willing to give everything to you." Matabang nyang sabi.

"H-hindi po ganun, Granny."

"Anong hindi ganon? Pare-parehas kayo nang gusto sa apo ko. Pera."

"Masyado niyo namang iniinsulto ang apo niyo. Wala bang lovable sa kanya? Granny ha."

"In all honesty? Wala."

Dumating ang mga pagkain at natakam agad ako sa mga nakahanda.

"Ang harsh.." Ikinuha ko ng lettuce si Granny at inilagay sa plato. Isinunod ko ang grilled fish doon.

"Bakit? Ano nga ba ang nagustuhan mo sa apo ko?"

Natigilan ako ng pagsasalin ng pagkain sa plato ko. Tumaas ang kilay ni Abuela sa akin.

Huminga ako ng malalim, "Masungit si Lorcan. Arogante, palasigaw, may sumpong tuwing umaga. Lagi niyang sinasabi na hindi ako maganda pero natatagalan ko naman iyon sa tingin ko dahil—"

"Dahil sa pera."

"Granny, nakaka-offend ka na. Wag mo sabihing matanda ka—"

"Bakit? Pumapatol ka sa matanda?"

"Hindi naman po, nangangatwiran lang."

"I smell something fishy about you."

Inamoy ko ang sarili ko. "Sus, Baka naman yung isda lang diyan sa plato niyo ang nanaamoy niyo. Naligo nga po ako kanina, di ba?"

"Magkano? Magkano ang binabayad sayo ni Lorcan?" Diretsahan niyang tanong. Nahulog sa chopsticks ang nakaipit na piraso ng isang karne. "I know you are not his girlfriend. I have checked your credentials and I know you just started working at Nemesis two weeks ago."

Napasinghap ako. Matindi si Granny. Isang matanglawin.

"Kilala ko ang apo ko. He has not yet moved on. And you are not the type that he will like. He likes bad girls." Dugtong niya.

"Hindi ko alam kung compliment ba iyon, Granny."

Sumimangot siya, "Magkano ang ibinayad niya sayo?"

"Saan?" Maang na tanong ko.

"Do not play games with me, you know that I can do something to put you in jail."

"Jail agad! Granny naman. Fine. Ito po walang halong biro. Wala po. Bukod po sa sweldo ko bilang secretary nya, wala na po. Tinutulungan ko siya dahil bukod po sa maawain ako, wala akong choice kasi amo ko siya. Hindi ko kayang makita siyang nasasaktan dahil ako naman ang bubugahan niya ng apoy kapag nangyari yon."

Naging isang linya ang labi ni Granny at seryoso akong tiningnan.

"Kumain ka na, we will go after we eat." Anunsyo nya. Sinunod ko ang sinabi nya at kumain na ng tahimik.

Wala nang nakadagan sa puso ko pagkatapos naming kumain. Nakapagsabi na din ako ng totoo sa wakas. Ngayon ay kailangan ko na lang sabihin kay Lorcan na hindi na kami mag-papanggap sa Lola niya dahil matalas pala ang pang-amoy nito. Madaling magkunwari sa ibang tao, pero sa pamilya ay hindi.

Dumiretso kami sa mansyon ni Granny pagkagaling sa mall. Sabi niya ay ipapahatid na lang niya ako sa driver. Maaga pa naman kaya walang problema sa akin iyon.

"Granny, friends na tayo ha? Huwag kang mag-alala, hindi ako magugustuhan ng apo niyo. Halika, kapit na lang po kayo sa akin." Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang kaliwang braso nya. Kumapit siya doon kaya alam kong friends na kami.

"Pag nag-day off po ang nurse mo, Granny, I am just one call away. Wala po akong ginagawa pag weekends maliban na lang kapag binulabog ako ng apo niyo. Alam niyo na." Tiningnan ako ni Granny.

"Magkano ba kung magpapart time ka tuwing linggo?"

"Walang bayad, Granny. Ikaw pa ba? Malakas ka sakin. Di ba, friends na tayo?"

"Kung magkaibigan tayo, wag mong sabihin kay Lorcan na alam ko na ang tungkol sa inyo. Malamang magagalit yun sayo at baka tanggalin ka pa sa trabaho."

"Ipatatanggal ako? Hindi ko pa nga nakukuha ang sahod ko!"

"I know. Just be quiet about it and go with the flow." Ngumisi siya at kinabahan ako doon. Tuwing ngumingiti pa naman si Lorcan ay merong iniisip na kasamaan. Marahil ganoon din ang kanyang Lola.

"Abuela!!" malayo pa lang ay rinig ko na ang magiliw na sigaw ni Lorcan, naalala kong. Umamba syang yayakapin si Granny pero inis na umiwas ito sa kanya, tinanguan ako ni Abuela at sinensyasang pumasok din sa mansyon.

Hinila ni Lorcan ang braso ko bago makapasok.

"What are you doing here?" Singhal sa akin ni Lorcan ng pabulong.

"Hindi ko alam, ihahatid daw ako ng driver niya mamaya." Sagot ko din ng pabulong. Sabay kaming nag-lakad patungo papasok ng mansyon kung saan namin naabutan si Abuela na inaalalayan ng nurses niya na maupo.

"What are you doing here Lorcan?" masungit na tanong ni Granny pagkataas ng paa nya sa foot rest ng sofa nya. Mabilis naman akong lumapit para tumulong na tanggalin ang sapatos nya at napansin kong namamaga ang mga paa nya. Awtomatiko ko iyong hinilot ng marahan para bumalik iyon sa normal size. 

Tipid na ngiti lang ang binigay sa akin ni Granny samantalang nagtatanong na mata naman ang kay Lorcan.

"'La, about the One Billion investment that I am telling you, I want you to reconsider. Gusto ko nang kunin ang mana ko." Mahinahong sabi ni Lorcan na marahil ay dahilan din kung bakit siya nag-intay ng maghapon sa bahay ng kanyang Lola.

"Why would I like to invest with your plan to become an empire, may tagapagmana ka ba? I should consider Ralph instead, kinasal na sya and I heard soon to have a baby, but you? You are nothing but a single man enjoying all the time of his life, devoting his time for business—for who? For your name? For your own legacy?" Iiling iling na sagot ni Abuela.

"Ralph? He's my second degree cousin. Ako ang first degree, Abuela." Giit ni Lorcan.

"Make Calla marry you first, Lorcan." Mariing utos ni Granny na parang nanghihingi ng isang baso ng tubig. Napaangat ako ng tingin. Kitang kita ko ang apoy sa mga mata ni Granny. Napaawang naman ang labi ni Lorcan.

"O---Of course I—I will marry her Abuela, dun din naman ang punta namin"

"I mean soon Lorcan, I will transfer five hundred million on your wedding day, and another five hundred million after one year from the date of marriage. That's it Lorcan. That's my rule."

"WHAT?" Lorcan

"ANO?" ako.

Sabay kaming nagkatinginan ni Lorcan, parusa ba to ni Granny sa amin dahil niloko namin sya? Sabi nya di ba friends kami? Bakit nya ako ginaganito? Bakit ako kasali?

"Abuela, I cant marry Calla just because you say so, nakakahiyang marinig niya ang ganito." Paliwanag ni Lorcan pero hindi pa din nag babago ang anyo ni Granny, parang alam nya na maririnig iyon kay Lorcan.

"Grandson, mas nakakahiya kung tatanggi akong maipakasal ka sa kanya. Consider the one billion investment as my wedding gift to both of you. Matanda na ako, I don't want to disseminate my assets when I am already dead so I will give it to anyone I please while I am still alive. Now, isn't that a good idea,  Apo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top