Chapter 9
Chapter 9
PALAGI AKONG EXCITED DAHIL KAY WOLF.
Mula nang gabing iyon ay kapansin-pansin na ang pagbabago ko. Palagi na akong nag-aayos ng bahay, palaging nakangiti o kaya ay nakatulala. At kahit anong pasaway ang gawin ni Aki ay hindi nauubos ang pasensiya ko sa kanya.
Tuwing sasapit ang alas-sinco ay naliligo na ulit ako, nag-aayos ng sarili at pag sasapit na ang alas-sais ay naghahanda na ako ng pagkain. Maaga ko ring pinapatulog si Aki.
Narinig kong tumunog ang gate kaya lumabas agad ako. Naglalakad si Ate Helen na bitbit ang trash bin nila. Kakatapos niya lang ilabas ang mga basura sa gate, ganitong oras kasi siya nagtatapon dahil maaga iyong dinadaanan ng truck ng basura kinabukasan.
"Ate Helen, uuwi ho ba si Wolf ngayon?"
"Oy, Ingird! Naku, hindi ko alam e."
"Ganoon ba?" Nang sipatin ko ang relo kong pambisig ay mag-a-alas diez na ng gabi.
"Bat 'di ka pa nagsasara?" tanong niya sa akin. "Nagtapon ka rin ng basura? Puno na agad ang basurahan niyo?"
"Ah, hindi po," iling ko.
"Naku, hindi ko alam doon kay Wolf, e. Hindi naman kasi iyon nagsasabi, basta na lang sumusulpot kung kailan niya maisipan. Busy siguro sa negosyo."
"Sige po, thanks." Pumasok na ako sa sala. Nahihiya naman kasi akong itanong kay Ate Helen ang number ni Wolf.
At mas nakakahiya na ako ang unang magte-text sa kanya. Baka sabihin niya atat na atat ako. Kahit totoo naman talagang atat ako.
Nakakainis. Namimiss ko siya.
Magdamag tuloy akong hirap na makatulog. At nang magising ako kinabukasan ay mainit na ang ulo ko. Pati si Aki tuloy ay napapagbuntunan ko ng init ng ulo.
Mahigit tatlong araw na kasing walang paramdam si Wolf.
Hindi kaya hindi talaga siya seryoso sa akin?
Inis kong pinalis ang negatibong bagay sa isip ko. "Gusto niya ako."
"Ate, ano sabi mo?!"
Gulat akong napalingon kay Aki na naglalaro ng lego sa sahig ng sala. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napatitig sa kulay abo niyang mga mata.
"Sino gusto mo?"
"Ha?" Napakurap ako.
"Sino sabi gusto mo?!" Sigaw niya sa akin ng hindi ko siya sagutin.
Pero tulala pa rin ako. Parang may nakikita ako na kung ano sa mukha ng bata.
Nang magtanong siya ulit pasigaw ay napingot ko na siya. "Ilang beses ko na bang sinabing wag mo akong pagtataasan ng boses dahil mas matanda ako sa 'yo?! Kailangan ka pang pingutin para lang mag-behave ka!"
"Arayyy!" irit naman ni Aki dahil sa pingot ko. Pulang-pula ang mukha ng bata habang tulo ang sipon niya sa pag-iyak. Nang makita ko iyon ay natigilan ako at nakonsensiya.
"Sorry, Aki!"
Sumisinok siyang tumingin sa akin habang hinahaplos ang tainga niya na piningot ko. Humihikbi pa ang mapula niyang mga labi.
"Sorry, baby..." Naaawang hinila ko siya at niyakap. "Sorry, ikaw kasi e... Hindi ka kasi dapat sumisigaw sa mas matanda sa 'yo. Bad iyon, di ba? Sinabi ko na iyon sa 'yo, e..."
Gumanti siya ng yakap sa akin. "Sorry... I love you..."
Awang-awa ako sa kanya. Sa kagagahan ko kay Wolf ay pati si Aki, nadadamay. Hinalikan ko siya sa noo. "I love you rin, Aki baby. Sorry..."
"'Bili mo 'ko icecream," ungot niya.
