2.7


Ulan.

Inintay kong makabalik si Lorcan. Nakahiga ako sa kaniyang couch, dalawang oras nang wala si Granny at tatlong oras na wala si Lorcan. Nang mainip ay sumilip na ako sa kaniyang ref para maghanda ng pananghalian. Dahil sa limitadong sangkap, nag-salang ako ng sinigang doon sa kalan. Nilinis ko din ang pinagkainan namin noong umaga at nang matapos iyon ay sinumulan kong ayusin ang kanyang bahay. Hindi naman iyon magulo, knowing Lorcan, gusto niyang laging maayos ang kaniyang tirahan. I am just bored.

I played 'The Scientist' on my phone while cleaning, dumirekta iyon sa isang bluetooth speaker sa may lamesa, hinawakan ko iyon dahil sa hugis na spaceship. Tons of memories flashed right before my eyes.

'Nobody said it was easy, It's such a shame for us to part, Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard, Oh take me back to the start'

Lorcan tried to sing the song on our sixth wedding monthsary. It failed big time bilang hindi naman siya singer but that was one of my favorite memory of us. I smiled when I remember how we danced on his out of tune singing, underneath Aurora Borealis near the lake in British Columbia. Hirap pa kaming gumalaw dahil sa suot naming winter suit pero ipinipilit naming ipagdikit ang aming katawan sa pagitan ng makakapal na winter jacket.

'Questions of science, science and progress, Do not speak as loud as my heart

Tell me you love me, come back and haunt me, Oh and I rush to the start

Running in circles, chasing our tails, Coming back as we are'

A tissue paper touched face and I realized I was tearing up. Nakatayo sa harapan ko si Lorcan at nakasimangot. I pushed him away out of surprise. Napailing siya. Mapait akong napangiti sa kanya.

I know we have to be thankful of happy memories and our selfish tendency in us wants to keep it, but we can't. Holding on too much memories can explode our hearts until it stops beating.

"Nababasa yung bluetooth speaker ko." Inagaw niya sa akin iyon at pinalitan ng box ng tissue ang kamay ko.

"Nasaan si Abuela?"

"Umuwi na."

Tumango tango si Lorcan at kalmanteng umupo sa kanyang couch.

"So tell me, meron ka bang alam sa Nemesis?"

"Kaunti."

"Kaunti? Ano ano ang kaunting iyon?" Pormal niyang tanong.

"The suppliers, clients—"

"The basics. Ano ka ba noon sa kumpanya ko?" Tumaas ang kaniyang kilay.

"Secretary."

Mahina siyang natawa at napailing. "Amazing. Sinasabi mo bang sekretarya kita at sa iyo ipinagkakatiwala ang negosyo ko? What makes you better than me?"

"I am no better than you, Lorcan except for the fact na wala akong amnesia."

"Sinungaling ka naman."

"Mag-uumpisa na naman ba tayo?"

Tumunog ang kalan hudyat ng pagtapon ng kumukulong sabaw galing doon sa iniluluto kong sinigang. Mabilis ko iyong pinuntahan para haluin.

"Wala akong interes agawin ang kumpaniya mo kung iyan ang iniisip mo." Sabi ko sa harap ng kaldero, loud enough for him to hear me.  Alam kong nawala ang memorya mo pero bago mo ako husgahan, tandaan mong mahal mo ako bago ako mawala sa isip mo." Nilingon ko siya.

"At ikaw, minahal mo ba ako?" Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang tingin ay nanunukat.

Matagal ko siyang tinitigan, "More than you'll ever know." Malungkot kong sabi.

"Pero umalis ka!"

"You have no idea."

"Alam mo ba kung anong nararamdaman ko noon? Wala ka sa isip ko. Hanggang ngayon, tngina wala akong maalala pero nagagalit ako kasi ang gusto ko kahit hindi kita kilala, pinilit mo akong alalahanin ka, kahit masakit, kahit hindi ko kaya baka sakaling bumalik na noon pa ang mga nakalimutan ko. Hindi mo man lang ako tinulungan. Tinakasan mo ang problema nating dalawa dahil mahina ako! P*ta ano bang sumpaan nating dalawa? For better and for worse? For richer and for poorer? For sickness and in health? Til death do us part? Nasaan ka don?"

