Chapter 16

Chapter 16

"I'M BEGGING YOU, PLEASE MARRY ME."


I'm completely lost at the moment. Lumuluha ako habang nakatingin sa kanya at sa singsing.


"Mahal na mahal kita, please, have mercy on me. Marry me, Ingrid. Be my wife."


Nasa mamahaling restaurant kaming dalawa ni Wolf. Perpekto ang paligid mula sa magandang tugtog, mamahaling mga pagkain, romantikong pagkakaayos ng mga mesa at upuan maging ang magagarang chandelier at mga kandila.


Napalunok ako habang nakatingin sa singsing na hawak-hawak niya. Mas makinang pa iyon sa bituin.


Lumuluha akong tumango. "Oo..."


Namasa ang kulay abo niyang mga mata. Pumikit siya at ng muling dumilat ay nakangiti na ang mapula niyang mga labi. Isinuot niya sa akin ang singsing at paulit-ulit na hinalikan ang likuran ng palad ko.


"You won't regret this, my love."


Si Wolf na rin ang nagpunas ng mga luha ko. At ngayong gabi, ibang Wolf ang nakasama ko.


Isang Wolf na puno ng buhay at pag-ibig. Sinusubukan niyang magbiro, patawanin ako. Nag-research pa nga ata siya ng mga jokes sa Internet just to make me laugh. At naaappreciate ko lahat.


Ramdam ko na gusto niyang maging perpekto para sa akin, pero hindi na kailangan. Para sa akin, sapat na kung ano siya. At gagawin ko rin ang lahat para maging masaya siya.


Naging masagana ang dinner namin. At bigla ay parang paborito ko na ang Italian food. Masayang-masaya ako, hindi ko akalain na mararanasan ko pa ang ganito. Pakiramdam ko, sa isang iglap naging kompleto ako.


Nang yayain niya akong sumayaw ay tumango ako. Nakalapat ang mga palad ko sa matigas niyang dibdib habang ang mga kamay ni Wolf ay nasa bewang ko.


♫ ♫
You and I, cannot hide
The love we feel inside
The words we need to say
I feel that I
Have always walked alone
But now that you're here with me
There'll always be a place that I can go... ♬


Sumandig ako sa dibdib niya at dinig ko ang tibok ng puso niya.


Yumakap ako kay Wolf. "Salamat dumating ka sa buhay ko. Sa buhay namin ni Aki."


Hinalikan niya ako sa buhok habang mahina niyang sinasabayan ang kanta. And Wolf can sing! Bakit ba napakaswerte ko?


♫♬♪
Suddenly our destiny
Has started to unfold
When you're next to me
I can see the greatest story
Love has ever told
Now my life is blessed with
The love of an angel
How can it be true?


Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. "Don't leave me, Ingrid."


"Hindi."


"Can you promise?" Tila siya batang humahanap ng assurance.


"Promise." Nginitian ko siya. "Nandito lang kami ni Aki para sa 'yo, Wolf."


Ngumiti na rin siya. "Thank you for lighting up my world."


"Hindi lang ako ilaw para sa 'yo. Magiging mundo mo rin ako, hindi kita iiwan hanggat kailangan mo ako."


Nakangiti siyang umiling. Hinalikan niya ako sa noo. "You're not just my world, you are my universe."


...


Yes, it's official. Lumabas kami ng mamahaling restaurant bilang engaged couple. Parang hindi matapos-tapos ang saya.


"I love you." Once again, he kissed my forehead.


Pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger's seat saka siya umikot at pumasok sa driver's seat.


"Shit." Bigla niyang sambit.


Nagtatakang napalingon ako kay Wolf. Pinatay niya ulit ang engine.


"Stay here." Pagkasabi'y umibis siya ng sasakyan.


Nakasunod ako ng tingin sa kanya habang naglalakad siya papunta sa kinapaparadahan ng kulay itim na Lambo. Mula sa loob ng mamahaling kotse ay bumaba rin ang isang lalaki.


Sino iyon?


Matangkad ang lalaki, halos magkasing taas silang dalawa ni Wolf. Mas maputi nga lang ito, at kaunti lang ang tattoo nito sa braso. Polo na kulay itim ang suot nito, nakatupi ang manggas hanggang siko.


Nagsalubong sila sa gitna. Hindi ko makita ang itsura ni Wolf, pero ang lalaking kaharap niya ay walang kaemo-emosyon ang perpektong mukha.


Katulad kay Wolf ay taglay nito ang pangahang mukha, matangos na aristokratong ilong, manipis at sensual na mapulang mga labi ngunit itim ang mga mata nito na katulad ng kulay ng gabi tuwing nakatago ang buwan sa mga ulap.


Dala ng curiosity ay pasimple akong umibis ng sasakyan ni Wolf.


"What the hell are you doing here, Acid?"


So, Acid is his name.


