Chapter 37

"that's life, we are all addicted to something that ruins us..."

Chapter 37

"WHAT ARE YOU DOING HERE?"


Galit siya?


Ito ang huling emosyon na inaasahan ko sa kanya. Nakailang pindot ako sa doorbell ng kanyang penthouse bago niya ako pinagbuksan. Kandahirap ako para hanapin siya. At ngayong natagpuan ko na siya, ganito ang itsura niya. Pumayat siya, walang emosyon ang mukha, at malamig ang mga mata, 


Ramdam ko kung gaano siya kamiserable, pero matatag ang ipinapakita niyang katauhan sa akin. Parang takot siyang mabasag ang kung anong ihinarang niya sa kanyang sarili. 


Gusto ko siyang yakapin, dahil pakiramdam ko, ito ang gustong mangyari ni Aki. Na pawiin ko ang lahat ng lungkot na nasa puso ng daddy niya.


Alam ko na isa sa ikakagalit niya ay ang tungkol sa kasal namin ni Abraham, pero maipapaliwanag ko naman sa kanya kung bakit ko iyon nagawa. Sasabihin ko lahat-lahat sa kanya, pati iyong kasunduan namin ni Abraham. 


"Uhm, pwede b-ba tayong magusap?" Nakahanda akong sabihin ang lahat sa kanya kung kakausapin niya lang ako.


Tumaas ang kaliwang kilay ni Alamid. Nakatingin lang siya sa mukha ko. Nakagat ko ang labi ko sa lamig ng pagsalubong niya sa akin.


"We can talk here."


Dito sa labas ng pinto niya? Dito sa hallway?


"Five minutes." Tamad na tumingin si Alamid sa suot na wristwatch. "That's all I can give you."


Napanganga ako sa kanya. Hindi ako aware sa lumilipas na minuto.


"Your time is done." Akma niya akong pagsasarhan ng pinto ng pigilan ko siya.


"Sandali."


Salubong ang makakapal niyang kilay ng muli niya akong harapin.


"Mahal kita."


Umismid ang mga labi niya.


"Mahal kita at mahal mo ako... I'm sorry kung—"


"Leave." Kung gaano kalamig at kawalang pakialam ang boses niya ay ganoon din ang repleksyon ng kulay abo niyang mga mata. Sa isang iglap tuloy, parang hindi ko na kilala ang kaharap ko.


"Ala..." Parang gusto ko nang maiyak. Naiintindihan ko naman iyong galit niya, pero ang sakit pa rin. Hindi ako sanay na ganito siya kalamig sa akin.


"I said leave. Please. I have a lot of things to do."


"Ayoko," pigil ang hikbing sagot ko. Bahala siyang magalit.


Umigting ang kanyang panga kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata.


"Hindi ako aalis dahil sinabi mo. Alam ko naman na hindi talaga iyan ang gusto mong gawin ko."


"You know what? You're out of your damn mind."


"P-pero mahal kita, Alamid. Mahal kita..." sa kabila ng lahat, mahal kita...


Natigilan si Alamid ngunit saglit na saglit lang. Umiling siya makalipas ang ilang sandali. "Love is just an illusion."


Natulala ako. 


"Please leave, Ingrid."


"Ala, sandali..." pakiusap ko sa kanya. "Wala na si Aki. Wala na ang anak natin, pero ngayon ko lang nalaman lahat ng tungkol sa 'yo. Oo, alam ko na lahat-lahat. Kaya patawarin mo ako dahil kinulang ako ng tiwala. Pero sana, mag-usap tayo. Sobra-sobra na ang sakit, sana naman tama na.  Ala, mas kailangan natin ngayon ang isa't isa, Ala...."


Malamyang ngiti ang ibinigay niya sa akin saka niya itinuro ang papunta sa elevator. "Leave, Ingrid. Please don't ever come back again."


Umiling ako habang humihikbi.


"Trust me. It's just an illusion, and sooner or later you'll get over it."


Napahagulhol na lang ako at wala ng nagawa ng pagsarhan niya ako ng pinto.



HINDI KO ALAM KUNG ILANG ORAS NA.


