2.19
Truth.
"Pumikit ka.."
I did as I told.
"Tapos dumilat ka."
"Pikit.. Tapos dilat. Pikit ulit tapos dilat.."
Tumigil ako sa pagsunod.
"Ano ba? Sabi ko pikit! Ba't di ka pumikit!"
"Niloloko mo ba ako?"
"Hindi nga. Akala ko ba naniniwala ka sa'kin?"
"No. My wife believes you." Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Sinunod ko si Dr. Lester Concepcion. Pagkagaling sa Ilocos, dumiretso agad ako dito. Tell me I am crazy. Malapit na talaga akong mabaliw dahil sa mga nangyayari sa akin. My life was not like this months ago nang hindi pa bumabalik si Calla, maayos na sana ako noon. Pakiramdam ko, okay lang unti-untiin ang muling pagbangon. The only thing that matters to me was to go back and handle my business, she was out of the picture and part of the memory that I have lost. She did not stay, so I did not bother knowing her.
Pero nang dumating siya kasama na ang gulong ito, nauhaw ako sa katotohanan. Ramdam kong mahalaga siya. Ramdam kong kailangan niya ako. But having no idea who she really is in my life and in my heart, it makes me afraid having this strong feelings for her. Paano kung mali ako? Paano kung delikado nga siyang tao? Paano kung nahulog nga ako sa kanya noon pero totoong tinalikuran niya ako?
The only thing I remember was Margaux, nawala man ang pagmamahal ko sa kanya nang dumating si Calla, alam kong kaibigan ko siya. Yun lang ang natatandaan ko. She never lied to me when we were kids and while growing up. Yun ang bagay na nagustuhan ko sa kanya noon pa man.
Nakausap ko si Geo bago ako umalis sa Ilocos at nagmadali ding bumalik dito. He was very apologetic and said that Calla send her an email but apparently she didn't. At nakatulog sila pagkatapos uminom ng juice sa cafeteria. Nagpaiwan siya sa Ilocos, he said that Calla may not really sent him email but it may be true that Calla needs him. He wants to investigate the matter. I feel useless when I saw his determination, of how much he's willing to give for Calla. Napahiya ako sa sarili ko pero sa likod pa din ng isip ko, naroon ang takot. Takot na sumabog na lang sa mukha ko ang katotohanan at maling pinapaniwalaan.
I know that this matter is getting out of hand. Kailangang kailangan ko nang makaalala bago pa mahuli ang lahat-- kung hindi pa huli ang lahat.
"Hypnosis is a focused attention but reduced peripheral awareness and enhanced capacity to respond to a suggestion. Kung ang simpleng utos ko ay hindi mo susundin, paano tayo darating sa hypnosis state?"
"Alright. It is just that this is new to me." Napailing ako at nawawalan na din ng pasensya. Ramdam ko ang pagod. I was so restless since that night. Fck, I was so jealous.
"Lahat naman sa iyo ay bago, hindi ba? Meron kang amnesia. Malay mo ginawa mo na ito noon."
"I know. Sige, susunod na ako."
"Let's start.. Merong camera dito at irerecord natin ang lahat ng mapag-uusapan natin ayon sa mga bagay na hindi mo kamo natatandaan. Ngayon, tumingin ka dito sa orasan ko."
I looked at an antique necklace clock and followed its movements. Napanood ko na ito sa pelikula. I always have doubts if this is true.
"Sa ilang minuto, lulubog ka sa isang estado, sa ilalim ito ng pagkagising ngunit sa ibabaw ng pagkakahimbing. Magtatanong ako at ipapakita ng iyong isip ang mga kasagutan. Sa oras na dumilim at wala ka ng makita, huminto ka din sa pagsasalita at iangat mo ang kanang kamay mo. Paalala lang, hindi ka maaaring basta basta dumilat kung ayaw mong tuluyan ng mabura ang mga alaala na kasunod non."
Tumango ako, nanatiling nakahiga sa isang kama at sinusundan ang orasan, nararamdaman ko na ang unti unting pagbigat ng talukap ko. "Oras na lumipas, huwag hayaang umalpas. Ang mga alaala ng nakaraan gusto naming balikan. Ang aking katangungan, humihiling ng katotohanan. Huwag sanang ipagdamot, ang kailangan ng kasagutan. Pumikit ka."
Darkness, I see nothing but darkness. The unexplainable silence was in my ear, it is like wearing headphones with noise cancelation. Ang tanging naririnig ko ay ang pagtic-toc ng orasan. Nabura ang kaninang ingay ng mga sasakyan mula sa labas ng ospital, o di kaya ang mga nag-uusap sa lobby, ang mga announcement sa PA system. It was, a deafening silence. Nakafocus ako sa tunog ng orasan at yon lamang.
"Ano ang pangalan mo?" Ang boses na yon, malakas at malinaw. Yun lang at wala nang iba pa akong marinig.
"My name is Lorcan Adam Alcantara."
"Trabaho?"
"CEO of Nemesis Industries.."
"May asawa?"
"M-meron.."
"Ano ang itsura niya?"
