Chapter 2
Chapter 2
"BABALIKAN KITA."
May narinig akong ring tone pagkatapos ay dumampi sa noo ko ang mainit na mga labi ng lalaki na hindi ko maaninag ang mukha. Maliban sa matangos nitong ilong.
"'Got to go." Baritono ang tinig nito. Malalim, malamig at buong-buo.
Napakurap ako ng tumama ang liwanag sa aking mga mata. Kaya pala, nawala na pala ang matangkad na lalaki na humarang sa sikat ng araw kanina.
"Ingrid, are you okay?"
Isang boses ng babae ang gumising sa diwa ko. Napakurap ako sabay ng pagkabitaw ko sa isang tangkay na rosas sa lupa. "Macey?"
"Yes, Inggy!" Hindi niya napansin ang rosas na nahulog sa paanan namin.
Ilang minuto ba akong natulala at hindi ko siya namalayang dumating?
"Ayun iyong service ko! Huminto kami kasi nakita kita." Nasa tapat ng kalsada ang kulay pulang brand new BMW. Service niya iyon.
Lumingap ako sa paligid. Walang katao-tao kundi kaming dalawa lamang ng dati kong classmate na si Macey Ela Sandoval. Ahead na siya sa akin ng antas ngayon. Hindi ko na kasi siya kaklase dahil nga nag-stop ako last year ng pag-aaral.
"Bakit ka pala nakatulala rito?" Ngumisi siya. "Come on, sabay ka na sa akin. Mag-start na ang flag ceremony." Hinila niya ako sa kamay.
Nagpatianod ako sa kanya ngunit malikot ang mga mata ko. May hinahanap ako.
Nasaan na siya?
Bakit bigla siyang nawala?
Wala sa loob na hinawakan ko ang noo ko. Pakiramdam ko kasi ay naroon pa rin ang init na dulot ng magaang halik ng lalaking iyon kanina. Nasa kamay ko pa rin ang note niya.
"Hoy, okay ka lang ba talaga?" tanong ni Macey ng nakaupo na kami sa backseat ng service niya. "Saka ano bang ginagawa mo ron sa tabi ng kalsada? Para kang nasisiraan ng bait don, nakakatawa ka."
"W-wala... para kasing may nakita lang ako." Pasimple kong itinago sa bulsa ng suot kong palda ang maliit na note. Baka kasi usisain pa iyon ni Macey.
"Nakakita ka ba ng alien?" namilog ang mga mata niya.
"Macey, hindi totoo ang alien." Tiningnan ko siya. Ang ganda-ganda niya pero aning-aning.
Apo si Macey ng presidente ng bansa at kasalukuyang nakatira rito ngayon sa bayan ng Dalisay dahil nagbubulakbol daw siya sa Maynila. Mabait naman si Macey, kaibigan ko siya. May pagka-weird lang talaga siya kaya siguro may ilang tao na hindi makaunawa sa kanya.
Kagaya ngayon, idinidikdik niya na merong alien kahit wala naman. Ito ang paborito niyang topic, tungkol sa alien.
"Totoo ang alien, Ingrid! Wag mo akong kontrahin kung gusto mong maging friends pa rin tayo." Lalo siyang ngumiti. Lumabas ang maganda niyang mga ngipin. "So anong itsura ng nakita mong alien?"
Nagkibit-balikat ako. Totoo nga kaya ang alien? Iyong lalaki ba kanina ay isa ring alien?
Napailing ako. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko.
Hindi na ako bata katulad ni Macey. Kung tutuusin, hindi na talaga kami magka-level. May nangyari sa akin na nag-alis ng pagkabata ko. Sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan ko ng magmature at kalimutan ang mga pantasya sa mundo.
"Nakakita na ako ng alien." Mayamaya ay kwento niya. "Nasa paligid lang natin sila, nagmamatyag. Nakikiramdam."
Nakikinig lang ako kay Macey. Ayaw niya kasi na sinasalungat siya. Saka ano bang mapapala ko kung makikipagtalo ako sa isang tao na ayaw magpatalo?
"Mga spy sila. Nagpapanggap lang silang katulad natin, gusto kasi nilang makakuha ng impormasyon kung paano nila masasakop ang mundo."
"May kilala ka bang alien?" Sakay ko sa kanya.
"Iyong kapatid kong si PL, alien iyon." Tumawa na naman siya. "Tapos kilala mo si Rogue Saavedra? Alien din iyon! Alien na OC!"
"Okay..."
Nagulat ako ng bigla niyang tadyakan ang likod ng upuan ng driver. "Itong driver ko, alien din 'to! Manong, alien ka di ba?"