What a unique name. Parang kay Wolf lang din, kakaiba. Nakapamulsa sa suot na jeans ang lalaking nangngangalang Acid.


Dumilim ang anyo ni Wolf. "Why are you here?"


"Are you the only one who has the right to have dinner here? I had a business meeting here earlier."


"Cut that crap, Acid!" Napapitlag ako sa sigaw ni Wolf.


Ngumiti lang si Acid sa kanya. "So did it work? Does she love you now?"


Umigting ang panga ni Wolf. "Why not spend your fucking time on your crazy wife instead of minding my business!"


"She's gone, man."


Sandaling natigilan si Wolf. "What? Is she dead?"


"You can say that." Nagtagis ang mga ngipin ni Acid. "It was the blue eyed boy's fault. She killed my wife."


"It was an accident." Bumuga ng hangin si Wolf, ngunit madilim pa rin ang anyo. "He's just a kid."


Nagkibit-balikat si Acid. "Anyway, my wife is gone. And I am here for you, man."


Natigilan sila sa pag-uusap nang mapansin nila ako.


"Bakit ka lumabas?! Get inside the car, Ingrid," utos ni Wolf sa akin.


"No. Please stay," sabat ng lalaking nagngangalang Acid.


Natigilan ako sa paghakbang at napalingon sa kanila. Ano bang nangyayari? Sino ba kasi ang lalaking ito? At totoo bang pinatay ang asawa niya? Kaano-ano ba siya ni Wolf?


"Why don't you let her stay, brother?" Nakangiti siya nang nakakaloko kay Wolf.


Brother? Magkapatid ba sila?


Oo pareho silang guwapo, pero hindi naman sila magkamukha. Ni hindi magkakulay ang kanilang mga mata.


"Uh, no, dear." Tila nabasa ni Acid ang nasa isip ko. "We're just frat brothers." Pumormal na ang mukha niya.


"Sino ka?" tanong ko.


"Acid, my dear."


Alam ko, narinig ko na kanina ang pangalan niya.


"I am Acid Thunderwood."


"Ingrid, I told you to get inside the car," mariing sabi ni Wolf.


Ayoko. Gusto kong marinig ang sasabihin ni Acid.


"Matagal na kitang hinahanap." Lumapit sa akin si Acid at hinawakan ako sa magkabilang balikat.


Napatingala ako sa kanya. Bago siya humarang sa paningin ko ay nakita ko na ang pag-aapoy ng mga mata ni Wolf. Hindi bumilang ang segundo na may humiklas sa kanya papalayo sa akin.


Mabilis ang pangyayari. Bigla na lang tumilapon si Acid papunta sa semento. Putok ang bibig niya at duguan ang matangos niyang ilong. Sa harap ko ay nakatayo at nanlilisik ang mga mata ni Wolf.


"Don' you dare fucking touch her! She's mine!"


Natulala ako sa nakikitang galit sa kulay abong mga mata ni Wolf.


Si Acid naman na imbes magalit sa tinamong pinsala, ay nakuha pang ngumisi. Tumayo siya at namulsa na hindi alintana ang duguang ilong. "Really, man?"


Dinig ko ang paglagutok ng kamao ni Wolf.


"She's yours?" nakakalokong nakatingin si Acid sa kanya. "Then tell her now the truth."


"Shut up!" sigaw ni Wolf na pulang-pula na ang buong mukha.


"Don't be a coward. Kailan pa umurong ang bayag mo?"


"Wolf, a-ano bang nangyayari? Anong totoo ang sinasabi niya?" naguguluhang tanong ko.


"Ingrid, don't listen to him."


"Oh, come on, Wolf. You left the Red Note Society because of her. You love her and she deserves to know the truth."


"Wolf..."


"Get inside the car, Ingrid."


Hindi ako tuminag.


"I said get inside the car!" sigaw niya sa akin.


"Wolf, ano bang nangyayari..."


"Please?" Humina ang boses ni Wolf.


"P-pero..." Gusto ko nang umiyak. Ano bang totoo ang sinasabi ni Acid?!


Nilingon ako ni Wolf nang may pagsusumamo sa mga mata. "Please, love. Just be a good girl and get inside the car. Please..."


Nanghina ako sa pakiusap niya, pero ayaw pa ring kumilos ng mga paa ko mula sa aking pagkakatayo.


"I'll explain this later. Please, get inside the car-" naputol ang sinasabi ni Wolf nang magsalita si Acid.


"I'm your son's father, Ingrid."


Tigagal na napabaling ako kay Acid. "A-ano kamo?"


Hindi kababakasan ng pagbibiro ang mukha ni Acid. Seryosong nakatitig siya sa akin. Pakiramdam ko'y umikot ang paligid. At parang echo na lang sa panding ko ang sunod-sunod na pagmumura ni Wolf.


Ngumiti sa akin si Acid. "I'm the man in your dark past."


JAMILLE FUMAH

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top