Chapter 3: Street Sign


| A P A R T E L


NAG-RENT MUNA KAMI NG apartel malapit sa Bernardo Compound para magpalipas ng oras at maghintay nadin ng tawag ng Mama ni Joana. Dahil hindi kami maka-stay sa kotse nitong ni Annie dahil nga sinira ko daw yung kotse niya, hindi safe. Tangina, niligtas ko siya bakit kailangan niyang ipagdiinan yung pagkasira ng kotse niya sa akin. Kala mo naman asawa niya yung sasakyan.

Nasa kama ako ngayon nakaupo habang nag hahanap ng impormasion sa laptop ni Annie, mabuti nalang may laptop siya para hindi ko na kailangan pumunta pa sa ComLab o bumalik sa HOI para makahanap ng mga clue, hirap lang old version itong laptop niya dahil may keyboard at hindi touchscreen, pero pwede ng pagtiisan. Habang si Annie nasa upuan nakaupo hawak yung cellphone niya nandudutdot ng kung ano-ano.

"Mr. Garrett, parang awa mo na. Humingi nalang tayo ng tulong kay DB30. Pinahihirapan mo lang yung sarili mo ka sesearch diyan."

Kahit anong pag makaawa mo diyan, hinding hindi ako hihingi ng tulong sa latang 'yon. Saka isa pa, ayokong may gumagawa ng mga gawain na dapat ako ang gagawa. Tamad ako sa buhay pero hindi ako tamad pag dating sa trabaho, gusto kong mabilisan na gawa na ako yung tatapos, hindi yung iba.

"Wala ka namang mahanap na importante dahil nga nasa file ng Police Department yung iba." sabi niya. "Buti sana kung nandito si Clare, she knows a little hacking things. Kung ayaw mong humingi ng tulong kay DB30, let's call Clare."

"Kung tulungan mo kaya ako maghanap dito? Hindi yung uupo-upo ka lang diyan, Signorina?"

"You're using my laptop."

× × × × ×

| WHAT IS... | “ White Lady ” | is a type of female ghost, dressed in all white reportedly seen in rural areas and associated with some local legend of tragedy. While White Lady legends are found in many countries around the world, they are most prominent in parts of the United States, Ireland, Philippines, and Great Britain. Common to many of these legends is an accidental or impending death, murder, or suicide and the theme of loss, betrayed by a husband or fiancé, and unrequited love. |

× × × × ×

Pinalakpak ko yung palad ko para makuha yung attention ni Annie nang may mahanap ako sa laptop niya, "Ano, find something?" tanong niya

Hinarap ko sa kanya yung laptop at pinakita yung article na nahanap ko tungkol sa mga White Lady o Woman in White. Lumapit naman siya sa akin saka tinignan yung nasa screen ng laptop at binasa.

"White Lady o Woman in White? Karamihan sa mga nabasa ko nagpapakita ang ganyang creatures dahil humahanap sila ng justice." sabi ni Annie sabay tingin sa akin. "Haven't got a case revolving those type of creatures for a long time. Maybe pinatay sila kaya naghahanap siya ng justice para sa kanilang mag-asawa?"

"Parang Vengeful Spirits?"

"Nope, remember, ang Vengful Spirts ay puwedeng ma-attached ang kaluluwa nila sa kung ano-anong bagay, at puwede silang manakit ng tao. Itong White Lady ay sa isang lugar lang, kung saan sila namatay. At hindi sila nananakit, nanghihingi sila ng justice, tulong para malaman kung anong nangyari sa kanila." paliwanag niya. "Kaso lang natatakot yung ibang mga tao kaya yun' ang sanhin ng disgrasya o malala pagkamatay nila."

"At ano ang makakapagpaalis sa kanila?"

"Hindi ko alam. Pero—" Nahinto siya nang mag ring yung cellphone ko, tinaas ko yung kaliwa kong kamay para sabihing mamaya na. "Okay."

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at sinagot, "Yup?"

"Garrett," Lumutang sa screen ng cellphone ko yung mukha ni Zaragosa.

