Chapter 11

Maki Say's: Yes, even this will be published soon under PSICOM, you will see the updated chapters here at Wattpad. Under revision pa kasi siya mga Beshy. Isa ito sa una kong isinulat at medyo madaming fillers sa naunang version. Kailangan ko iyong linisin. The plot, pretty much the same, mas may emphasis lang ang characters.


----


Tatlumpung minuto akong nakatulala sa lamesa ni Lorcan. Wala siya doon. Sinundan ang Lola niyang Queen Amidala ng Starwars, Senior edition.

The fierce look kahit pa hirap nang lumakad. Tsk, tiyak na ang buhok lang sa kili-kili ni Lorcan ang walang latay ngayon. Mukhang galit pa naman ito sa paraan ng pagtawag kay 'Lorcan'. Wala man lang lambing ito.

Tumingin ako sa orasan at nagpangalumbaba. Talaga bang hindi na siya babalik para mag-trabaho? Malapit na ang uwian pero wala pa din siya. Hindi kaya siya sinakal ng Lola niya gamit ang tungkod nito? Napahawak ako sa labi ko at muling natulala.

Hinalikan ako ni Lorcan.

Hinalikan niya ako ng walang paalam!

Inis kong ginulo ang buhok ko. Kinuha niya ang first kiss ko nang walang paalam! Hindi ko na nga siya siningil sa pagpapagamit ko ng relationship status ko pagkatapos ay nanakawan niya pa ako ng halik? Pambihira! Naisahan na naman ako ng unggoy na iyon.

Inis kong sinikop ang gamit ko nang hindi pa din siya bumabalik nang oras nang umuwi. Napagdesisyunan kong lakarin ang pauwi sa bahay imbes na sumakay ng jeep para makaramdam ng pagod at makatulog na lang pag-dating sa bahay. Ayoko nang isipin ang halik na iyon. After all, it was nothing, alright? Kung ang mga baby nga ay hinahalikan ng walang malisya, anong ipinagkaiba ko sa mga yon? Malamang, greenminded kasi ako kaya pinag-iisipan ko ng husto.

Madilim na nang makarating ako sa kalsadang malapit na sa bahay namin. Ang malamlam na ilaw sa poste at ang mapusyaw na kulay ng buwan ang nagsilbing liwanag sa dinaraanan ko. Tahimik ang kalsada nang tumunog ang cellphone ko. Napakapit ako sa dibdib ko dahil sa gulat. I am being jumpy these past few days, lahat nang iyon ay dahil sa namasukan ako kay Lorcan. I should ask about the status of my healthcard. Baka bigla na lang akong tumumba dahil sa atake sa puso.

"You look stupid. Tss." Inis na bungad sa akin ni Lorcan sa kabilang linya.

"Sorry. N-naglalaba kasi ako."

"Kelan pa naging laundry area ang kalsada? Kelan pa nagkaroon ng naglalabang naglalakad?" Sarkastikong sabad ni Lorcan. Napakunot ang noo ko at lumingon sa paligid.

"Sa likod mo." Malamig na wika ni Lorcan. Lumingon ako sa likuran ko gaya ng sinabi nya at natagpuan ko syang tamad na nagmamaneho ng mabagal habang sinusundan ako.

"L-lorcan!" I greeted. Meron siyang kinuhang paperbag mula sa passenger seat at saka iniabot sa akin.

"May pupuntahan tayo." Anunsiyo niya. Napako mula sa kinatatayuan at nagpuwersa ng ngiti.

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung pupwede ako?"

"Goodness, you are single, Calla! Where would you go?"

"Ha, thanks for reminding me about my awesome singlehood. Humanda ka kapag nagkaroon ako ng boyfriend, hindi na kita i-e-entertain!"

Napakamot ng kanyang ulo si Lorcan, "Fine, fine. Just change then we shall go. Ayoko nang pinag-iintay."

Nakasimangot akong pumasok sa bahay, mabilisang nag-palit ng isang peach teacup dress at ballerina flats. Nasalubong ko pa si Clover na papasok palang ng bahay nang papalabas na ako.

