Chapter 28

Chapter 28


"WHY ARE YOU HERE?"


Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Alamid. Nakapamulsa siya sa suot niyang sweatpants. Basa ang buhok niya na mukhang kakaligo pa lang. Naaamoy ko rin sa kanya ang ginamit niyang mamahaling aftershave.


"Binabantayan ko lang si Aki." Pagkagising ay dito na agad ako dumeretso sa malawak na lawn ng mansiyon niya. Gusto kong bantayan si Aki. 


"Pumasok na si Aki sa loob."


Ha? Napakurap ako. Nilingon ko ang malawak na lawn, wala na nga si Aki. Natulala na naman ba ako? Hindi na kasi ako nakatulog pa, kaya para na akong sabog. Pero ayoko talagang matulog. Ayoko kahit makaidlip. Tuliro ako at ang dami-daming iniisip.


Napansin niya na ang pagiging balisa ko. "Ingrid, is there something wrong?"


Inipon ko ang lakas bago sinagot ang tanong niya. "Gusto ko nang umuwi, Ala."


"Why? Don't you like it here?"


"K-kasi..." Hindi ko mabanggit sa kanya ang tungkol doon sa 'Aletta'. Hindi porke't sinabi iyon ni Diane sa akin ay maniniwala na ako, pero hindi rin ibig sabihin na hindi ako maghihinala. Ang totoo, hindi ko na talaga alam ang paniniwalaan ko. Sa ngayon ay ang mahalaga muna sa akin ay ang kaligtasan namin ng anak ko. 


"We're here with Aki. Is there anything missing?" Humakbang siya palapit sa akin. "Or you don't want to be with me anymore? Did you change your mind about giving me another chance?"


Ayokong deretsahin siya dahil baka gawin niya ulit ang kanyang paglalagay ng posas sa akin noon, kaya nagpaligoy-ligoy ako. "Hindi naman talaga dapat tayo nagsasama, di ba? H-hindi pa tayo kasal. K-kaya, sana doon muna kami ulit sa apartment sa Taytay, Rizal. Tapos, dalaw-dalaw ka na lang doon ulit..."


"Is that all you're worried about that's why you don't want to stay here with me? Then, let's get married."


"Hindi lang iyon!" Napataas na ang boses ko.


Nagsalubong ang mga kilay niya.


Umiiwas ako sa kanya noong nakaraan dahil natatakot akong marinig ang sasabihin niya, totoo man o kasinungalingan. Pero ngayon ay naiintindihan ko nang mas takot ako relasyong puro sekreto.


"Marami pa akong hindi alam tungkol sa 'yo. Marami ka pang hindi ipinapaliwanag at sinasabi sa akin."


Tumaas ang kamay niya papunta sa balikat ko. Tila ako napaso at nakuryente sa init na dala ng palad niya kaya ako napalayo. "Ingrid..." Gumuhit ang kirot sa maganda niyang mga mata.


"Sorry, Ala. Mahirap kasi magpadalos-dalos, di ba? Sana maintindihan mo. Kahit kilalang-kilala mo na ako, hindi pa kita ganoon kakilala." Napayuko ako. "Ni hindi ko pa kilala ang mga magulang mo."


"But you love me."


"H-hindi sapat na mahal kita..."


Akala ko talaga ay sapat na. Naniniwala na nga ako na hindi niya kami magagawang saktan ni Aki, kahit pa ang dami ko nang nakitang ebidensiya na puwede siyang mawala sa sarili niya. Handa na akong magtiwala ulit sa salita niya, sumugal ulit para makasama namin siya, para sa buong pamilya. Kaya lang, sa bago kong nalaman, parang sinampal ako ng katotohanan. Na hindi talaga sapat ang pagmamahal lang.



BINIGYAN AKO NG SPACE NI ALAMID. Space nga lang, pero never niyang in-entertain ang pakiusap ko na pauwiin muna kami ni Aki sa apartment. Nanahimik na lang ako, dahil kahit magwala ako, hindi rin naman kami basta-basta makakatakas sa kanya. Ayaw ko ring makakita si Aki ng karahasan, kaya pag-iisipan ko muna ang susunod na hakbang. 


