2.13

Maki Say's: I know the long wait is excruciating. However, my son suffered a life threatening condition and all my works were paralysed because we have to stay at the hospital for almost 2 weeks. I also care for your entertainment but there are things that writers have to prioritize. Things like, family first, health first, work first, stuffs like that. And I really do hope that everyone understands. May mga seryosong bagay na pinagdaraanan ang manunulat bukod sa katamaran :) 

This is a sabaw update. Don't expect too much. Advance Happy Valentine's day!


Wala na.

'Liligawan kita ng tama..'

Panaginip o totoong buhay?

No, no.. Hindi maaring true to life iyon. Dahil kung oo, bakit katabi ko ang lalaking nagsabi non? He's half naked and I am wearing his shirt, on his bed. Kung bumalik ang panahon sa 1920s, mag-dampi lang ang kamay namin ay kailangan na naming magpakasal.

Ganito ba ang manliligaw?

Kumilos si Lorcan mula sa pagkakahiga, ibinagsak kong muli ang likod ko sa kama para magpanggap ng tulog pero bago pa man ako pumikit, nagtama na ang mga mata namin ni Lorcan. Kinusot niya ang mga mata niya pagkatapos ay nginitian ako.

Ayan na naman. Yung ngiti na naman na yan. Mabibihag na naman ako, tapos masasaktan. Ako lang ata ang inilalagay sa isang cycle at kabisado ko na ang panganib pero parehas na cycle pa din ang daraanan ko.

"Hi.." Halos bulong lang iyon. Nakangiti pati ang mga mata niya.

"H-hi?"

"Masakit ba ang ulo mo?"

Bago pa man din ako sumagot ay sabay naming narinig ang pagtunog ng doorbell sa ibaba ng kanyang bahay.

"Can you get that?" Tanong sa akin ni Lorcan kasabay ng pagbaba ng tingin niya sa kanyang katawan na walang pang-itaas. I nodded. Nagmamadali akong tumakbo patungo sa ibaba, papalapit sa pinto. Pinanliitan ako ng mga mata nang makita ko ang isang delivery boy doon, merong dalang malaking teddy bear at sa tantya ko ay tatlong dosenang stargazers.

"Mrs. Calla Alcantara?"

I nodded. Agad na inabot sa akin ang papel na kailangan kong pirmahan pagkatapos ay ipinasok ang teddy bear sa may pinto at ang bulaklak naman ay iniabot sa akin.

Agad kong hinagilap ang card doon sa bulaklak. A typewritten message was printed on the card.

'Maganda ka pa sa umaga, Misis ko..'

My cheeks flared instantly. Parang merong instant pugon at napagkamalan akong pandesal kaya ako binugahan ng init. So hindi nga panaginip yong kagabi? Pero bakit may paganito? 

Dahil liligawan nga ako?

Come to think of it, hindi naman niya ako niligawan talaga. Kaya talagang nakakapanibago ang ganitong eksena.

Nakarinig ako ng yabag, gusto kong magtago sa kung saan pero dahil wala ng time para doon, iniangat ko ang mga bulaklak at itinakip sa mukha ko.

"B-bakit may bulaklak? A-ano ang ginawa kong kabutihan para maging deserve ko to?" Di ko alam ang sasabihin, Lord, help me.

"Nanliligaw ako." Walang kagatol-gatol na sagot naman ni Lorcan.

"B-bakit?"

"I want you to feel the love you deserve, Calla. Kung hindi ko man nagawa iyon noon, titiyakin ko na sa pagkakataong ito, mararamdaman mo na ako."

"Wala ka pa ngang maalala."

"My memories are still important to me. Pero yung puso ko gusto nang lumandi."

Napakapit ako sa mga bulaklak nang sundan niya iyon nang mahinang pagtawa.

Hindi ako handa sa landian, Lord!

