Chapter 29

Chapter 29


"

GUTUM NA AKO!"


Kurot sa pisngi ang gumising sa akin. Naalimpungatan ako at napadilat. Nakatunghay sa akin ang nakasimangot na mukha ni Aki.


"Bat tagal mo gising, ha?!" Salubong na salubong ang mga kilay ng bata. "Kanina pa kita gising, lakas hilik mo!"


"Sorry, baby." Nang tingnan ko ang oras ay alas diez na ng umaga. Wala na rin si Alamid sa kama. Bumangon na ako.


Kinuyumos ako ng halik ni Aki sa pisngi. "Una na po ko baba, ah?" Sabay talon nito paalis sa kama. 


Pagkaalis ng bata ay bigla akong nabahala. Basta, parang instinct na dapat sundan ko agad si Aki. Nagmamadali akong naghilamos at nag-toothbrush bago sumunod sa labas.


Pagbaba ko ng sala ay siya namang labas ni Benilde mula sa kusina. May bitbit na tasa ng umuusok na kape ang babae. Nandito pa rin siya? Hindi pa ba nila napag-uusapan ni Alamid ang kung ano mang business confidential na sinasabi niya kagabi?


Kulang na lang ay magbuhol ang mga kilay ko ng makita ko ang ayos niya. Kung gaano siya ka-balot kagabi, ay siya namang kabaliktaran ngayon. Skimpy short dress lang ang suot niya! Onti na lang lingerie na!


"Hi!" bati niya sa akin.


"N-nasaan si Alamid?" 


"Ah, nasa study room. Katatapos lang namin mag-usap about business."


Tapos na pala, e bakit nandito pa siya? Kaibigan at business partner lang ba talaga siya? Ganito ba ang manamit ang kaibigan at business partner na nakikituloy lang? Ang dami ko nang problema, dumadagdag pa siya.


"Benilde, may itatanong ako sa 'yo."


"Yes? What is it, darling?" Ngiting-ngiti siya sa akin.


Kapag alam ng babaeng ito kung sino si Aletta, ayawan na talaga.


"Kilala mo ba si Aletta?"


Natigilan siya saka namilog ang mga mata. "What did you just say?!"


Napaatras ako sa nakikitang galit sa mga mata niya. 


"How did you know about her?" Parang gusto niya akong lunukin nang buo. "How?!" Sumisigaw na siya na lalong ipinagtaka ko.


Kilala niya si Aletta? Pero sino si Aletta? Sino ang babaeng iyon sa buhay ni Alamid?! At bakit galit na galit si Benilde?


"Fuck you," she hissed. "How dare you say that fucking name?!" Dinuro niya ako. "How fucking dare you, you bitch!"


Kung ganoon ay alam nga niya. Mas may alam siya!


Pumormal siya at muling kumalma. "You know it's a secret name. A secret code." Nagtatagis ang mga ngipin niya.


"A safe word?"


Napatanga siya sa akin. "You know about it as a safe word?"


Nagpanggap ako para makakuha ng impormasyon sa kanya. "Oo. Oo, alam ko. Alamid told me. I just wanna ask if you also know, since you two are friends."


Para siyang baliw na napahagalpak ng tawa. Kanina lang ay galit na galit siya, ngayon naman ay tawa siya nang tawa. Dinuduro niya pa rin ako pero natatawa siya. Sayang, napakaganda pa naman ni Benilde pero mukhang may tama siya sa kukote. Iyong mga kilos at tingin niya ngayon, parang hindi na kilos ng matinong babae.


"So, Benilde, do you know Aletta too? Do you know why her name is Alamid's safe word?"


"Because he's scared of that fucking name." Ngiting-giti pa rin siya. "Kapag nagtatalik kami noon, kapag nasasaktan na ako nang higit sa kaya ko, I will just say that name, and Wolfie will stop sex-punishing me."