Siguro mga apat na oras na ako dito. Nangangalay ang balakang na nag-unat ako ng mga binti. Nagising ako sa sakit ng leeg ko. Nakatulog pala ako sa kahihintay kay Alamid. Mabuti na lang at pagmamay-ari ni Alamid ang buong penthouse floor kaya walang ibang nakakita sa akin sa pagmumukmok ko rito sa labas ng kanyang pinto.


Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto niya. Agad na sumalubong sa akin ang nakasimangot niyang mukha.


"I don't understand why you're doing this."


Napalunok ako sa ka-iretablehan ng tinig niya. Shit, hindi ako sanay na ganito siya sa akin.


"Why the hell are you still here?"


Sinubukan kong tumayo pero gumewang ako dahil sa biglang pamamanhid ng kaliwa kong tuhod. Dadausdos sana ako pabagsak kundi lang niya ako maagap na naalalayan.


"T-thank you..." Hindi niya ako natiis.


Nakakunot ang noo niya nang tingalain ko siya. "I'll have someone to send you home." Sabay bitiw niya sa akin.


"S-saglit!" Kumapit ako sa braso niya.


"What?"


Mga nakatatlong lunok ako bago ako nakapagsalita. "Baka pwedeng makibanyo muna..."


Umarko ang isa niyang kilay at parang may paghihinala ang kanyang tingin. Hindi ko siya hinayaang mag-isip pa, umakto akong masakit ang puson at inginiwi ko pa ang aking mga labi.


"S-sige na. Please, Ala. Naiihi na talaga ako, e. Actually kanina pa ako nagpipigil."


Nanatili siyang nakatingin sa akin. Tila naninimbang pa kung papayag o hindi. Dahil nakabukas ang pinto niya ay hindi ko na hinintay pa sumagot si Alamid. Nanakbo na agad ako papasok ng unit niya bago pa siya makapagreklamo. Hinagilap ko agad ang banyo niya at pumasok doon.


Ang totoo, hindi naman talaga ako naiihi. Sinabi ko lang iyon para papasukin niya ako. But since mukhang wala talaga siyang balak na papasukin ako, dinaan ko na lang sa bilis ang pangyayari.


Humarap ako sa salamin at napangiwi. Ang gulo ng buhok ko. Mukha akong baliw. Siguro nga baliw na talaga ako. Kinatok niya ako. "S-sandali!"


Mabilisan kong sinuklay ang buhok ko gamit ang aking mga daliri. Naghilamos din ako at ginamit kong pamunas ang T-shirt na nakasampay sa banyo.


Nang buksan ko ang pinto ay nakatayo don si Alamid at naghihintay sa akin. Nakakunot ang noo niya.


"Pwede bang dito muna ako?"


"No."


"Please?"


"I have a lot of things to do."


"Katulad ng ano?" Napatingin ako sa center table ng sala niya, may bote ng alak sa ibabaw niyon na kalahati na lang ang laman. Nilulunod niya na naman ang sarili sa alak. Hindi na ako magtataka kung mao-ospital na naman siya.


Bumuntong-hininga siya ng mapansin ang tinitingnan ko. "Look, Ingrid, it's not—"


"'Yan ba ang pinagkaka-busy-han mo?" Putol ko sa pagsasalita niya. Nilapitan ko ang bote ng Henessy XO at kinuha.


"Hey!" Agad naman siyang sumunod.


"Hindi ko itatapon 'to. Relax." Tinanggalan ko ng takip ang bote ng Henessy.


Nagtataka ang mga tingin ni Alamid pero hindi niya ako sinaway.


"Alam mo? Ito yata ang kailangan ko." Nginitian ko siya saka ko dinala sa bibig ko ang bunganga ng bote para laklakin ang likido na nasa loob. Nagkandasamid ako pero tuloy pa rin ako sa pag-inom.


Inabot ko iyon sa kanya nang matapos ako. May natitira pa. Tinanggap ni Alamid ang bote ng Henessy pero nakatingin lang siya sa akin.


"May iba pa ba? Iyong mas matapang." Inilibot ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa mapatingin ako sa mini bar niya.


Gumegewang na lumapit ako ron at masusing tiningnan ang mga alak na nakadisplay. Mula sa brandy, tequila, wine, vodka at champagne ay kompleto siya.


