Chapter 2: Woman in White

| Q U E Z O N C I T Y

PAGKARATING KO SA Quezon City, dumaan muna ako sa malapit na coffee shop para mainitan yung sikmura ko at magkaroon ng laman. Tanginang biyahe, nakakahilo, kaya ayoko sumakay sa mga levitating transportation. At wala man lang pinabaon na makakain yung tanginang Hale na yan sa akin. Tapos kung makatawag gusto niya tangina agad-agad pumunta sa office niya kahit kagigising ko lang? Ina niya.

Tumawag si Annie sa akin at sinabing malapit nadaw siya sa Balete Drive, kaya binilisan ko na yung pagkain ko at nagmadaling pumunta sa Ateneo dahil duon daw nag-aaral yung babaeng kasama nung namatay na lalake sa Balete Drive. Mabagal ako kumain, at ayoko sa lahat yung may nagmamadali sa akin na bilisan yung pagkain ko dahil paano ko ma eenjoy yung pagkain kung mamadaliin ko? Pero exception ngayon dahil nasa trabaho ako, another thing is I don't wanna hear Annie bitching around saying I haven't done anything while she's there sacrificing her precious life. I know this woman.

Nakarating ako sa Ateneo ng ten-thirty.

Medyo kaunti nalang ang mga estudyante sa labas, nagtanong-tanong ako sa kanila kung nasaan yung babaeng nasa visframe habang nag kunwaring Detective. Naniniwala naman sila dahil sa fake ID na pinapakita ko. Mga GOTP din ang may gawa ng mga fake ID naming mga Hunters, ironic diba? Valid ang ID kaya hindi literal na fake, kahit saan at puwedeng palitan ng kahit anong klaseng ID at profession, kahit Police, Detective, Reporter, at kahit ano pa yan. Malaking tulong din naman dahil madaling mapaniwala ang mga tao kapag may mapapakitang ID.

Joana, ang pangalan ng babae sa visframe. At sa kinamalas malas nga naman, hindi padaw siya pumapasok hanggang ngayon dahil hindi pa nakakarecover sa aksidente. Kaya hiningi ko nalang yung home address sa advicer niya, binigay naman dahil nga sinabi ko na Detective ako, kailangan sa investigation.

This is the job of Hunters, to make-believe people.

| B E R N A R D O  C O M P O U N D
1 1 : 3 O A M

Pumunta ako sa address na binigay ng adviser ni Joana, sa isang compound. Nagtanong tanong pa ako kung kani-kanino kung nasaan yung bahay ng bata dahil sobrang magkaka pareho ang itsura ng mga bahay dito. Nang makita ko na kung saan, kumatok ako sa pintuan kung saan sinabi na nakatira si Joana. Maya-maya ay may lumabas na babae..

"Good morning, Ma'am." bati ko habang nakangiti.

"Good morning. Anong kailangan nila?"

"Detective Reed—galing CYBER CITY," sabi ko sabay labas ng fake ID at pinakita sa kanya ng five seconds saka binalik ulit sa bulsa ko. "Gusto ko lang po sana makausap si Joana, tungkol sa nangyaring aksidente sa Balete Drive."

"Wala dito ang anak ko ngayon, mamaya pa ang balik niya. Nasa therapy session siya kasama ang Papa niya." Shit naman. Pahirapan talaga ako maghanap? Kaya kadalasan gusto ko pang walang nabubuhay sa gantong mga case para walang hahanapin.

"Ganun po ba? Sige po, tawagan niyo nalang po ako pag nakabalik na siya. Babalik nalang po ako." sabi ko sabay bigay ng calling card, kinuha niya naman at tinignan. Aalis na sana ako...

"Sige. Sandali lang—" pigil niya sa akin. "—tanong ko lang, bakit ngayon lang tinuloy yung pag iimbistiga sa nangyari kay Mathew? Hindi ba nakaraang lingo pa nangyari ang aksidente?"

"Sorry Ma'am, may mga bagay po kasi kaming na received nitong araw lang galing sa MPD na makakatulong sa amin na malaman kung ano po talagang nagyari sa kanila. Kaya po kung may mga bagay na nasabi sa inyo si Joana, pakisabi narin po sa akin." Naramdaman ko na parang may gusto siyang sabihin sa paghinga niya ng malalim pero nagdadalawang isip siya. "Any details po ma'am. Malaking tulong na."

Nag buntong hininga siya at tumingin sa akin, "Kasi ano—sabi ni Joana, nakuwento niya lang sa amin, diba kase Balete Drive yun. Ang sabi niya bago sila mabangga, may nakita silang babaeng nakaputi na humarang sa kalye, kaya iniwasan ni Mathew yun at bumanga sila sa puno ng Balete. Sabi ko nga baka imahinasyon niya lang yun, kasi medyo lasing sila." White Lady? Pero bakit wakwak yung dibdib ng lalake? Masyado namang brutal pumatay ang White Lady na iyon kung yun nga ang may gawa.