Great fucking timing. Kung sino pa yung hindi ko gustong makita ngayon. "Yow, Dr. Zaragosa? Long time no see." bati ko sabay kaway sa kanya habang nakangiti. Bakit kailangan niya tumawag ngayon? Kung kailan nasa gitna ako ng trabaho. "What can I help you?"

"Wag mo akong ganyanin, Garrett. Alam mo kung anong tinawag ko sayo." sabi niya na tinutukoy yung tungkol sa Mama ko at yung dapat na pagpunta ko duon. "Alam mo bang umasa ang Mama mo na pupunta ka talaga dito. Anong nangyari? Kailangan ka niya dito Garrett."

Napabuntong hininga ako saka tumingin sa kanya, "Sorry, may nangyari kasing hindi inaasahan at ngayon hindi nanaman ako puwede dahil sa work. Anyway, kamusta siya?"

"Lumalala yung sitwasyon ng Mama mo, Garrett. At kadalasan hindi pa siya kumakain, kailan kaba babalik dito sa Singapore? Kailangan ka talaga ng Mama mo, next month na ang final operation niya." sabi niya na nag aalala.

Napakamot ako sa ulo ko, "Hindi ko mapapangako na makakauwi ako. Balitaan mo nalang ako kung anong resulta ng operasyon." sabi ko sabay pinatay yung tawag at tinapon yung cellphone ko kung saan. "Back to the case."

"Who's that?" tanong ni Annie. Kinuha ko sa kanya yung laptop saka pinatuloy yung pag reresearch ko ng mga impormasyon tungkol sa case. "Hello, human asking here. Non sono un androide"

"Nessuno. E non hai niente a che fare con questo."

Sinara ko yung laptop niya at bumangon sa kama. Sinuot ko yung leather ko saka kinuha yung bag ko at naglagay ng mga kailangan kong dalihin duon.

Tungkol sa White Lady, kailangan niya ng hustisya sa nangyari sa kanya, at siguro pati narin sa nangyari sa asawa niya. Para matahimik siya. Pero ano ba talagang nangyari sa kanila? Aksidente lang ang nangyari sa kanila diba, nasagasaan lang sila ng truck. Nasagasaan lang ba talaga silang mag-asawa? Anong hustisya hinahanap nila? Paano kung pinatay nga sila tulad ng sinabi ni Annie?

"Where are you going?"

"Police Department, titignan ko kung sino yung mag asawang nasagasaan last year, kung anong pangalan nila at relatives para mag tanong kung ano talagang nagyari." Sinukbit ko yung bag ko sa balikat. "Gagamitin ko yung ID na pinagawa ng government, hindi yung lata na pinadala ng CYBERLAB. Kasi ang alam ko GOTP ang nagbibigay ng pera sa atin, hindi ang mga Creators."

"Wait, sasama ako."

"Nah, stay here. Hintayin mo yung tawag nung Mama ni Joana, tanungin mo din kung anong nangyari. Alright? Calling card mo binigay ko duon." Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya. "Good talk. Ciao!"

"Bakit ba lagi mo akong iniiwan?"

"Ayokong may sagabal sa trabaho ko. Saka, Hihiramin ko pala kotse mo." sabi ko na nakangiti saka lahad ng palad sa kanya "Try ko mag ingat mag drive."

P O L I C E  D E P A R T M E N T
1 O : 3 O P M

"Nakakagulat naman na biglang may nagka-interest sa kaso na ilang years na ang nakalipas." sabi ng Police Chief habang may hinahanap sa drawer niya.

"Well, nahanap ko kasi na kaparehas ng nangyari a year ago ang nangyaring aksidente dito last week." paliwanag ko. "Nagbabakasakali lang kami na may mahanap kaming clue or connectivity in the same case."

May nahanap siguro siya kaya huminto siya para tignan yung tittle na nakalagay sa harap ng folder. Bumalik siya sa upuan niya saka nilagay sa harap niya yung folder, sinuot niya yung salamin niya saka nagsimula ng buklatin yung folder.