"S-sorry." Bulong ko. "Maybe I really thought I was doing it for you pero hindi ko lang pala kaya na makitang hindi ako ang mahal mo nung magising ka."

Hindi siya sumagot. Ngayon ko pa lang nakikita ang pagkakamali ko. Sa kanyang mukha ay bakas na iyon. Nauunawaan ko kung saan siya nanggagaling.

"P-pwede ba tayong magsimula sa umpisa?" I forced a smile after series of silence.

Mabigat ang paghinga niya. Nanginginig ang kamay kong iniabot sa kanya.

"Hi, I am Calla Sussane Torres, 26, paborito ko ang mga bituin kasi sabi ng Mama ko, kapag namamatay ang mga tao, nagiging bituin sila. I know, nakakatawa iyon pero doon nagsimula ang obsession ko sa stars simula naulila kami. May kakambal ako, kamukha ko, akalain mo yon, may isa pang kasing ganda ko. Asawa siya ng bestfriend mo na si Ashton. Can I be your friend?" Pinilit kong ngumiti. Tiningnan niya lang ang kamay ko. Madidlim ang pares ng mata.

"I am Lorcan Adam Alcantara, 32, I love stars since I woke up from coma because I always dreamed of dancing with someone near the lake under the shooting stars and the Northern lights. That's the most beautiful. I cannot be your friend. I am married." Tumalikod siya at humarap sa kaniyang couch at bumalik doon. Kumuha ng magazine at nag-simulang mag-basa, palagay ko ay umiiwas lang. 

Inabala ko naman ang gawain sa kusina at hindi na umalis doon simula nang huling salita sa aming pagitan.

Tinawag ko siya nang maluto na at maihanda ko na ang lamesa. Hindi naman siya nag-atubili.

"Sasabihin ko na lang kay Granny na hindi ako pumapayag sa gusto niya. Wag ka nang mabadtrip." Nilagyan ko ng kanin ang kanyang plato. "Kilala mo naman ang Lola mo, lagi kang iniinis non at palagi akong ginagamit laban sa iyo."

Humigop siya ng sabaw mula sa bowl at malalim na nag-isip. "Do you always cook this for me?" Inosenteng tanong niya.

"Your favorite."

"Are you winning me back?" Pinanliitan niya ako ng mata.

Hindi makapaniwala akong natawa, "Masyado namang mataas ang bilib mo sa sarili mo. Pakipatay nga ang aircon kasi ang lamig na."

"Why? You don't want to take me back? Bakit? May karelasyon ka na?"

"Puwede bang huwag mong ibalik sa akin ang gawain mo."

"I cannot remember you, I don't even know you. You cannot use it against me."

"Pero alam mong may asawa ka, hindi mo din naman ako hinanap di ba? Kasi nag-enjoy ka na."

"Wow, nag-enjoy. Hindi ba puwedeng busy lang sa pag-aaral at pulutin ang sarili ko mag-isa kasi ang asawa ko, ayun, nawala na lang bigla."

Umirap ako at pabagsak na ibinaba ang kutsara.

"Fine, kasalanan ko. Anong gusto mong susunod na mangyari? Kasi kung bawat sasabihin ko, bawat desisyon ko ay mamasamain mo, eh di ikaw na lang mag-decide. Magaling ka kasi."

"Magaling talaga ako. At kung akala mong masosolo mo ang kompanya ko, sorry to disappoint but I will be working with you."

Tumaas ang kilay ko, "Talaga?"

"Talaga!" Pabibo niyang sagot.

"Okay then, Lorcan. Meet you at Nemesis tomorrow, 6AM in the morning."

"6AM?"

"Morning person ako eh." Ngumiti ako ng mapanuya.

"Ano naman ngayon? Bakit ako ang mag-aadjust sayo?"