"Aki, labas na."


"Pow?" Patakbong lumabas ng banyo si Aki. Pagkakain ng hapunan ay diretso agad ito sa CR. Ang dami kasing kinain.


"'Lika na sa itaas. Matulog na, gabi na!"


"Owki." Nanguna ng manakbo paakyat ng hagdan si Aki.


Aakyat na rin sana ako nang may kumatok sa pinto. Nakakapagtaka lang dahil may mga guard naman sa labas, nakakapasok naman agad ang mga ito dito sa bahay. "Sandali." Hinagilap ko ang lock ng pinto.


Isang babaeng naka-jacket na kulay itim, nakasuot ng fitted jeans at lady converse ang napagbuksan ko. Blonde ito at may maliit na mukha. Siguro'y nasa late twenties and edad. Kahit simple ang itsura ay nangingibabaw ang pagiging sopistikada.


Magalang ko siyang tinanong, "Hi. Sino ho sila?"


Ngumiti siya sanhi para makita ko ang puting-puti niyang mga ngipin. "I'm Benilde."


Saan ko nga ba narinig ang pangalang iyon?


Saka anong oras na para sa isang bisita? At bakit tuloy-tuloy siya rito? Bakit hindi siya dumaan sa mga guwardiya? O baka kilala siya ng mga guwardiya kaya wala na siyang escort papunta rito?


"I'm looking for Wolfie."


"Ah, si Ala?"


"Yup!" Nagliwanag ang mukha niya. "Is he here?"


Alanganin akong tumango. Meron akong kutob na hindi maganda. Ayoko namang isiping nagseselos ako. Wala akong panahon sa ganoong pakiramdam ngayon. At malay ko rin ba kung kamaganak ni Alamid ang babaeng ito.


"Oh my G! 'Glad to know that he's here. You know I've been looking for that guy since last month! I have an important thing to discuss with him, e."


Itim ang mga mata ng babae pero blonde ang alun-alon niyang buhok na nakalugay. Hindi naman mukhang peke ang blonde niya dahil sa maputi rin siya at may mga pekas siya sa leeg at mukha. Siguro ay half-foreigner siya.


"What are you doing here?" Matigas at malamig ang boses na nagpatingala sa amin ni Benilde papunta sa hagdan ng kabahayan.


Pababa si Alamid. Salubong ang mga kilay niya ngunit hindi kababakasan ng anumang emosyon ang kulay abong mga mata. Gayunpaman, may nakakatakot akong nadarama.


"Seriously?" Tumawa ang babaeng nagngangalang Benilde. "What's with that face, huh? I missed you! Come here and give me a hug."


"Go to your room, Ingrid. Isama mo si Aki."


"Nasa kuwarto na si Aki, hindi mo ba siya nakita?" Saan kaya siya galing at di niya alam na nasa kuwarto na si Aki?


"Wolfie, let's talk. Ang haba ng biyahe ko," anang babaeng blonde. Tumingin ito sa akin na parang sinasabing bakit hindi ko sinusunod ang utos ni Alamid na umalis.


Hindi ko nagustuhan iyon. Bukod kasi sa kakaibang kutob ko, may pakiramdam pa ako na pamilyar ang babaeng ito. "Can I stay?" sabi ko. "Okay lang naman siguro, Benilde?"


Tumaas ang kaliwang kilay ng babae. "We'll talk about business. Confidential iyon."


Are they business partners?


Seryoso ang mukha ni Benilde nang tingalain si Alamid. "You understand how sensitive and confidential the information we'll be discussing, right? I don't think this woman will be able to handle what she is about to hear, especially because you know that nothing, not even death, can stop me once I start talking."