"Hija, wag mong tadyakan yan, makakagalitan ka na naman ng mommy mo, e!" Reklamo ni Mang Pusoy, ang driver ni Macey.
Bumungisngis lang si Macey saka humilig sa balikat ko. "Pagtanda ko, mag-aasawa ako ng alien."
"Sige, abay ako."
...
A.W.
Sino ka ba talaga?
Itinago ko sa aparador ang maliit na note. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang hinahaplos ko ng palad ang aking leeg. Burado na ang concealer na inilagay ko ron kaya malinaw na ulit ang kulay itim na bar code sa balat ko.
Kanina pa ako hindi mapakali. Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog kahit pagod ako mula sa eskwela.
Napatingin ako sa bunso kong kapatid na si Aki. Gising pa rin ang batang lalaki, naglalaro sa loob ng crib. Tumalbog ang matambok na pisngi ng batang lalaki dahil sa pag-alon ng ulo sa kakangatngat sa hawak na laruan.
Alien kaya si Aki?
Napailing ako. Bakit naman siya magiging alien? Uytengsu siya. Intsik ang lahi niya kahit hindi siya singkit.
Nilapitan ko ang bata at pinagmasdan ang ginagawa niya. Dito siya sa kuwarto ko natutulog, minsan sa crib niya, madalas ay sa tabi ko. Ako ang nagpangalan sa kanya. Aki plus hero. Para kasi sa akin ay siya ang tagapagligtas ko. Si Mommy na lang ang nakaisip na gawing 'hiro' ang spelling ng karugtong niyang pangalan kaya nauwi sa Akihiro.
"Hello, bunso!"
Hindi niya ako pinansin. Tuloy siya sa pagngatngat ng laruan na hawak-hawak. Tumutulo ang laway mula sa mapulang labi ng bata.
"Bat ba hindi ka pa natutulog, Aki..." inabot ko siya at hinaplos ang kanyang ulo. "Paano ka lalaki kung tamad kang matulog?"
Kapansin-pansin ang matangos niyang ilong kahit pa baby pa siya. Maging ang kulay ng mga mata ni Aki ay unti-unting nagiging kulay abo.
Hindi ako magsasawang pagmasdan ang maamo niyang mukha. Nang lumingon siya sa akin at ngumiti ay tila may humaplos na mainit na kamay sa puso ko.
Ginantihan ko siya ng ngiti. "Mahal na mahal kita, baby."
...
"ANO gagawin natin? Lugi na ating negosyo." Mahinang-mahina ang boses na naririnig ko mula sa kusina.
"Hindi ko alam, ang inaalala ko ay ang mga bata, Ong."
"'Di ko alam ano nangyari pamilya naten. Bakit ba tayo nagkaganito? Ano ba mali desisyon ko?"
"Wala, Ong... wala..."
Pinahid ko ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko. Alas-tres ng madaling araw ng bumangon ako para uminom sana ng tubig sa kusina, pero hindi na ako tumuloy ng makita kong naroon sila Mommy at Daddy.
"Usap ko na lang kaya kuya ko, utang ako pera."
"Kailan tayo luluwas? Sasamahan kita, Ong."
Marahan akong humakbang pabalik sa hagdan. Ayaw ko na malaman nila na narinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Ayaw na ayaw ni Daddy ng may nakikinig sa kanila. Alam ko na idinadaan niya lang sa init ng ulo ang lahat ngunit mahal niya kami, pino-protektahan niya lamang kami.
Pabalik na ako sa kuwarto ng mapansin ko na may anino na dumaan sa main door ng bahay. Muli kong nilingon ang daan papunta sa kusina, naroon pa rin sila Mommy at Daddy.
"Mommy!" Napatili ako ng may isa pang anino na nanakbo patungo sa kinatatayuan ko.
Hinila ako nito at ng tingalain ko ay isa itong malaking lalaki na nakabonet at tanging mga mata lang ang makikita.
"Ingrid!" Napalabas ng kusina si Daddy, ngunit bago pa siya makalapit ay nasakal na siya ng isa pang malaking lalaki na nakabonet din. Tinutukan nito ng baril si Daddy.
Kinaladkad ako ng may hawak sa akin at isinalya sa carpeted na sahig.
"Wag! Wag ang anak ko!" iyak ni Mommy. May nakahawak din sa kanya na dalawang lalaki. Iginapos siya ng mga ito at dinala sila ni Daddy pabalik sa kusina. Binusalan sila sa bibig ng mga ito.
"P-parang awa niyo na..." pagsusumamo ko sa lalaking nakadagan sa akin. "Wag niyong saktan ang mga magulang ko!"