Itinaas ko ang daliri ko saka nagmini-mini-may-nimo, bigla tuloy akong nahilo. Isang boteng kulay puti ang napili ko. Medyo malabo ang pangalan kaya hindi ko na nabasa kung ano iyon. Basta ko na lang iyon binuksan at nilaklak. This time ay nagkadasuka na ako sa pagkasamid.


"Ano ba 'to, Ala? Ampangit naman ng lasa nito!"


Lumapit siya sa akin at inagaw ang bote. Akala ko ay ibabalik niya iyon sa lalagyan pero tumungga rin siya ron.


Napangisi ako sa kanya. "Ang hot mo ron!"


Humila siya ng upuan at saka ako pinaupo.


Kumuha siya ng baso saka sinalinan ng kaunting alak na mula sa boteng malabo sa mga mata ko ang pangalan. Nang malagyan niya ang baso ay inabot niya iyon sa akin.


"For the lady."


"T-thanks..." Tinanggap ko ang baso pero hindi na ako nagtangka na uminom ulit.


Siya naman ay muling tumungga sa bote habang ang abuhin niyang mga mata ay nakapako sa akin.


Ilang ulit siyang lumaklak hanggang sa namula na ang buong mukha leeg ni Alamid. 


Habang tumatagal ay lalong umiinit ang titig niya sa mukha ko.


"Uhm, b-baka malasing ka—"


"Tell me, why are you here, Ingrid?" maaligasgas ang boses na tanong niya.


"G-gusto kitang makausap."


"And why do you want to talk to me?" Umangat ang gilid ng kanyang mga labi. Kaswal ang pagtatanong ni Alamid pero hindi niya maitatago sa akin ang pait sa boses niya.


"D-dahil may gusto akong sabihin sa 'yo. At alam ko na meron ka ring sasabihin sa akin. Kailangan nating mag-usap na dalawa. Please."


"It sounds like you missed me so much." Ramdam ko ang pait sa tono ng pananalita niya.


Muli siyang tumungga sa bote. Gusto ko sana siyang pigilan pero naisip ko na ito na siguro ang pagkakataon para makausap ko siya. Kung sasawayin ko kasi siya ay baka paalisin niya na naman ako.


"How about your husband? Does he know that you're here?"


Umiling ako. Napalunok ako sa biglang pagdidilim ng kanyang mga mata.


"Kaya ako nandito dahil gusto kong ayusin ang meron tayo. Wala na si Aki, at alam ko na katulad ko ay nasasaktan ka rin. At gusto kong malaman mo na hindi kita sinisisi sa nangyari."


Sa huling tungga niya ay napayuko siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naghihintay sa isasagot niya ngunit nanatiling nakatungo si Alamid. Ni hindi ko masilip ang kanyang mukha.


"Kung iniisip mo ang tungkol kay Abraham, kakausapin ko siya. May usapan kami. Iyong kasal, sa papel lang iyon. Suhestiyon ni Manang Tesa. Desperado na kasi kami noon kung paano ako makakatakas sa 'yo. Patawad dahil nawalan ako ng tiwala. Sana maintindihan mo, iniisip ko lang noon ang kaligtasan namin ni Aki."


"We have to let each other go, Ingrid."


Natulala ako sa kanya. "A-anong sabi mo?"


"'Know what? It's getting late." Inilapag niya sa bar table ang bote ng alak. "You have to go."


"Please, kausapin mo ako. Gusto kong humingi ng sorry dahil nawalan ako ng tiwala sa 'yo. Gusto kong humingi ng sorry dahil natakot ako. Gusto ko ring ihingi ng sorry sa 'yo ang matanda, maniwala ka na ang taging gusto niya lang ay kabutihan para sa 'yo."


Blangko ang mga mata niya ng itapon niya ang paningin sa ibang parte ng condo niya.


"W-wag mo akong paalisin, Alamid." Kinuha ko ang kamay niya at hinakawan nang mahigpit. "Dahil higit sa lahat ng pagkakataon, mas kailangan natin ang isa't isa ngayon."


Nakahinga ako nang hindi niiya bawiin ang kamay niyang hawak-hawak ko. Kinuha niya muli ang bote at tumungga ron. Nang tumingin siya muli sa akin ay grabe na ang pamumungay ng kanyang mga mata.


"I'll let you stay for the night."


