01
CHAPTER 1
PSYCHE'S POV
"Sai, bangon na may pasok ka pa, diba?" Rinig kong sigaw ni yaya mula sa baba kaya natawa ako kasi kanina pa ako naka bihis.
"Saisai?" katok niya ng mahina sa pinto kaya lumapit ako para buksan
"Tapos na po" sabi ko sa kaniya habang natatawa kaya natawa na rin siya
"Hay ang batang ito, oo" natatawang ani ya at hinawakan ang pisngi ko "Ang ganda ganda talaga ng alaga kong ito" nakangiti niyang sabi kaya ngumiti ako
"Eh kanino pa po ba ako mag mamana? Edi sa yaya ko" Ani ko sabay yakap sa kaniya kaya natawa kaming dalawa.
"Ay hindi ba sa mommy mo?"
"Wag niyo nalang po sabihin, secret nalang po natin" biro ko kaya mas lalo kaming natawa.
"O'sya halika na sa baba. Kumain ka na at baka ma late ka pa" Ani ya at bumaba kami.
**
"Luto niyo po?" tanong ko nang makita ang mga pagkaing nakaahin.
"Aba syempre! Pero itong paborito mo eh luto 'yan ng mommy mo. Maaga silang umalis kanina ng daddy mo kaya hindi ka nila masasabay ngayon pumunta" Kwento ni yaya.
Ngumiti lang ako ng tipid at tsaka pinagmasdan ang luto niya. Ng mommy ko. Adobong manok na may pineapple at maraming onions..
"Oh, sulat ba ito?" Napatingin ako kay yaya ng magsalita siya. "For my doter.. pshyche.. from mommy..- Para sayo ata ito, anak" sabay lahad ng sulat sa akin.
Kinuha ko ang sulat
-For my daughter, psyche
-From mommy.
Basa ko sa harap ng papel, naka fold ito. Inilapag ko sa table 'yung letter.
"Hindi mo ba babasahin?" Hindi ko sinagot si yaya. "Basahin mo na para malaman mo kung anong nakasulat diyan" Sambit ni yaya kaya napatingin ako sa sulat at tsaka nag buntong-hininga.
Kinuha ko ang letter at tsaka binasa.
'PSHYCHE'
GOODMORNING, ANAK. I COOKED YOUR FAVORITE FOOD FOR BREAKFAST..
I'M SORRY, HINDI KA NANAMAN NAMIN MASASAMAHAN NGAYON NG DADDY MO
SO BUSY LANG TALAGA SA BUSSINESS. BUT, WE PROMISE BABAWI KAMI SA 'YO, OKAY?
SORRY, I LOVE YOU OUR, SAI
-MOMMY.'
After read it inilapag ko na ito sa lamesa.
Pang-ilang promise na 'yan.. Kahit ni isa walang natupad.
Hindi na ako umaasa.
Ayoko nang umasa.
"Oh anong sabi?"
"Nag sorry lang po kasi busy.. Nag promise din. Nanaman.." Promise na hindi natutupad.
Narinig kong napa buntong-hininga si yaya. "Ang magulang mo talaga.. Naka ilang pangako na 'yan, ano?" naramdaman kong hinawakan ni yaya ang kamay ko "Magiging maayos din ang lahat sa tamang panahon, anak. Sa ngayon ang magagawa mo na lang ay ang intindihin sila.. 'Wag kang sumuko sa pag-intindi sa magulang mo ah? Wag mo sana silang sukuan.." Nakita kong naluluha ang mga mata ni yaya.
Hindi ko alam kung anong relasyon niya sa mga anak niya, hindi ko rin sila nakilala.
I just nod and smile a bit.
"Kumain na lang po tayo" sabi ko.
Naiintindihan ko.
Palagi ko namang iniintindi..
Pero pano naman ako? Kailangan ko rin sila..
Sa kalagitnaan ng pag m-muni muni ko ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya saglit ko munang tinignan.
"Excuse me po" Sabi ko kay yaya habang tinitignan kung sino ang nag text
PANGET!!!
:Nasa bahay ka pa ba?
: Oo, why?
:Sabay na tayo, puntahan kita sa bahay
:Ngayon na ba kaagad? Teka lang naman, kumakain pa yung tao e!
:HAHAHA gago de, kumain ka lang diyan dadaan pa ako sa botika, bibili ng gamot ni lola. Daanan nalang kita sa bahay niyo
:Okay, ingat! Libre sandwich! kidding HAHAHA
:Sige, bayaran mo nalang mamaya
:Sabi ko nga, 'wag nalang
:Ulol, di naman mabiro joke lang e, bibili namatalaga ako stress ka sa pag-aaral these past few days kaya madalang nalang tayo magsama, you deserve a sandwich treat, i got you bro!