"Oo, sige, ibibili kita." Tumayo ako at hinanap ang pitaka ko. "Diyan ka lang, ha?"
Ngumiti siya at nagpunas ng luha. "Opo."
Lumabas ako ng bahay at pumunta sa Mighty Mart. Bibili na rin ako ng kape para hindi ako antukin mamayang gabi. Siguro naman ay darating na si Wolf mamaya.
Si Abraham ang bantay sa cashier ng grocery store. Ipina-punch ko na ang mga binili ko, isang Magnum icecream at isang pack ng Nescafe 3 and 1.
"Simba tayo sa Sunday, Ingrid," biglang sabi ni Abraham.
Gulat akong napatingin sa guwapo bagamat pilyong mukha ng lalaki. "Niyayaya mo ako?"
Nagkamot siya ng batok. "Oo sana, turn on daw kasi iyong mga lalaking palasimba. Baka lang ma-turn on ka sa akin."
Naghagikhikan ang mga nakarinig na customers. Kinikilig. Palibhasa ay guwapo naman talaga si Abraham. Pero sorry na lang siya dahil committed na ako kay Wolf.
Magalang ko siyang nginitian. "Taken na ako."
"Handa akong maki-share."
"Ano?"
"Joke lang. 'Di ka na mabiro." Ngumisi siya. "Ano nga pala ulit 'tong mga binili mo?"
"Ice cream saka itong Nescafe 3in1."
Pag-punch niya at bigay sa akin ng aking binili ay kaswal na nagpasalamat ako.
"Welcome. 'Pag di ka na taken, puntahan mo lang ako."
Dinampot ko na ang paper bag. "Joker ka talaga. Sige, salamat ulit."
Pag-uwi sa apartment ay nagtimpla agad ako ng kape. Si Aki naman ay natahimik na sa icecream niya. Pagsapit ng alas nueve ay kusa ng natulog si Aki dahil busy ako sa kakasilip-silip sa bintana.
Sa sala ako pumuwesto magdamag, nanood ng TV at nagbasa ng magazine. Kung anu-ano ang ginagawa ko para hindi ako makatulog. Hindi na lang kinaya ng katawan ko ng mga bandang ala-tres ng madaling araw, nakatulog na ako sa sofa.
Isang pitik sa noo ang gumising sa akin. "A-ano ba?" Pupungas-pungas akong dumilat
Nakasimangot na mukha ni Aki ang namulatan ko. Basang-basa siya at tulutulo pa ang tubig na mula sa buhok. Pagtingin ko sa orasan ay mag-a-alas siete na ng umaga!
"Hindi mo ako ginising, bad ka!" Pipitikin niya ulit ako ng salagin ko ang kamay niya.
"Ano ba, Aki?" pigil ko sa kanya. "Wag kang mamimitik, hindi iyan maganda!"
"Ikaw ang bad! Hindi mo ako ginising! May pasok ako ngayon!" Bigla siyang pumalahaw ng iyak.
Saka ko napansin na nakabriefs lang siya. Siguro ay naligo siyang mag-isa at nilamig dahil hindi ko siya nainitan ng pampaligong tubig.
Hinila ko siya at binuhat papunta sa kuwarto. "Sorry, Aki."
"Salbahe ka!" Pagkababa ko sa kanya ay pinagbabato niya ako ng mga unan.
"Aki, ano ba?!"
"Salbahe ka!" binato niya ako ng unan at tinamaan ako sa mukha.
"Aki, stop na sabi! Heto na, aasikasuhin na kita!"
Tumigil siya at namewang. "Wala ako baong food!"
"Bibigyan na lang kita ng pera o kaya ibibli kita sa labas ng biscuit."
"Ayoko ng biscuit!"
"Sige, pera na lang."
"One-hundred!"
Napalingon ako sa kanya. Pinandilatan ko siya. "Ano ka, high school?!"
"Bad ka talaga!!!" Muli niya akong pinagbabato ng mga unan. Pati tsinelas, ibinato niya rin sa akin.
"Aki, tumigil ka!" Nilapitan ko siya at niyakap. "Hindi pwede ang one-hundred, malaki iyon masyado! Nagtitipid tayo!"
"Eighty!" sigaw niya sa mukha ko.
