HLWCOB: 87

Lumipas ang mga araw, linggo hanggang sa umabot ng isang buwan, hindi na nasundan ang message na 'yon. Araw-araw akong nag hintay kahit pa busy rin sa school works pero natutulog ako na may mapait na ngiti sa labi at mga luha sa mga mata.

Dumating ang March, birth month ko. Dumating ang ang birthday ko, buong araw akong nag hintay na magkaroon ng green sa kaniyang profile. Sa lahat ng bumati, siya ang una kong inaabangan pero tumuntong ang 12, wala na. Walang bati niya.

Matapos n'on, intindi ko siya kasi sino ba naman ako kumpara sa priority niya? Wala, hindi pa nga nangangalahati. Oras-oras tinatanong ko ang sarili ko kung totoo ba talaga ang nararamdaman niya sa akin? Hindi kaya sinabi niya lang mahal niya ako dahil ako ang narito?

Maraming gumugulo sa isipan ko, bawat segundo bumabalik ang masaya naming usapan. Nag-tatalo ang puso't isip ko kung sino ba ang dapat paniwalaan.

Sobrang bigat na nang nararamdaman ko...

Kaya hindi na ako naka tiis.

(MARCH 26 AT 11:27 PM)

Rish:

Hoy! Namimiss na kita!

Sobra na tampo ko, 'di mo ako binati noong birthday ko (╯︵╰,)

*/ Wala pa ring paramdam. Nag-aalala na ako kung ano nang nangyari sa kaniya.

(APRIL 1 AT 12:10 AM)

Please sabihin mo naman 'yong totoo

HAHAH you know what? Handa akong intindihin ka, I'm willing to wait kahit umabot pa ng napakaraming taon kasi mahal kita, mahal na mahal pero mukhang hindi sapat 'yong pagmamahal ko para kumapit ka. Maybe I'm not enough, maybe na sa akin talaga ang mali, maybe hindi talaga ako karapatdapat mahalin. Sorry to say this but you made me feel I am worthless, you made me feel like I didn't deserve to be loved. I hate you! I really hate you!

I hope our paths do not meet at kung sakali mang magkatagpo tayo ng landas, gagawin ko ang lahat para iwasang mangyari 'yon.
*Sent

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top