Chapter 5 (Driver)

"Yes mom nahanap ko na po manong Bert is on his way para mabigay nya sa inyo"
I said as I was calling my mother
she texted me awhile ago na may naiwan syang envelope which is so important lalo na at may business trip sila tungong Dubai at mamayang gabi ang flight hindi na sila uuwi at masyadong busy

Matapos kong kausapin si mommy ay nag ayos na din ako ng sarili at bumaba na para umalis I texted Asha na papunta na ako

Saka ko lamang naisip na inutusan ko pala si manong Bert na pumunta sa office ni mommy para mag abot ng envelope
Kaya no choice ako kundi maglakad papuntang highway
I decided to take a Grab ng makitang malapit ng mag alas sinco ng hapon

"Shine!!!" Maingay na boses ni Asha ang bumungad sakin ng mapagbuksan ako ng gate ng katulong nila

" ang tagal mo!" Inip nyang sabi but can't hide the excitement in her voice as she hold me and make our way to their house

It's not my first time here pero bawat pasok ko ay parang bago palagi ang tanawin masyadong elegante ang loob ng bahay nila kagaya ng samin ay marami ding magagandang disenyo ng flower vase at mga painting sa ding ding

"Wait here Shine kukunin ko lang yung gagamitin natin sa room ko" Asha said before she make her way to their staircase papuntang kwarto nya
Leaving me sitting in there living room

"Iha anong gusto mong maiinum?" Tanong ng medyo may katandaan na nilang katulong

"Ahm apple juice po!" I said smiling she just nodded at umalis na din

I look at my phone when it keeps on ringing

" Hello mom?" Sabi ko sa kabilang linya

"Sweety just wanna check on you on the way na kami ng daddy mo papuntang airport" she said napatingin naman ako sa oras at napansing 6:24 na

"I'm still at Asha's house mom don't worry I'll call manong Bert if ever gabihin ako ng sobra" I assure her

" ok take care iha" she said

Napatingin ako sa taong biglang umupo sa gilid ko habang nakaharap sa cellphone nya

" kayo din po magingat sa byahe" I said as I press the end bottom

I put back my phone inside my shoulder bag at bumaling kay Haze na naglalaro pala ng mobile game

"Hey!" I said waving my hands infront of his phone screen

I smiled sweetly as he glared at me

" anong rank ka na?" I ask him
Pero binalik nya lang ang atensyon sa nilalaro at hindi ako pinansin

"Sungit" I murmured to myself

I was busy scrolling my phone habang ang katabi ko ay naglalaro pa din
Ng dumating si Asha
Agad akong tumayo at tinulungan sya

" oh nandito ka pala kuya" she said as she glance at her brother

"Of course bahay ko din to" walang gana nitong sagot
Humalakhak naman si Asha ng may mapagtanto

"Really kuya? Eh palagi ka namang nasa kwarto mo o kaya nandun kila Ramz nakatambay" she said wearing a playful smile on her face

Agad syang tinaliman ni Haze ng tingin

"Can you please shut up" iritado nitong saway

" let's mind our business Ash yaan mo na si Mr. Grumpy" nakangisi kong sabi sabay ayos ng mga gagamitin

Tumayo lamang si Haze at umalis sa harapan namin

Asha just laughed when she saw me looking at her brother making his way to their staircase

"What's funny?" Agad kong bawi

" Gwapo no?" Nakangisi nyang tanong

"Hindi na din masama" safe kong sabi

"Gaga mga linyahan mo bulok crush mo lang eh!" Pangbubuko nya na nagpatawa sakin

Agad uminit ang pisngi ko ng makitang bumalik pala sa Haze at dumaan lang papuntang kitchen

"Magsimula na nga tayo! Kakalbuhin kita kapag gagabihin ako ng sobra!" Paglihis ko sa topic

Seryoso naming tinapos ang project ng dumating ang parents ni Asha pauwi na ako ng sinabi nilang doon na maghapunan

" Ash pakitawag si Haze at kakain na" utos ni tita Hanna

"Mabuti naman at ayos kana iha kinuwento ni Asha ang nangyari" tita said ng kai nalang sa kusina

