Chapter 33

Chapter 33

"LET HER GO!"

Tila kulog ang boses ni Alamid. Maski ang mga tauhan ni Benilde ay napaurong. Halata na may takot din ang mga ito sa lalaki. Na kilala nila si Alamid.

Napaatras si Benilde. "Alamid, this is not what you think it—"

"Shut up!" Nanlilisik ang mga mata niya nang harapin niya ito. "What did you do to my family, you whore!"

"I'm not a whore!" Tumingin sa akin si Benilde. "Alam mo ba ang ginawa sa akin ng lalaking ito noon?"

"Don't listen to her, Ingrid!"

Nang mahimasmasan ang mga tauhan ni Benilde ay kanya-kanyang hawak ng baril ang mga lalaki. Bumaha ang kaba sa dibdib ko dahil alam kong walang laban si Alamid sa dalawang armadong lalaki, lalo pa at naririto si Aki na kailangan naming isaalang-alang.

Kitang-kita ang pagsaliw ng takot sa kulay abong mga mata ni Alamid nang makita niya ang mga baril na nakatutok sa akin. Sa isang iglap, hindi siya makagalaw.

"Akala ng lahat ang swerte ko? Kasi mayaman ako? No. I am not lucky! I'm not really happy. I am broken! I'm a battered child." Nakangiti si Benilde habang nakatingin siya sa akin. "My stepdad used to hurt me when I was a kid. Pero walang pakialam si Mom, kasi mas may pakialam siya sa pera ng stepdad ko. I promised myself that I'll be a good parent someday. Pero hindi na iyon mangyayari kasi nga namatay iyong anak ko."

"Ipinalaglag mo, Benilde." Nagtatagis ang mga ngipin ni Alamid.

"I didn't kill my child, Ala." Bumangis ang mga mata ng babae. "Ang gulo ng mundo, at ayokong saktan ng mundo ang magiging anak ko. Pero tama lang na sinagip ko siya mula sa mundo dahil kung binuhay ko siya, hindi mo rin naman siya mamahalin! Mas mahal mo ang anak mo sa babaeng 'yan!"

"I'm not the father of your child!"

"How dare you say that?!" Humagulhol si Benilde. Mistulan siyang wala sa sarili habang umiiyak. "I love you, ikaw ang gusto kong maging daddy ng baby ko. But for you, I'm just another submissive toy. Kahit kailan, hindi mo ako pinahalagahan. Ni hindi mo naaappreciate ang mga sakripisyo ko for you."

Lumamlam ang mga mata ni Alamid. "You are free to choose, Benilde. Kahit kailan, hindi kita pinangakuan ng kahit ano."

"Pero ikaw ang gusto kong makasama! Pero anong ginawa mo? Ginawa mo lang akong isa sa maraming babaeng parausan mo! Pero kahit ganoon, minahal kita! Inintindi kita! Pero iniwan mo ako! You let me fuck my own dog—"

"It's not my fault if you're that horny that night, bitch."

"You dumped me like I'm a piece of trash!" luhaang hiyaw niyo.

Humigpit ang hawak ni Alamid sa baril. "Because that's what you really are. A piece of trash."

Tumingin sa akin si Benilde. "See how rude he is?"

Napalunok ako. Wala na sa katinuan si Benilde, kitang-kita iyon sa kislap ng mga mata niya. Kailangan ko nang ialis si Aki rito. Pero paano? Nakaharang na sa daan ang mga tauhan niya.

"He's rude but I love him still. Kahit anong gawin niyan, mahal ko 'yan." Tumawa siya. "I love him so bad, and I deserve every broken part of him."

"Pero hindi nakakabuti sa 'yo, Benilde. Hindi nakakabuti sa inyo dahil hindi kayo para sa isat-isa. Sisirain niyo lang lalo ang isat-isa." 

"No, bitch. I can never give him to you. But I understand your situation. I truly understand why you can't give him up." Ngumisi siya. "That's life, we are all addicted to something that ruins us."

Tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya.

"Kailangan ako ni Alamid, Ingrid. Ramdam ko na kailangan niya ako kaya naman ginawa ko ang lahat para maunawaan siya. Inimbestigahan ko siya, inalam ko ang lahat ng tungkol sa kanya. Even the smallest details, inalam ko, like his principle. And his weakness."

Weakness?

