EPILOGUE
Epilogue
"Ate, very good ako sa school kanina!"
Napalingon ako kay Aki na kakapasok lang sa pinto. Gusot ang school uniform, magulo ang buhok at pawisan siya habang hila-hila ang kanyang school bag na may nakadrawing na logo ng Avengers. Ganito parati ang ayos niya tuwing umuuwi siya mula sa eskwela.
"Wow. Talaga?" Agad ko siyang nilapitan at pinunasan ng bimpo ang pawisan niyang noo. "Bakit ka raw very good?"
Ngumisi siya at agad na lumitaw sa paningin ko ang maliliit niyang ngipin at bungi-bungi niyang bibig. "Kasi inubos ko iyong pera ko sa tray kanina!"
Napasimangot ako. "Akala ko naman dahil mataas ang nakuha mong grades!"
Niyakap niya ako at pinupog ng halik ang aking mukha. Nanlagkit agad ako dahil sa nguso niyang parang kagagaling lang sa pagkain ng kung ano-anong candies at chocolates.
"Labyu, Atee!" Namilog ang mga mata ng paslit. "Mama pala!"
"Oo, baby. Mama na kasi."
"E di labyu mama ko!"
Niyakap ko siya at ako naman ang pumupog ng halik sa cute niyang mukha. "I love you, too, Aki ko!"
"INGRID."
Nagmulat ako ng mata nang marinig ang boses ni Ate Helen. Agad akong bumangon mula sa sofa. Narito kami ngayon sa Tagaytay, sa rest house na binili ni Alamid bago kami magpakasal at pumunta ng ibang bansa.
"Mukhang maganda ang panaginip mo." Nakangiti sa akin si Ate Helen. Malaki na ang tiyan niya, pangatlong anak nila ng kanyang asawa ang ipinagbubuntis niya ngayon.
Nag-inat ako. Maganda talaga. Dahil tinupad ni Aki ang hiling ko, na makasama ko siya kahit sa panaginip lang.
Lately ay palagi kong napapanaginipan si Aki. Kung hindi siya nangungulit, ay naglalambing.
"Anong oras ba ang dating ng asawa mo?"
Nang marinig ko iyon ay agad akong napatayo. "Oo nga pala." Tumingin ako sa orasan. "Ang arte naman kasi non, ayaw magpasundo sa airport!"
"E kaya ka nga kayo pinaunang pinauwi ng Pinas dahil gusto kayong surpresahin. Pambasag ka rin ng trip e."
Natawa ako. "Anong surprise don, e alam ko namang ngayon siya darating?"
"O siya, mag-ayos ka na. Luto na ang buto-buto."
"Thanks, 'Te." Pagkatayo ko ay pumasok na agad ako sa banyo at nagmamadaling maligo. Pagkatapo ay puting bestida na abot tuhod ang sinuot ko.
Pababa ako ng hagdan ng marinig ko ang pag-mamaktol ng isang sanggol. Kasunod niyon ay ang pagkanta-kanta ng isang matanda. Napangiti ako at nagmadaling makababa sa sala.
"Alimunding-munding!"
"Manang!" tawag ko.
Napalingon sa akin ang matandang babae na may karga-karga sa apat na buwang sanggol na lalaki. Napangiti agad si Manang Tess ng makita niya ako.
"Hinahanap ka na nitong cute na baby na ito." Agad siyang lumapit at inabot sa akin si Artemii, ang 4-month old baby boy namin ni Alamid.
"'Lika kay mama, Art!" Agad namang tumigil sa pag-iyak ang sanggol at sumubsob sa dibdib ko.
Uungot-ungot ang sanggol habang naglalaway, nabasa tuloy ang harapan ng suot kong bestida.
"Asus, gusto lang yatang dumede," palatak ni Manang Tess. "Akala ko nama'y ayaw dahil ibinato niya kanina ang feeding bottle niya."
"Mas gusto niya kasi dumede sa mama, 'no, anak?" Hinawi ko ang garterized na kwelyo ng suot kong bestida para inilabas ang isa kong dibdib. Mabilis pa sa alas-cuatro na sinunggaban iyon ni Artemii.
"Masibang bata!" Tatawa-tawang tumalikod si Manang Tess. "Manang-mana sa pinagmanahan."
Natawa rin ako. Lalo pa at pauwi na ngayon ang pinagmanahan.
Natigil lang ako sa pagtawa ng biglang panggigilan ni Artemii ang nipple ko. Kahit wala pa siyang ngipin ay masakit siyang mangagat. Isa ito sa mga dahilan kaya madalas ay inilalagay ko na lang sa feeding bottle ang milk ko.
"'Nak, wag naman masyado, baka matanggal 'yan, lagot ka sa tatay mo..." malumanay na saway ko sa sanggol.