"Good luck, dahil sa pagkakatanda ko ay aksidente ang case na 'to." sabi niya. "Matagal na' to, tignan mo naka folder pa. Hindi na namin nakuhang ilagay sa New Technology dahil akala namin wala ng maghahanap." paliwanag niya saka binigay sa akin yung dalawang litrato. "Picture ng mag-asawa nung natagpuan sila."

Yung lalake, nakahandusay sa kalsada na duguan. At yung babae nakakapagtaka dahil nasa likod siya ng puno ng Balete habang may nakatusok na kahoy sa dibdib niya. Ang alam ko nakalagay sa article na nabasa ko ay nabanga din siya pero tumalsik sa malayo at may tumusok na kahoy sa dibdib niya, posible bang mangyari yun? Sa likod siya ng Balete mismo tatalsik?

"Anong kinamatay ng babae?" tanong ko na ikinatingin niya sa akin. "Bakit? May dapat ba akong malaman?"

"Nakalagay sa autopsy dito, yung kahoy na nakatusok sa dibdib niya ang dahilan kung bakit siya namatay." Bakit nakalagay sa article iba? "Pinalabas nalang na nabungo din siya dahil ayaw ipaalam ng pamilya ng lalake ang totoong nangyari, dahil baka—"

"Pagbintangan yung lalake na siya ang pumatay sa sarili niyang asawa?" tumango naman siya. Talagang paghihinalaan siya, sino palang papatay sa babae? Anong bagay ang mag tutusok ng kahoy sa dibdib niya? "Bakit aksidente lang ang naging case?"

"Dahil namatay din yung lalake. At naalala ko, may humahabol sa kanila nung gabing yun kaya nagmamaneho sila sa Balete Drive. Hindi ko na natandaan yung ibang detalye dahil yung ibang paperworks na sa kabilang kaso naka file ay inuupdate na sa New Technology, pero ang hinala ng pamilya ng lalake ay yung humahabol sa kanila ang may pumatay duon sa babae."

"Yung driver ng truck?"

"Hinde, nasuspende ang driver ng truck na nakasagasa sa lalake dahil aksidente lang talaga ang nangyari. Yung humahabol sa kanila hindi na nakita dito kaya nag move on na sila sa case at ginawa nalang na aksidente ang nangyari."

× × ×

Pabalik na ako ngayon sa Apartel, masyado ng gabi at wala pa akong natatanggap na tawag mula kay Annie. Hindi ko na alam kung anong balita kay Joana, kaya hiningi ko nalang yung folder ng case para pag-aralan ng mabuti kasama si Annie. Malay mo may kakaibang idea siyang isuggest.

So, let me get this straight. Yung humahabol sa mag asawa ang posibleng pumatay sa babae, kaya naghihigante yung babae dahil gusto niya ng hustisya sa nangyari sa kanilang mag-asawa. Kaya pala puro lalake ang pinapatay niya, dahil baka lalake din yung humahabol sa kanila. Ngayon, kailangan nalang namin hanapin at alamin kung sino talaga yung humahabol sa kanila.

Tangina, ang gulo ng sitwasyong 'to.

Natuon yung attension ko sa cellphone ko na nag-ring. Kinuha ko yun sa bulsa ko gamit yung isang kamay at nilagay ko sa kaliwang kamay ko, at nag form naman siya na parang watch at kumabit sa kamay ko. High-tech, ano pabang aasahan mo? Future is here.

"Come va stronza." sagot ko habang nakangiti. My way of asking, what's up bitch.

"Asan ka ngayon?" tanong niya na parang nag aalala kaya sumeryoso yung mukha ko. "Garrett, Where are you?"

"Relax, pabalik na ako. May mga files akong dala mula duon sa case na nangyari a year ago. Assignment natin mama—"

"Garrett, hindi ang White Lady ang pumapatay!" sigaw niya. Napatingin naman ako bigla sa Street Sign na nadaan ko.

Shit!

| B A L E T E  D R I V E
1 1 : 1 1

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Habang nakakaramdam ako ng biglaang paglamig sa loob ng kotse. "Annie, Ano?" Napansin ko din na may lumalabas na usok sa bibig ko tuwing hihinga ako.

She's fucking here.

