Chapter 15
Chapter 15
"LET AKI CALL ME DADDY."
Hindi ako makapagsalita.
"Please?" kinuha niya ang kamay ko at pinisil.
Masyadong maaga, masyadong nakakabigla pero napatango ako. Hindi ko kayang humindi sa ganitong nangungusap ang nagsusumamong mga mata ni Wolf. Hindi ko siya kayang tanggihan.
Hindi ko yata siya kayang saktan.
"Thank you, Ingrid." Nang ngumiti siya ay saka ko nasabi sa sarili ko na siguro nga tama ang pasya ko.
...
"AKI, DI BA GUSTO MO NG DADDY?"
Hindi umimik ang paslit.
Kakauwi niya lang galing school at masama ang tingin niya sa amin ni Wolf. Parang hindi siya natutuwa na naabutan niyang naririto na naman ang boyfriend ko.
Oo, alam na ni Aki na boyfriend ko si Wolf. Wala naman siyang sinabi about don, pero ngayon, ewan ko kung bakit nakasimangot siya habang naghuhubad ng school shoes.
"Gusto mo bang magkaron ng tatawaging daddy?" ulit na tanong ko. Tinulungan ko siyang hubarin ang polo niya.
Wala pa rin siyang imik. Pinunasan ko siya ng pawis at pinalitan ng bagong sando. Umupo siya sa sofa at tumingin kay Wolf.
Alanganing tiningnan ko si Wolf na nakatingin din kay Aki. Para silang nag-uusap sa mata. Nagtatagisan ng titig.
"You can call him Daddy," basag ko sa katahimikan.
"Ayoko ng daddy na marami tattoo. Pangit!" Nakangusong sagot ni Aki.
Nag-alala naman ako na baka ma-offend si Wolf, pero parang wala lang naman sa kanya iyong sinabi ni Aki.
"Aki, bad 'yan, ha?" Pasimple kong kinutusan ang bata.
"Bakit ba siya may tattoo?!" Tumayo si Aki at namewang.
"Art 'yan, Aki. Saka hindi naman bad ang may tattoo, ano kuwan, pampapogi 'yan..." Napapangiwi ako sa sobrang kadesperadahan ko. Ayaw ko kasi na maubos ang pasensiya ni Wolf sa kanya.
Matagal na nanahimik si Aki. Nang tumingin siya sa akin ay nangingislap na ang mga mata niya. "Pwede din ba akong magpatattoo?"
"When you grow up," sagot ni Wolf.
Naupo ako sa sofa at hinila paupo sa tabi ko si Aki. "Aki, hindi naman porket okay lang ay gagawin mo na. Hindi lahat ng nakikita mo, dapat gayahin mo."
"Pero gusto ko magpattoo nga!"
"Tutusukin ka ng karayom, okay lang sa' yo?"
"E bakit siya!" Itinuro niya si Wolf.
"Ano kasi matapang siya."
"Matapang din ako!" sigaw niya sa mukha ko.
"Saka na, 'pag malaki ka na. Saka na natin pag-usapan ang pagpapa-tattoo mo, ha?"
Nilingon niya si Wolf. "Gusto ko ng dragon sa likod saka ng malaking snake sa braso ko!"
"All right," nakangiting tugon ni Wolf sa kanya.
Napailing na tumayo ako. Sinundan ako ni Wolf sa kusina.
"Hindi mo siya dapat sina-sang ayunan sa mga gusto niya," pangaral ko sa kanya.
Nakakatawa na pinapangaralan ko si Wolf pero kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko mapangatawanan ang pagiging istrikta kay Aki.
"Yes, Ma'am."
Inirapan ko siya bagamat nakangiti ako. "Hmp kung di ka lang pogi."
Ngingiti-ngiti lang siya.
Parang wala ng ibang gagawin sa buhay si Wolf kundi pasayahin ako. Mukha ring wala siyang pinagkaka-busy-hang work dahil madalas na ulit siya rito.
"Magluluto lang ako ng merienda. Anong gusto mo?"
"Anything."
Haharap na ako sa kalan nang bigla niya akong hilahin at halikan sa labi. Mabilis lang pero nag-alala ako na baka makita kami ni Aki. Mabuti na lang at busy na si Aki sa hawak-hawak niyang box ng posporo.
"What is he playing?" kunot ang noong tanong ni Wolf.
"Gagamba."
"What?!" Nalukot ang guwapong mukha ni Wolf.
"Di ka makakarelate. Rich kid ka, e." tatawa-tawang pinisil ko ang pisngi ni Wolf saka ko siya tinalikuran.