"Gabi ka gabi ka na lang wala, saan ka na naman pupunta?"

"Girlfriend duties!" Mabilis kong sagot at humalik sa pisngi ng kakambal ko.

"Fake. Fake girlfriend duties." Pagdidiin niya.

"Po-tah-toh, po-tay-to! Bye!"

Tinungo ko ang sasakyan ng amo ko bago pa siya bumuga ng apoy sa galit. He was patiently waiting outside his car. Both hands in his pockets. His face was gleaming with the moonlight and his soft features was highlighted by it.

Umayos siya ng tayo nang makita ako.

"Saan tayo?" Kaswal na tanong ko.

Napalunok si Lorcan, kitang kita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko, tumaas ang aking kilay at humalukipkip, pilit na pinipigilan ang pamumula ng pisngi.

"Masakit pa ba?" He asked.

"Alin?"

"My kiss. Did it hurt?"

Naramdaman ko na uminit ang mukha ko pero pilit kong pinigilan iyon. Taas noo ko siyang hinarap at tiningnan ng masama.

"Medyo, parang humalik sa pader. Ang gaspang ng labi mo saka matigas yang mukha mo." Angil ko. He chuckled sexily. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako doon.

"Kung makapag-describe ka, akala mo may pagkukumparahan ah." Sumakay siya sa driver seat. Inis ko siyang hinampas sa balikat.

"Alam mo palang yun ang una ko, nangahas ka pa!"

"I was left with no choice. Dumating si Abuela. I need to show her that I've moved on."

"Hayun! Kaya naman pala. Ayaw mong masagasaan ang ego mo. Pati ba naman Lola mo, pinagloloko mo."

"You don't understand what it means to me okay? Abuela is really manipulative."

"Ay may pinagmanahan ka."

"And a blackmailer."

"Xerox copy."

"No! She's the worst! Napilitan akong maging magaling dahil gusto niya and do you know how it feels? I have to be in freaking top shape most of the time!" Tumuon ang atensyon ni Lorcan sa kalsada. "And I will introduce you to her."

Dalawang beses ko siyang tinapunan ng tingin bago mag-sink in ang sinabi niya, "Anong sabi mo?" Binalot ako ng kaba sa sistema. He's seriously asking me to meet his grandmother?

"We will be going at my Abuela's house at ikaw, magiging girlfriend ko ngayong gabi. Don't worry, she won't like you and she doesn't have to like you. She's bored. Just go with the flow and she will forget meeting you." Aniya.

"Lorcan, nakikita mo ba ang mata ng Lola mo? Sa talas tumingin non, di malayong masaksak ako!" Ayoko pang mamatay!

"Just do what I say Calla, please. Just be yourself. Like what I've said, she won't like you so you don't need to lie except for the part na girlfriend kita. Ayun lang." Sabi niya na parang nag-tuturo ng ABC sa isang college student.

Pumasok ang kanyang sasakyan sa isang malawak na driveway pagkatapos ng isang oras na drive. The road inside the huge gate was endless, hindi ko alam na merong ganong kalaking lupa sa gitna ng Metro Manila. Hindi kinapos ng liwanag ang malawak na driveway. Bawat puno ay napapalibutan ng led lights, idagdag pa ang mga poste na merong makalumang lamplight. It is an exact copy of the streets in Broadway, sa pictures ko lang nakikita ang mga iyon pero malaki ang pagkakahawig nito. Sa pagtatapos ng mahabang daanan ng sasakyan ay puting mansyon. A classic white castle but a small version of it, well not too small. Namangha ako sa itsura non.

Inalalayan ako ni Lorcan bumaba ng sasakyan. The air was chilly. Kahit napakaganda ng mansyon ay dama ko ang lamig non, sa labas palang. Pakiramdam ko ay pinamumugaran iyon ng aswang at masamang espiritu. Dapat ay dinala ko ang scapular ko na pangontra sa mga ganito. 

"Diyan ba nakatira ang Lola mo?" Usisa ko.