Napangiti ako. "S-salamat, Alamid."


Mula ng mawala si Aki, ngayon na lamang may ganitong ngiti na gumihit sa aking mga labi.


Nang tumingin siya sa akin ay may bahid ng kirot ang kanyang mga mata. "Can you do me a favor?"


"S-sige..." Kahit ano basta kaya ko.


Matagal siyang tahimik.


Hinila niya ang kamay ko na may hawak sa kamay niya patungo sa tapat ng kanyang dibdib. "Make this pain stop, Ingrid."


Natigilan ako. "H-hindi ko alam kung paano, pero susubukan ko."


"Don't just try..." Nangilid ang mga luha niya. "I want you to do it."


"Alamid..." Parang sinaksak ng patalim ang puso ko ng bigla siyang umiyak.


"Please, make this pain stop!" Ang mahinang paghikbi niya ay nauwi sa paghagulhol.


Tumayo ako at nilusob siya nang mahigpit na yakap.


Hinayaan ko siyang umiyak sa leeg ko. "Iiyak mo lang, Ala... Iiyak mo lang muna..." Hinahagod ko ang kanyang buhok habang pinipisil ko ang isang kamay niya. "Iiyak mo kasi naiintindihan ko..."


"Masakit," daing niya. "Ang sakit-sakit, Ingrid."


Umiiyak na rin ako. Hindi pwedeng hindi sasabog ang puso ko sa bawat paghikbi ni Alamid.


"I killed my own son," umaalog ang balikat na tangis niya. Durog na durog ako.


Ang iyak ko ay nauwi na rin sa hagulhol.


"Pero wala na si Aki. Wala na si Aki, Ingrid..."


Sinapo ng aking mga palad ang luhaan niyang mukha. "Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto ang nangyari." Nagmahal ka lang. Minahal mo lang kami.


"K-kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ito. Can I just die, too?"


"Tumigil ka!" Umiiyak na saway ko sa kanya. "Hindi ka pwedeng mamatay dahil hindi mo ako pwedeng iwan mag-isa. Magagalit sa 'yo si Aki kapag iniwan mo ako."


"But I'm tired."


Matigas akong umiling. "No. You're strong, Alamid. Hindi ka susuko..."


"I'm tired. So fucking tired..." basag ang boses na sabi niya. "I just wanna die, too."


"Lahat ng sakit na nasa puso mo, mawawala iyan. Magiging malakas ka kasi kailangan."


Iyak lang siya nang iyak. Hinayaan ko siya kahit punong-puno na ng luha niya ang damit ko.


Hinagod ko ang likuran niya. "Wag mong pigilan. Iiyak mo lang kasi masakit. Saka ka tumigil kapag hindi na gaanong masakit, kapag kaya mo na."


"Yeah. It feels good to cry with you." Yakap na yakap siya sa akin. Namumugto na ang mga mata niya sa pag-iyak.


"Oo, Ala." Tumango ako. "Let's just cry to our heart's content."


"Don't leave me, Ingrid..."


"Hindi," iling ko na mahigpit na mahigpit pa rin ang pagkakayakap sa kanya.


Sumubsob siya sa leeg ko. "Please stay. Even it's hard to be with me..."


"I will. Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo. Dadamayan kita. Iintindihin kita. Aalagaan kita. Po-protektahan kita. Mamahalin kita."



I WILL STAY EVEN IT'S REALLY HARD TO BE WITH YOU.


Matagal na, Alamid. Matagal na akong nagdesisyon na manatili sa tabi mo, kahit noon pa man na hindi ko pa alam ang totoo. Oo at nasaktan ako noong nalaman kong pinaikot mo ako, pero hindi ko kayang magalit nang matagal sa taong mahal ko.


Sa kabila ng lahat, mahal kita. Your flaws, faults, and weaknesses just gave me more reason to love you harder.


And I forgive you for everything. Bumawi ka naman sa pamamagitan ng pagmamahal, pag-aalaga at pagpo-protekta mo at pagtataya mo ng buhay para sa amin ni Aki. At ngayon na wala na si Aki, mas kailangan natin ang isa't isa.