Business details pa ba ang tinutukoy ng babaeng ito? Ganoon ba iyon ka-confidential? Sa nakikita kong pagdaan ng talim sa mga mata ni Alamid, ay lalo tuloy na ayaw kong umalis. 


Tumigas ang anyo ko. "It's okay. Hindi ako iba. I'm his fiancée."


Napa-"Oh" si Benilde nang wala man lang emosyon. Nakakairita kasi bakit parang wala lang? 


"We can talk tomorrow, Bennie," sabat ni Alamid.


Bennie? Kusang umarko ang kaliwang kilay ko.


"Sure." Tumingin sa itaas ng mansiyon si Benilde. "I'll choose my room muna." Hindi na nito hinintay na sumagot si Alamid, basta na lamang itong umakyat sa hagdan na para bang kabisado nito ang buong bahay.


Bago tuluyang mawala sa paningin namin ay dumungaw pa ito sa railings ng hagdan. Matamis itong nakangiti. "Oh, by the way, I appreciate the hospitality, Wolfie. It's really a wise idea to be accomodating to a friend and a business partner you haven't seen in a long time."


"Sino iyon?" sita ko kay Alamid nang kami na lang dalawa. Kung ititira niya kasi kami rito ni Aki, may karapatan naman siguro ako na malaman kung sino ang makakasama namin dito, di ba?


Blangko pa rin sa emosyon ang mga mata niya ng tumingin siya sa akin. "A friend."


"Friend?"


Inakbayan niya ako. "Let's go to our room."


Napansin ko na nangingiti ang mga labi niya kaya siniko ko siya. "Bakit ka ngumingiti? Anong nakakatawa?!"


Tumaas-baba ang mga kilay niya. "Because I'm happy? You said you're my fiancée."


Itinulak ko siya palayo. "Sinabi ko lang iyon kasi gusto niya akong paalisin."


"You're jealous." Lalong lumawak ang pagkakangiti niya.


"Hindi!"


Muli niya akong kinabig palapit at inakbayan. "You don't have to be jealous, my love. Rest assured that my heart only belongs to you."


Nauna na akong pumasok sa kuwarto ng makarating kami sa ikalawang palapag. Tulog na si Aki sa kama, nakatalukbong na ang bata ng comforter.


Palapit ako sa kama ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. "Ala..."


"Let me taste my fiancée." Inilingon niya ako sa kanya saka niya inangkin ang mga labi ko.


His tongue slipped into my mouth. His hands slid down my back, kneading the soft flesh of my ass cheeks. Bahagya ko siyang itinulak.


"Ala, matulog na tayo," hirap na sambit ko. Bago pa siya makatutol ay nahiga na ako sa tabi ni Aki.


Nagpakawala siya nang malalim na paghinga saka pumunta sa kabilang bahagi ng kama. Pinatay niya ang lamp shade saka naghubad ng suot na t-shirt.


Isang lamp shade na lang ang natitirang liwanag sa buong kuwarto kaya inabot ko ito at pinatay na rin. Bumaha ang kadiliman sa paligid. Tatagilid na sana ulit ako nang biglang may dumagan sa akin.


Nakulong sa mainit na palad niya ang impit kong sigaw. Tinakpan niya ng kamay niya ang bibig ko.


"It's me, love." His other hand hungrily roamed my body and came up to cup my left breast.


"Alamid..." Sinalubong ko ang namumungay na mga titig niya sa dilim.


"Let's stay like this, Ingrid. Please?" May pagsusumamo sa paos na boses niya.


Marahan akong tumango. Niyakap niya ako at hindi na umalis sa tabi ko. Sa likod naman ay si Aki. Hindi man ako nakaposas ay hawak-hawak niya naman ang isang kamay ko at hindi binitiwan sa buong magdamag.


At dahil sa antok at pagod, hindi ko na sigurado kung may pumasok bang ibang tao sa loob ng kuwarto o baka namamalik-mata lamang ako.


Ang huli ko lang na natatandaan ay huminto ang anino sa tabi ni Alamid at tumabi rito.


JF

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top