Pero mukhang sa kakulitan ay doon ito nagmana sa kuya nito, na kung ano ang sinasaway mo, iyon mismo ang lalong gagawin. Kandangiwi na lang tuloy ako.
Ipinaghele ko si Baby Artemii hanggang tuluyan na itong pumikit. Walang kasawaang pinagmasdan ko ang mukha ng sanggol. May kung anong mainit na kamay na humahaplos sa puso ko sa tuwing tinititigan ko ito. Habang lumalaki ay mas tumatangos ang ilong nito, at mas humahaba ang itim na itim na pilik-mata, kaya minsan ay mahirap maisip kung lalaki ito o babae.
Katulad ni Aki ay kamukhang-kamukha ito ng ama. Parang mga pinagbibiyak na bunga.
Wala man lang nakuha sa akin maski isa. Di bale, super pogi naman ang baby kaya okay na kahit walang saking namana kahit katiting.
Tumigil ako sa paghehele nang mapunang may nakamasid sa amin. Nang ilingap ko ang mata ko ay nahinto ang paningin ko sa may pinto. Agad akong natulala.
Nakatayo sa may pinto ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng kulay puti na polo at denim jeans. Nahigit ko ang aking paghinga nang makilala siya.
"Alamid..."
"Hi." Nakangiti siyang humakbang palapit.
Sa palagay ko ay higit siyang gumuwapo kaysa sa huli naming pagkikita.
Mahigit limang buwan na nang makausap ko siya, sa huling dalaw ko sa institusyon sa Amerika. Pinauwi niya ako non dahil gusto niyang dito na lumaki si Baby Artemii. Kakapanganak ko lang non at kahit labag sa kalooban ko ay umuwi kami ng Pilipinas.
Mahigit isang taon din na sumailalim si Alamid sa isang psychiatric institution sa Masachusettes. Hindi niya na ako pinayagang dalawin siya nang lumaki na ang aking tiyan. Pinagpahinga niya na lang ako sa bahay, at noong makapanganak ako, ay saka ko lang siya muling nadalaw. At iyon na rin ang huli.
Pero hindi ako lumimot sa mga pangako ko sa kanya. Hindi ako sumuko. At hindi rin siya sumuko.
All the pains and hardships just gave us more reason to love each other harder.
Hanggang sa dumating ang araw na ito, na idinideklara ng doktor niya na magaling na siya.
"He's adorable." Nakatingin ang kulay abo niyang mga mata sa sanggol na karga-karga ko.
"G-gusto mo ba siyang kargahin?"
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Ipinasa ko sa kanya si Baby Artemii. He carefully took the baby from me and held it gently into his arms.
"Kamukha mo siya, diba... ganyan na ganyan din si Aki noon..." Nagsimulang mamasa ang mga mata ko.
Wala salitang namutawi mula sa mga labi niya. Nakatingin lang siya sa anak namin habang nangingilid ang luha sa mga mata niya.
"Ala... We can now start anew."
Hindi pa rin makapagsalita, ngunit marahan siyang tumango.
Hinawakan ko siya sa braso. "I love you. Welcome back, mahal ko..."
...
Walang kapagurang tinitigan ni Alamid si Baby Artemii na para bang isang himala ang anak namin.
Mula kaninang pagdating niya, hanggang ngayon na patulog na kami ay hindi niya inaalis ang paningin sa sanggol, na tila anumang oras ay baka maglaho ito.
"Si Baby Art na lang ang pinapansin mo," nagtatampong reklamo ko. Naligo pa naman agad ako pag-akyat namin dahil alam ko na magkakasolo na kami. Pero tulog na si Baby Artemii, hindi pa rin niya tinatantanan.
Nakangiti siyang sumunod sa kama.
"Kapag namimiss kita, tinitingnan ko lang si Baby Art."
"He's so adorable." Parang nag-aalangan pa siyang tumabi sa akin sa kama. Kaya nang maabot ko siya ay hinila ko na si Alamid. He was now seated on my side.
"Because his father is adorable." Isinalo ko siya sa kumot. Hinaplos ko ang pisngi niya nang humilig ako sa balikat niya. "You are adorable," ani ko habang nakatingin sa kanya.
Parang ako naman ang gustong tumitig nang matagal sa mukha niya. Ako naman ang hindi makapaniwala na kasama ko na ulit siya. Na ngayon ay wala ng kahit katiting na kirot sa puso ko.
Napakaguwapo niya, napakaperpekto. Minsan sumasalit pa rin sa isip ko kung ano ba ang nagustuhan niya sa akin? Kung ngayon na nasa tamang disposisyon na siya, ganoon pa rin ba ang nararamdaman niya para sa akin?
"What's with that face?" tanong niya.
