Chapter 20

Chapter 20


"LOVE, PLEASE LET ME IN."


Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Wolf. Pumasok ako sa kuwarto dahil nagsisikip ang dibdib ko. Mahigit isang oras na ako rito nang katukin niya ang pinto. Alumpihit akong lumapit sa pinto at pinagbuksan siya. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Wolf.


"Is something the matter, love?"


Nag-iwas ako ng tingin. "Anong ginagawa ni Aki?"


"He's okay now. Pinakain ko na siya ng ice cream."


Napalunok ako. "Nasaan siya?"


"He's okay now, 'wag ka ng mag-alala. Nakina Totoy na siya ngayon, naglalaro sila ng PS4."


"Nandoon si Ate Helen?"


"I don't know. Why?"


"Wala. Pasok ka." Hinila ko siya papasok sa loob ng kuwarto.


Naupo ako sa gilid ng kama habang nakatingala sa kanya. Nakakunot ang noo ni Wolf dahil siguro nagtataka siya kung bakit madilim ang paligid. Lamp shade lang ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto. Hapon palang pero madilim na ang buong kuwarto, hindi ko kasi binuksan ang mga bintana, at hindi ko pinagkaabalahang hawiin ang mga kurtina kahit kaninang umaga.


"Kumain ka na ba?" mahinang tanong ko sa kanya.


Tumingin siya sa akin. Natigilan siya nang makitang nakatali ang buhok ko. Wala akong ipinahid na concealer sa kaliwang bahagi ng leeg ko kaya kitang-kita ang bar code na naka-tattoo dito. Kahit bahagyang madilim ay nakita ko ang pamumutla ni Wolf.  


Matagal siyang nakatulala sa akin bago bumuka ang mga labi niya. "What did he tell you?"


Matipid akong ngumiti sa kanya. "Nothing that I shouldn't know."


Ang mataas at matigas na awra sa paligid niya ay biglang nabasag. Tila siya nanghihinang napakapit sa door knob ng pinto.


"Do you hate me?" Hindi siya makatingin sa akin.


"Nagpanggap ka na ibang tao, gayung simula palang, kilala mo na ako," mapait kong saad. "Takut na takot ako na baka hindi mo matanggap si Aki, pero simula pa lang, alam mo na pala kung sino siya sa buhay ko."


"I used to be a free spirit, Ingrid. Wala akong pakialam kung ano ako, sino ako. Wala akong pakialam sa lahat, pero nagbago iyon dahil sa 'yo. Since you came into my life, everything has changed. And I want to be perfect for you."


"Hindi, Wolf..." Nangilid ang mga luha ko. "I don't need a perfect one, what I want is a real one."


"Ingrid..."


"Hindi perpekto ang hanap ko, ang gusto ko ay iyong totoo. Hindi iyong nagpapanggap lang kasi may itinatago. Bakit mo ako niloko? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo?"


"I didn't tell you because I was afraid that you will hate me." Tila siya hirap na hirap habang sinasalubong ang nanunumbat kong tingin.


"Paano ako magagalit sa taong mahal ko?"


Nanlalaki ang magagandang uri ng kulay abong mga mata niya sa akin.


"Mahal kita kaya hindi ko magawang magalit nang sobra."


Tulala pa rin siya kahit ng lapitan ko na siya. Inilapat ko ang nanlalamig kong mga palad sa matigas at mainit niyang dibdib. 


Hinaplos ko ang mamahaling tela ng suot niyang polo habang nakatingala ako sa kanya. "Please make love to me."


Umalon ang Adam's apple ni Wolf.


"Please, Wolf... angkinin mo ako."


"Ingrid..."


"Hindi mo na ako tinatawag na "love"," mapakla akong ngumiti. Hinaplos ko ang kanyang makinis na pisngi.


Agad niyang hinuli ang pulso ko. "Let's talk..."


"Ayoko. Ang gusto ko, gawin mo ang utos ko sa 'yo." Sinalubong ko ang naguguluhan niyang mga tingin. "Make love to me, Wolf."


Saglit lang na dumaan ang pag-aalinlangan sa kulay abo niyang mga mata. Mayamaya lang ay nagdingas na ang mga titig niya sa akin sanhi para mapaso ako.


Hinakawan niya ang pisngi ko saka siya tumungo para halikan ang mga labi ko. Kusang umangat ang mga kamay ko papunta sa matigas na balikat ni Wolf. Lumalim ang halik niya hanggang sa malunod ako.


Natigilan siya. "You're crying..."


Pinigilan ko siya nang akma siyang lalayo."Please, don't stop."


"Ingrid..." hirap na sambit niya.


"Please, call me "love". Mas gusto ko iyon... tawagin mo akong ganon ngayon. Please..."


His hand went to my back and cupped my butt. Napaungol ako ng hapitin niya ako upang iparamdam sa akin ang kahandaan niya. "I love you, Ingrid..."


Ang mga labi ni Wolf ay bumaba sa leeg ko at gumawa ng nakakapasong munting apoy sa ibabaw ng aking balat. Humihingal siya ng sandaling humiwalay sa katawan ko.


"Let me undress you," may hingal sa boses na anas niya sa punong tainga ko.


Tumango ako. Wolf's expert hands managed to get rid of my loose shirts, and panties in seconds. Pati ang polo na suot niya ay bumagsak na rin sa sahig. He took the nipple of my right breast between his lips and licked it while his hand tweaked with my other nipple. Para akong lalagnatin. Tinangay ng init ang lahat ng bumabagabag sa akin.


Inihiga niya ako sa kama saka niya hinubad ang pantalon at ang suot niyang briefs. Tumabi siya sa akin at muling inangkin ang mga labi ko.  "Wolf..." Yumakap ako nang mahigpit sa kanya.