Buong breakfast akong nakatanga kay Lorcan. Ipinapaliwanag niya ang Sales agenda sa susunod na buwan at kung paano ii-implement iyon. I was just there, staring. Kung hindi pa tumulo sa baba ko ang iniinom na orange juice, hindi ako makakakilos.

"Calla.." Kalmado pero halatang nagulat si Lorcan. "Sorry. I know it is still early to talk about work pero I don't want the things to get awkward so.."

"Hindi, okay lang. Ano kasi.."

"Wait! The pancake is ready!" Tumayo si Lorcan at lumapit sa stove. Nang bumalik siya ay ipinatong niya sa harapan ko ang isang plato na merong pancake na hugis puso.

"That's my heart, ingatan mo ha." Kumindat pa siya pagkasabi non. Wala sa sariling tinusok ko ng knife ang puso na pancake at basta na lang ginulo ang hugis. It ended up shattered.

"Ouch." Nakangiti pero iiling iling na wika ni Lorcan. Pinanliitan ko siya ng mata.

"Mukha ngang seryoso ka sa ginagawa mo. Ang ganda ko naman para hindi ito tanggapin. Kung gagawin mo yan, I want you to follow the rules. Number one, clean slate. Walang usapan tungkol sa past, walang halungkatan, saka na kapag naaalala mo na. Number two, hindi mo pupwedeng gamitin ang kapangyarihan mo sa trabaho para sa panlalandi mo. Work is work. Number three, hindi mo pupwedeng sirain ang mga personal na lakad ko. Ako pa din ang pipili kung sino ang gusto kong makasama sa partikular na araw at oras."

"You mean you will date whenever and whoever you wants?"

"I am not in a relationship. Technically, I am single."

"Teka, parang ang daya naman non. So you expect me to court you and you alone? Samantalang you can date anyone you please? Ang daya naman ng mga babae. Laging sa inyo nakapabor."

"If you will date someone aside from me, that is disloyalty. Ano yun, nangangako ka ng forever pero hindi ka pa decided kung sino ang ka-forever mo?"

"Saka na ako magdedecide kung mutual na ang feelings." Lorcan wiggled his brows. Mabilis akong napatayo.

"Hindi ko naman gusto ito. Nagtataka nga ako kung bakit ginagawa mo pa—"

"Tsk, ang init naman agad ng ulo. I am just kidding. Agreed. Didistansiya ako para hindi kita masakal, Mahal. Sabihan mo na lang ako kapag namimiss mo ako."

"Ang kapal!" Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Saan ba siya nakakabili ng self-confidence para makapamili din ako!

Nakuha ko naman ang gusto kong katahimikan nang makarating ako sa opisina. Sumabay pa din ako kay Lorcan dahil weird kung hindi. Pumapayag akong makatabi niya pero hindi ako sasabay sa kanyang sasakyan? 

"Sabay kayong umalis kagabi, sabay ding pumasok." Nakataas ang kilay ni Meico sa akin nang buksan niya ang pinto ng opisina ko. Akala ko pa naman, katahimikan talaga ngayong umaga dahil hindi ako kinukulit ni Lorcan.

"Magkapitbahay kami."

"Magkapitbahay o magkapit'buhay'?"

"Alam mo, ang haba ng bakasyon mo pero hindi nagbago ang pagiging chismosa mo. Ako naman, hindi ko kayo pinapakialaman ni Eros. Kung ayaw mong magkwento, eh di okay." Nagkibit balikat ako.

"Hoy! Excuse me! Wala akong dapat ikwento sa gungong na godzilla na mukhang dinosaur na yon! Ano naman ang ikukwento ko sa hinayupak na yun na punong puno ng hangin sa katawan at mabuting hindi pa pumuputok as of now."

"Wow ha, so much para sa walang ikukwento. Sagad sa three-generations ang galit mo ah. Mukhang sasabihan mo ang kaapu-apuhan mo na wag iassociate ang mga sarili nila sa mga kamag-anakan ni Eros."