"Nakausap ko si Joana, bago sila maaksidente ng boyfriend niya may babaeng nagpapakita daw sa backseat nila na parang White Lady, may binubulong sa kanila. It's trying to stop them from going in Balete Drive. Garrett, the White Lady don't want them to go in Balete Drive."

Damn it! Ibig sabihin humarang yung White Lady sa dinadaanan nila kasi ayaw niya tumuloy sila Joana sa Balete Drive. Alam niya na may mangyayari sa dalawang bata. Pero sino gumawa ng pagkawak-wak ng dibdib ni Mathew kung hindi siya yung pumapatay. Sino?

"I called DB30 para humingi ng impormasyon. May nahanap siya sa New Technology na abusive ang asawa ng babaeng nagpapakita, dahil may kinikinita itong ibang lalake."

"Wag..." Napalingon ako sa rare view mirror, duon nakita ko nanaman yung babae na naka puti. Nakatingin siya sa kalsada at yung mata niya umiiyak "Wag... kang... tutuloy..."

"Motherfucker!"

Kung ganun yung asawa niya ang pumatay sa kanya, tama ako nung una palang. Yung humahabol sa kanila ay yung kinikinita nitong White Lady, at duon sa likod ng Balete pinatay siya ng sarili niyang asawa. At kung tama din ako, paalis na yung asawa niya ng aksidenteng mabangga ito ng truck. Karma's real bitch, man.

"Garrett? You okay— Garrett?" Nag puputol nanaman yung linya. Kinabig ko yung break at hininto yung kotse sa tabi ng kalsada. Yung asawa pala ng White Lady ang pumatay sa boyfriend ni Joana, winakwak niya yung dibdib ni Mathew tulad ng pagpatay niya sa asawa niya.

"Pumunta ka sa libingan ng asawa ng White Lady, sunugin mo yung bangkay. Nandito ngayon yung White Lady sa likod ko." sabi ko sabay lingon sa rare view mirror para makita yung White Lady na nakaupo lang duon na parang may binubulong. Wala siyang balak manakit.

"You idiot, hindi ko alam kung anong pangalan ng asawa niya. Pag hahanapin mo ako sa wala! Maraming sementeryo sa lugar na'to."

Alam ko. Fuck, nalimutan ko. Nasa mga files na binigay sa akin yun kanina. "Aspeta, alam ko." kinuha ko yung folder at hinalungkat yung papel kung saan nakasulat yung pangalan ng mag-asawa, nang makita ko na, babasahin ko nalang pero biglang nagkulay dugo yung mga papel na hawak ko at parang nalusaw. "Ma che cazzo!"

"Bakit!? Garrett?"

"Jamesss.... De Mayo... James.."

Napatingin ako bigla sa White Lady nang magsalita siya.

"James De Mayo. Dalian mo kung ayaw mo kong ma—" Saka nalang ang biglaang pag-andar ng kotse ng hindi ko ginagalaw. "Shit! Eto nanaman tayo." Ayaw nanaman gumana yung manebela at break. Ayoko talaga pag ginagawa nila 'tong tanginang kakayahan nila kumontrol ng mga bagay-bagay. "Annie? Annie!" Shit! Namatay yung linya.

"Tigil.... papatayin ka niya." Pagtingin ko sa rare view mirror nagsalubong yung mata namin ng babae, namumula yung mga mata niya at may luhang nagsisilabasan, saka bigla siyang nawala. Biglang nahilo ako kaya hinawakan ko yung ulo ko at umiling iling.

Tangina, anong gagawin ko.

"Kasalanan mo to!"

"HOLLYSH—!"

Napasigaw ako ng mura nang may biglang lalaking sumigaw at lumitaw na nakaupo sa tabi ko. Duguan yung mukha't ulo niya at yung mata niya halos lumuwa na. Siya yung asawa ng White Lady, siya yung pumapatay. Papatayin niya ko ngayon!

"Hindi mo makukuha asawa ko!" sabi niya habang nakatingin sa kalsada, pabilis ng pabilis yung andar ng kotse. Tumingin ako sa backseat, at dahan-dahan kong inabot yung shotgun. "Hindi siya sasama sayo. Akin lang siya! Akin lang siya!"