Luto na ang bananacue ng hanapin ko ang mag-ama.
Nakakakilig. May daddy na ang—kapatid ko.
Okay, siguro in time ay aamin na rin ako kay Aki. Hindi ko pa nga lang kaya ngayon. Siguro saka na kapag talagang nakakaunawa na siya. Noon ay di ko iniisip na dadating ang araw na aaminin ko kay Aki ang totoo. Pero ngayong narito na si Wolf sa buhay namin, pakiramdam ko ay kahit ano ngayon ay kaya ko nang kayanin.
Pakiramdam ko, bigla ay naging buong pamilya kami. Naging buo ako. Lumakas ako, sumaya at nagkaron ng confidence. At iyon ay dahil sa pagmamahal ni Wolf.
Sinilip ko sila sa labas ng apartment. Nasa labas na rin kasi ang bunso ni Ate Helen na si Totoy, hayun at pinaglalaban na nila ni Aki ang mga gagamba nila.
Hinanap ng mga mata ko si Wolf. Nakatayo siya sa tapat ng gate, nakatalikod sa gawi ko. May kausap siya sa cell phone niya ng ng lumabas ako ng pinto.
"I'm busy," iritableng sabi niya sa kausap sa kabilang line.
Sino ang kausap niya? At bakit parang naiinis siya dito?
"Everything is doing just fine, all according to plan."
Plan?
"Hey, no."
Tatawagin ko sana siya ng bigla siyang sumigaw.
"No. Of course not!"
Biglang lumapit si Aki sa kanya at kinalabit siya sa tagiliran. "Peram cell phone!"
Kunot ang noong nilingon ni Wolf ang bata. Ang nakasimangot na mukha ni Wolf ay biglang umamo ng makita niya si Aki.
"Peram cell phone sabi!"
"Aki, bakit mo hiram cell phone niya?!" sigaw ni Totoy na nanlilimahid sa semento.
"Daddy ko 'to!" Pagyayabang niya kay Totoy.
Namilog naman ang mga mata ni Totoy kay Aki. "Wow daddy mo 'yan?!"
"Oo! Papabili ako kotse, tatlo! Mayaman kami!"
"Wow ako den!"
"Bibilhan ka den namin kotse!"
Napairit si Totoy sa excitement.
Sasawayin ko sana si Aki nang magpaalam na si Wolf sa kausap niya.
"Daddy, peram cell phone nga!"
Literal akong natulala. Ito ang unang beses na tinawag siyang "daddy" ni Aki. At tama ba itong nakikita ko? Nakangiti si Wolf sa kanya?
"Here." Inabot niya kay Aki ang phone niya saka siya napatingin sa akin. Nahihiyang nginitian ko si Wolf.
Nilampasan niya si Aki at ng makarating siya sa harapan ko ay agad niya akong niyakap sa bewang. Saktong pagtingala ko sa kanya nang angkinin niya ang mga labi ko sa isang mabilis pero mainit na halik.
"Have dinner with me tonight," may hingal na sabi niya.
Tumango ako.
"Hoy, bawal magkiss!" sigaw ni Aki sa amin.
Namumulang pinandilatan ko ang bata. Nang tumingin ulit ako kay Wolf ay ngiting-ngiti siya sa akin.
"Sundan na natin 'yan."
Nanlaki ang mga mata ko. "Pilyo ka!" Kinurot ko siya sa tagiliran.
At ang ngiti ni Wolf ay naging mahinang tawa. Para iyong musika sa aking tainga.
...
"MAY LAKAD ANG DALAGA."
Hinatid ko si Aki kina Ate Helen pagsapit ng alas siete ng gabi. Dito ko muna siya iiwan, babalikan ko na lang siya mamaya pagkauwi namin ni Wolf.
"Susunduin daw po ako ni Wolf." Inayos ko ang pagkakabutones ng polo na pantulog ni Aki. May mga drawing iyon na cartoon characters.
"Hmn hmn..." tumango-tango si Ate Helen pero ang mga mata ay nanunukso.
"'Pasok na don Aki. Hinihintay ka na sa kuwarto ni Totoy, tabi kayo tutulog." Ayaw pa ring bumitaw ni Aki sa kamay ko.
"Enjoy kayo," ani Ate Helen. "Ako na ang bahala dito kay Akulet."
"Saglit lang ako."
Nagpapadyak ang paslit. "Bakit ba hindi ako pwede sama?"
"Babalik din naman ako, e. Di ba nag-usap na tayo kanina? Pinayagan mo na nga ako, e."