"Talaga! Sasabihin ko yun talaga! Gagawa pa ako ng kasunduan at sarili kong dugo ang ipampipirma ko!"

Napailing ako. May itatanong pa sana ako kay Meico nang tumunog ang intercom speaker nang buong opisina at ang boses ni Miss Jaja ang naroon. Isang floorwide employees' meeting ang magaganap 5 minutes from now. Tumayo kami agad ni Meico at lumabas. Ang mga empleyado ay nagtitipon-tipon na sa gitna. Sa elevated floor sa bandang unahan, naroon si Lorcan at si Miss Jaja.

"Okay, seems like everybody's here. Mr. Alcantara decided to continue the company's team building. Nahinto iyon noong—Alam niyo na." Tukoy siguro ni Miss Jaja sa pagkaka-amnesia ni Lorcan.

The crowd cheered, halatang naexcite ang lahat. I smiled. Tumingin sa direksyon ko si Lorcan at kumindat pa siya sa akin. I blushed. Umiwas ako ng tingin at pinanatili ang sarili na walang reaksyon.

"Ngayon ay papapiliin namin kayo kung saan ninyo gusto. The other floors will have their votes, kung saan ang nakakarami, doon tayo. But you have to decide as a team. Ang suggestion ni Mr. Alcantara ay out of the country."

"WOW! OUT OF THE COUNTRY!!"

"Pero hindi ako pumayag dahil magastos iyon at mahirap na pare-parehas tayong wala sa Pilipinas. Can you imagine losing millions in a week long non-operation? That is out of the choices. Now, we are choosing between Ilocos, Subic, Batangas." Ani Miss Jaja. Everyone groaned. Napalitan naman iyon ng tawanan nang pumili na sila ng gusto nilang puntahan.

Ilocos won. Ang teambuilding ay magaganap two weeks from now.

Nang bumalik na sa kani-kaniyang trabaho ay nararamdaman kong sumusunod sa akin si Lorcan. Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko din.

"Mabuti naman at naisipan mo silang pabakasyunin." I muttered.

"Sasama ka.. Sasama ka hindi ba?"

"Representative lang ako ng board. I don't have to."

"I insist."

"Okay." Nagkibit balikat ako.

"What? Ganon kadali?"

"Gusto mo bang nahihirapan ka?" I countered. Napangiti si Lorcan.

"Now I know what I liked most about you—"

"Wait, rule number 2, work is work, bawal ang flirting."

Mahina siyang natawa, "I can't help it. By any chance, do you want to watch the super blue blood moon with me?"

Natigilan ako. I can't believe myself! Paano ko nakalimutan ang bagay na iyon. It has been 150 years ago since it happened. Tinitigan ko ang astronomy calendar ko at napagtanto na ngayon ngang araw iyon.

"Hindi ko alam kung papayag ka pero kung hindi naman, ako na lang siguro ang manonood sa rooftop." Itinuro niya pa ang kisame ng opisina ko at inilabas na naman ang dimples niya, "I prepared ice cream and pizza pero hindi naman kita pipilitin, kung gusto mo lang." Pagkasabi non ay tumalikod na siya.

"W-wait! I want to watch with you. I mean, I want to watch."

"Okay, no problem." Nagkibit balikat siya.

Kinakabahan ako nung matapos ang oras ko sa opisina. Dati, malamang ay nagtatatalon ako sa tuwa dahil merong astronomical event. Hindi naman kasi basta basta iyon nagaganap. Ayun nga lang, kapag may astronomical event kami na pinapanood ni Lorcan, meron ding disastrous event na nagaganap.

Remember when Margaux showed up whilst our stargazing date was on-going? Iniwan ako ni Lorcan noon para sa babaeng iyon.

"Uy, kinakabahan. Akala mo naman aakyat kayo ng bundok. Diyan lang kayo sa rooftop?"

"You know?" Tinaasan ko ng kilay si Meico habang pinapanood ako sa pagsusuklay.