Hinagkan ko ang noo ni Alamid. Malalim ang paghinga niya at mula sa liwanag na lumalagos mula sa glass window ng condo niya ay nakikita ko ang bakas ng kanyang paghihirap mula ng mangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay naming dalawa. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya, namumutla ang kanyang balat at namayat siya.


Nandito ako, Ala. Magtutulungan tayong dalawa.


Bumangon ako at inayos ang pagkakakumot niya.


Lasing na lasing siya nang dalhin ko siya dito sa kanyang kuwarto. Ilang beses siyang sumuka kagabi. Ilang beses ko siyang pinunasan at nilinisan. Ngayon ay wala siyang saplot sa ilalim ng kumot maliban sa suot niyang kulay white na briefs.


Mabigat pa rin ang aking dibdib pero bahagya nang gumaan ang aking pakiramdam. Sa loob ng magda-dalawang buwan ay kagabi pa lang ako nakatulog nang tuloy-tuloy. Nakatulong ang presensiya ni Alamid para kahit paano ay mawala ang sakit.


Naligo ako at nakigamit ng sepilyo niya. Nang maayos ko na ang aking sarili ay dumeretso ako sa kusina para ipaghanda siya ng tanghalian. Hindi na kasi aabot ng breakfast dahil mag-a-alas-onse na.


Dahil walang laman ang cupboard at two-doors ref niya ay wala akon choice kundi lumabas. Hindi ko na inilock ang pinto dahil hindi ko naman alam ang combination ng lock niya. Sa loob ng building ay swerteng merong sariling convenience store kaya doon na ako namili ng pangtinola at ilang pirasong stocks.


Pagbalik ko sa penthouse ay natutulog pa rin si Alamid. Sinamantala ko ang pagtulog niya para makapagluto, at makapaglinis-linis na rin sa paligid.


Saktong alas-dose ng bumukas ang pinto ng kuwarto at iluwa niyon ang isang matangkad na lalaki na may kulay abong mga mata. Nakakunot ang noo niya at gulo-gulo ang kanyang buhok. Wala siyang suot na kahit ano maliban sa kulay puti niyang briefs.


"Good afternoon," bati ko sa kanya. Kahit bagong gising at nakasimangot ay ang guwapo-guwapo pa rin ng mahal ko.


Nilagyan ko agad ng mainit na tubig ang tasa at tinimplahan ng kape. Malamang na sa dami ng ininom niya ay may hangover siya.


"Magkape ka muna. Mayamaya kakain ka, ha? Nagluto ako ng tinola. May mga prutas din akong binili at ilang stocks mo. Wala kasing laman ang cupboard at ref mo—"


"Why are you still here?"


Napatingin ako sa kanya.


"I said, why are you still here?" Kung gaano kainit ang kape na itinimpla ko ay kasing kabaligtaran naman ng kalamigan ng kanyang boses.


Nang mahamig ko ang sarili ko ay nginitian ko siya. Siguro dahil bagong gising kaya medyo cold siya.


Siguro dahil din sa hangover kaya medyo grumpy siya.


"Ayaw mo ba ng kape? Ano'ng gusto mo? Gusto mo bang maligo muna? Baka dahil sa hangover ay—"


"Leave. I want you to leave."


Pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya habang inaabot sa kanya ang tasa ng kape. "Masakit ba ang ulo mo?"


Kinuha niya ang tasa at inihagis sa lababo.


"Alamid!" Napaurong ako sa tunog ng nabasag na tasa at sa pagtilamsik ng mainit na kape sa paligid ng lababo. Natalamsikan din nang kaunti ang aking kaliwang braso.


"I said, leave!" Ang kagabing namumungay niyang mga mata ay ngayo'y namumula.


"H-hindi ako aalis." Naiiyak na pinunasan ko ang tilamsik ng kape sa aking braso. Bahagyang namula ang aking balat pero walang sinabi ang sakit niyon sa sakit na dinudulot sa akin ng kalamigan ni Alamid.


Nagusap kami kagabi na hindi ko siya iiwan. Sinabi niya sa akin na wag na wag ko siyang iiwan kaya bakit ako aalis?


Alam ko na kailangan niya ako at kailangan ko rin siya. Hindi ako aalis at hindi ko siya iiwan dito na mag-isa.