"That's one of her houses. Doon siya madalas sa bahay ko na napuntahan mo na habang lumalaki ako. This is our ancestral house."

"Confirmed. May lahi nga kayong mangkukulam no?"

"Andyan na pala kayo." Matalas na boses ang sumalubong sa amin. Nagulantang ako sa all black niyang get up at mahigpit na mahigpit na pagkakataas ng puti niyang buhok.

Miss Minchin?

Mabagal siyang naglakad papalapit sa amin ni Lorcan kahit alam kong nahihirapan siya. Hinayaan siya ng dalawang nurses niya na humakbang mag-isa. Humakbang din kami ni Lorcan para salubungin siya pero iniharang niya ang kanyang tungkod para magbigay kami ng distansiya.

"Nobya ka ng apo ko?" Paniniyak niya. Magalang akong ngumiti.

"Opo! Hello, Granny!" I chirped.

"Ay Diyos ko, paano kaya nangyari yon?" Umirap siya at tumalikod siya. Kitang kita ko ang pag-pipigil ni Lorcan ng pag-tawa. I am mentally holding myself back not to roll my eyes. Manang mana sa pinagmanahan!

Sumunod kami sa matanda patungo sa hapagkainan. As usual, parang meron na namang fiesta, puno ang lamesa pero tanging prutas at gulay ang nakahain sa harapan ng Lola ni Lorcan.

"Anong pangalan?" Tamad akong tiningnan ni Granny at pakirimdam ko ay nasa interrogation chair ako na required na sumagot ng tama, kung hindi ay mapuputulan ako ng daliri, o mas malala ay maging almusal nila ako kinabukasan.

"Calla Susanne Torres po."

"Torres?" Ulit ni Granny sa apelyido ko na tila nagiisip.

"Are you the Torres of Fishing Empire?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Torres of Torres Construction?"

Iling ulit.

"Torres Mining?"

Iling iling.

"Ah, siguro Torres who has a Banana Plantation sa Ormoc, kaano ano mo si Lucy?" Kaswal natanong nito. Napakunot ang noo ko. Lucy--- Ah! Lucy Torres?

"Hindi ko po sya kilala, Granny." Magalang na sagot ko. Napakunot ang noo ni Granny, mukhang disappointed.

"Kung gayon, kaninong pamilya ka galing?" Aniya.

"Anak po ako ng Torres na parehas na accountant sa isang Advertising agency pero parehas na pong wala ang mga magulang ko. Naiwanan na lang kami ng kakamabal ko na HR naman sa isang kumpanya sa Makati."

"Abuela, dont stress Calla." Pagbabanta ni Lorcan pero tumingin lang sa akin si Granny.

"I am not stressing her Lorcan Adam. I am just asking questions!" mabangis na sabi nito sa apo. Natahimik si Lorcan dahil doon.

"Kailan namatay ang magulang mo?"

"Nung 16 pa lang po kami ng kakambal ko. Nahulog po ang bus na sinasakyan nila papuntang Mountain Province. Simula po non, namuhay na kami magisa ni Clover, yung kakambal ko." Sinubo ko ang mainit na soup kasabay non.

"Walang kumupkop sa inyo?"

Umiling ako.  Kinagat ko ang pangibabang labi ko pagkatapos ay uminom ng tubig para pigilin ang pagdamdam ng mga nangyari sa amin ni Clover nang mawalan kami ng magulang.

"Kaya mo ba ginawang nobyo ang apo ko dahil wala kayong pera?" Matalim na tanong ng Lola ni Lorcan at diretsa ang tingin sa akin. Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko.

"Abuela please! That's too much. Cut it or we will go!" Protesta ni Lorcan na ihinagis ng malakas ang hawak nyang kutsara at tinidor.

Hinawakan ko ang kamay ni Lorcan. Tiningnan ko si Granny ng diretso at ngumiti akong muli.

"Alam ko pong hindi magandang manggamit ng ibang tao. Naturuan naman kami ng magandang asal bago namayapa ang mga magulang namin."