"M-may nangyari sa inyo?" Pakiramdam ko'y nagkulay suka ang aking buong mukha dahil sa nalaman ko. Kung ganoon, hindi sila magkaibigan at mag-business partners lang! Gusto ko nang magmura! Ano pa ba ang malalaman ko?!


"Of course!" Namewang siya. Masayang-masaya siya. "He's my ex lover. But don't worry, darling, friends na lang kami. Sa ngayon."


Kumuyom ang mga kamay ko. "Alam mo bang baliw ka?"


"And so as Wolfie." Nakangiti pa rin siya. "Bagay kami."


"Ikakasal na kami."


"Okay lang sa 'yo kahit nakapatay na siya ng tao? Ng inosenteng tao? Ng isang dalagita? And oh, hindi lang si Aletta ang pinatay niya, F.Y.I. Okay lang sa 'yo?" Natigilan ako. "Kasi sa akin, okay lang."


"Baliw ka," usal ko, wala nang lakas. "Baliw kang babae ka..."


Doon biglang sumeryoso si Benilde. Umayos siya ng tayo. "Kung ayaw mong matulad sa akin, umalis ka na."


Hindi ako tuminag.


"Umalis ka na habang maaga. Habang kaya mo pa. Habang hindi ka pa nababaliw na tulad naming dalawa!"


Pumintig ang sentido ko. "Manahimik ka!"


Pero hindi siya tumigil. "Kung hindi ka naaawa sa sarili mo, try mo na lang maawa para sa anak mo. Hindi lahat ng ipinapakita at ipinaparamdam sa inyo ni Alamid Wolfgang ay totoo!"


Tinalikuran ko siya. Sakto na palabas ng kusina si Aki. Naghihimas ito ng tiyan. "Sarap ng almusal!"


Nabura ang ngiti ni Benilde nang makita si Aki. "You know, Ingrid, I did something extremely horrible to Wolfie back then, but it looks like the outcome of my sin towards him is not that bad."


Napatingin din si Aki kay Benilde. Kumaway ang bata. "Hello!"


"Hello, little one." Ngumiti si Benilde pero maliit na ngiti lang. "Do you know that your daddy hates me to the core, yet he can't do anything but bear with me right now because I have an ace against him?"


Bumalik ang tingin ni Benilde sa akin. "But of course, there is an exception. Wag lang sanang ma-zone out siya dahil baka makalimutan niya na ang alas ko, at mapatay niya na lang ako bigla. Because that's how sick he is. Kapag nawawala na siya sa huwisyo ay kaya niyang saktan..." Muli siyang tumingin kay Aki at ngumiti nang makahulugan. "...kahit sino."


"Aki, halika na!" malakas na tawag ko sa batang lalaki.


"San tayu punta? Si Daddy?"


"B-basta, halika na!" Bahala na, hindi ko na kayang magtagal dito. Sapat na lahat ng narinig ko sa babaeng ito para magising muli ako. "Halika na, Aki!" 


"Yoko, asan si Daddy ko nga!"


"Aalis tayo, at hindi kasama ang daddy mo!" bulyaw ko kay Aki.


"What the hell is going on here?" Mula sa study room ay lumabas si Alamid.


Natigilan ako sa paghakbang pero hindi ko binitawan si Aki. Si Benilde naman ay kumikembot na umalis papunta sa hagdan.


Nasa guwapong mukha ni Alamid ang pagtataka. Sweat pants, t-shirt at kulay brown na Hermes male slippers ang nasa kanyang talampakan.


"Ingrid?" Kumunot ang kanyang noo. Nakasuot siya ng glasses na kulay itim ang rim, perpekto ang pagkakalagay niyon sa kanyang mga mata at sa matangos na ilong. Kapansin-pansin na magulo ang buhok niya pero hindi nabawasan niyon ang kanyang dating.


Alamid Wolfgang is Alamid Wolfgang. Para siyang diyos. Mahirap i-resist at balewalain. Hanggat nakikita ko siya, hindi ko kakayanin.


