Prologue
SHE:
Nakita ko siya dahil sa katabi kong babae na kung makapabango ay wagas. Kulang nalang ipaligo niya eh sensitive pa naman ako sa mga amoy, kaya naghanap nalang ako ng ibang mauupuan ng biglang tumigil ang train kaya ayon napamulat si inday at laking gulat ko na si Lee Kea-Wook nasa harap ko at saka ko lang napagtanto na masyado akong malapit sa kanya kaya agad akong lumayo.
Pero syempre etong inday ninyo eh hindi tanga no!
Alam ko na hindi siya si LEE KEA-WOOK yung crush kong korean actor dahil FYI nasa pinas tayo mga ateng at walang Lee Kea-Wook na mag lalakad kung saan saan kung ang daming nakakakilala sa kanya.
Bago pa siya makaalis ay pasimple akong sumilip mula sa kinauupuan ko. Syempre nakahanap ako ng upuan na hindi naman gaaano kalayo sa kinatatayuan niya.
Laking papasalamat ko at biniyayaan ako ng malinaw na mata kaya nakita ko kung saang school siya pumapasok.
So ayon pagkadating ko ng bahay binalita ko sa loob ng bahay hanggang sa bawat sulok nito ang nakita ko. Pinilit ko ang mga magulang ko na ilipat ako ang kaso nabatukan ba naman ako. Papaano naman sabi naman ni mama na "Tae kaba ha! Hindi kapa nangangalhati ng grade 8 lilipat ka! Sayang ang tuition aba!"
So ayon nananahimik nalang muna ako, at nagtiis na sulyapin siya mula sa malayo.
Ang kaso sa kasamaang palad mga ilang linggo na ang lumipas hindi ko na siya makita. Kaya napagisipan ko na makipag negosasyon o sa madaling salita ang wild card bwahahhaha ano pa ba! Edi makipag deal sa kanila na kapag ako ay naging top 1 ay maggung scholar ako at makalipat ako ng school.
Syempre hindi madali ang lahat dahil habang nagaaral ako eh kumuha nadin akong part time job sa ganon wala masabi si mama diba.
Sa lahat ng pinagdaanan kong hirap natapos nadin ang lahat at laking papasalamat ko na naging top 1 ako wahhhh isang himala.
Maraming salamat self hanggang sa dulo hindi ka bumitaw.
"Nababaliw kana ba huh?" Eto nanaman ang magaling kong kuya na epal.
"Huh? Pinagsasabi mo" Masungit na sinabi ko sa kanya. Napailing nalang siya saakin at saka pumasok sa kwarto niya.
Tomorrow is the day?! Huh! After a freaking long vacation makikita ko din siya.
But she did not realize na hindi pa niya alam kung duon nga pumapasok yung taong hinahanap niya.
Ang aga ko nga pero hindi ko naman alam kung anong pangalan niya paano ko siya mahahanap?
Nice one Rere!
Ang galing mo din.
Well maaga pa naman kaya maghahanap muna ako.
Dahil sa paghahanap niya hindi noya namalayan ang oras. Kung hindi lang siya nakita ng isang prof na pagala gala ay hindi ito tititgil sa paghahanap.
Napagalitan ito at nalaman ng guro na bagong lipat lang si Rere kaya pinalagpas nalang muna niya ito at hinatid sa kanya classroom.
Nagsisimula na ang klase ng pumasok sila. Nakangiti nalang si Rere at nakatingin ng deretsyo dahil nakaramdam ito na baka biglang mawala ang scholar niya dahil sa ginawa niya.
Para tuloy siyang robot. Iniwan na siya noong guro pero bago umalis ito ay nagpasalamat si Rere at nagsorry ulit.
"Okay class! So this is the student that I'm talking about. She is from ________ University School so be nice to her" introduce ni maam sa klase. Tinignan ko ang mga kaklase ko mula sa left hanggang sa right, pero wala dito sa loob ng klase ang hinahanap ko.
Anyways may recess naman kaya may oras ako mamaya para hanapin siya. Sa ngayon let's just smile and introduce myself.
"Hi everyone! I'm Ruella Reyne Delval but you can call me Rere for short 16 years old syempre female halata naman diba! Hahahahha" sana naman natawa sila. Pero mukhang nakornehan sa sinabi ko, dahil tahimik lang sila.
Umupo nalang ako sa binigay na seat saakin ni Ma'am Maru.
Ilang minuto ang lumipas ng umalis siya. Laking gulat ko na biglang nagtawanan ang mga kaklase ko. Nagtaka ako ng isa isa silang nagsabi na kung ano ano.
"Bawal daw kasi tumawa sa harap ni Miss Maru at pinagbabawal daw niya"
"Mahirap na kapag nahuli ni Miss"
"Oo nga pala ako si..." hangang sa nagpakilala na silang lahat except sa katabi ko na natutulog ata.
Naalala ko tuloy si Ywen yung matalik na kaybigan ko.
Kung nakapasa lang siya edi sana magkasama kami ngayon.
----------
HE:
"Kanina ka pa tawa ng tawa dyan baka marinig ka ni sir"
"Hahahahhaha o-okay lang yun mukhang wala naman si sir hahahhahahha" natatawang sabi ko sa kany. Dahil sa pinaguusapan namin nakakatawa na nangyari kay Sir last week.
---------
HIM:
Ang ingay naman nila....
--------
He - Joly person but has a hidden bad personality
Him - Cold but nice person
She - A weird one (Ruella Reyne Delval)
Them: Two Girls with a spice
One group with hates
One group with secrets
One group with jealous
The school with one rule:
You need to be the number one.
----------
TO BE CONTINUE.....
JULY 21 2021
ENJOY READING!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top