"Sige po ma'am, salamat po sa impormasyon na sinabi niyo. Babalik nalang po ako."

| C O M P U T E R L A B

Pagkatapos ko tanungin yung Mama ni Joana, pumunta ako sa malapit na ComLab —yung internet shop o internet cafe na tawag nuon— huminto muna ako duon para maki-gamit ng high-tech nilang mga computer, at makareaseach ng mga impormasyon tungkol sa White Lady na posibleng dahilan ng aksidente, at dahilan ng pagkamatay ni Mathew.

"Mr. Garrett, nandito na ako malapit sa Balete Drive. Where are you?" tanong ni Annie. Binaba ko yung phone sa gilid ng lamesa habang patuloy ang pag-swipe sa computer.

"Nasa Comlab, Your Highness. Wala yung babaeng hinahanap ko. Mamaya padaw ang balik sabi ng Mama niya." Pinindot ko yung picture sa screen ng computer at nag zoom-in ito kasama ng mahabang article. "Mukhang galit na babaeng naghahanap ng hustisya ang kalaban natin." sabi ko habang binabasa yung news article na nakalagay.

"White Lady? How do you know?"

"Sabi ng Mama ni Joana na kuwento mismo ni Joana herself, bago nabanga yung anak niya at si Mathew, may nakita daw silang babaeng nakaputi na humarang sa kalsada. At ayon sa news na binabasa ko ngayon, one year ago, may dalawang patay ang natagpuan sa Balete Drive. Yung isa lalake, aksidenteng nabanga daw ng truck nung lumabas sa kotse niya para tignan kung anong diprensya ng gulong niya. At yung isa naman, babae, well, natagpuan ang babae na natatabunan ng mga damo malapit sa Balete Tree, nasagasaan din daw at sa sobrang lakas ng impact tumalsik siya papunta duon at may nakasaksak na matulis na kahoy sa dibdib niya, which maybe explain why—"

"Wakwak yung didbdib ng biktima?"

"Damn right. Siguro yung babae ang naghahanap ng katarungan— fuck I mean hustisya, gusto niya siguro ipakita yung nagyari sa kanya kaya tumatawid siya tuwing may darating na sasakyan." At papatayin niya lahat ng taong makita niya gaya ng pagkamatay niya.

Pero, bakit hindi niya pinatay si Joana?

"Pe—ro —pa ag—k a—" Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang nagputol putol yung linya niya."Hin—ko— la—n"

"Annie? Annie?" Kinuha ko yung cellphone at chineck kung mahina yung signal. Malakas naman. "Annie i-check mo cellphone mo nag chochoppy ka."

"Wag.... —gil ka—" Napatayo ako nang may marinig akong ibang boses ng babae sa kabilang linya. Annie! Fuck!

Agad akong lumabas ng ComLab at humanap ng taxi na masasakyan papunta sa Balete Drive. Ibang boses yun, ang lamig ng boses ng babaeng yun, at ang bagal. Baka nasa panganib si Annie. Tangina, kung tama itong prediction ko, baka mangyari din sa kanya yung nangyari sa White Lady. Shit! Bakit ba kasi siya naghihigante? Anong dahilan niya? Aksidente lang ang pagkamatay niya. Saka kung nag hahanap siya ng hustisya, bakit si Mathew yung pinatay niya last week hindi si Joana?

"Sorry Boss, hindi kami puwedeng pumunta sa Balete Drive. Delikado sa lugar na yun, wala na pong mga sasakyang nag kukuta papunto ruon dahil maraming naaksidente." tanggi ng Driver na tinawag ko. Kung nakakamatay ang tingin, matagal ng hiwa-hiwalay ang katawan nitong driver na 'to.

"Fuck Shit!!" Hindi ko alam kung anong gagawin ko, hindi ko naman puwedeng takbuhin lang yun dahil malayo at mapapagod lang ako. Di lipad naman na yung mga taxi ngayon bakit kaya ayaw pumunta ng mga duwag na putanginang driver na yan.

Hanggang sa may nakita akong may nag-park ng motorcycle sa di kalayuan, tumakbo ako agad papunta duon saka hinablot ko yung nakasakay at hinagis sa tabi na parang sako ng basura sabay sumakay sa motorsiklo at agad pinihit yung susi para mag start.

"Hoy! Akin yan!"

"Detective ako, Shithead." Nilagay ko yung cellphone ko sa phone stand sa gitna ng hawakan ng motorsiklo "Fucking Hey GPT! Show me the location of Balete Drive, Quezon City."

"Okay, Here's the direction of Belete Drive, Queen City."