"Inalam ko lahat, Ingrid. Ganoon ko kamahal ang lalaking 'yan. I even slept with his doctor para lang malaman ang kahinaan niya." Humalukipkip siya. "Hindi mo kaya iyon."

She was obsessed!

"I was so curious kung ano ang ibig sabihin ng safe word na Aletta. Aletta was a teenage girl whose a victim of rape. She was a virgin when she was raped."

"Shut up, Benilde!" Gumapang ang pula sa buong mukha niya hanggang sa kanyang leeg. "Fucking shut up!"

"What? Ingrid must hear these things, you know." Bumalik ang tingin sa akin ni Benilde. "Long story short, Aletta, the virgin girl died in Alamid's own hands. It was a nightmare for him. It was his weakness!"

May mga binanggit si Benilde na tila ume-echo sa pandinig ni Alamid.

"Shut up! I said shut up!" Ipinutok niya ang baril ngunit hindi iyon tumama kay Benilde. Lampas-lampasan iyon sa babae. Para bang wala na siya sa ayos ng kalabitin niya ang gatilyo. Sunod-sunod ang pagpapaputok niya. Sa dingding, sa sahig, sa kisame.

"Tama na, Ala!" Niyakap ko si Aki. Natatakot ako na baka mapunta rito ang mga balang pinakakawalan niya.

"I will not shup up! Aletta! Aletta! Aletta!" Humahalakhak si Benilde. "Don't shoot him!" utos niya sa mga tauhan niya ng magpanic na ang mga ito. "He'll stop soon. Aletta the whore will stop him."

Pumalakpak si Benilde matapos ang huling pagkurap ni Alamid.

"Aletta... Aletta... she was full of blood... she was gasping for air..." habang sinasabi niya ito ay nakatingin siya kay Alamid. May mga binanggit pa siya. Benilde was hypnotizing him.

Luhaan ang mga mata ko ng tingnan ko si Alamid. Walang kaemo-emosyon ang kulay abo niyang mga mata. Parang bigla ay hindi na namin siya kasama. Was it because of the safe word?

"Alamid couldn't make love to a virgin woman. It's against his principle. May kinalaman siguro kay Aletta kung bakit, siguro dahil natrauma siya kay Aletta. Alamid couldn't make love to a virgin woman since that teenage girl died in his hands."

Nanghihina ako sa sinapit ni Aletta. Bakit kailangan niyang mamatay? Bakit sa kamay ni Alamid?!

"I was so mad ng talikuran ako ni Alamid. Kaya gusto ko siyang gantihan. My plan then was to give him a gift. A gift that will serve as his final destination. Kaya pinakidnap ko ang high school student na apo ng presidente sa Dalisay High School years ago. Tinurukan ko ng drugs si Alamid para maging hayok siya at dahasin niya ang high school student. Malaking eskandalo sana iyon kung nagtagumpay lang sana ako noon sa plano ko."

"Pero pumalpak ka dahil imbes na ang apo ng presidente ay ako ang nakidnap ng tauhan mo!" sigaw ko sa kanya. "At walang eskandalong nangyari dahil inilihim ng mga magulang ko ang nangyari."

"Right." Nagpahid siya ng luha at bumungisngis. She was really crazy. "Nakakainis dahil imbes mapariwara si Alamid ay nagkaroon ng direksyon ang buhay niya dahil sa 'yo."

Tulala pa rin si Alamid. Wala nang lakas ang pagkakahawak ng lalaki sa baril na nasa kamay.

"I thought Alamid will going to kill you after he's done with you. After that night, imbes na mawasak ko siya nang tuluyan, pinilit niya palang mabuo para sa 'yo."

Pero kabaliktaran ang nangyari. Binantayan, inalagaan at prinotektahan ako ni Alamid mula noon. 

Malungkot na tumingin si Benilde sa nakatulalang si Alamid. "Ilang taon ako sa States pero siya pa rin ang hinahanap-hanap ko. Bumalik ako ng Pilipinas eight months ago para sa kanya, because I realized that we belong with each other."

Nagpunas ako ng luha at pinagmasdan siya. "Nagpatingin ka na ba sa doktor, Benilde?"

"Hindi ko kailangan ang doktor. Ang kailangan ko ay si Alamid."

"Pero hindi ikaw ang kailangan niya. Kami ng anak niya ang kailangan niya!"