Napangiti ako sa sinabi ng kaibigan kong si john, kahit ugok 'tong lalaking ito, mabait yan! Thank god dahil binigyan niya ako ng isang best friend na katulad ni john and i will be forever thankful for that. Yuck, that's cheesy????
:AAAWW loveyouu kahit ang panget mooooo!
:Ako?? Pangit? Sa mukha kong ito?
He send his picture habang nasa kalsada siya, naglalakad. I laugh, napipikon na 'to.
Not gonna lie, Of course John is handsome. He's pretty cute tho. Sadyang inaasar ko lang siya
Lumalakas kasi yung hangin kapag sinasabihang pogi tss.
I just reacted his picture, he even said na kumain na ako at dadaan na lang siya dito sa bahay kaya kumain nalang rin ako kasi lumalamig na rin yung pagkain.
Habang kumakain ako ay napatingin ako sa adobong hindi ko pa nakakain.
"Hindi mo ba kakainin ang luto ng mommy mo, iha?" Tanong sa akin ni yaya.
Muli nanaman ako napa buntong-hininga. Nginitian ko si yaya at kinuha ang luto ni mommy.
"Kakainin ko po, sayang naman" Nagka ngitian lang kami at muling kumain.
My mom's adobo is never gets old. Ito parin ang lasa niya mula dati, my favorite.
Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si yaya na iligpit ang mga gamit.
"Ay, ako na dito, hija. Pumasok ka na't ma-l-late ka pa" Sabi niya sa 'kin, ngunit nginitian ko lamang siya.
"Okay lang po, hinihintay ko rin po kasi si johnny, sabay po kaming papasok ngayon." Ani ko habang inilalagay ang mga pinag gamitang plato sa lababo.
"Ang batang iyon ay napaka gwapo" Tawa niya pa at nakisabay ako "Sigurado ka bang kaibigan mo lang iyon?"
"Po? Syempre naman! Ano po bang klaseng tanong yan, ya?" Tumawa ako ng bahagya.
"Gusto ko ang batang iyon, psyche"
"Inyo na po" Biro ko sa kaniya kaya naman natawa kaming dalawa
"Jusko kang bata ka, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin" Tumawa siya. "Ang bait bait ng batang 'yon at magalang pa. kita ko ang determinasyon sa kaniya para mapagamot ang lola niya, hindi lahat ng tao ay ganon lalo na sa mga lalaki." Napapangiti ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni yaya tungkol kay john, iniimagine ko rin lahat ng mga sinasabi niya.
Totoo ang mga sinasabi ni yaya. Mabuting tao si john, wala akong kilalang ganoong klaseng lalaki kung hindi siya.
Sa katunayan ay swerte ang mapapangasawa ng bestfriend ko balang araw, dahil bihira lang makikita ang ganong klaseng lalaki.
He has a pure heart, pure like milk.
But ofcourse, he's not perfect, nobody's perfect. But, he's almost.
'In a world of boys, he's a gentlemen' That's him, john.
"Bagay kayo"
"Ha?" Natatawang tanong ko kay yaya "Hay nako, ya. Hindi po kami talo ni john, para ko na po siyang kapatid, para na po kaming magkapatid. Sanggang dikit nga po kami, hindi ba? Kambal tuko pa nga tawag sa 'min, ee" Sabi ko kay yaya.
"Sige, kung yan ang nilalaman ng kalooban mo" Tumawa kami.
Nang biglang may nag doorbell.
"Oh, mukhang siya na po 'yan!" Sabi ko sabay kuha ng bag ko.
Binuksan ni yaya ang gate habang papalabas palang ako ng pinto. Nakita ko na si john, nag mano muna siya kay yaya at tumingin sakin. Kumaway siya habang nakangiti, ganon din ang ginawa ko habang naglalakad.
"Sorry, ngayon lang. Maraming bumibili" Sabi niya. Mukhang may naalala siya kasi bigla niyang binuksan ang bag niya at inilabas ang isang supot. "Nga pala, your sandwich" Ani ya sabay abot saakin.
"Nice, thankyou! Hindi na ako gagasto mamaya" Tawa ko, narinig ko rin ang bahagyang tawa nila ni yaya.
"Binatang binata ka na talaga hijo, May nobya ka na ba?" Tanong ni yaya kay john. I can sense that he's getting shy now.
Gusto kong matawa dahil sa itsura niya, namumula siya. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto-gusto ko siyang asarin dahil ang cute niya
"Wala po" ngumiti siya ng bahagya.
"Hay nako, ya. Alam niyo po ba maraming nagkakagusto diyan sa school! Maraming nanliligaw na babae diyan, ang gaganda pa, pero ewan ko ba sa lalaking 'yan, nirereject lahat" Sabi ko kay yaya.
