Chapter 18

Chapter 18


"SANDALI LANG!"

"Why?" Nahinto siya sa paghakbang. Karga-karga niya pa rin ako, in a bridal-style, parang ang gaan ko kasi chill lang siya. Parang wala siyang karga-karga.

"Wolf, ibaba mo ako, please," pakiusap ko sa kanya.

"No." Mariing sabi niya.

"Ibaba mo na ako, sandali lang, o."

Pero seryoso siya, hindi mabali ang pasya. "I'm going to marry you tonight, Ingrid."

"Wolf, gabi na, bukas na lang!"

"But I want to marry you tonight!"

Nagpanic ako ng humakbang na siya ulit papunta sa pinto. "I mean saglit lang, gabi na, pag-usapan muna natin 'to."

"I don't wanna waste time, Ingrid." Itinulak niya ang pinto pabukas gamit ang isang paa niya.

Agad akong kumapit sa hamba ng pintuan. "Wolf, sandali lang sabi!"

"Ingrid!"

"Sandali, please! Mag-usap muna tayo!"

Kung sa ibang pagkakataon, baka ako pa ang manakbo palabas. Pero itong mga oras na ito, kailangan pa naming mag-usap. Naguguluhan ako. Parang sasabog ang utak ko ngayon. Hindi kaya ng puso ko kahit pa mahal na mahal ko siya.

May problema pa. May bagong problema. Marami pang tanong. Marami pang gumugulo sa isip ko. Ayokong magpakasal na hindi sigurado. Ayoko ring isubo sa alanganin si Wolf.

"Mag-usap muna tayo, Wolf. Wag pabigla-bigla please—"

"I love you! You said yes to my proposal last night because you love me, too!" Salubong na salubong ang makakapal niyang kilay at nagtatagis ang mga ngipin niya.

"Oo, pero saglit please! Ibaba mo ako, nai-stress ako, mabibinat ako!"

Nang marinig niya ang word na "binat" at "stress" ay agad na nagbago ang mukha niya. Biglang umamo.

"Please, Wolf?"

"Fine." Kahit labag sa loob ay ibinaba niya ako sa sofa.

Biglang may tumadyak sa screen door. Pumasok si Aki. "Ano gawa niyo?" Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Wolf.

Nginitian ni Wolf ang bata. "I'm going to marry her."

Namilog ang mga mata ni Aki. "Ako rin!"

"Aki, papakasalan ko si Ingrid. I need your blessing."

"Hala pano 'yon?"

"We're going to be a family."

Natahimik ang bubwit.

Humawak ako sa braso ni Wolf. "Please, mag-usap muna tayo..."

"Babalik ako bukas. Magpahinga ka na muna." Binuhat niya muli ako at dinala pabalik sa kuwarto. Nakabuntot sa amin si Aki.

Pinalitan ni Wolf ng pangtulog si Aki saka itinabi sa akin. nagharang siya ng unan sa pagitan namin ni Aki para hindi ko mahawaan ang bata.

"Aki, may sasabihin ako sa 'yo." Hinarap niya si Aki na naupo ulit matapos niyang ihiga sa kama.

Tila na-excite si Aki. "Ano?!"

"Can we talk? Lalaki sa lalaki?"

Curious na nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

"Can you make a promise?"

Tumango kay Wolf ang paslit.

"Once you made a promise, dapat tuparin mo iyon kahit ano pa man ang mangyari. "

Tumango ulit si Aki.

"Now, I want you to promise me this."

"Ano nga, kulit!"

Sumimangot si Wolf. "I want you to practice patience, Aki."

"Iyon ba?!"

"Hindi pa iyon. Pero gusto ko rin na pag-aralan mong pahabain ang pasensiya mo."

"Owki po. E anu na nga iyong lalaki sa lalaki na ipapromise ko nga?"

Nilingon ako ni Wolf. "I want you to promise me to stay with her and never leave her."

"Anu pa po?" Kumibot-kibot ang bibig ni Aki habang tatango-tango. Parang nagme-mental note, seryosong-seryoso.

"Please promise me that you will take care of Ingrid. You will look after her while I'm away. You will protect her for me. Can you do that?"

Itinaas ni Aki ang isang kamay. "Kering-keri!"

Natawa si Wolf. Ginusot niya ang buhok ni Aki. "Thank you, son."

"Welcome, Daddy!"