"May email lang naman si Mr. Alcantara na off limits sa employees from 7PM onwards ang rooftop because a date is on going. Send to all."

Napasinghap ako sa impormasyon ni Meico. "Ginawa niya yon?"

"Oo, kaloka 'teh. He has his own way of saying that he is off limits too! Nakakaloka ang mister mo. Alam niya sigurong maraming mag-o-overtime para tumingala sa langit mamayang gabi kaya binakuran na niya ang rooftop para sa inyong dalawa."

Bahagya akong ngumiti ng malungkot, naalala ang gusot na hindi pa malinaw sa pagitan namin. Ang mga sinabi ni Margaux noong nakaraan na may interes ako sa pera ni Lorcan kaya ginusto kong maaksidente siya. Ngayon ay bumalik ako para sa annulment at para naman makuha ang kalahati ng yaman niya. Isinasantabi iyon ni Lorcan ngayon.

Napailing ako, I don't want to ruin the moment. I'll just cross the bridge when I get there.

---

Merong mahinang music sa blutooth speaker nang marating ko na ang rooftop. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng nostalgia. Merong carpet at maraming scented candles sa paligid. Naroon si Lorcan, nakaupo, merong pizza at ice cream sa harapan niya.

"Hi.." Ngiting ngiti na bati niya.

"Hi.."

Umupo ako sa kanyang tabi at tumingala. "Maaga pa pero tanaw ko na." Itinuro ko ang buwan. Mapula ito kaysa karaniwang kulay pero mababa pa lang ito.

"Did you know that the last super blue blood moon was in 1866?"

Tumango ako. "We're lucky."

"Today is the day that we are closest to the moon and the moon, earth and sun are perfectly aligned. Alam kong alam mo."

"Di ba sabi nila kapag merong ganyang phenomena, merong nababaliw?" Ngumuso ako at binuksan ang isang tub ng ice cream.

"Siguro ako. Baliw na nga ata ako." Tumingala si Lorcan at bumuntong hininga.

"May amnesia ka lang, hindi ka pa baliw." I corrected.

"Baliw sa pag-ibig. Sa feelings. Dito." Itinuro ni Lorcan ang puso niya.

"Ang ganda ko kasi." Biro ko.

Marami kaming pinag-usapan ni Lorcan. Ang plano sa pupuntahan sa Ilocos ang aming napagtuunan. I would love to taste the empanada being sold outside the church. O di kaya ang maglakad ng naghahati ang dilim at liwanag sa Kalye Crisologo.

"Lorcan?" Napawi ang ngiti ko nang makita ko na naman ang kanina ko pa inaasahan. Oo, hindi na ako magtataka kung bakit nandito si Margaux, only that she is not alone now.

"Tita Aleana." I whispered. Tinapunan niya ako ng tingin pero sandali lang. Dumako ang tingin niya sa kanyang anak.

"What are you doing, Lorcan?"

"Mom, what are you doing here? Hindi ba next month pa ang uwi niyo mula sa Australia?"

"Margaux called and she said you broke up with her. I have to book the earliest flight and I need to talk about some things."

"Mom, I am with Calla. My wife."

"Lorcan, hindi ba't masaya na kayo ni Margaux?"

"Tita Aleana." Napakuyom ang kamao. Hindi pa din ako tinitingnan ng ina ni Lorcan.

"Anak, delikado ang babaeng yan. Listen..."

"Tita Aleana." Tawag kong muli pero hindi niya ako pinansin.

"Fake marriage ang sa pagitan niyo ni Calla. Alright, it was valid and binding pero sa pagitan niyo ay wala kayong relasyon. Anak, you must have a prenuptial agreement somewhere in your old house. Bago kayo maghiwalay—"

"Mom! Stop it."

"Tita Aleana, ano pong pinagsasasabi ninyo? Ikaw ang nagpapadala sa akin ng updates tungkol kay Lorcan hindi ba? We were okay. Civil but we're okay."