"Talaga?" Tumango ako sabay tingin kay john na mas lalong namula kaya natawa ako "Walang duda, napaka gwapo nga kasi naman ng batang ito, oh" Tumawa kami ni yaya habang si john naman ay bahagyang nakayuko dahil sa hiya.
"Pero seryosong tanong, hijo. Sa mga babaeng ni-reject mo eh, wala ba ni isa sa kanila ang natipuhan mo?" Tanong ni yaya kay john.
Hinihintay ko rin ang sagot niya, dahil curious ako. Lahat ng mga babaeng lumapit sa kaniya ay puro magaganda
Mayabang ba kung sasabihin kong mas maganda ako sa kanila? Char!
"Wala po." Deretsahang sagot niya.
"HM WEH?" Birong tanong ko na nakapagpa tawa sa kanila ni yaya.
Tumango siya. "Simula nung nawala si mama ay isang babae nalang ang nasa puso ko, at yon ay si lola" Ngiti niyang sagot na nakapagpa tahimik saamin ni yaya.
"Napaka bait mo talagang bata ka, sana hindi ka magbago" Nakangiting sabi ni yaya at bahagyang hinaplos ang pisngi ni john. "O'sya, pumasok na kayo at baka ma late pa kayo"
"Opo, ya" Sagot ko sabay yakap sa kaniya, muling nag mano si john kay yaya bago kami umalis.
"Mag-ingat kayo!" Kaway niya saamin, ganon din ang ginawa namin.
"Kayo rin po!" Bahagyang sigaw ko habang naglalakad.
Nagkatinginan kami ni john at sabay natawa ng walang rason.
"Bakit ka tumawa?" Natatawang tanong ko sa kaniya
"Ikaw rin kaya, oh" Turo niya saakin kaya muli akong natawa
"Eh, tumawa ka ee!"
"Wala, nakakatuwa kasi yung yaya mo" sabi niya kaya napangiti ako
"Dahil ba sinabi niyang gwapo ka? Busog na busog ka sa compliment ngayon, ah? Almusal yarn?" Tawa ko.
"Lagi naman akong busog diyan" Tawa niya rin.
Yabang, tss.
"Yabang ah! Pangit lang yung nickname mo sa 'kin sa messenger" Pagyayabang ko rin.
"Ikaw lang naman ang sinasabihan akong panget, opposite ba yan?" Biro niya.
I just make face.
"Nga pala, wala ka ba talagang naging type dun sa mga babaeng nireject mo? Ang gaganda ng mga 'yon, ah?" Tanong ko.
Umiling siya "Hindi naman itsura ang hanap ko e, halatang mga spoiled brat yung mga 'yon" Seryosong sagot niya, hindi na rin siya nakangiti. "Totoong si lola lang nalang ang babaeng laman ng puso ko ngayon" ngumiti siya ng bahagya sakin.
Nginitian ko rin siya "Naks, best apo of the year!" Biro ko sa kaniya kaya bigla niyang piningot ang ilong ko
"ARAY KO!" Sigaw ko pero tumatawa kaming dalawa. Binitawan niya rin ako "Bwiset ka, ang sakit non ah!" Pinalo ko ang braso niya sabay hawak sa ilong ko. "Tumatawa ka pa!" Palo ko ulit sa kaniya habang umiilag siya.
"Namumula" Tawa niya pa
"Ay hinde!" Umirap ako. Ampots ang sakit talaga!
"Sorry na" Natatawa pa rin siya kaya natawa ako. Inakbayan niya ako "Patingin nga" Nag angat ako ng tingin sa kaniya habang magka salubong ang kilay, kailangan niya pang iyuko ang ulo niya dahil hanggang balikat lang ako.
He laughed again. "Alam mo kung sino pa ang pinaka importanteng babae sa buhay ko, bukod kay lola?" Seryoso ngunit nakangiti niyang tanong "Ikaw. Ang bestfriend ko" Ngiti niya kaya napangiti ako.
"Ikaw rin naman. Bukod kay daddy, ikaw ang pinaka importanteng lalaki sa buhay ko at walang makakapagpa bago 'ron." I said with a smile in my face. Pinisil niya naman ng bahagya ang pisngi ko.
Ang bestfriend ko, siya lang ang bukod tanging lalaking importante saakin. Walang magbabago sa pagmamahal ko sa kaibigan kong para ko na ring kapatid. Pwede namang magkaroon ng kaibigan na walang nahuhulog e, tulad namin ni john.
We're just friends, bestfriends. Nothing more, nothing less.
Platonic friendship, indeed.
Walang gustuhan sa isa't isa.
Pangako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top