Slowly, an image was played on my mind. Para iyong pelikula o maihahanlintulad sa panaginip na sobrang linaw. I saw a version of Calla, like I've never seen her before. She's younger and happier. She was running away from me while laughing.
"She has gray eyes. Perfect smile and skin smooth as milk. Hindi siya umabot sa balikat ko at sa pagkakaalam ko ay hindi siya ang tipo ko pero for me, she's perfect, she means everything. Parang lalabas ang puso ko na nakikita ko siya ngayon. I want to grab her and hug her, I want to---"
"Naaalala mo ba kung saan kayo ikinasal?"
Another set of playbacks happened. Mabilis na nilipad ang isip ko sa isang palabas. Naroon ang magandang babae at ako. Si Calla, at ako.
"I-- I do.. Sa beach.. Hindi. Sa loob ng isang villa na tanaw ang beach. Walang tao.. Kaming dalawa lang at isang judge."
Nagpatuloy ako, "Nakangiti kaming dalawa. Masayang masaya. B-bakit walang bisita?"
"Anong pangalan ng asawa mo?"
"Calla.. Calla Sussane Alcantara."
"Ano pa ang nakikita mo?"
"Ang unang araw ng aming pagkikita. Nakilala ko siya at para siyang tanga. Galit na galit ako sa kanya dahil pinipigilan kong matawa. Gustong gusto ko siyang makita. Secretary. Pagpapanggap." Hindi ako mapalagay sa sunod sunod na pagbato ng mga alaala.
"H-hanggang sa hindi ko na maitago na mahal ko siya.. Mahalaga. Bituin. Thailand. Elepante. Northern Lights. Sasakyan." Naramdaman ko ang pagkaliyo. Isang matinding flashback ang nangyari sa aking utak. It has no sequence, just series of memories that cannot connect the dots then I saw my mother...
'Lorcan, isang taon na, hindi mo pa ba siya hihiwalayan? I don't like her.'
"Hindi Mommy. I love her."
'Nalugi ang stocks ang Daddy mo. Wala na kaming pera! You need to give us a position in the board. Kahit ako na lang. Wala namang silbi ang Daddy mo.'
"What? Mom! Paano nangyari yon?"
'Kung magkakabalikan kayo ni Margaux, that will be good for the business. Makakatulong ang pamilya niya!'
"Hindi pwede!"
Bumilis ang takbo ng panaginip na tila pelikula. Nasa parking lot ako ng Nemesis. I saw Margaux in her sweat pants and full of tears.
'Lorcan, I need you..'
"Hindi. Nagkaintindihan na tayo.. I am sorry. Step away."
'Pagsisisihan mo!'
Ang reshuffle ng pangyayari ay walang ayos. Natagpuan ko na lang ang sarili kong umaapak sa preno pero hindi iyon gumagana.
"No! No! Si Calla!" I am shouting that in the present, I can hear my own voice.
"Lorcan! Lorcan! Gumising ka!"
Bigla akong napabangon. Mabilis ang tibok ng puso ko at basang basa ang damit ko ng pawis. Lumapit sa akin si Mrs. Concepcion at nagbigay ng tubig at malaking towel.
"Galit. Galit na galit ka.. Gumulo ng husto ang iyong memorya." Doctor Concepcion said. Napabuntong hininga siya, "Can you remember clearly, now?"
I shook my head. "Just fragments of it. Did it happen?" Nagtatakang tanong ko.
"I bet it did. Sinasabi nilang nagtatahi ng kwento ang kadalasang sumasailalim sa hypnosis. Dahil hindi pa nito nararating ang hypnosis state at conscious pa ito, madalas daw ay naiimagine lang ng tao ang mga pangyayari dahil nasa kamalayan pa ito. But in your case, you were so mad, your physical body was so stressed." Paliwanag ni Doctor Concepcion.
"Kailan natin susunod na gagawin ito? Gaano katagal bago ako tuluyang makaalala ?"
"Kailangan din makabawi ng mental state mo. I can see that you are stressed. Siguro get a full rest and enough sleep, pagkatapos ay bumalik ka dito."
Bumangon na ako ng tuluyan. How can I rest? Parang mas dumami ang mga tanong ko sa isip. And fck, parang mas lalo kong minahal si Calla.
"You look so worn out. Sa tingin ko ay nabuksan na natin ang pinto. Unti unti kang may maaalala. Just welcome the memories and write it. Honey.." Tawag ni Doc Concepcion sa kanyang asawa.
"Bigyan mo si Lorcan ng memoplus gold."
"Seriously?"
"Seriously. Hindi mo kailangan ng anti-depressants. Lahat yon ay makakapagpabagal ng memorya mo because it blocks memories. Hindi ba sinabi sa iyo ng doctor mo ito noon?"
I shook my head, "Doctor Alvarez was my doctor right after I woke up from accident."
"Give it a few days.." Tinapik ako ni Doctor Concepcion sa balikat. "Babalik na yan."