"Daddy, swimming tayu!" boses ni Aki na gumising sa nahihibang kong diwa.


Tama sina Manang Tesa at Benilde. Dapat umalis na ako habang kaya ko pa. Hinatak ko ang bata papunta sa likuran ko. Lalong kumunot ang noo ni Alamid.


"What is this, Ingrid?"


"Uuwi na kami. 'Wag mo na kaming pigilan, please." Sinikap kong tatagan ang boses ko. "Let me think. Let me breath. Let me... go."


Halata ang gulat sa mukha ni Alamid. Sinamantala ko iyon, hinila ko si Aki at binuksan ang main door. Nagulat ako ng makita ang matandang babae na nasa labas ng pinto.


"Manang Tesa!" bulalas ko. Anong ginagawa niya rito?


Narinig ko ang paglagutok ng kamao ni Alamid. "What are you doing here, Manang?"


"Sinusundo ko si Ingrid at ang..." Tumingin si Manang Tesa kay Aki. "At ang batang 'yan."


"What?" Hindi na maipinta ang mukha ni Alamid ng lingunin ko siya.


"Ako na ang maghahatid sa kanila sa Rizal. May inarkila akong owner." Malumanay ang tinig ni Manang Tesa ngunit may pinalidad.


"They are not coming with you."


Tumango ako sa matanda. "Sasama po kami sa inyo."


Napakurap si Alamid at manghang napatingin sa akin.


"Pabayaan mo na ang mag-ina mo, Ala."


"Why are you doing this to me?" Mapait ang mga tingin ni Alamid kay Manang Tesa nang ito na ang harapin niya.


Tahimik na napatungo ang matandang babae. "Patawad."


Nasa lawn na kami nang makita kong may mga kasamang bodyguard si Manang Tesa. Bukod pala sa owner ay may isa pang lumang vios na dala ang matanda at ang mga kasama nito. 


"Aki, 'lika na..."


Mangiyak-ngiyak ang bata. "Si Daddy..."


"Malaki na ang daddy mo, 'toy, 'wag mo na siyang alalahanin," ani Manang Tesa. "Sumakay na kayo sa owner at bilisan niyong mag-ina."


Tumalima agad ako. Kahit mabigat ay binuhat ko na si Aki para lang makasakay na kami sa owner. May pagmamadali ang driver ni Manang Tesa. Pagkasakay na pagkasakay namin ay ini-start na agad nito ang makina. Kasunod namin sa likod ang vios na dala rin nila.


"Sino si Benilde, Manang?" tanong ko ng makalayo na kami sa rest house ni Alamid.


Dumilim ang mga mata ng matanda. "Hindi ko alam ang totoo. Pero isa lang ang tiyak ko, kapag nariyan si Benilde sa paligid ni Ala, merong hindi magandang mangyayari."


"Nasa rest house din po si Benilde..."


"Kaya pala mabigat ang loob ko na magpunta ron. Tama lang na ilayo ko kayo ron, Ingrid. Hindi ka tumupad sa usapan natin na magpapakalayo ka."


Napayuko ako. "Sinubukan ko po..."


"Pero gaya ng hinala ko, hindi mo kaya." Tumingin siya sa akin. "Pero may isa pang paraan, kahit pa ito ay suntok sa buwan."


"A-ano ho?"


"Nakahanda ka ba?"


Napalunok ako. Bakit ganito? Bakit parang kahit hindi ko pa alam kung ano ang paraan na sasabihin niya ay ayaw ko na agad?


"Sasabihin ko sa 'yo mamaya. Siya nga pala, Ingrid, may lalaking naghahanap sa 'yo."


"Ho?"


"Dadaanan natin siya sa tapat ng Cavite State University sa Indang. Abraham daw ang pangalan niya."


Biglang pumiksi si Aki sa tabi ko. "Si Pangit!"


"Aki!" Piningot ko agad ang bata.