"Kasi secretary kita di ba? Alangan namang mauna pa ako sayo."

"Hey that's—"

"That's the deal, Lorcan. You want to take your company back? Start from the bottom to up. Walang shortcut. Anything you lose that you want to have again should be worked hard double. That's the price of not taking care of it in the first place."

Kitang kita ko ang mariing paghawak niya sa kanyang kubyertos. Gusto kong palakpakan ang sarili sa pagiging kampante kahit na kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Ano nga bang alam ko sa paghawak sa isang kompanya? Sure, I was able to attain high GPA on my masters pero hindi iyon totoong buhay.

What did I get myself into?

Paulit ulit na tanong iyon hanggang sa maaga akong nakatulog ng araw na iyon at magising ng madilim pa kinabukasan. Pinag-usapan namin ni Meico na susunduin niya ako at nang sumilip ako sa labas ng bintana ay naroon na siya sa loob ng van.

Nagmadali akong maghanda, on my first day, I opted for light green pleated short dress and Valentino flats. Naihanda ko na din ang dadalhin kong bag, kinuha ko na iyon sa couch at lumabas na.

"Good morning, Madame!" Maligayang bati ni Meico. I smiled and shook my head.

"Umalis na ang Mister mo kanina, ang gwapo. Mukhang pinaghandaan." Tukso ni Meico, napailing na lamang ako habang binabanggit ang schedules ko sa maghapon habang umaandar ang sasakyan.

"Mamaya ibibigay ko na itong schedule mo kay Lorcan."

"What? Paano ako kung wala ka?"

"Anong paano ka? Sabi ni Granny, pupwede daw muna akong magbakasyon kasi may assistant ka na."

"Meico naman, parang ang labo naman non. Paano kung ayaw niyang magtrabaho?"

"Hindi ka naman siguro ilalaglag nung tao."

Sumilip na ang liwanag sa labas pero mas lalo akong hindi mapakali.

"Meico, baka naman—"

"Lalovelife naman ako. Tatanda ako agad sa lovelife mo pa lang!" Umirap siya habang pinagbubuksan ako ng pinto ng sasakyan at bumaba na ako.

Wala pang tao sa opisina kahit ang receptionist nang dumating kami. The guards greeted me pagkatapos ibigay ni Meico ang papeles tungkol sa akin.

"Basta, last day ko muna ito. Pagkatapos, magbo-Boracay ako. Nakabook na ako.."

"Shhh."

Ang mga yabag lang namin ni Meico ang humahati sa tahimik na opisina ng Nemesis. Hindi na ako nagtaka na walang tao doon sa opisina.

"Ay dito ka daw.." Turo ni Meico doon sa dating opisina ni Lorcan.

'Calla Sussane Torres-Alcantara, CEO'

"Bakit naman may nameplate pa?" Reklamo ko.

"Ewan ko, ipinarush daw yan kahapon. Si Granny maraming gimik. Siya na lang ang tanungin mo."

Binuksan ni Meico ang pintuan para sa akin. Ang bulto ni Lorcan na nakatayo sa harapan ng dati niyang lamesa ang nadatnan namin, hawak niya ang nameplate na naroon sa lamesa at matagal iyong pinag-mamasdan.

"Good morning.." I greeted. Isang beses siyang yumuko para bumati. He's wearing a three piece suit in all black, he's hair was neatly tied in a man bun and he looks expensive. Mukhang naging palaboy ako kung itatabi kay Lorcan.

"Hello, cutie boy.." Maligayang bati ni Meico, tumaas ang kilay ni Lorcan.

"Nako, alam ko mukha akong nerd kasi nakasalamin ako, pero humanda ka kapag bumalik ako galing bakasyon, hindi niyo ako makikilala. Ito pala ang schedule ni Mrs. Alcantara, Mr. Alcantara." Mapahiwatig na tono ni Meico.