"Twenty." Tawad ko. "Mga candies lang naman ang bibilhin mo, e!"
"Sixty!" Pinanlisikan niya ako ng kulay abo niyang mga mata.
"Thirty!"
"Fifty! Last na!" Sigaw niya sa mukha ko.
"Fine!" Naiinis na tumayo ako. "Kelan ba ako mananalo sa 'yo? Kanino ka ba nagmana?!"
Ngingiti-ngiti siya sa akin. "Ate, mag-u-uniform na po ako."
Nang maihatid ko na si Aki ay nanlulumo akong napaupo sa sofa.
"Wolf, nasaan ka na ba?"
Hindi ko pa rin maiwasang hindi maghintay sa kanya na pati trabaho ko ay napabayaan ko na.
ALAS-ONSE ng gabi ng may kumatok sa pinto. Hindi pa naman ako nakakatulog dahil pinalitan ko pa ng shorts at briefs si Aki, naihi na naman kasi siya sa higaan.
"Sandali!" Bumangon ako at naghanap ng suklay. Kahit hindi ko pa alam kung sino ang kumakatok ay may idea na ako. Wala naman kasing kakatok nang ganitong oras maliban sa iniisip ko.
Nagpakawala muna ako ng buntong-hininga bago ko inalis ang lock ng pinto. Nang hilahin ko iyon pabukas ay nanghina agad ang mga tuhod ko.
Pigil ko ang mga luha ko ng tingalain ko siya. "Anong ginagawa mo rito?"
"Visiting you," kaswal na sagot niya.
Nakakainis kasi galit ako sa kanya pero namimiss ko ang boses niya. At ngayon na naririto siya sa harapan ko, gusto ko siyang yakapin. Parang ayoko ng magalit sa kanya.
Puting polo ang suot niya at dark jeans. Bahagyang magulo ang buhok niya pero maayos siyang tingnan—guwapo. Mabango at parang hindi nai-stress sa buhay. Kabaliktaran ko na ilang araw ng walang maayos na tulog at hindi makapagtrabaho nang maayos.
"Visiting me?" Sinalubong ko ang mainit niyang mga titig.
"Yeah." May inabot siya sa aking paper bag.
Paperbag na mula sa kilalang boutique ng pabango. Itsura pa lang ay mamahalin na. Pero wala akong pakialam sa kahit anong dala niya o suhol para sa akin.
Hindi ko inintindi ang paper bag. Mas inintindi ko ang presensiya niya. Ang pakiramdam na naririto siya ngayon sa harapan ko. Unti-unti ay bumabalik sa puso ko ang galit ko sa kanya. Mapait ko siyang nginitian. "Visiting me sa ganitong oras, Wolf?"
"I've been busy with Voire."
Voire Hotel and Casino, siguro isa siya sa mga malaking tauhan don, baka manager o baka isa sa may ari. Malaking hotel and casino sa Manila ang Voire, may mga branches sa ibat-ibang parte ng asya. Hindi ko pa pala talaga kilala ang lalaking kaharap ko.
"Sorry hindi na kita mai-invite na pumasok sa loob, gabing-gabi na kasi." Pinilit kong gawing kaswal ang boses ko. "Nagpapahinga na ako, matutulog na ako. Bumalik ka na lang sa ibang araw—"
"Are you mad?" Pinigil niya ang pagsara ko ng pinto.
"Wolf, matutulog na ako. Maaga ko pang aasikasuhin ang kapatid ko bukas." Napapabayaan ko na siya dahil sa 'yo, gusto kong idugtong pero nagpigil ako.
"You're mad at me." Hindi na tanong iyon.
Wala ba akong karapatan? Siya lang ang bukod tanging hinayaan kong manligaw sa akin. Hindi ko rin siya siya pinilit manligaw. Nagkusa siya. Nananahimik ako at siya ang gumulo sa akin. Pero ano ngayon ang ginawa niya? Walang pasabing mawawala at lilitaw siya. Walang pinagkaiba ito sa pagbibigay ng mixed signals.
Wala pa akong sinasagot sa tanong niya pero mababa ang tono na nagsalita na siya. "I'm sorry, Ingrid."