Pagkaabot ko ng shotgun, kasabay ng pagtingin niya sa akin ng mga mata niyang lumuluha ng dugo, tinutok ko sa kanya yung shotgun saka kinalabit yung gatilyo. Pagtama ng bala sa kanya, nagbaga yung katawan niya at biglang nawala. Makakahinga na sana ako ng maluwag, pero pagtingin ko sa harap, pabangga ako sa puno ng Balete.

"FUCKING HEL—!"

Naramdaman ko yung impact ng pagbanga ng kotse sa puno, tumama yung ulo ko sa manibela saka naramdaman ko yung hita ko na may umipit na kung ano "Damn it! Aghh!" Eto ang problema sa lumang kotse, walang automatic safe button. Mukhang sasang ayon na talaga ako sa Technology Evolution ah.

Pilit kong binuksan yung pintuan ng kotse saka gumapang palabas. Gusto ko man tumayo pero naramdaman ko yung hita ko na parang nabalian na ewan sa sakit kaya gumapang ako palayo ng kotse.

"Hindi mo siya makukuha!"

"What the fuck? Gimme a break!"

May puwersang nagpatiyaya sa akin, sa harap ko nakita ko yung lalaking duguan na sobrang laki ng mga mata. Bigla niyang nilagay yung palad niya sa dibdib ko saka diniin yung limang daliri niya na parang gustong kunin yung puso ko.

"AGGGH! SHEEET!" Annie! Ano ng ginagawa mo? Dalian mo! "FUCKKK! AGHHHHHH!"

"Akin lang siya! Akin lang ang asawa ko! Hindi niyo siya makukuha! Kahit kailan! Akin lang siya!"

"ANNNIEEEE!" Shet!

"Hindi ngayon. Hindi mo siya makukuha!" sigaw niya habang lalong nilulubog yung daliri niya sa dibdib ko, dahilan para maramdaman ko yung paglabas ng mainit na likido sa bibig ko.

"Fuckk! Hindi ako— kabit ng asawa mo."

"Itigil mo na 'to, James." Nabitawan niya ako nang marinig niyang magsalita yung White Lady, napahinga ako ng malalim saka napaubo ng sunod-sunod. "Tama na James, itigil mo na 'to."

Umatras ako saka tumingin duon sa lalake, nakatingin siya sa White Lady na nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada— sa gilid ng puno ng Balete. Umiiyak siya, habang yung damit niya sa bandang dibdib unti-unting nag pupula, nag durugo, kung paano kumalat yung dugo niya nuong pinatay siya ng sarili niyang asawa.

"Bakit mo nagawa sa akin 'to Michel? Mahal kita, asawa mo ako. Bakit nagawa mong magmahal ng iba?" tanong nung lalake. Shit. Nakuha pa nila talagang mag-drama sa gitna nito?

Lady, papatayin ako ng asawa mo!

"Hindi kita mahal— Pinilit mo akong magpakasal. At ngayon pati buhay ko kinuha mo para ilayo ako sa taong mahal ko."

"Hinde! Hindi ka nila makukuha sa akin! Akin ka lang! Ako ang mahal mo! Kung kailangan ko patayin lahat ng lalakeng kukuha sayo, gagawin ko." Bumalik ng lingon sa akin yung lalake na kinaalarma ko. "Papatayin kita!"

"Oh Shit! Ba't ako?"

Palapit na sana sa akin yung lalake nang biglang nagliyab yung paa niya. Napangiti naman ako, dahil mukhang nagawa na ni Annie yung trabaho niya. Unti-unting nilamon ng apoy yung katawan ng lalake, hanggang sa puro baga nalang ang matira.