"May huddle kayo at 10am para ipakilala kayong dalawa. 70% of the people still knows you and your story so nothing to worry about. Ang outgoing acting President na si Mr. Paras ang gagawa ng pagpapakilala pati si Miss Jaja ng HR. Pagkatapos non ay may meeting si Mrs. Alcantara kay Mr. Paras regarding turnover, kailangan mong sumama para sa minutes, take down notes, dapat mabilis ka, Pogi. Hanggang 2PM ang meeting pero huwag kayong mag-alala kasi merong lunchbreak. Nagbook din ata si Mr. Paras patungong Boracay kaya ngayong araw lang ang meron siya. By the way, Miss Jaja will orient you with the organization 2PM-3PM, then the Sales & Marketing department will brief you from 4-5PM then uwian na."

Inilipat ni Meico ang page ng kanyang planner at nag-basa doon, "Tapos bukas, sa umaga, tandaan mo ito, Pogi dahil malamang ay nagsa-sunbathing ako niyan sa Station 1 kaya hindi ako sasagot ng tawag, 8AM to 10AM meron kayong briefing sa Finance and Accounting, kasama ang Sales Documentation. 10AM-1PM, free time. 1PM onwards, meeting with the legal department with Attorney Segui."

Ngumiti si Meico nang matapos siyang magsalita, nagkatinginan kami ni Lorcan.

"Sigurado kang para ngayong araw hanggang bukas lang iyan?" Naisantinig ko.

"Welcome home, you two! Kaya niyo yan. Two heads are better than one. Team Hubby and Wifey, what else could go wrong?" Maligayang tanong ni Meico. I rolled my eyes.

Pagkabigay ni Meico kay Lorcan ng isang bagong planner kung saan nakasulat ang mga schedule ko for the whole month ay lumabas na si Meico at ipinaalam na nakabakasyon din ang driver ko kaya bahala na akong umuwi mamaya.

Great, just great.

"Hindi mo ako kailangang isabay."

"Hindi naman kita inaalok."

Pumunta si Lorcan sa kaniyang upuan, yung sa dati kong puwesto, mas maliit ang lamesang iyon kumpara sa akin. Pagkatapos ay tumayo siya at lumabas nang walang sinasabi. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Sa oras na yon ay pumapasok na ang mga tao sa opisina at iniwanan niya ako!

Mayroong kumatok at nakita ko doon si Ma'am Lucy, ang head ng Accounting ng Nemesis.

"It is nice to see you again, Calla.." Sinalubong ko siya ng yakap. Tinapik niya ang aking likod ng matagal na parang hindi makapaniwala.

"Ang dami niyong pinagdaanan pero nandito kami para sa inyong mag-asawa. Sana ay makaalala na siya."

"Ipagdasal na lang po natin." Malungkot kong sabi.

Bumukas muli ang pinto, "8AM pa ang office hours, hindi pa kumakain si Calla." Si Lorcan iyon at sa kamay niya ay mayroong hawak na paperbag at drink na nasa cup para sa dalawa.

"Pasensiya na po, Mr. Alcantara, hindi ko lang napigilang batiin ang asawa niyo." Sabi ni Ma'am Lucy pagkatapos ay ngumiti sa akin at saka isinenyas ang pinto at saka lumabas.

"You don't have to be mean." Puna ko kay Lorcan nang makaalis na si Ma'am Lucy, napailing siya at ipinatong sa aking harapan ang paperbag ng dala niya, inilabas doon ang pancakes at ang isa namang box ay french toast.

"Hindi mo ba narinig ang schedule mo sa maghapon? I don't want them stressing you out this early."

"Bumabati lang sila, ang OA mo naman."

"Familiarity results to conflict. Kadalasan ay hindi iniaayos ng mga tao ang trabaho nila dahil hindi sila natatakot sa mga boss."

"Alam mo, yan ang problema sa iyo. Iba ang tingin mo sa mga staff mo. Hindi naman masama ang pakikisama, Lorcan lalo na kung sila ang bumubuhay sa negosyo mo."

"Meico said 70% of our staffs are still here, kung ayaw nila ng pamamalakad ko, eh di sana umalis na sila."

"Because you compensate them very well."