"Okay ka na, ako pa rin ba ang gusto mo?"
"Why are you asking me that? Hmn?" Naging masuyo ang mga tingin niya. "You are everything I want in a woman and more."
"Ano bang ginawa mo ron sa ospital? Bakit parang mas lalo ka lang yatang gumuwapo ron."
Hindi siya mukhang kinuryente o dumaan sa kung anu-anong psychological tests. Iyong pagwoworry ko sa kanya, lahat nawala. Para kasing nahiyang pa siya sa pagkaka-confine niya.
Tumaas ang gilid ng bibig niya. "You really wanna know?"
"Pwede?" Lumabi ako.
"I fantasized about making love with you. Almost everyday."
Napanganga ako.
He sounded so hot while saying that. Hindi ko tuloy maiwasang mamula. Nakakainis kasi bigla pa yata akong nahiya sa kanya. Pero kasunod non ang pag-iinit ng sikmura ko, pababa.
Alamid clasped his hands with mine. "I missed you, Ingrid. So much, in fact."
"Hindi sinasabi iyan."
Bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. "I have longed to kiss your lips again."
"E di halikan mo ako ngayon." Kasi kanina ko pa iyon hinihintay.
Inggit na inggit nga ako sa ulam naming buto-buto kanina habang nakain kami.
Napangiti siya at hinawakan ang pisngi ko. Hindi na bumilang ang sandali at naranasan ko ulit ang pinakamainit at pinakamasarap na halik na tanging si Alamid lang ang may kakayanang magbigay.
I kissed him back as hungrily as he was kissing me. He grabbed my hips and pulled me closer. As he pulled me to him, I held Alamid tight.
I missed him so much. Sa halik na ito ay nagkaunawaan kami. Our kiss turned carnal as his tongue crashed with mine. I was almost running out of breath when our lips parted.
Mabilis ang mga kamay niya nang alisin niya sa aking katawan ang suot kong manipis na pantulog. Ramdam ko ang paguhit ng ngiti sa mga labi ni Alamid nang matuklasan niyang wala akong suot na kahit anong panloob.
Umibabaw siya sa akin at hinalikan ang leeg ko pababa sa aking dibdib. Sabik na sabik ang mga labi niya sa balat ko. He tasted every inch of me and I was feeling every sensation. Mabaliw-baliw ako.
Itinulak ko siya at inabot ang ilang butones ng suot niyang polo. Nanginginig ang mga daliri ko habang hinuhubaran ko siya, wala akong pakialam kahit dalawa sa butones ng polo niya ay nasira ko na. Gusto ko na ulit maramdaman ang init ng balat niya, gusto ko na ulit maramdaman ang katawan niya.
I heard him chuckle. "Easy, love..."
Hindi ko na tinapos ang mga pesteng butones. I pulled her polo over his head and pushed his jeans and boxers down. "Take me now, please..." utos-pakiusap ko sa kanya.
"Sure... sure..." nag-aalab ang mga matang anas niya.
I opened my legs as wide as I could for him. I'm dying to have him inside of me again. At hindi niya ako binigo. In just a snap, I was completely filled by his hard thick shaft.
"Alamid..." Napahawak ako nang mariin sa balikat niya nang magsimula siyang gumalaw.
Kinuha niya ang mga kamay ako at itinaas patungo sa headboard ng kama. Iniyakap ko na lamang ang mga binti ko sa bewang niya. Hindi ko mabilang kung ilang ulit kong sinambit ang pangalan niya, nalulula ako sa sensasyon. At ramdam kong ganoon din siya. We both missed each other and tonight was for the two of us.
"I love you, Ingrid Uytengsu Wolfgang." Alamid began to move more forcefully and rapidly.
I was about to tell him that I love him too, but he captured my lips again. Nakulong na lang sa bibig ko ang mga ungol.
Hindi huminto si Alamid sa pagsamba sa katawan ko. He kept moving, gliding until I felt his hot liquid inside of me.
Nakisama ang anak namin, dahil sa buong magdamag ay tinighaw namin ang pangungulila namin sa isat-isa, at ni minsa'y hindi nagising si Baby Artemii sa kuna.
...
"BLOOMING KA."
Alas diez na kinabukasan ng bumaba kami ni Baby Artemii. Ang lawak ng pagkakangiti sa akin ni Ate Helen nang makita niya ako. Nakasuot ang babae ng floral maternity dress, blooming din ito.
"Kumbaga sa bulaklak, namumukadkad. Bagong dilig ba?"
"Ate, naman!"
"Namiss niyo ang isat-isa, anong nakakahiya ron?" Humagikhik siya. "Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong hindi bumawi si Alamid sa 'yo. Malamang sa malamang, may kasunod na si Baby Art-Art."