Hindi siya nagsalita pero nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Kinuha niya ang baril ng isa sa mga tauhan niya at saka niya binaril sa tuhod si Alamid. Napasigaw ako sa gulat.

Napaluhod ang lalaki sa sahig. Ang kanina'y blangko niyang mga mata ay nabahiran ng sakit.

"Wake up, loverboy. Use your gun to kill your son."

"Hayup ka!" sigaw ko kay Benilde.

Hindi niya ako pinansin. Sinenyasan niya ang dalawa niyang tauhan para hawakan ako. Agad namang yumakap sa akin ang matabang lalaki at itinali ang mga kamay ko. Ang isa namang lalaki ay nakaumang agad ang baril na hawak sa sentido ko.

"Ingrid..." Nabahiran ng pag-aalala ang mga mata ni Alamid. Tila bigla siyang nagising mula sa pagkakahimbing. Bigla siyang tumayo, hindi niya alintana ang tama sa tuhod.

"Hanggang diyan ka lang, Alamid Wolfgang." May hawak na ring baril si Benilde. "Get your gun on the floor and shoot your son."

Natulala si Alamid kay Benilde.

"Wala kang magagawa, Ala. Dalawa ang tauhan ko. Lahat kami may baril. Mamimili lang ang gagawin mo. Who will you save? This bitch or your dying son?" Itinutok ni Benilde ang hawak na baril sa akin. "If you don't shoot that boy, tatlong bala mula sa tatlong baril ang babaon sa bungo ni Ingrid."

Nanlaki ang mga mata niya. "No, please..."

"You know me, Alamid. Hindi ako mapagbiro. At mas lalong hindi mahaba ang pasensiya ko. Do it now or you'll end up losing both!"

Tumingin sa akin ang luhaan niyang mga mata. "Ingrid..."

Napaiyak ako sa nakikitang paghihirap sa mga mata niya. "Alamid, 'wag mong sasaktan si Aki, nagmamakaawa ako."

"Shoot him!" sigaw ni Benilde.

"I can't..."

"Shoot that boy! Don't make me lose my patience, Ala," banta ni Benilde. Sa mga mata ko ay mistulan na siyang demonya na may mahabang sungay. "Save your child from pain. Kill him!"

"Wag, Alamid. Wag..." makaawa ko.

Itinapat ni Benilde ang baril sa nakahigang bata. "Kill this boy or I'll kill them both!"

"Alamid, 'wag..."

"He's good as dead, Wolfie. Wala ka na rin namang papatayin, e. Tutulungan mo pa nga ang bata na matigil na ang paghihirap niya. Killing him means saving him!"

"Demonya ka!" sigaw ko. Pilit akong kumakawala sa mga may hawak sa akin pero mas malalakas sila. Dumidiin din ang dulo ng baril sa sentido ko.

Pinanlisikan ako ng mga mata ni Benilde. "Ikaw ang masama, Ingrid! Gusto mong pahirapan pa ang anak mo! Gusto mo siyang makitang nasasaktan at nahihirapan!"

"Hayup ka!" sigaw ko. "Pakawalan mo kami!"

"Kill the boy, Alamid! Or I'll kill this bitch!" Ibinalik niya ang tutok ng baril niya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang marahang iangat ni Alamid ang baril papunta sa walang malay na si Aki.

"Wag, Ala... wag please, Ala, wag..." nahintatakutang sambit ko. "Wag... wag, maawa ka..."

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Nakatayo siya paharap kay Aki na walang kakilos-kilos sa sahig.

"Wag! Hindi na kita mapapatawad kahit kailan kapag ginawa mo 'yan! Mas gusto ko pang ako na lang ang mamatay, wag lang siya. Maawa ka, wag ang anak ko. Wag ang anak natin. Parang awa mo na. Anak mo yan. Anak natin si Aki! Wag mo siyang sasaktan!"

Wala ng emosyon ang kulay abong mga mata ni Alamid ng tingnan ko ang mga ito.

"Wag!!!"

Kasunod ng putok ng baril ay ang pagkalat ng pulang likido sa katawan ni Aki. Nang tingnan ko si Alamid ay luhaan ang mga mata niya habang umuusok ang dulo ng baril na hawak-hawak niya.

Nanginginig ang mga labing tumingin siya sa akin. "I'm sorry."

JF


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top