Nang lumabas ako sa clinic ni Doctor Concepcion ay hinang hina ako. I need to know the truth otherwise it will continue ruining my life and Calla. Hindi ko alam kung bakit pumasok si Mommy at Margaux sa alaalang iyon. I know them already.
Halos dumadaan lang sa pandinig ko ang ingay sa loob ng ospital, tulala akong naglalakad hanggang sa matigilan ako at makasalubong ko ang taong ipinagtulakan at pinaiyak ko nang isang gabi.
Her innocent stares pointed at me. The way that I remember it when she was younger. How can I love this person so much? Masyado siyang simple, sa kilos, sa salita at sa gawa.
"Oh, anong tinitingin tingin mo diyan? Wala kang silbi. The moment you doubted your children is the moment that you lose your right! 'Wag lang kitang makita kita sa pamamahay namin at magmamakaawa kang kilalanin ng mga anak mo. And, she's having twins by the way. Tinayms two ni Lord ang magagalit sa'yo dito sa earth! No, times four, because I am mad at you and Calla is utterly, deeply, severely mad at you! This is irreparable!" Galit na galit na sigaw ng kakambal niya. Every words struck deep in my heart. Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Calla.
Umalis na lang sila basta sa harapan ko nang hindi pa nahahawakan si Calla. Nagpunta ako sa parking lot para subukin ang alaalang napulot ko. Maybe I'll get answers, or I'll get further lies.
Nasa harapan ako ng dati naming bahay. Sinalubong ako ng mga maids ng magalang na pagbati. Dumiretso ako sa library kung nasaan si Mommy. Nadatnan ko siya don, reading documents. Nagulat siya nang makita ako at tinipon ang mga papel.
"Lorcan.. Hindi ka nagpasabing pupunta ka?"
"Kailangan ko bang magpaalam kung kikitain ko ang sarili kong ina?"
She shook her head. "No, of course not. Kumain ka na?"
"Where's Dad?"
"N-nasa Amerika.. Alam mo naman yon, he loves the rain in Seattle. Masyado daw mainit ang Pilipinas para sa kanya."
"Can you tell me more about your lost of money?" Kalmante akong umupo sa isa sa mga upuan sa library. Napaawang ang labi ni Mommy.
"Ah-ah, yun ba? T-that was.. P-paano mo iyon nalaman."
"I remember now.." I lied.
"W-what?" Kitang kita ko ang gulat sa reaksyon niya, "Paano nangyari yon?"
"Hindi ba dapat ay makaalala naman talaga ako, hindi ba, Mommy?"
"L-lorcan.. Hindi naman sinasadya ni Margaux. She underwent depression kaya niya ginawa iyon. Humingi siya ng tawad sa akin. Hindi niya gustong mapahamak ka, anak. Umasa siyang hihiwalayan mo si Calla noon. S-siguro dahil alam niyang gusto ko siya kaya inintay ka niya anak. She just wants to blackmail you. Hindi niya inaasahang--"
"What?!"
My mother howled. She was trembling and literally panicking.
"I am sorry, Lorcan. Nabuhay ka naman, hindi ba? Yun ang mahalaga. Pasensya ka na anak. Natakot lang ako na kung hindi ko siya pagbibigyan b-baka mapahamak ka ulit.. Your father disapproves b-but I--"
"All you need to do was to surrender her to the police!" Galit na galit na sabi ko.
"P-pero m-may malaking utang kasi ako sa pamilya nila.. Isinusumbat yon ng Mommy ni Margaux, anak. I p-promised them that you will still marry their daughter and they will gain from the marriage."
"Anak mo ako!"
"I know.. I know.. Alam ko namang hindi ka pababayaan ni Margaux.." Nanginginig at maliit na boses ni Mommy.
"Ipinahamak niya ako! Nabangga ako at muntik nang mamatay! She-- she ruined my marriage!"
My mother's shoulders jolted because of my screams. "Patawarin mo ako, anak! Patawarin mo ako!"
My phone beeped and it is from Calla. Nagbigay siya ng oras at lugar kung saan kami magkikita. I replied that I will see her. Pagkatapos non ay ginawa ko ang dapat kong gawin.
"W-who are you calling?"
"Agent Guevarra, I need to see you.."
"No, no.. Anak.. I-- c-cant--"
"Babayaran ko ang utang mo, it should be as simple as that Mommy! But look at what you are doing! Inilalagay mo lang akong muli sa kapamahakan. While Margaux is still at large, she has the capacity to harm Calla and my twins!"
Walang nagawa si Mommy. Dumating ang NBI sa aming bahay makalipas ang isang oras. Mommy tell them everything. She even gave the CCTV clip where Margaux intentionally broke my car.
She also connived with Margaux to distort my memories by giving me pills to restrain it to come back. She knows I will investigate my accident as soon as I remember. Panay ang hingi niya ng tawad. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya ngayon.
"Please also watch for my wife. She needs protection.."
"Will do, Sir. In a few minutes, ibababa na ang warrant of arrest para kay Miss Margaux."
"Thank you, Agent Guevarra."
I tried calling Calla, she needs to know and I need to apologize to her. This time, I am gonna make this right.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top