"I am the only one who can make love to you." Nagliliyab ang mga bata niya ng pumuwesto siya sa ibabaw ko. "You're only mine, Ingrid. You're mine."


Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag-iisa ng mga katawan namin. Kagat ko ang aking ibabang labi habang umuulos siya sa loob ko.


"I love you..." sambit niya.


He pushed himself deeper inside me. Hinalik-halikan ni Wolf ang gilid ng mukha ko. Ang isang palad niya ay nasa ulo ko biglang suporta sa bawat pagkilos niya.


Siniil niya ako ng halik at itinaas ang mga binti ko sa balikat niya.


Bumilis ang pagkilos niya sa ibabaw ko. Ang mga hita ko ay unti-unting namanhid at nanginig ang aking balakang. Lalong bumigat sa pagkakadagan sa akin si Wolf. Pariin nang pariin ang bawat baon niya.


"Uh, Ingrid!" Nakapikit siya nang mariin habang nagtatagis ang kanyang mga ngipin.


Nakatingin ako sa kanya habang tinatanggap ko siya. Ang maiitim at makakapal niyang kilay, ang mahahabang pilik-mata, ang perpekto at matangos na ilong, ang mamula-mulang mga labi... maging ang butil ng pawis sa kanyang noo ay walang kasing perpekto.


Kaya ko bang kalimutan siya?


Ayokong kumurap dahil ayaw kong malingat. Gusto kong ibaon sa alaala ko ang mga nakikita ko. Lahat ng reaksyon ng napakaguwapo niyang mukha ay gusto kong makita. Kung gaano siya nasasarapan sa ginagawa namin. Kung gaano siya mapaalulong sa bawat paghugot niya ng paghinga.


"Oh, shit!" mura niya habang nakatingin sa ibabang bahagi ng aming katawan. Pinanood niya ang pagpasok niya sa akin.


"Wolf..." Nanghihinang napabitiw ako sa kanya. "Tama na..."


Tumitig siya sa mga mata ko. "No. I'm going to make you come again."


Tinupad nga niya. Ilang saglit lang ay parang mangingisay na naman ang balakang ko. Hinila ko siya at yumapos ako sa kanyang leeg. "Wolf!"


Sinalubong ko siya. Alam ko na matatapos na. Matatapos na kami ngayon, and I want to treasure this moment with him. Our bodies smushed together, moving rhythmically in unison, until we both reached our hot climax.


"Ingrid... oh, Ingrid. Mahal kita..." Humihingal na sumubsob siya sa gitna ng dibdib ko.


Mahal din kita, Wolf. Pero sa isip ko na lang iyon nasabi sa kanya.



NAKATIHAYA ako sa ibabaw ng kama. Nakabalot sa kahubaran ko ang kumot na si Wolf ang nagtakip sa akin. Nasa tabi ko siya, nakasuot na sa kanya ang pants niya pero hindi pa maayos ang pagkakasuot ng kanyang belt, at nasa kandungan niya ang kanyang polo.


"Can we talk now?" mababa ang boses na tanong niya sa akin.


Bumangon ako at inabot sa sahig ang loose cotton shirt na suot ko kanina, hanggang sa kalahati ng hita ko ang haba nito. Isinuot ko iyon saka ko inayos ang nagusot kong buhok. Nang tumingin ako sa kanya ay pinapanood niya pala ako.


"Pwede bang 'wag ka na munang babalik."


"What?" Napatda siya.


"'Wag ka na munang magpapakita sa akin. Sa amin ni Aki."


Matagal siya bago nagsalita. "Gaano katagal?" malat ang tinig niya.


Tinatagan ko ang boses ko para hindi ito mabasag. Sinalubong ko ang kulay abo niyang mga mata. "Hanggang sa makalimutan ka na namin."


"Don't do this to me."


"Umalis ka na..."


Kinagat niya ang pang-ibabang labi at kinusot ang mga mata. "I don't wanna say good-bye to you, Ingrid. Please, don't do this to me. I'm begging you."


"I'm begging you, too. Gusto ko nang kalimutan ang lahat ng ito." At iyong kanina, huling alaala bago ko tuluyang kalimutan siya...


Ganoon na lang ang paguhit ng kirot sa mga mata niya. 


"Wolf, hindi mo ba ako naiintindihan?" kulang sa lakas na tanong ko. "Kaya kitang patawarin, pero hindi ko kayang makalimot."


"Why does it have to end, Ingrid? You told me that no matter what happens, you will never leave me."


"Umalis ka na, Wolf," utos ko sa kanya. Kailangan niya nang umalis habang kaya ko pa siyang pakawalan. Mahal ko siya pero hindi sa lahat ng oras ay sapat iyong pagmamahal lang. Hindi porke't mahal mo ay iki-keep mo. May lamat sa pagitan namin at hindi iyon basta mabubura. Lalong hindi agad-agad.


Hindi ko na kayang magtiwala, hindi ko na kayang sumugal, at nakikita ko rin sa kanya na wala siyang balak na sabihin sa akin lahat-lahat. Ayoko ng relasyon na ganoon. I don't want our relationship to continue knowing we are both like this, because we will only become toxic eventually.


"But you and Aki are my home, Ingrid." Tuluyan ng nabasag ang boses ni Wolf.


"Hindi na ngayon."


Hindi na siya nagsalita pa. Nanatili siyang nakatungo. Hindi siya nakatingin sa akin pero ramdam ko ang bigat ng dinadala niya. Sinubukan ko siyang abutin pero tumalikod na siya patungo sa pinto.


Nang lumingon siya sa akin ay tuluyan akong nabasag ng makitang umiiyak na pala siya.


"Wolf, I'm sorry..." because this is the best option for us right now.


"You just broke my heart." Tumango siya saka lumabas na ng pinto.


JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top