Chapter 39
Chapter 39
"YOU'RE PREGNANT."
Sa pagdilat ko ay puting kisame ang sumalubong sa akin. Agad akong napabangon nang makita ang lalaking nakasuot ng kulay puti sa tabi ko. Alam ko na wala ako sa langit dahil may dextrose ang kamay ko. Alam ko na nasa ospital lang ako. Tumingin sa akin ang lalaking nakaputi at nagpakilalang doktor.
"Yes, you're pregnant," ulit niya sa nilahad niyang balita kanina. "Congratulations."
Buntis ako? Nakailang kurap ako pero hindi pa rin gaanong maabsorb ng utak ko ang narinig ko.
"You're lucky dahil hindi ka napuruhan nang mabunggo ka ng sasakyan. Hindi malala ang nangyari dahil mabagal lang naman ang andar ng kotse. May guardian angel ka, hija.
"Fully paid na ang bill mo, hija. Maswerte ka at mabait ang driver na nakabunggo sa 'yo. Sinagot niya lahat ng gasto mo rito sa ospital, kahit pa ayon sa CCTV ay ikaw ang basta tumawid."
Tumango-tango ako. May edad na ang doktor ay napansin ko na may pagka-istrikto siya. Sabagay, kahit sino naman ay maiinis sa akin dahil sa katangahan ko.
Ngumiti ang doktor at hinawakan ang aking balikat. "You'll be fine. Kinontak na raw ang asawa mo."
"Ho?"
"Ang nurse na ang bahala sa 'yo, hija. Magpagaling ka while waiting for your husband. Pakaingatan mo ang iyong sarili sa susunod." Lumabas na ng pinto ang doktor.
Napahawak ako sa aking impis na sikmura makalipas ang ilang minutong pagtulala. Nakapag-isip-isip ako, naliwanagan. Napangiti ako pagkatapos at saka napatili.
"Aki, magiging kuya ka na!" Walang pagsidlan ang tuwa ko.
Mag-iingat na ako simula ngayon. Kakain na ako kahit wala akong gana. Matutulog na ako kahit hindi ako inaantok.
Aalagaan ko ito. Mamahalin ko ito. Mamahalin ko ang bago kong baby dahil bigay ito ni God. Bigay ito ni Aki. Bunga ito ng pagmamahalan namin ni Alamid.
"Good morning, Ma'am." Pumasok ang isang nurse na may dalang tray ng pagkain. "Breakfast muna po."
Umaga na pala? Napalingon ako sa bintana sa gilid. Hindi iyon nakabukas dahil naka-A/C ang kuwarto. Pero masisinag ang liwanag mula sa kulay puting kurtina. Kung gaanon ay kagabi pa pala ako tulog. Maigi iyon at ibig sabihin, nakapagpahinga ako.
Inilapag ng nurse ang tray ng pagkain sa gilid ng hospital bed. "Thank you, nurse..."
"Welcome po. Later po pwede na po kayong lumabas, as per Doctor Jacinto. Fully paid na rin po ang bill niyo pati ang ilang gamot na iuuwi niyo. Mga ilang vitamins lang po iyon for the baby."
"Thanks." Nagutom ako ng maamoy ko ang pagkain sa tray. "Siya nga pala, ang sabi ni Dr. Jacinto ay tinawagan niyo ang asawa ko?"
Malamang na si Alamid ang tinutukoy nilang asawa ko since number niya ang nasa favorite list sa aking contacts. Plus pa na nakasaved na may "My Love" ang name niya ron. At kung binasa nila ang inbox ko, malamang na si Alamid nga ang asawang tinawagan nila.
"Ah, yes po. We tried calling your husband since last night, but until now, hindi pa po siya sumasagot. We even sent him a message and a voice mail, pero wala pa rin po e."
Nanlumo ako.
"Pasensiya na po, Maam. Baka busy lang po ang husband niyo. Sige po, iwan ko na po muna kayo."
Bigla akong nawalan ng ganang kumain.
Nang makaalis ang nurse ay hinanap ko ang cell phone ko. I found it on the bedside table. Kinuha ko iyon at tinawagan si Alamid. Nagriring pero hindi sinasagot.
Nakailang calls pa ako, pero wala pa ring sagot.