"Oh come on, Calla. Alam naman natin kung bakit naganap ang kasalang iyon. It was all for the money. At ngayon, para pa din sa pera hindi ba? Pinagtangkaan mo ang buhay ng anak ko dahil gusto mong masolo ang kayamanan niya bago pa man din kayo mag-file ng annulment noong may naaalala pa siya! You know you will get nothing kapag hiniwalayan ka ni Lorcan noon maliban na lang sa sahod mo sa pagpapanggap! Hindi ko akalain na ganyan ka kadesperada sa pera!"

"Hindi totoo yan. Nalinaw na sa inyo ni Lorcan ang namamagitan sa amin noon hindi ba? Alam niyo na totoo ang meron kami. Abuela can attest to that!" Nanginig ang boses ko.

"Si Abuela ang pinapaniwala niyong totoong mahal niyo ang isa't isa dahil yun ang gusto niya. She had a stroke at ayaw mong maulit pa iyon, Lorcan. Pinaniwala niyo siya. In fact, Lorcan, you confided to me your feelings and plans. Hihiwalayan mo si Calla, anak. Sinabi mong babalikan mo si Margaux. Siguro ay tadhana na din ang nagtulak para mangyari iyon. I am just pulling you out of this mess, anak. I love you.."

"That is not true!" Tutol ko. Hindi magagawa sa akin iyon ni Lorcan. Mahal niya ako at hinding hindi ko pagdududahan iyon!

Humakbang ng isa si Tita Aleana papalapit kay Lorcan pero iniharang ko ang katawan ko sa asawa ko. How could they feed him with those lies? Dahil lang ba sa disgusto nila sa akin?

Tita Aleana and I were never close, tanggap ko at nirespeto ko ang opinyon nila. Naging civil kami at pumayag akong lumayo dahil na din sa pakiusap niya. Na mas makakabuti iyon kay Lorcan. Nangako siyang babalitaan niya ako sa improvements. She sent me emails but I declined the photos. I don't want to miss him so much and be tempted to see him. Nagkasya ako sa mga sinasabi niyang improvements.

Pinilit kong tumayo. "'Wag namang ganito." Pakiusap ko. "Hindi ninyo ako pupwedeng sirain sa asawa ko ng ganito. This is unfair."

"Now you want half of his wealth kaya ka bumalik?"

"You said he wants to get married! You emailed me!"

"Did I?" Tumaas ang kilay ni Aleana. I fished out my phone from my pocked at hinanap ang email na iyon. But I cannot see anything. Only old emails but not the one that she said that Lorcan is getting married.

"You hacked my email." Akusa ko.

"Lorcan, I am sorry. Akala ko ay hindi na natin kailangan pang umabot sa ganito. Ayokong isipin mo na ang taong malapit sayo ang sumira ng buhay mo." Hindi ako pinansin ni Tita Aleana. Desidido siyang paniwalain ang anak niya.

Nakatayo na din si Lorcan sa likuran ko.

"Here, these are the screenshots on the day of your accident. Anak, hindi ba si Calla iyan? Binuksan niya ang trunk ng sasakyan mo." Inilahad ni Tita Aleana ang mga litrato sa kanyang anak na halatang naguguluhan. Nakakunot ang noo niya. Nasilip ko ang litrato. Black and white iyon. Sa harap ng bahay namin noon, sa may kalsada. Ang eksaktong damit ko din noong naaksidente si Lorcan. The same car. How could this be!

"Oh my God. That never happened!"

"Iwanan niyo muna ako." Ibinaba ni Lorcan ang mga litrato at kumuyom ang kamao. "Please. Iwanan niyo muna ako."

"Lorcan, Anak. Mapanganib ang babaeng yan. Hindi mo siya mahal. Hindi mo siya minahal!"

