Chapter 1

Chapter 1

"WHAT'S WRONG, INGRID?"

Baka nasa tabi-tabi lang siya. Baka nagtatago siya sa kung saan at pasimple akong minamasdan. He's always around. Hindi siya nagpapakita pero nandiyan lang siya. Alam niya kung nasaan ako, kung ano ang ginagawa ko at kung sino ang mga nakakasama ko and—

"I... I am perfectly fine." Napalingon ako sa paligid. Walang ibang tao kundi ako at si Conrad. Pero malikot pa rin ang mga mata ko. Baka nandiyan lang kasi siya... baka nandiyan lang siya at nakatingin sa amin... sa akin...

"At saan ka ba nanggaling kahapon? Bakit bigla kang nawala sa labas ng gate?"

Nalamukos ko ang panyo na nasa kamay ko. Ayokong sagutin ang tanong na iyon ni Conrad.

"And why are you wearing scarfs on your neck?"

Tumayo ako. Bakit nga ba pumunta pa ako rito sa training room? At nakasuot pa ako ng dobok uniform pero may nakatali namang scarf sa leeg ko? Patawa ako.

"Hindi ka pwedeng mag-train na may ganyan ka, alam mo namang mahigpit si Leon—"

"Uytengsu." Boses ng isang lalaki na bagong dating, siya si Leonardo D. Saavedra. Siya ang captain ng Taekwondo dito sa school. Nakasuot siya ngayon ng kulay maroon na t-shirt, itim na PE pajama ng school at varsity jacket na kulay pula.

Graduating na silang dalawa ni Conrad at dapat ay kasabay lang nila akong ga-graduate this year. Pero dahil nahinto ako sa pag-aaral ay umulit ako ng taon. Pero tiniyak ko na ngayong taon ay mapapasali ako sa Taekwondo team. Hindi dahil sa crush ko si Leon noon, kundi dahil sa gusto kong matuto ng self-defense.

I want to learn how to protect myself.

"What the fuck is that?" Matalim ang tingin niya sa scarf na nasa leeg ko.

Napatungo ako. "Sorry, Captain, pero hindi ako makakapag-training ngayon..."

Hindi siya nagsalita. Sinamantala ko ang pagkakataon na tahimik si Leonardo, nanakbo na ako palabas ng training room.

Tumuloy na ako sa CR. Ini-lock ko ang pinto ng matiyak kong ako lang ang tao sa loob. Humarap ako sa salamin saka ko hinubad ang nakaikot na scarf sa aking leeg.

Simple lang naman ang buhay ko... noon.

Nagbago lang ang lahat mula ng araw na napagkamalan ako na ibang tao. At nitong mga huling buwan na pakiramdam kong may nagmamasid sa bawat kilos at galaw ko.

"Sino ka? Bakit mo ito ginawa sa akin?" malungkot na tanong ko sa repleksyon ko sa salamin.

Hinawi ko ang buhok ko upang makita ang bar code na nasa kaliwang gilid ng leeg ko. Sa ilalim non ay ang tila typre written letters na binubuo ang salitang ALAMID. At sa ibaba non ay ang petsa kagabi...

Kahapon ay tinangka kong sundan ang lalaking tila matagal ng nakatingin sa akin. Pero nagkamali ako sa desisyong sundan siya...

Dahil panibagong bangungot lang ang nangyari sa akin kagabi...

At nagising na lamang ako kaninang umaga na nasa kuwarto na ako at katabi si Aki. Tila normal lang ang lahat. Gumising ako at naghanda sa pagpasok sa eskwela. Pumasok ako sa banyo upang maligo. Naghubad ako para lamang magulantang sa mga marka sa katawan ko.

Hindi pala bangungot. Totoo pala ang lahat...

...

"IKAW, LATE NA NAMAN UWI."

"Dad..." Nahinto ako sa pagpihit ng doorknob. Sinikap ko na ngang magdahan-dahan pero nahuli niya pa rin ako. Kanina pa pala nakaabang sa akin si Daddy.

"Gabi ka na naman uwi. Ikaw, mahalay babae!"

"Ong, mahal, galing siya sa school..." awat ni Mommy kay Daddy.

"Sino na naman kasama mo? Iyong apo presidente? Iyong arte babae? Ano napala mo sama kanya? Wala! Napala mo, ikaw nakidnap! Akala kidnappers ikaw apo presidente! Ikaw, damay pa sa gulo pamilya nila!"

Nakagat ko ang aking labi.

Dalawang taon na, Daddy. Bakit hindi mo pa nakakalimutan iyon? Bakit hindi mo pa pinapalaya ang sarili mo? At bakit ikinukulong mo pa rin ako sa nakaraan?

Two years ago, nakidnap ako sa labas ng high school na pinapasukan ko. Two years ago nangyari ang bagay na kahit kailan ay hinding-hindi ko na makakalimutan...

"Anak, pasensiyahan mo na ang daddy mo. Problemado lang iyon at nalulugi na ang tindahan natin ng hopia." Hinaplos ni Mommy ang pisngi ko.

"Okay lang po, Mommy..."

"Sige na, magpahinga ka na. Tabihan mo na si Aki sa kuwarto, kanina ka pa hinahanap ng kapatid mo. Alam mo namang hindi iyon nakakatulog na hindi ka katabi."

Pumasok ako sa kuwarto ko. Ang dating mala-kuwarto ng isang prinsesa ay ngayo'y isang hamak na kuwarto na lang. Isang kama at isang cabinet na lamang ang nilalaman.