Tumayo ay hinanap ang aking mga damit. Nagbihis ako at nag-ayos. Hindi niya ako basta pwedeng bitawan dahil ayaw niya na. Hindi pwedeng ganon-ganon na lang iyon.
Kung wala na si Aki, pwes may bago siyang pananagutan sa akin. Nang makalabas ng ospital ay pumara agad ako ng taxi papunta sa condominium building na kinaroroonan ng penthouse niya.
[ A novel by Jamille Fumah ]
[ ©JFstories 2018 ]
...
ALAMID
Completely and utterly shattered was just an understatement. Basag na basag ako.
I just wish na sana dumating ang isang umaga na hindi na lang ako magising. Kung pwede lang sana na barilin ko na lang ang sarili ko para matapos na ang lahat.
I stood before the mirror and took a long look at my own reflection. I was wearing luxury brands. My white long sleeve polo was Versace, Balmain jeans, Church's Oxford shoes and my watch was Rolex. Yes, I looked decent, educated and rich. I looked okay. But who am I kidding?
Kahit anong isuot ko, kahit anong gawin ko, kahit magkano pa ang laman ng bangko ko, miserable pa rin ako. Demonyo pa rin.
Halimaw pa rin.
Tumunog ang doorbell. I wasn't expecting anyone. Wala ring pumupunta sa akin dito maliban kay Acid. Pero wala sa bansa si Acid ngayon. At iisa lang ang alam ko na pupunta ngayon.
Naulit ang pagtunog ng doorbell. I sighed. I thought she'll not coming back after I sent her away yesterday. Matigas talaga ang ulo niya.
Inayos ko ang butones ng polo ko bago ko siya pinagbuksan ng pinto. "What do you need this time?"
"Mag-usap tayo, Ala. May kailangan tayong pagusapan—"
I groaned in frustration. "Why can't you just leave me in peace?"
"Hindi pwede iyon dahil ako naman ang hindi matatahimik!" Nanlisik ang singkit niyang mga mata. "Magusap tayo!"
I raised an eyebrow. Pinagmasdan ko siya. She looked okay kaysa noong huli siyang pumunta rito. Mukhang naging maayos ang tulog niya nong nagdaang gabi. Good for her.
"Please, kailangan nating mag-usap."
"Can't." I shook my head at her. "I'm busy. Please leave."
"Mag-uusap tayo sa ayaw mo at sa gusto!" she insisted stubbornly. "Tinatawagan ka ng mga nurse pero hindi mo sinasagot!"
My forehead crinkled. "Nurse? And why the hell they're calling me?"
She pushed me at pumasok siya nang tuloy-tuloy sa loob ng sala.
"Hey!" Sumunod ako sa kanya.
Hinarap niya ako ng may hinanakit sa kanyang mga mata. "Alam mo ba kung ano ang nangyari sa akin noong pinaalis mo ako kagabi? Naaksidente ako. Naospital ako."
Naospital?! I couldn't get any words out of my mouth. Titig na titig lang ako sa kanya, at kahit ayaw kong ipakita sa kanya na nag-aalala ako ay alam kong kusa niya na iyong mapapansin sa akin. Heck, bakit kasi kailangan niya pang sabihin sa akin ang nangyari sa kanya gayong mukhang okay naman siya?
"Hindi mo alam?!"
"Look, I'm too busy to check my freaking phone. I'm more on laptop these days."
"Pwes ngayon alam mo na. Muntik na akong mamatay, nabangga ako ng kotse kagabi at nagising ako sa ospital—"
"You got hit by a car?!"
"Oo. Nasa labas ako ng mall nong mabangga ako."
"Kung nabangga ka, dapat nasa ospital ka pa rin ngayon."
Her eyes widened. "H-hindi ka naniniwala sa akin?"
Should I believe her?
Iwinasiwas niya ang kamay sa ere. "Okay lang. Okay lang ang importante naman ay walang nangyari sa akin."
"Is that all you want to say to me?"
"Ha?" Noo niya naman ang nangunot.
"I have a meeting later at two." I looked at my wristwatch. Mag-a-ala una na. "I'll be busy until tomorrow noon."
"Okay lang, dito muna ako. Hihintayin kita." She sat on the sofa.
"Ingrid."
"Okay lang sabi."