"Mom, please!" Sumigaw si Lorcan at napaangat ang balikat ko. Napaatras naman ang kanyang ina at si Margaux. Maya maya pa ay tumalikod na ang dalawa at naglakad papalabas ng rooftop.

"Lorcan.." Bulong ko nang maiwan kaming dalawa.

"Calla, please. Step outside. Gusto kong mapag-isa." Mahinahon ngunit halata ang pagtitimpi sa boses ni Lorcan. Nakaramdam ako ng sobra sobrang pangamba at takot.

"Lorcan. Hindi ako ang nasa litrato. Hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganon, maybe those were edited. Your mother never liked me."

"Calla, please." Humihingal na wika ni Lorcan.

Di ko napigilan ang madismaya, "Ayan ka na naman eh! Iintindihin na naman kita. Nandito na naman tayo. Masasaktan na naman ako." Pinahid ko ang luha ko gamit ang manggas ko.

"Lorcan, for once pwede bang pakiramdaman mo ang feelings mo? Wala kasing nakakaalam niyan kundi ikaw at ako. Tayong dalawa lang. Ngayon kung sinasabi ng Mommy mo na sinabi mong balak mo akong hiwalayan, baka nga pinaniwala mo lang din ako. Pumunta ako dito na alam ko ang totoo, ngayon hindi na din.. Hindi na."

"Hindi biro ang nangyari sa akin, Calla!" Inihampas ni Lorcan ang mga litrato at bumagsak iyon sa dibdib ko. Nanginginig siya sa galit, ang mga mata niya ay namumula na. "I almost died and do you know how frustrating it is to know that you lost half of your life? Kung pinagtatangkaan mo ang buhay ko ngayon para sa pera ko, hindi ko alam. Hindi ko din alam kung nagsisinungaling ang Mommy ko. Do you know how fcked up it is? Wala akong maintindihan!"

"Eh ano ba ang gusto mo?" Napapagod na tanong ko. "Pupwede akong umalis. Hindi ko alam. Annulment? Pupwede din iyon. But I promise I won't take away anything from you. I promise."

"Walang aalis." Mula sa likuran ay nakita ko si Granny na papalapit, inaalalayan ng dalawa niyang nurse. "Ito ba ang gusto ni Aleana na masaksihan ko? Ang babae talagang iyon. Dapat ay hindi ko na siya ipinakasal kay Rodrigo. Pumunta kayo sa pamamahay ko. Sa akin ka na lamang sumabay Calla. We will settle this once and for all. Lorcan. Pull yourself together. Hindi puro emosyon. Sumunod ka sa bahay."

Pagkasabi non ay tumalikod na si Granny. Sumabay ako sa kanyang sasakyan at naging tahimik ang buong byahe. Panay ang buntonghininga ni Granny at hindi naman mapatid ang luha ko.

"Huwag kang umiyak iyak diyan. Kaya ka kinakayan kayanan ni Aleana kasi napakabait mo. Pinili mong makinig sa babaeng yon, ayan na ang nangyari."

"Nanay siya."

"Asawa ka. Hay naku, I hate to say this but I am so sorry Calla. I am sorry for dragging you in to this. May naiisip ako. Just trust me on this."

"Granny, ayan ka na naman."

"Hindi. Promise. Just go with the flow. And heal. Just get back when you are ready. I thought you are but it doesn't seem like it. Pero di bale na. Lorcan knows your existence. He should take everything from here.

Dumating kami sa mansyon ni Granny. Naroon na si Lorcan, katabi ang kanyang ina at ama. Si Margaux ay naroon din sa tabi ni Tita Alena.

"Strictly for family members only. Anong ginagawa ng babaeng iyan?" Kalmado pero matalim ang boses ni Granny nang makapasok kami sa loob.

Umupo kami sa couch na nakaharap kila Lorcan. Isa-isang lumabas ang mga kasambahay at ang bodyguards pagkatapos ay sinarhan nila ang pinto para maging pribado ang meeting. Nanatili doon si Margaux at taas noong tinutunaw ako sa tingin.