"Salt and Burned." banggit ko na nakangisi. Nahanap na ni Annie yung bangkay ng lalake, at binudburan ito ng asin bago sunugin, paraan para matahimik na yung kaluluwa niya sa pananakit ng ibang tao. Tumingin ako sa White Lady sa puno ng Balete. "Matatahimik kana?" Ngumiti siya sa direksyon ko saka biglang naging ilaw na kulay blue at lumutang papunta sa taas. "Rest In Piece," sigaw ko sabay higa sa kalsada "Molto affamato! Annieeee!"

| H A L E ' S  O F F I C E
I N S T I T U T E

"Mr. Garrett, just to make everything clear." paliwanag ni Annie saka umupo sa upuan sa harap ko "Sinira mo ang kotse ko. Last model yun, last model sa panahon ngayon. Hindi katulad ng mga kotseng dilipad ngayon yun. Kaya kalahati ng parte mo ibibigay mo sa akin para pang pagawa ng kotse ko."

Tumigin ako kay Hale saka nagkibit balikat, kinuha ko yung sobre ng pera sa lamesa na parte ko saka binilang. Madami-dami rin 'to, ang kapal, mga ilang beer o whiskey ang mabibili ko dito. Ahaha. I can see myself at the club dancing with my favorite song. And tell me, boy, now wouldn't that be sweet? Sweet Escape.

Whoo hoo, yee hoo! ~~

"Annie, niligtas ko buhay mo kaya nasira ko kotse mo. Win-Win lang ang nangyari." sabi ko sabay binilang ulit yung pera sa harap niya. "Saka wala ka namang ginawa kundi mag sunog ng bangkay."

"Na hindi ko alam kung saan ko hahanapin. Hale, pagsabihan mo nga 'tong tauhan mo. He wreaked my car." angal ni Annie na lalo ko pang inasar sa pagtawa ko ng mahina. "Hale!"

"Garrett, ibigay mo na." Napatingin ako ng masama kay Hale saka sinumpa siya ng ilang beses sa isip ko. "Nasira mo kotse niya. Bumawi ka nalang next case. Wala ka namang gagawin sa pera mo kundi bumili ng alak, puwede mo namang gamitin yung IDs mo. Pag bigyan mo na si Annie."

Pag bigyan? Lang'ya, ang yaman ng babaeng yan. Tignan mo may last model ng lumang kotse saka yung mga damit niya pang elegante, imposibleng walang pampagawa ng kotse yan. Gusto lang talaga ako pahirapan ng babaeng 'to kaya gusto niyang makuha yung kalahati ng parte ko, para mamulubi ako at lumapit sa kanya.

"Ano namang mapapala ko pag binigay ko sayo 'tong kalahating parte ko?" tanong ko sa kanya. "Ganto kaba talaga ka desperado para pahirapan' tong mahirap kong buhay?"

Ngumiti siya sa akin saka dumikwatro, "Let's make a deal." tinignan niya ulit ako mula ulo hanggang paa, parang nuong pagtingin niya nung una kaming nagkita dito. "I have a Sex Android, I bought one."

"Sex Android?"

"Yes, and, let say hindi ko kukunin yung kalahati ng parte mo at palalampasin ko nalang yung ginawa mo sa kotse ko, but, you have to use my Sex Android in exchange. I want you to try him first." sabi niya na kinasama ko lalo ng tingin. "What? I thought you don't care what gender you're having sex with? Hai cambiato idea?"

Tumingin ako kay Hale, nagkibit balikat lang siya. Tinapik ko yung lamesa saka binulsa ko yung sobre ng pera at pumunta malapit sa pintuan para kunin yung jacket ko.

"Hey, Think about it. How about threesome?"

"Lalake, babae, wala akong pakialam, pero kung Android yang inaalok mo. Over my fucking dead body." Alam niya kung gaano ko kinamumuhian ang mga Android, tapos gusto niya akong makipag-sex sa Android? Tangina. "Vaffanculo." Pagkatapos ko suotin yung leather jacket ko humarap ako sa kanila "Nga pala, fuck you," Turo ko ng middle finger ko kay Hale. "Fuck you," Turo ko kay Annie. "I'm cool." sabi ko sabay talikod. "I'm out!"

Pagbukas ko ng pinto saktong bumungad si lata sa pagmumukha ko habang nakatingin sa akin na parang sinasabi na Free Punch In My Face. "Oh, fuck you also." sabi ko sa kanya sabay pinitik yung noo niya saka tulak at lumabas na ng office. "Ciao, figli di puttana."

• • •

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top