Nilapitan ko siya. "I told you not to come back here, right? Bakit hindi mo maintindihan?"
She lifted her face to look at me. "E may sasabihin nga kasi ako..."
"Nasabi mo na, makakaalis ka na."
"Hindi ko pa nasasabi lahat." Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga palad niya.
"Look, I'm busy. Whatever it is that you like to say to me, you can just email it to my secretary. I'll give you her email address."
"Magkakaanak na ulit tayo."
Napatanga ako sa kanya. "What?!"
She bit her lower lip. "Buntis ako, Alamid."
My brows furrowed. "Are you sure?"
"Syempre naman. Ano bang tanong iyan?" Naaalibadbarang tumayo siya.
"All right, Ingrid. I'll support your pregnancy. What do you need? A house, a car, a business, and bodyguards? I'll give it all to you. I will also give you lifetime financial support. And tomorrow, I will hire a private doctor and nurses to take care of you and the baby." Kinuha ko ang blank checks ko sa drawer at pinirmahan. "But for now, this will do. Put any amount you like."
Naninigkit ang mga matang tiningnan niya ang blank check. I can see that she was already close to crying, but she's holding back herself. She was forcing herself not to cry.
"Come on. Take it." Itinapat ko ang blank check sa kanyang harapan. Tiningnan niya iyon nang masama.
"Kung isang bilyon ang isulat ko diyan, okay lang ba sa 'yo?"
"If that's will make you happy, then do it."
Kinuha niya ang blank check at isinampal sa mukha ko. "Iyan ang gusto kong gawin sa blank check mo!"
Dinampot ko ang nahulog na cheke sa sahig at saka pinunit sa harapan niya. "You just lost your chance, woman."
Nagtubig ang mga mata niya at nangalit ang kanyang mga ngipin. "Nilunok ko lahat ng mali sa pagkatao mo, minahal kita sa kabila ng lahat ng kapintasan mo, at tinanggap kita sa kabila ng masamang nakaraan mo. Para ano? Para dito? Para saktan mo ako at basura nang ganito?!"
Itinuro ko ang pinto. "Please get out now before I say something we'll both regret."
"Bakit ako aalis e buntis nga ako!" Her voice broke with tears.
"Hindi ko naman tinatalikuran, Ingrid!" My jaw clenched.
"Hindi mo tinatalikuran? Anong ginagawa mo ngayon?!"
"I told you I'm going to give you a lifetime financial support na hanggang sa kaapu-apuhan ng mga magiging anak mo, kahit sa ibang magiging anak mo, sasagutin ko. Kahit ilang bahay ang gusto mong ipatayo, ipapatayo ko. Kahit ilang kotse ang gusto mong bilhin, bibilhin ko. Kahit anong negosyo ang gusto mong buksan, buksan mo. I'll give you funds."
"Ayoko non! Ayoko ng pera mo at ng kung ano-anong materyal!"
"But that's all I can offer you."
"Anak mo 'to, wag mo akong pabayaang palakihin itong mag-isa. Sobrang hirap ko kay Aki, Ala. Ayoko ng lakihan ng isang bata na wala akong maipapakilalang ama niya. Ayoko nang maulit iyong mga pagkakamali na nangyari roon. Please wag mo akong hayaang ako lang ulit ang magpalaki sa anak natin."
Pinanood ko ang pag-agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata papunta sa kanyang pisngi. I suddenly felt sick to my stomach. By just looking at her pained reaction, I remembered everything.
"Hindi ko to ginawang mag-isa, Ala..." iyak niya.
"Stop crying, Ingrid."
"Ayoko..."
"Tahan na..." Sa pagpatak ng luha niya ay kumirot ang dibdib ko.
"Paano ako tatahan e pinapaiyak mo nga ako!"
Natapik ko ang noo ko.
"Hindi mo na ako mahal."
"Ingrid, please."
"Ang babaw mo... kung tutuusin, ikaw ang dapat sisihin kung bakit nawala si Aki sa atin!"
Nagtagis ang mga ngipin ko.
"Dapat nagagalit ako sa 'yo ngayon dahil ikaw ang puno't dulo ng lahat ng ito! Pero nandito pa rin ako sa harapan mo at nagmamakaawa na wag mong talikuran. At hindi ko kailangan ang kahit magkano mula sa 'yo. Ikaw ang kailangan ko, bakit hindi mo maintindihan iyon?!"