Nagkadasamid-samid ang kakarating lang na si Manang Tess.
"Kami nga ni hubby, kahit malaki na 'tong tiyan ko, umariba pa rin kagabi. Hayun tuloy, hanggang ngayon, borlogs!"
Tumikhim si Manang Tess. Hindi pa rin ito masanay-sanay lalo na sa mga green jokes minsan ni Ate Helen.
Hindi ito pinansin ni Ate Helen. "Kayganda dito sa rest house niyo ni Alamid, masyadong romantic. Sino ang hindi makakatiis na hindi gumawa ng milagro sa gabi?"
"Hoy, marinig ka ng mga anak mo, Helena!" saway ni Manang Tess sa kanya nang hindi na nakatiis.
"Helen lang, Manang. Maka-Helena kayo naman." Naupo sa tumba-tumba si Ate Helen habang nakatanaw sa mga anak. "Busy ang mga inakay ko, Manang. Saka sanay 'yan sila."
Nasa lawn sila Totoy at Meryl na busy sa pagkuha ng litrato sa tanawin. Tanaw kasi mula sa malaking fountain sa may lawn ang Taal. At dahil maaga pa ang 10 a.m. ay ma-fog pa ang paligid.
"Nasaan nga pala ang asawa mo, Ingrid?" baling ni Manang Tess sa akin.
"Pababa na po." Natagalan kasi kami sa pagligo nang sabay. Masyado kasing naging mabait si Baby Artemii. At sinulit namin iyon.
"Mag-almusal na kayo pagbaba niya. Pupunta muna ako sa bayan para bumili ng karagdagang stocks."
"Sige ho."
Karga-karga ko si Baby Artemii ng magtungo ako sa kusina. Ilalagay ko sana sa stroller ang sanggol nang biglang may pumigil sa aking bewang. Paglingon ko ay ang bagong paligong si Alamid ang nabungaran ko.
"Ako na kakarga," presinta niya.
"Okay." Sa edad na four months ay mabigat na si Baby Artemii dahil matakaw ito sa gatas. Para na itong siyam na buwan. Nakakangalay na minsan itong buhatin.
Nangingiti ako habang nakatingin sa kanilang mag-ama. Sayang at naiwan ko sa kuwarto ang cell phone ko, ang sarap pa naman nilang kuhanan ng litrato.
Sinong mag-aakala na itong malaking guwapong lalaking ito na tadtad ng tattoo ay may karga-kargang baby? At ito at ingat na ingat habang ipinaghehele ang baby? May mas ku-cute pa ba sa tanawing nasa paningin ko ngayon?
"Thank you, Alamid."
Napatingin siya sa akin.
"Thank you," ulit ko.
"No. Thank you."
Lumabi ako at lumapit sa kanilang dalawa. Pigil na pigil ko ang mga luha ko habang nakatingala ako kay Alamid.
Bahagya siyang tumungo at idinikit ang noo sa akin. "You don't know how happy you've made me, Ingrid."
Hindi ko napigilan ang maiyak. Pero ngayon, umiiyak na ako dahil alam ko na hindi na kami magkakahiwa-hiwalay ulit. Na tapos na iyong paghihintay namin ni Baby Artemii, dahil kasama na namin si Alamid. Na this time, panghabangbuhay na kaming magkakasamasama ng mag-ama ko.
"You even loved me at my worst." Namasa na rin ang mga mata ni Alamid. "And I couldn't thank you enough. I love you."
"I love you, Ala..."
"Thank you for fixing me and making me whole again."
Umiiyak akong tumango. "Kahit gaano ka pa mabasag, kahit maging mahirap ang muling pagbuo sa 'yo, bubuuhin ka pa rin ng pagmamahal ko. At kahit maiwan at hindi mawala ang mga lamat, mamahalin pa rin kita."
Ngumiti siya at hinalikan ako nang mariin sa labi. Pero agad din siyang tumigil sa paghalik sa akin ng nagsimulang umiyak si Baby Artemii.
Natatawang humiwalay ako kay Alamid. Pinunasan ko ang mga luha ko habang nakatingin sa sanggol. "Seloso 'to."
"Pinagbigyan lang pala tayo nito kagabi." Ngumisi siya.
"Seloso talaga 'yan, yari ka."
"Mana sa mama."
Nanlaki ang mga mata ko. "Ako pa?!"
Ngisi na lang ang sagot niya. At parang nakakaintindi na ang sanggol at kumampi sa ama, bumungisngis ito. Napuno ng ligaya ang puso ko habang nakatingin sa kanila.
"I love you, Alamid Wolfgang. The man who doesn't share."
Buong pag-ibig na tumingin siya sa akin. "And I love you, too, Mrs. Wolfgang. So very much."
WAKASJamille Fumah
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top