Tumikhim si Granny at tiningnan ang pamilya sa aming harapan.

"Aleana, I know you don't like Calla."

"I never liked her! Hindi din siya gusto ng anak ko!"

"Hindi ganyan ang nakarating sa akin."

"Dahil ayaw kang madisappoint ng apo mo. Alam mo naman ang kondisyon mo hindi ba? You love this girl palibhasa ay nakikita mo ang sarili mo sa kanya, Mama. You both came from nothing."

Inihampas ni Granny ang tungkod niya sa sahig at gumawa iyon ng tunog. Natahimik ang lahat.

"Do not ever make it sound disgusting when you say that we came from nothing. I am self made, Aleana. Hindi dahil sa namayapa kong asawa ang meron ako ngayon. Before he met me, I know hedging and stocks, I know investments and I influenced him to do those. Kung hindi dahil sa akin ay hindi mapapangalagaan ni Almario ang kayamanan na ipinamana sa kanya. Hindi mo din madaratnan si Rodrigo na punong puno ng kayamanan. Di nga't maaga kayong nagretiro dahil masagana ang buhay hindi ba?"

"Mama, relax.." Singit naman ni Tito Rodrigo.

"Walang nakakaalam sa atin ng katotohanan kundi si Lorcan lamang. Ang pangunahing interes ko ay mapangalagaan ang ari-arian ng apo ko dahil alam ko ang hirap niya diyan."

"I am fighting for the safety of my son! Pinagtangkaan siya ng babaeng iyan!"

"Hindi iyan totoo!" Singit ko.

"Hush! Walang nakakaalam kundi si Lorcan. Hangga't hindi siya nakakaalala ay nandirito tayong lahat at wala tayong mapagdedesisyunan. Lorcan, I gave you the CEO-ship of your company pero major stockholder pa din ako. Kung hindi ka kumportable sa presensiya ni Calla, I have to take her out from your company now. I am sorry, Calla but you have to find a place kung saan hindi maiisip ng mga magulang ni Lorcan na isang kang threat sa buhay ni Lorcan."

Namula muli ang sulok ng mata ko, naramdaman ko ang pagsiksik ni Granny sa akin para sa tangkang pang-aalo.

"To be fair, hindi din kita maaaring tanggapin sa pamamahay ko. You are on your own now, Calla. I am sorry."

Tumango ako at humikbi. Nauunawaan ko ang desisyon ni Granny.

Hindi ako makatingin kay Lorcan, walang kahit sino ang nagsalita, tumayo ako at tahimik na humakbang papalabas ng bahay.

"Salamat po, Granny."

Hindi agad ako nakalayo, huminto muna ako sa garden at pinakiramdaman ang katahimikan. Ito naman talaga ang gusto ko, kaya nga ako lumayo kasi ito ang gusto ko. Ibinuhos ko sa isang malakas na hikbi ang frustrations ko. Anong laban ko sa katotohanang si Lorcan lang din ang makakapagkumpirma? Wala, hindi ba.

Umiyak akong muli. My cellphone rang and I know I have to pick it up. Nakita ko ang pangalan ng kakambal ko.

"Lumabas ka na diyan, nandito na ako." Mas lalo akong naiyak. Tinakbo ko ang patungo sa gate at nakita ko roon si Clover, nakasandal sa sasakyan. Agad niya akong sinugod ng yakap.

"That's enough for now, Calla. Kung hindi talaga para sa iyo, hindi. Kailangan mong pulutin ang sarili mo at magsimula na wala na siya. Granny said I should take care of you for now. And you know I will." Hinagod ni Clover ang likod ko at niyakap ng mahigpit.


♁☆♁☆♁☆♁☆


Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.

Social media accounts:

Facebook Page: Makiwander

Facebook Group: WANDERLANDIA

NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved

Twitter & Instagram: Wandermaki

Go to my wattpad profile and follow me for more stories. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top