"I don't understand you either."
"A-ano?"
"I'm the reason why Aki's dead now. Hindi lang basta ako ang dahilan, kundi ako mismo ang pumatay sa kanya. Kaya bakit ka pa nandito?"
Crying, she shook her head. "H-hindi ko alam..."
"Ingrid..."
"Hindi ko alam kung bakit mahal pa rin kita at kung bakit masakit na ginaganito mo ako," she cried, covering her face with her hands.
"Hush..." Hinila ko siya at niyakap. "Tahan na..."
"Bakit mo kasi ako pinapaiyak? Bakit mo ko sinasaktan?" Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko. "Wag mo na akong paalisin. Dito na lang ako... dito na lang ako sa 'yo..."
"Yeah, you can stay..." Hinagod ko ang likuran niya.
Idinikit niya ang katawan sa akin at tiningala ako. "Let's make love."
She was now too close that I could feel the softness of her body.
"Please." Inabot niya ang butones ng suot kong polo at sinimulang kalasin iyon.
"Ingrid, no." Pinigilan ko ang kamay niya.
"B-bakit?" Bumadha ang lungkot sa mga mata niya. "T-talaga bang ayaw mo na sa akin?"
Napalunok ako. "W-we will talk, okay? Maguusap na tayo. Makikipagusap na ako—"
"Pero ayokong makipagusap." Lumapit muli siya at ipinasok ang mga kamay sa loob ng polo ko. Her fingers played my nipple.
"Ingrid..." paos na sambit ko. Naramdaman ko agad ang pagkalat ng tensyon sa katawan ko.
"B-baka sa ganitong paraan, maalala mo kung gaano ano mo ako kamahal..." Tumingkayad siya at inabot ang mga labi ko.
I groaned as I felt her soft lips on my own lips. The warmth of her breath sent a spark down my body. Unable to resist any longer, I cupped her face and kissed her for a long, passionate kiss.
"Damn, Ingrid," gigil na sambit ko. I drew my tongue over her teeth as my hands were running up and down her curves.
Habang hinahalikan ko siya ay hinagilap ng mga kamay niya ang butones ng polo ko. This time, I allowed her to take my clothes off.
I started undressing her, too. Hinagilap ng mga kamay ko ang zipper ng suot niyang dress at agad iyong ibinaba habang magkahugpong ang mga labi namin. We are both moving quickly.
I took her hand and led her to the bedroom. Soon I was lying Ingrid on the bed. I pinned her on the mattress and started kissing and licking her skin, leaving my mark on it.
I removed her underwear and stretched her legs widely. She stiffined when I started licking her soft flesh between her thighs. I continued pleasuring her with my tongue until she climaxed in my mouth.
Tumayo ako at hinila siya palapit sa akin pagkatapos. Nakapikit ang mga mata niya habang mabilis ang kanyang paghinga. I captured her lips again and let our bodies smushed together.
"Ala..." impit na halinghing niya nang angkinin ko siya.
Itinalikod ko siya at saka ko muling ipwinesto ang sarili ko sa pagitan ng nanginginig niyang mga hita. Napuno ng mga ungol ang kuwarto ko.
Hindi ko binibitawan si Ingrid. I couldn't get enough of her. I kept on thrusting back and forth inside her tight core while licking her neck and cupping her breasts. God, I missed her so much.
Wala pa sana akong balak tigilan siya kung di ko lang naisip ang kalagayan niya. I was still hard as a rock but I have to let her rest.
Tinapos ko na sa huling ulos. I collapsed above her after my final thrust.
Hinalikan ko siya sa noo saka ako lumipat sa kanyang tabi. Nagtatanong ang mga mata niya nang tumingin siya sa akin.
"I think the baby is tired. You should rest now, Ingrid," humihingal na sabi ko.
Bahagya siyang ngumiti saka sumiksik sa gilid ko. "Thank you, Ala..."
"Sleep now, Ingrid."
"Mamaya na..." Nasa ganoon kaming posisyon ng tumingala siya sa akin. "Gusto pa kitang titigan dahil sobrang namiss kita..."
I didn't say anything. I just continued meeting her eyes with mine.