Wala na ang mga magagarang gamit. Wala na ang malaking TV, DVD player, cabinet na puno ng mga encyclopedia at ilang mamahaling libro. Maging ang mga alahas ko sa cabinet ay wala na rin. Ang lahat ng yaman ng pamilya Uytengsu ay tila sumama na sa hangin.

"Totoo naman, Sabel!" Naulinigan ko ang boses ni Daddy mula sa labas ng pinto. "Iyang anak mo, malas iyan. Kaya sabi ko, dapat talaga lalaki una anak natin!"

"Ong, naman..."

"Mula panganak mo si Ingrid, lugi agad negosyo!"

Napahikbi ako.

Si Mommy ay dati lamang tindera sa shop ng daddy, pero half Chinese din ito. Nagkatuluyan sila at ako ang naging anak nila. Unang anak. At hindi nagustuhan ni Dad na naging babae ako.

Malungkot na nilingon ko ang isang taong gulang na batang lalaki sa aking kama—si Aki. Premature baby na ubod ng guwapo. Sa aming lahat dito sa bahay, siya lamang ang bukod tanging hindi singkit. Tinabihan ko siya at hinagkan sa noo.

"Hipuin mo ang puso ni Daddy natin..." bulong ko sa munting anghel.

Simula ng malugi ang negosyo naming pagawaan ng furniture ay nag-iba na si Daddy. At ngayong unti-unti na ring nalulugi ang pagawaan namin ng hopia ay mukhang malabo ng bumalik ang dating mabait at malambing na haligi ng bahay na ito.

"Ikaw ang magdadala ng swerte sa pamilya, di ba? Iahon mo na kami sa hirap, bunso... please?"

...

NAGISING ako sa maliliit na na halik sa aking pisngi.

Nandilat ang mga mata ko at agad akong bumangon. Tinabig ko ang unang bagay na nabangga ko. Kasunod niyon ay ang pagbagsak ng kung ano.

"Diyos ko, Ingrid!" tili ni Mommy.

Napakurap ako. Mayamaya ay nakarinig ako ng palahaw ng isang bata.

"Aki!" napatili na rin ako.

Si Aki pala ang humalik sa akin, at natabig ko siya! Nahulog siya sa gilid ng kama!

"Aki, shhh, baby!" binuhat siya ni Mommy at inalo habang hinihimas ang bumbunan ng isang taong gulang na bata.

"Baby, sorry!" napaalis ako sa kama. Nilapitan ko sila. "Sorry! Ikaw naman kasi, e!"

"Ano ka ba naman, Ingrid! Bat naman ganyan ka? Alam mo namang may kasama kang bata sa kama, pero hindi ka man lang nag-ingat!"

"Sorry, Mom..."

"Pasalamat ka talaga at wala rito ang daddy niyo, kung hindi ay nalintikan ka na naman!"

Napalabi ako.

Mabilis akong pumasok ng banyo na kanugnog lamang ng kuwarto ko. Pagkaligo ay nagbihis na agad ako at nagsuot muli ng scarf sa aking leeg. Nagpaalam na akong aalis at hindi na sasabay sa kanila ng almusal sa hapag.

Habang binabagtas ang daan patungo sa Dalisay High School ay pinipigilan ko ang mapalingon. Halos tigasan ko ang titig ko harapan ko. Tuwid lamang ang tingin ko.

Ayokong makaramdam na may sumusunod na naman sa akin. Na meron na namang tumitingin. Tama na. Ayoko muna. Ayoko na.

Pero hindi matahimik ang kuryosidad ko kahit ilang beses na akong ipinahamak nito. Pilit nitong tinutunton ang matangkad na lalaking ni hindi ko alam ang itsura.

Sino ka ba talaga? Saan kita makikita? Marami akong gustong itanong sa'yo...

Napailing ako sa naiisip ko. Hindi ko na pala kayang makasama siya. Ni malaman ang kanyang anyo ay kinatatakutan ko na.

Ayoko na pala siyang makita...

Ayoko na palang malaman ang dahilan kung bakit—

Patawid na ako ng kalsada ng biglang may humarang sa akin na batang nagtitinda ng mentos at sigarilyo. "Ateng Tulala!"

Nangunot ang noo ko sa bata. May inaabot siya sa aking isang piraso ng pulang rosas.

"Ate, ang ganda-ganda mo! Kunin mo ito, para 'to sa'yo."

Tinanggap ko iyon kahit naguguluhan ako.

"May nagpapabigay po sa inyo niyan, Miss."

"S-sino raw?" Bigla na lamang ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko.

"Guwapo po. Matangos ilong, makapal ang kilay at matangkad tapos may tattoo sa braso."

Pinanlamigan ako bigla. Nang tumalikod ang bata ay napatitig ako sa maliit na note na nakatali sa tangkay ng rosas. Nanginginig ang mga daliri na kinuha ko iyon at binuklat.

My Queen,

Never forget that you belong only to me.

  -A.W.  

Para akong naubusan ng lakas. Tulala akong tumawid habang hawak-hawak ang note at ang rosas. Sumasagitsit na tunog ng preno ang nagpabalik sa huwisyo ko. Mahahagip na sana ako ng sasakyan kung hindi lang sa matitigas at mabangong bisig na humila at yumakap sa akin.

"Have no fear from now on, Ingrid." Sabi ng matigas at malamig na boses.

Gulat akong napatingala sa lalaking nagligtas sa akin mula sa muntik ng kamatayan.

"As the king always protects his queen, you will always be safe as long as I live. "

JAMILLE FUMAH

@JFstories

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top