" Kaya nga po mabuti nalang medyo matigas ang ulo ko!" Biro ko

Kaya natawa naman sya
Nagusap kami hanggang dumating na sa hapag ang daddy nila pati na din silang dalawa

" So anong oras ang uwi mo Shine? If you don't mind pwede ka naman dito mag sleep over" tita ng matapos ang mahabag usapan at nagliligpit na kami ni Asha ng mga ginamit

"Nako kung pwede lang po kaso may business trip sina mommy kaya sa bahay po ako matutulog maybe next time po" magalang kong sabi

"Nako aasahan ko yan ha" pamimilit ni tita

"Sige po no probs" I assure her

Umakyat na si Asha at nilagay sa room nya ang gawa namin
Kaya nag ayus na din ako at handa ng magpa alam

"Ikaw ng bahalang magdala nyan bukas auh "
Paalala ko sa kanya ng makababa sya

"Yup dadalhin ko to bukas" Sabi nya

" Anyways mauuna na ako! tita I'll go a head na po may pasok pa naman bukas baka ma late ako" paalam ko sa kanila

"May susundo ba sayo?" Alalang tanong ni tita Hanna

Napanguso ako ng maisip na wala pa ding reply si manong Bert

"Magtataxi nalang po siguro ako" sagot ko naman

"Naku no way iha! Delikado ang bumyahe mag isa lalo nat babae ka pa naman!" Hysterical na sabi ni tita

Mabilis na bumaling ito kay Asha

"Tawagin mo nga ang kuya mo sya ang maghahatid kay Shine" utos nito na agad namang sinunod ni Asha

"Ayos lang naman po tita baka nakaka abala ako" mahinhin kong sabi
but deep inside I don't pero parang gusto ko din ang ideya

"No buts iha wala kang inaabala don't worry"
Sa huli ay pumayag nalang ako

Walang reklamong sumunod si Haze sa utos ni tita at pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan

"Seatbelt" maikling sambit nito
Agad ko namang kinabit yun ng mapagtantong wala ako sa sarili

Tahimik lang syang nagmamaneho kaya hindi ko napigilang magsalita

"Kotse mo to? I thought hatid sundo ka din like Asha" I casually said

"Yes this is mine"

Ano ba yan! Ang ikling sumagot!

"Wow so pwede kanang magmaneho tapos meron ka ng kotse! Sana all" Kunyare manghang mangha ako

" bawal ka pa nito" sabi nya

"Someday meron din ako nyan!" Nakanguso kong sabi ng maalalang imposibleng bilhan ako ni daddy

"Someday then, how's your head? Sumasakit pa ba?" Tanong nya
Hinawakan ko naman ang ulo ko ng mapansing medyo lumiit na ang bukol

"Ayos na to bukas mawawala din to" sagot ko
Binalingan ko naman sya ng tingin ng maalala ang ginawa ko kahapon

"Sorry talaga kahapon auh pero ayos kana ba? Asha said maghapon mo daw ininda yung ano" mahina kong sabi

"Yung ano Shine?" Pilyo nigong tanong
Agad napabaling ang tingin ko sa kanya habang namumula ang pisnge

"Alam mo na yung ahm yung" hindi ko matuloy tuloy sabihin

Mas lalo lang akong nahiya ng marinig ko syang tumawa

Tulala lang akong nakatingin sa kanya

Ang gwapo nya lalo kapag nakangiti

"Quit staring miss" seryoso nyang sabi habang nasa daan ang atensyon

"Hindi ah!" Tanggi ko

Pano nya nalamang nakatingin ako? Eh! Nakakahiya!

" ok" balik maikli nyang tugon

" thank you ulit sa paghatid! Please tell tita Hanna thank you sa dinner!" Paalam ko ng makababa na ako

"Sige pumasok kana" utos nito kaya napailing ako

"No you go first" saad ko at kumaway

"Malamig dito pumasok kana at aalis din ako" ulit nito kaya wala akong nagawa kundi pumasok kinandado ko ang gate at tinignan ang papaalis ng sasakyan

Ang dali naman ng byahe
Sana may next time pa!
Napangiti ako ng maisip kong meron pang next time na ihahatid nya ako

Pumasok na din ako sa bahay ng mawala na ang sasakyan nya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top