"Gardo, sa may Cavite State muna tayo, sa may estatwa," utos ni Manang Tesa sa driver.


Nang matanawanan namin ang estatwa ay bumagal ang takbo ng owner. Nauna akong bumaba ng owner ng makita ko si Abraham. Naroon nga siya!


Nag-iisa siyang nakatayo sa tapat ng statue ng CVSU. Jeans, loafer at polo shirt na kulay blue ang suot niya. Nakapamulsa ang isa niyang kamay at ang isa ay may hawak na cell phone. Sa di kalayuan ay nakaparada ang kulay itim na CRV.


Nang makita ako ni Abraham ay napangiti agad ang lalaki. "Ingrid!"


Sinalubong niya ako at niyakap nang mahigpit. Nabigla ako pero hinayaan ko na lamang siya. Gumanti ako nang magaang yakap sa kanya. Malamang nag-alala siya sa amin ni Aki. Nahihiya ako sa kanya dahil nasangkot siya sa gulo namin.


"Ingrid, I'm happy to see you." Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "Are you okay?"


Tumango ako. "Abraham, pasensiya ka na. Sorry kung napag-alala kita."


"Okay lang. Kumusta ka? Ayos lang ba kayo? Nasan si Kulit?"


Nabitawan niya ako ng mapa-aray siya. Nag-init ang ulo ko ng malamang tinadyakan siya ni Aki sa binti. Agad kong inilayo ang bata sa kanya. "Aki, balik sa owner!"


"Yoko! Gusto ko balik kay Daddy!"


Pinanlakihan ni Abraham ng mata si Aki. "Di mo daddy yun!"


"Pangit mu!" Akma niyang tatadyakan ulit sa binti si Abraham pero nakailag na agad ang lalaki.


"Pangit ka rin, bungi!"


Hinila ko si Abraham palayo kay Aki. "'Wag mo nang patulan, please."


"Tigas ng mukha e. Sabihan ba naman akong pangit e hindi naman ako pangit."


Nanakbo si Aki pabalik sa owner pero binelatan muna si Abraham. "Pangit mu! Kamuka mu pwet ko!"


"Loko, ah!"


Hinila ko sa braso ang lalaki. "Abraham, hayaan mo na."


"Malas niyan pag ako naging tatay niya, araw-araw ko 'yang sisinturunin!"


"Abraham!" saway ko sa kanya.


"Joke lang." Lumabi ang lalaki. "Sorry."


Tumango ako. "Paano mo pala nakilala si Manang?"


Si Manang Tesa ang sumagot na nakababa na pala ng owner. "Nakasabay ko siya sa sakayan papunta rito noong nakaraan. Pinagtatanong-tanong ka niya, Ipinakita niya sa akin ang picture mo sa cell phone niya."


Namilog ang mga mata ko. "May picture kita?"


Nagkamot ng pisngi ang lalaki. "Stolen shot."


Kinalabit ni Manang Tesa si Abraham. "Maigi pang 'yang sasakyan mo, hijo ang gamitin muna natin. Ayos lang ba, hijo?"


"Ayos lang ho." Pinagbuksan niya ng backseat sina Manang Tesa at Aki. Kami ni Abraham ang tabi sa unahan.


Nagmamaktol pa si Aki pero mabuti at nanahimik na rin. Siguro ay nahiya kay Manang Tesa ng sitsitan ng matanda.


"Saan ho tayo, Manang?" tanong niya ng nasa manibela na siya. Ini-start niya ang makina.


"Sa inaanak ko. Nasa Quezon City ang bahay ng inaanak ko."


"Sino hong inaanak?" halos sabay na tanong namin ni Abraham.


Tumingin sa amin ni Abraham ang matanda. "Tutulungan niya kayo. Mayor siya sa Quezon City."


"Ano hong tulong ang ibibigay niya sa amin ni Ingrid?"


Nginitian kami ni Manang Tess. "Siya ang magkakasal sa inyong dalawa."


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top