"Ala, alam mo bang nasasaktan ako kapag iniiwasan mo ako? Kasi hindi ako sanay na binabalewala mo ako. Sabi mo, I am your queen. You should treat me like one again. Namimiss ko na kasi iyong mahal na mahal mo ako. Sinanay mo kasi ako, kaya nahihirapan at nasasaktan ako kapag binabalewala mo ako. Pero kahit itaboy mo ulit ako, hindi naman ako susuko kasi ayokong mawala ka. Hindi ko kaya na pati ikaw, mawala sa akin." Pumiyok siya. "Dahil ikaw na lang ang meron ako. At itong bagong baby natin."
"Tahan na..." Hinagkan ko siya sa kanyang buhok. "Wag ka ng iiyak, Ingrid..."
"Hindi mo na ba ako sasaktan ulit?"
"Hindi na."
She looked deep into my eyes and whispered, "Mahal na mahal kita, Ala..."
Hinalikan ko ang buhok niya, ang kanyang tainga, ang gilid ng kanyang mukha. "Magpahinga ka na, babantayan kita."
Tumango siya at mahigpit na yumakap sa akin.
...
INGRID
Nagising ako na madilim ang paligid. Tinatamad pa akong bumangon. Napagod ako nang gusto kagabi dahil nakailan kami.
"Alamid?" Wala siya sa tabi ko nang kapain ko ang gilid ng kama.
Nasaan siya?
Baka nasa banyo? O nasa kusina? Binuksan ko ang lampshade sa tabi ko. Tumayo ako kahit nanghihina pa ang aking katawan. Hinanap ko agad ang T-shirt na hinubad niya, dahil iyon sana ang isusuot ko, pero wala akong nakita.
Tinatamad akong magbihis, mas gusto ko na magsuot ng loose shirt niya or polo.
Lumingap ako sa paligid, malinis at walang kahit isang damit na pinaghubaran niya. Sayang naman. Gusto ko pa namang suutin ay iyong mismong pinaghubaran niya. Sa tingin ko ay pinaglilihian ko ang amoy ni Alamid.
Nakakainis kasi walang laman iyng hamper sa banyo. At wala rin siya sa banyo. Nilapitan ko ang estante na kinalalagyan ng hygiene things niya at sininghot-singhot iyon.
Napahagikhik ako. "Lakas ng trip natin, baby."
Kinusot ko ang aking ilong. Gusto ko ang amoy ng sabon na ginagamit niya sa pagligo, ang amoy ng shampoo na ginagamit niya sa kanyang buhok, at ang amoy ng mamahalin niyang perfume. At kahit aftershave na gamit niya, pati na ang mismong pawis niya, gusto ko ring amuyin.
Ah, namimiss ko na siya agad. Nasaan ba kasi siya?
Lumabas ako ng banyo. Giniginaw na ako at kailangan ko na ng damit. No choice ako kundi magsuot ng damit na hindi niya pa ginagamit. Hahanapin ko na lang siguro ang perfume niya at i-spray sa katawan ko para naaamoy ko pa rin siya. 'Tapos mamaya, yayakapin ko siya at susubsob ako sa leeg niya.
Lumapit ako sa closet niya na ngiting-ngiti ang mga labi. Pero napalis ang pagkakangiti ko nang mabuksan ko ang closet.
"Diyos ko..." Wala ng ni isa mang damit ang nasa loob.
Napatakbo ako sa labas ng kuwarto. Madilim ang sala.
"Alamid, nasaan ka?!" Hindi ako nawalan ng pag-asa, nanakbo ako papunta sa kusina.
Pero kahit saang parte ng kusina ay wala rin siya.
Naiiyak na napaurong ako. Isang nakatuping papel ang aking nakita na nakadikit sa ref gamit ang isang magnet. Kahit nanghihina ay sinikap kong lapitan iyon at kunin. Agad ko iyong binasa at ganoon na lang ang galit ko.
Hindi ko matanggap na iniwan niya na ako nang tuluyan dahil lang sa walang kwenta niyang dahilan.
Wala siyang kwenta!
Napahagulhol ako sa sakit at sama ng loob. Ilang ulit kong binasa ang sulat niya pero ang huling linya ang pinakatumatak at dumurog sa puso ko.
............ You don't need a broken man in your life. Just take care of yourself and take care of our baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top