Hindi ko alam kung bakit, pero namalayan ko na lang na umiiyak na ako habang nakatingin sa kanilang dalawa.

...

ALAS DOS ng madaling araw ng makarinig ako ng kalabugan mula sa kabilang apartment. Napabangon ako bigla. Tila may mga tumitilapong gamit. Mga nababasag na pinggan at baso. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Nagkakagulo sa kabilang apartment. Dinig na dinig ko ang sigawan mula rito. Parang may kaaway si Ate Helen.

Binuksan ko ang pinto ng makarinig ako ng katok. Ang nabungaran ko ay ang magkapatid na Meryl at Totoy. Pareho pang nakapajama ang dalawa at tila bangag pa sa antok.

"Nag-aaway sila Mama at Papa," ani Meryl habang hila-hila ang bunsong kapatid.

"Ha?" Umuwi na ang asawa ni Ate Helen? Kailan pa?

"Ate, dito po muna kami sabi ni Mama."

Tinanguan ko si Meryl. "Pumasok na kayo sa kuwarto, tabihan niyo na lang si Aki sa kama."

Lumabas ako ng bahay dahil nagwo-worry ako kay Ate Helen. Dinig na dinig ang lagabog ng mga gamit nila, natatakot ako na baka sinasaktan siya ng asawa niya.

Ano kayang nangyayari? OFW ang asawa ni Ate Helen at alam ko'y matagal pa bago ito umuwi. Bakit naririto na ito ngayon? At ano ang pinag-aawayan nila?

"Walang hiya kang babae ka! Pati mga anak ko, dinamay mo sa kalokohan mo!"

"Sweetheart, makinig ka! Hindi kita niloloko!" hagulhol ni Ate Helen.

"Hindi mo ako niloloko?! E putangina mo! Huling-huli ka na! Tama ang mga nakarating na chismis sa akin, may lalaki ka!"

"Wala! Wala maniwala ka!"

"Kung wala, kanino galing ang mga gamit na ito?! Sino ang bumili ng lahat ng 'yan?! At sino ang pinsan na pinapatuloy mo rito?! Tangina ka, wala ka namang pinsang lalaki! Ni wala ka ngang kamag-anak bukod sa tiyuhin mong baog na nasa Leyte!"

Hindi ko na natuloy ang pagkatok ko sa pinto dahil sa mga narinig ko. Tulala akong umatras habang gulong-gulo ang isip ko. 

Hindi pinsan ni Ate Helen si Wolf!

...

WALANG IMIK si Ate Helen ng sinundo niya sa akin ang mga anak niya kinabukasan.

"Ate Helen..."

"Pasensiya ka na, Ingrid." Iyon lang ang isinagot niya sa lahat ng tanong ko.

Sino ba talaga si Wolf? Bakit nagpanggap silang magpinsan? Ano ang dahilan?

Tumunog ang screen door, akala ko bumalik si Ate Helen kaya lumingon agad ako.

"Ikaw?"

Hindi si Ate Helen ang pumasok sa loob ng sala.

"Anong ginagawa mo rito?" Gumapang ang nginig sa katawan ko ng ngumiti ang matangkad na lalaki sa akin.

"There are two sides of Wolf; the side he shows you and the one that he don't want you to figure out. Not yet." Namulsa si Acid.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Hindi na siya sumagot pa.

Nagimbal ako sa realisasyon. "Hindi ikaw iyong lalaking iyon."

Nginisihan niya ako. "What made you think that?"

"Hindi ikaw ang tatay ni Aki!" Nanginginig na sigaw ko sa kanya.

Nanigas ang mga kalamnan ko. Kusang bumukas ang bibig ko at kusang kumawala ang tanong na hindi ko alam kung paano ko nagawang isatinig. "Siya ba?"

Nakatingin lang sa akin si Acid.

"Sumagot ka, siya ba?"

Nang hindi sumagot si Acid nanghina ang mga tuhod ko. Pakiramdam ko'y sa isang iglap ay naubos ang lakas ko. Nalugmok na sa sahig habang nanginginig ang buong katawan ko.

"Si Wolf ba?!" Pahiyaw na tanong ko. Gusto kong marinig!

Ngumisi sa akin si Acid. "Who the hell else?"

Napahagulhol na ako sa mga palad ko. Ang tanga-tanga ko! Ni hindi ko man lang nahalata na all this time pinasasakay at niloloko niya lang ako!

JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top