"Kahit text man lang sana kay Ate Helen, sana kahit iyon lang ay naaala mo." Kahit hindi na ako, e. Kahit lang sana sa pinsan niya ay nagsabi siya kung hindi siya makakapunta. Hindi iyong lilitaw siya kung kailan niya lang trip. Napaka-insensitive. Gasino lang iyong magparamdam siya sa pamilya niya, di ba?
"I'm here now," he said like he was saying na ano pang ikinagagalit ko e nandito na nga siya.
"Ano ngayon?" sa inis ay balik ko sa kanya.
"I told you, I'm visiting you. I missed talking to you, Ingrid."
Doon na ako napuno. "Hindi ako customer service na kakausapin mo lang kapag may kailangan ka!"
Natulala siya sa sigaw ko. Ngayon niya lang kasi ako nakitang magalit. Pero wala akong pakialam kahit ma-turn off pa siya! Basta galit ako!
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Look, I said I'm sorry, okay? What else do you want me to say?"
"Seryoso ka?" Gilalas na sinalubong ko ang mga mata niya.
"Damn it, I am." Bigla niya akong hinila sa braso. "Kung gusto mo akong palaging nakikita, sumama ka sa akin. Magpakasal na tayo—"
Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil sinampal ko na agad siya.
Tulala siyang napatingin sa akin.
"Umalis ka na. Umalis ka na habang nakakapagtimpi pa ako!"
"Let's talk, please?" masuyo ang boses na pakiusap niya sa akin. Hinuli niya ang pulso ko.
Hinila ko ang pinto para isara iyon pero pinigilan niya gamit ang mga palad niya. At dahil mas malakas siya sa akin ay hindi ko iyon magawang isara.
Pabalandra niyang binuksan ang pinto at kinabig ako papunta sa mgra braso at matigas niyang dibdib. "I need you, Ingrid."
"Wolf..." para akong matutunaw dahil sa yakap niya. Pati ang puso ko ay lumalambot at gusto na ring matunaw sa loob ng dibdib ko.
Napaiyak na ako dahil kaunti na lang ay bibigay na ako sa kanya. Naguguluhan ako, gulong-gulo ako.
Hinalik-halikan ni Wolf ang buhok ko habang yakap-yakap niya ako. "I need you. My need for you came out because I realized that I am already falling in love with you."
Natigilan ako.
"I love you, Ingrid." Ulit niya.
Mahal niya ako?
"You heard me, right? I love you. Please, marry me, hindi ka na malalayo sa akin kahit kailan."
Umiiyak akong umiling sa kanya. "Wolf, please..." pilit akong kumakawala sa kanya.
This is wrong. Ramdam ko na may mali. Hindi ko alam kung ano pero may mali.
"But I love you."
Inipon ko ang natitirang lakas ko saka ko siya itinulak. "Tumigil ka, Wolf!" hinihingal na umatras ako palayo sa kanya. "Umalis ka na muna, please!"
"Ingrid, please..." pagsusumamo niya. "Don't push me away..."
"U-umalis ka na..." Ayoko ng tingnan ang mga mata niya dahil ayaw kong maawa at mahulog.
Nang makabwelo ako ay agad akong nanakbo papasok sa apartment at nagkulong sa kuwarto namin ni Aki. Alam ko na susunod siya kaya ni-lock ko agad ang pinto at sumandal dito.
"Ayusin mo muna ang sarili mo, bago mo sabihing mahal mo ako!"
"Ingrid, please open the door. Don't do this to me."
"Magigising si Aki... umalis ka na, Wolf..."
Matagal bago siya magsalita sa likod ng pinto. Akala ko ay wala na siya pero hindi ko pa rin inaalis ang lock. Hindi ko alam pero bigla ay natatakot na ako sa kanya.
Napapitlag ng kumatok siya. Mahina lamang. Nang muli kong marinig ang boses niya ay para akong dinurog, nanghina ang buong katawan ko.
"Ingrid..."
Tinakpan ko ng mga palad ko ang magkabila kong tainga. Para akong masisiraan ng bait. "Umalis ka na..." Umiiling akong lumuhod sa sahig.
"I love you. Why are you hurting me?"
JF
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top