"Exactly, ano pa bang pakikisama ang gugustuhin nila mula sa akin?"

"Hindi mo maiintindihan."

"Your leadership style won't work."

"Sorry ka, hindi ikaw ang leader ngayon. Makaalala ka muna." Umirap ako at umupo sa swivel chair. Kinuha ko ang pagkain sa harapan pero agad na iniharang ni Lorcan ang kaniyang kamay.

"Bayad mo?"

"What?"

"You don't expect your secretary treating you, right? Siguro naman nung ikaw ang nasa posisyon ko, hindi ako nagpalibre sayo."

Padabog kong kinuha ang wallet ko doon sa bag at inabutan siya ng pera. "Salamat." Pilit akong ngumiti.

Nang pumatak ang orasan sa alas diez ng umaga ay wala ng patawad ang pagiging abala namin. Panay ang ngiti ko sa lahat ng kakilala ko at pilit na inalam ang pangalan noong mga bago. Mayroong ibang teams na nagpaschedule din ng meeting for clarifications, inililista ni Lorcan ang lahat ng iyon.

Mr. Paras is an old guy, sa kaniya ko nalaman na isa siyang trusted Board of Director ng Nemesis at inappoint siya bilang acting President three years ago at dahil bestfriend ni Granny ang late wife niya, malugod niya itong pinagbigyan.

"This old man really wants to retire. Ito ngang si Romualdo na Tatay mo ay maaga nang nag-retiro. Kaya nga itong si Serafina, nakakaawa din dahil hands on pa din sa negosyo ng kaniyang apo. She's really concern in this business that you have started, Lorcan and I think it is a good decision to place your wife in your position. After all, sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mag-asawa.."

Everyone in the office, especially the managers have the same piece. 'Sino pa ba ang magtutulungan kundi ang mag-asawa' line is driving me nuts. We are separating! Hinahawakan ko lang ito ngayon para tiyaking hindi niya mapapabayaan ang kaniyang negosyo kagaya nang sinasabi ni Granny.

Para akong tinapakan ng pamilya ng elepante nang matapos na ang araw. Hindi ko din akalaing matatapos ko iyon nang hindi nahihimatay. Kinahiyaan ko na lang manghingi kay Lorcan ng ice pack para sa aking ulo.

"You may go." Sabi ko kay Lorcan pagkatapos ng mahabang araw na iyon.

Tumango siya at tahimik na inayos ang kaniyang gamit.

Nakataas ang kilay ko habang pinagmamasdan siyang nakatalikod sa akin at abala sa pagliligpit.

'Fine, umuwi ka mag-isa mo.' Umirap ako sa hangin at ipinahinga ang ulo sa lamesa.

I am not made for this, really. Napaangat ang balikat ko nang makarinig ng kulog mula sa labas ng bintana.

"Uulan pa—"

Hindi ko pa natatapos ang statement ko nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Nang balikan ko ang lamesa ni Lorcan ay wala na siya doon.

Impit akong napatili sa inis sa mga nangyayari. Kinuha ko na din ang mga gamit ko sa pag-aalalang mas lalo akong hindi makakauwi kapag wala akong masakyang taxi kapag mas lumalim ang gabi dahil rush hour. Thank goodness I wore flats, kung hindi pala ay ano? Baka piliin kong umuwi ng nakapaa.

Naroon pa lang ako sa lobby ay siksikan na ang mga empleyadong nag-nanais ding makauwi, wala ng taxi ang humihinto sa harapan ng gusali. Kailangan kong ireklamo kay Granny ito. Probably Lorcan is acting against her expectations. May gusto tiyak na patunayan ang isang iyon kaya nagmamatigas.

It is raining cats and dogs outside. Parang pumapalakpak sa lupa ang bawat patak, madilim kahit hapon pa lang. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili ko. Kailangan kong pumila sa terminal ng FX para makauwi dahil walang taxi. Right. Hindi ko dapat tinitingnan ang bigger picture, uunahin ko muna ang maliit na bagay para hindi ako maoverwhelm.