Binalikan ni Granny ang pagkain na parang hindi alintana ang sinabi ko. Masakit siyang magsalita, kagaya ng apo niya kaya immune na ako. Imbes na mainis ay itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain. Mabuti na lang at masarap ang nakahanda.

Humikab si Granny nang maubos na ang kanyang pagkain. Naging hudyat iyon para tumayo na din kami ni Lorcan at mag-paalam. Bakas ang disgusto, tumalikod na si Granny nang walang sinasabi ni isang salita.

"Pasensya ka na kay Abuela, ganun lang talaga yon.." Seryoso ang pagkakasabi non ni Lorcan habang nagmamaneho.

"Bakit naman ako maooffend? Hindi naman ako totoong girlfriend mo. Sa tingin mo ba dapat nagsinungaling ako kung ano ba talaga ako? Dapat talaga sinabi ko na lang na magpinsan kami ni Lucy Torres para bumilib siya sayo."

"Why would you do that? You are fine to me." Kibit balikat na sagot ni Lorcan habang diretso ang mata sa kalsada.

"You think so?"

Kalmadong ngumiti si Lorcan.

"Dapat kinuwentuhan mo na lang si Abuela tungkol sa galaxies baka bumilib pa siya sayo."

Ngumuso ako, "Ayaw mo ngang pakinggan ang theories ko."

"Ha, sinong may sabi? When you said that Kepler 186F is a habitable zone, 40% bigger than Earth and it has a stronger gravitational pull, I was amazed. Dahil doon, ang mga aliens should have 6—"

"8 legs." Pagtatama ko.

Ngumiti si Lorcan. His caramel eyes lited with burning flames of warm light.

"That is interesting. Do you think people could live in another planet? Why do they even find another planet to live?"

"Maybe people don't really want to die. Sa tingin ko nga, ang hinahanap ng Science ay kung paano hindi mamatay ang tao. Disturbing."

"Yet you love Science."

"I love Science but I love God more. If God will allow us to live in another planet, Kepler 186F will happen but they need a hibernation tube to do that. They need to make some people sleep in order to preserve their youth when they occupy a new planet."

"Geek."

Napailing si Lorcan at kinuha ang kamay ko.

"Seriously, I am sorry on how Abuela acted." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "I don't want you to feel bad."

"May sakit ka? Bakit mabait ka pa din?"

"Ha, I don't want to stop getting favors from you, that's just it." Inihagis niya ang kamay ko.

"Aray naman! May utang na loob ka sakin."

***

Sunod sunod na busina ang gumising sa akin ngayong weekend. Ibinaon ko ang ulo ko sa unan. Kung si Lorcan na naman iyan, papalakpakan ko na siya sa dalawang linggong pambubulabog niya sa akin kahit weekend. I should really re-think about my offer to help him for free.

"Clover!" Sigaw ko pero naalala kong nasa team building ang kapatid ko at bukas pa uuwi. Pilit akong bumangon nang hindi tumigil ang pagbusina. Pikit mata kong kinapa ang daan patungo sa pintuan.

"Hoy! Tanghali na!" Akala ko nananaginip pa ako nang makita ko sa labas si Granny. Hawak sa isang braso ng kanyang driver. Pinanlakihan ako ng mata at pilit na inayos ang mukha ko sa abot ng makakaya.

"A-ano pong ginagawa ninyo dito?"

"Hindi mo ba ako pagbubuksan?" Itinuro niya ako muli ng tungkod niya na parang may special power iyon na makakapagpalaho sa kung sino mong ituturo nito. Patakbo akong lumapit sa gate para pag-buksan siya.

"Ano pong ginagawa nyo dito, Granny?" Magalang na tanong ko habang binubuksan ang maliit naming gate.

"Nag-day off ang mga maids ko ngayon, wala akong kasama sa bahay kaya nagpababa na lang ako dito sa bahay nyo. Kailangan ko ng bantay ngayong araw." Taas noong sambit nya at nauna pang pumasok sa loob ng bahay namin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top