"Hmnppp." Humalukipkip si Aki. Nakataas ang isang makapal na kilay. Okay, alam ko na.
Kumuha ako ng one hundred peso bill sa wallet ko at inabot ko sa kanya. "Baon mo 'to sa Lunes."
Agad na namilog ang mga mata ni Aki. Mabilis niyang inagaw sa akin ang papel na pera at inipit sa garter ng pajama niya.
"Pambili ng food 'yan, ha? 'Wag mong ibibili iyan ng gagamba."
Tumango siya, ngiting-ngiti.
Ginulo ko ang buhok ni Aki matapos ko siyang halikan sa noo. "Magpapakabait ka rito, ha? 'Wag kang magpapasaway kay Ate Helen."
"Akong bahala diyan, Ingrid." Sabad ni Ate Helen. "Hindi uubra sa akin 'yang pilyong 'yan. Dito, dapat talaga magpakabait kung ayaw mahataw ng hanger."
Binalingan ko muli si Aki. "Narinig mo 'yon? Kaya magpakabait ka rito, ha?"
Bungisngis lang ang sagot sa akin ni Aki.
Nang dumating si Wolf ay nagpaalam na ako. Si Aki ay panay ang kaway mula sa gate.
"Ba-bye po! Ingat po! Labyu, Ate, Daddy!"
"Magkano binigay mo ron?" tanong ni Wolf sa akin ng nasa loob na kami ng kotse niya.
Napangisi ako. "Secret."
"He really needs a father."
Mayamaya ay naramdaman ko ang paglapat ng palad niya sa kamay ko.
"And you need someone who'll take care of you, too."
Hindi na ako nagsalita sa buong biyahe. Kahit traffic ay wala akong pakialam, at parang ganon din naman si Wolf. Iyong bawat minuto na lumilipas, napakahalaga, ichini-cherish naming pareho.
Sa isang mamahaling restaurant niya ako dinala. Isang five star hotel and restaurant sa QC. Bago kami bumaba ng kotse ay hinalikan pa ako ni Wolf sa parking lot.
Hindi ko naman alam na sa ganitong lugar niya ako dadalhin. Oo inexpect ko na ang isang mamahaling restaurant, pero hindi naman iyong ganito kapormal at kasosyal. Para tuloy akong nanliliit sa suot kong flats at plain fitted dress. Kung alam ko lang na ang bobongga ng mga tao rito, e di sana nagpa-parlor man lang ako kahit pa tipid ako sa budget.
Nang makarating kami sa table namin ay ilang na ilang pa rin ako. Pati tuloy iyong menu, parang ayoko ng hawakan. Itsura pa lang kasi niyon, mukhang hindi ko na kayang banggitin ang mga nakasulat sa loob.
"Hey."
Nang tingnan ko si Wolf ay nakatitig pala siya sa akin, lalo tuloy akong nailang.
"Ang sosyal naman masyado rito," bulong ko.
"You don't like it here?"
"Naku, hindi sa ganun." Nakagat ko ang ibabang labi ko sabay bawi ng tingin sa kanya.
"You are beautiful, Ingrid." Inabot niya ako para itaas ang baba ko gamit ang kanyang mga daliri.
"Wolf..."
"You're the most beautiful woman I've ever laid my eyes on. Do you believe me?"
Tumango ako saka muling yumuko.
Nakayuko lang ako habang hinihintay ang inorder niya para sa amin. Siya na ang pinag-order ko, hindi ko naman kasi alam iyong mga pagkain na na nakasulat sa menu. Saka hindi ako mahilig sa Italian food kahit noong buhay pa ang parents ko at may kaya pa kami sa buhay.
"Ingrid..."
"Hmn?"
"Look at me, please?"
"Ha?" Marahan kong inangat ang paningin ko mula sa steak papunta sa kanya para lang matulala sa bagay na hawak-hawak ni Wolf.
"I can't imagine having a life without you anymore." He was holding a ring. Kumikinang ang bato niyon sa gitna.
Napalingon ako sa paligid, lahat pala ay nakatingin sa amin. Nang ibalik ko ang paningin ko kay Wolf ay nagsusumamo ang kulay abo niyang mga mata sa akin.
"Ingrid Uytengsu, I promise to do everything in my power to keep you always safe and happy."
Parang may bumara sa lalamunan ko at unti-unting nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi ko alam kung saan nagmula.
"Mahal kita, ayaw ko nang mawala ka pa..."
"Wolf..."
"I'm begging you, please marry me."
Tuluyan na akong napaiyak.
JFSTORIES
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top