"Bat kami maaawa? Pagnanakawan namin kayo, lulubusin na namin!" Pagkasabi'y pinunit nito ang ibabaw ng suot kong pantulog.
Napahagulhol ako ng hilahin niya ang damit ko pahubad sa katawan ko.
"Ang ganda niyan, pare! Kapag talaga intsik, makinis!"
"Virgin pa 'to, pusta ko!" Inalis ng nakadagan sa akin ang bonet na suot. Lumantad tuloy sa akin ang nakakatakot nitong mukha. Tingin ko ay nasa kuwarenta na ang edad. Balbas-sarado ito, maiitim at tadtad ng tagiyawat.
Habang umiiyak ako ay nakatingin ako sa mukha ng balbas-saradong nakadagan sa akin, saka ko napansin ang mga mata nito. Namumula ang mga mata na tila lango sa ipinagba-bawal na gamot.
Bumalik sa alaala ko ang nangyari noon.
Noong nakidnap ako two years ago at na-rape ng isang lalaking hindi ko kilala, at ni hindi ko nakita ang mukha. Ang alam ko lang noon ay nasa ilalim din ng ipinagbabawal na gamot ang lalaking iyon.
He was threatened and drugged that was why he took me that night. Pero pagkatapos niyon, hindi niya na ako pinabayaan. He promised to take care of me and protect me.
Pero nasaan siya ngayon?!
A.W.
Napapikit ako nang mariin. Siya rin ang lalaking nagbigay ng note at sumagip sa akin kahapon.
Ang sabi niya ay babalik siya...
Ang sabi niya ay habang nabubuhay siya ay magiging ligtas ako.
Nahubad na ng nakadagan sa akin ang damit ko. Ang natitira ko na lamang saplot sa katawan ay ang dalawa kong panloob.
Pumalatak ito. "Akalain mo, kung gaano kaamo ang mukha ng babaeng 'to, ganon pala ka-wild!"
"May tattoo sa leeg at singit!" Tumawa ang isa pang lalaki. "Pwede ba sa high school ang ganto?"
"Pwede kung mayaman ka! Siguro sinusuhulan nila ang eskwelahan!"
"Sori na lang kayo, lilimasin na namin ang kayamanan niyo ngayong gabi!"
"W-wag maawa kayo..."
Isang sampal ang nagpayanig sa akin. "Manahimik kang puta ka! Hindi ka na siguro virgin!"
"P-parang awa niyo na..." tangis ko.
A.W. Kung nasaan ka man... tuparin mo ang sinabi mo nakikiusap ako...
Naghubad na ng suot na T-shirt ang lalaking nakadagan sa akin. Patungo na ito para sibasibin ako ng halik ng biglang itong mahinto. Tumilamsik sa leeg at dibdib ko ang mainit at malapot na likido na mula sa bibig nito.
Napatili ako ng malaman kung ano iyon. Dugo! Maraming dugo! Bumagsak ang walang buhay na lalaki sa aking tabi.
"Putangina! Sinong gumawa non?!" Sigaw ng isa pang lalaki sa harapan ko. Nakaluhod ito sa tabi ng namatay na kasama. Bago pa nito mabunot ang sukbit na baril sa tagiliran ay sumuka na rin ito ng dugo. Umuusok ang butas sa noo nito.
Nanlalabo man ang paningin ko sa dugo ng lalaki at sa sarili kong luha ay pinilit kong makabangon. Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng itim na T-shirt at faded jeans ang lumapit sa akin.
"S-sino ka..." saka ko napansin na may bitbit siya sa kanang braso niya.
Nanlaki ang mga mata ko ng kumawag ang batang lalaki na tila kakagising lang.
"Aki!" Napahagulhol ako ng makitang ligtas ito!
Ibinigay niya sa akin si Aki saka siya muling tumayo at naglakad papunta sa kusina. Sa kaliwang kamay niya ay may hawak siyang baril na may revolver. Umuusok pa ang dulo niyon, tanda na kakagamit pa lamang.
"S-sandali!"
Huminto siya ngunit hindi lumingon. "Call the police." Mababa ang tono na sabi niya.
Wala na siya sa paningin ko pero tulala pa rin ako habang yakap-yakap ko si Aki. Mayamaya ay nakarinig ako ng apat na magkakasunod na putok.
Tumili si Aki at pumalakpak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Napatingin ako sa telepono na nasa tabi namin.
Call the police... umalingawngaw sa isip ko ang sinabi niya kaya agad kong inabot ang phone. Magda-dial na ako ng bigla akong may marealize. Natigilan ako.
Ang boses na iyon, hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ako pwedeng magkamali, siya si AW! Hindi niya ako binigo!
JAMILLEFUMAH
@JFstories
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top