"Hindi ako aalis. Siguro dahil lasing ka kagabi kaya hindi mo natandaan na nagusap tayong dalawa. Sinabi mo sa akin na kahit anong mangyari at kahit mahirap ay wag kitang iiwan."


"Are you fucking with me?! I don't remember saying that," mapaklang sabi niya at iniwas sa akin ang mga mata.


"Pwes alalahanin mo!" frustrated na sabi ko sa malakas na tinig.


Nagsalubong ang makakapal at itim na itim na mga kilay niya.


"Hindi ako aalis dito hanggang di mo naaalala!" Sumisigaw na ako sa sobrang sama ng loob.


Hindi ko siya maintindihan. Bakit kailangan niya akong saktan nang ganito? Di ba dapat kami ang magkasama ngayon dahil nga sabay kaming magluluksa sa pagkawala ni Aki?


"Alalahanin mo! Alalahanin mo lahat ng ipinangako mo sa akin mula pa noon! Dahil hindi ako magkakaganito kung hindi mo ako pinangakuan!"


"Don't you yell at me!" Tinalikuran niya ako.


Gigil akong sumunod sa kanya hanggang sala. "At wag mo akong tatalikuran!"


Nakarating siya sa sala na tanging briefs pa rin ang suot. Balewala siyang nagpalakad-lakad habang nakahawak sa kanyang ulo.


"Wag mo sabi akong tatalikuran!"


"Shut up! Just leave!"


"Hindi nga sabi ako aalis!" Pigil na pigil ko ang sarili ko na yakapin siya.


Kahit anong inis, galit na gusto kong maramdaman ay agad ding naglalaho kapag nakikita ko ang lungkot na pilit niyang itinatago ng kanyang kulay abong mga mata.


"I don't need you here!"


"Kailangan mo ako." Nilapitan ko siya at pilit na hinuhuli ang kanyang paningin.


"No."


"At kailangan din kita, Ala..."


"Aki is gone, Ingrid."


Natigagal ako. Hindi dahil sa masakit iyong marinig mula sa mga labi niya kundi dahil sa pakiramdam ko na porket wala na si Aki ay tapos na rin kami.


"He's gone so what's the point of all this?" dugtong pa niya sa mas malamig na boses.


"P-paano mo 'yan nasasabi sa akin?" Tuluyan na akong nanghina. Nanginginig na ang buong katawan ko sa sakit.


"He's gone." Nagtatagis ang mga ngipin niya at itinuro ang pinto. "And I want you out of my place, Ingrid. Out of my life."


Napaiyak na ako. Pakialam ko kung mukha akong tanga sa harapan niya. "Bawiin mo ang sinabi mo, Alamid! Bawiin mo na habang kaya ko pang patawarin ka!"


"There's no reason for me to do that." Umismid siya at muling itinuro ang pinto.


Iyak ako nang iyak. Kahit galit ako sa kanya, umaasa ako na maaawa siya sa akin at yayakapin niya ako.


Umaasa ako na kapag natauhan siya dahil sa mga luha ko ay magso-sorry na siya at babawiin ang mga sinabi niya. Pero walang ganoong nangyari.


Napagod at hiningal lang ako sa pagkalmot, pagsampal at paghahampas sa kanya. Wala siyang pakialam kahit puro kalmot na ang dibdib, balikat at pisngi niya. Isang tabo na yata ang iniyak ko at halos hindi na ako makahinga pero balewala lang sa kanya. Nakatiim pa ang mga labi niya habang nakatingin siya sa akin.


Hindi ako makapagsalita sa sobrang panghihina. Nakatingin na lang din ako kay Alamid habang hinihintay ang iba pang masasakit na kaya niyang sabihin.


Muli niyang itinuro ang pinto and this time ay lumapit na siya ron. Humakbang ako palapit sa kanya. Mukha akong tanga na umaasa pa rin na magbabago ang isip niya.


Nang buksan niya ang pinto ay doon na bumagsak ang katiting kong pag-asa. "Alamid, k-kapag ba lumabas ako sa pintong yan..." Sinalubong ko ang walang emosyon niyang mga mata. "Paano na ako? Ano na ang mangyayari s-sa akin?"


"You'll be fine. You'll get through this."


"T-talaga?" nadudurog na sambit ko.


Tumango siya. "Just do your damnedest best to forget me and you'll be fine."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top