Bawat segundo ay sinusuntok ko si Lorcan sa aking isip. If he just remembers me, hindi niya ako hahayaan ng ganito. Hindi niya ako pinapabayaan dahil ang kapakanan ko ang una niyang iniisip.

I am beginning to hate him habang nanlalagkit akong nakapila doon sa terminal. Nagsisiksikan ang lahat sa maliit na pathwalk dahil wala namang bubong ang sakayan ng FX at mga jeep.

'Hindi ka na talaga makakahingi ng pabor sa akin!' I almost screamed at the top of my lungs pero pinigil ko. Mas lalo lamang akong naiinitan at mukhang walang pag-asa na makasakay ako sa loob ng tatlong oras.

Mangiyak ngiyak ako sa sitwasiyon pagkatapos ng isang oras dahil mayroon pang sumisingit at mayroon ding nag-aaway away. I have to take note na sasakay pa ako ng jeep pagkatapos nito.

"Calla.." Mula sa kung saan ay mayroong tumawag sa akin. Niligon ko ang bandang kaliwa ko, doon sa labas ng pathwalk ay naroon si Lorcan na nakasilong sa payong.

Mas lalo lamang sumama ang loob ko nang makitang nakapagpalit na siya ng damit, ibig sabihin ay talagang umuwi siya nang walang planong isabay ako!

"Calla, umuwi na tayo."

I rolled my eyes heavewards, nagpanggap na walang nakakarinig.

"Miss, ikaw ba yung tinatawag nung mamang gwapo? Umuwi ka na daw, di na siya galit." Humagikgik ang babae sa likuran ko. I am very sure na wala siyang sinabi na hindi na siya galit dahil galit pa din yan, pinaplastik lang ako.

"Calla, akala mo ba ay aalis ako dito nang hindi ka sumasama?"

"Ayieeee" Mula sa kung saan ay narinig ko. Women are gushing, ang iba ay naglalabas pa ng cellphone para kunan si Lorcan.

"Nakauwi ka naman na di ba? Bakit bumalik ka pa?"

"Ay girl, pampelikula! I-video mo! I-video mo, dali!"

"Dahil wala ka pa."

"Ay, winner si Pogi! Besh, puntahan mo na, maraming nakaabang, sige ka." Kinalabit ako ng baklang malapit doon sa akin.

Napapailing akong humakbang papalapit. Iniabot ni Lorcan ang kamay ko pero tinanggihan ko iyon. Nakalapit ako sa kanya nang hindi hinahawakan ang dulo ng daliri niya.

"Nagpapabebe pa sila pero mamaya, alam na!" Sabi ng isa doon sa usiyoso. Biglang kumulog ng malakas, dahilan kung bakit nagsiltilian ang mga nakapila sa terminal. Mahigpit akong napayakap kay Lorcan dahil sa pansariling gulat. And as if the day isn't bad enough, nabitiwan ni Lorcan ang payong at mabilis na nilipad iyon ng hangin papalayo kaya bumuhos sa aming mga katawan ang tubig ulan at mabilis kaming nabasa.

"Ayan, nabasa na tayo.." Mahinang ungot ko sa kaniyang dibdib, I somehow felt, home. 

Inilagay ni Lorcan ang kamay niya sa ulo ko na para bang makakatulong iyon na takpan ako. "Bakit ka pa pumunta!" Paninisi ko. Kailangan ko pang pagdaanan ang lahat ng ito bago siya dumating at hindi iyon katanggap tanggap.

"Wala. Narealize ko lang na hindi ka darating kung hindi kita pupuntahan at kukuhanin."

Hinila ni Lorcan ang kamay ko papalapit sa sasakyan niya pero nagpabigat ako.

"I hate you."

"I still hate you, too. Pero huwag nating isali ito. Huwag nating pababayaan ang sarili natin dahil magkagalit tayo. Naiintindihan mo?"

Mahina akong tumango. Binalikan niya ako at mahinang pinatakan ng halik sa ulo.

"Come on, let's go." Masuyo niyang sabi.


♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top