Tinignan ko yung mapa na lumutang sa screen ng phone, saka pinindot yung turbo engine button ng motor. Naramdaman ko yung pag angat ng motor at pag-ingay ng engine sa likod ko. This is why, sometimes, I fucking love the idea of evolution. Target Location, Balete Drive.

| B A L E T E  D R I V E
2 : 3 O P M

Nang makita ko yung street sign, huminto ako at hinanap kung nasaan yung puno ng Balete. Tinapon ko kung saan yung motor —GOTP na bahala magbalik sa may-ari niyan, hindi ko naman sinira, hiniram ko lang— saka naglakad mula duon. Medyo tahimik yung kalsada, wala masyadong nag sisidaanan na mga sasakyan, at wala ding mga tao. Mula nung naging capital city ang CYBER CITY, medyo napabayaan na yung mga lugar tulad nito, habang umuunlad at patuloy na nag-upgrade ang syudad ng CYBER CITY, ganun naman ang paglubog at hirap ng ibang mga lugar sa Pilipinas.

"Annie, Asan ka?"

Sa di kalayuan nakita ko yung sasakyan ni Annie na pulang Chevrolet Impala. Tumakbo ako papunta dun, walang tao sa loob pati nadin sa paligid ng kotse. Yung Salted Shotgun nakita ko sa loob ng kotse, at yung malaking maleta na puno siguro ng mga baril niya na nakalagay sa backseat.

Tumingin ako sa magkabilang dako ng kalye at mukhang wala namang mga tao kaya binasag ko yung salamin ng sasakyan gamit yung siko ko. Saka binuksan yung lock ng pintuan at pumasok sa loob.

"Scusati, Annie. Kailangan ko gawin 'to."

Inabot ko yung Shotgun sa backseat, at palabas na ako nang biglang sumara yung pinto. Sinubukan ko buksan pero ayaw niya mabuksan, parang na stocked o nag locked yung pintuan. Maya maya biglang umandar yung kotse ng kusa na kinagulat ko kaya napahawak nalang ako sa manibela.

"Shit! Shit! Shit!" Pabilis ng pabilis yung andar ng kotse. "Saan mo ko dadalhin! Fuck!" Sinubukan ko tapakan yung brake pero hindi gumagana. Niliko-liko ko din yung manibela pero wala pading nangyayari.

"Wag—" Napalingon ako sa likod nang marinig ko ulit yung malamig na boses ng babae na narinig ko sa cellphone nung kausap ko si Annie. "—ahhh" may sinasabi siya, nasaan siya? Hindi ko siya makita.

Paglingon ko sa harap nakita ko yung puno ng Balete, at sa harap nanduon si Annie na nakaharang sa kalsada habang pinipicturan yung puno ng Balete ng walang kamalay malay. Shit!

"Annie!" Sinubukan ko pindutin yung busina ng kotse pero walang tunog na lumalabas. Papasagasa niya si Annie, tulad ng nangyari sa kanya.

"WAG!"

Pagtingin ko ulit sa backseat nakita ko may nakaupo na babaeng nakaputi duon, agad ko namang kinasa yung Salted Shotgun at tinutok sa kanya sabay kalabit ng gatilyo. Biglang huminto yung kotse at nawala yung babae na parang bula. Rock salt yung bala ng shotgun, mahina ang mga ligaw na kaluluwa sa asin. Tumingin ulit ako kay Annie, sakto yung paghinto. Lumabas ako ng kotse na nakaupo si Annie sa kalsada, ilang pagitan bago mabangga ng sarili niyang kotse.

"Mr. Garrett! Papatayin mo ba ako?! Bakit mo ako sasagasaan!" sigaw niya sabay tingin sa kotse niya. "At, Anong ginagawa mo sa kotse ko? Paano ka nakapasok?"

"Binasag ko yung bintana"

"Bina—What!? Binasag mo ang alin?"

"Yung bintana. Kailangan ko gawin yun, kinuha ko 'tong shotgun. May narinig kasi akong boses ng ibang babae sa linya mo kanina. Palabas na sana ako ng kotse mo nang biglang umandar, at nakita ko yung babae sa likod ng backseat."

"And?!"

"I shot it? Jesus, What else do you want to hear? Fuck." Hinawi ko yung buhok ko pataas at tumingin ulit ako sa kotse. Anong gusto niya sabihin? Sigaw ng sigaw. Kabulahaw sa tenga.

"Edi sira yung kotse ko?"

"Kotse lang yan, kung di ko ginawa yun isa kana sa mga White Lady na nagpapakita dito gabi-gabi."

"So I should be thankful to you!?"

"Oo."

"Sei così bastardo—" Pumunta siya sa kotse niya at tinignan yung mga sira, napapikit siya ng mariin saka bumalik sa harap ko. "This is 1966 Chevrolet Impala! 1966! And you fucking, god,—kukunin ko yung kalahati ng bayad sayo sa case na 'to para ipagpagawa ng kotse ko."

"The fuck? Niligtas ko na nga buhay mo, Black Lives Matter tanda mo? Tapos pagbabayarin mo pa ako? Baliw kaba? Dapat nga ako pa ang bayaran mo dahil sa ginawa ko."

"You stupid selfish ignorant, Garrett!" sigaw niya nanaman sa sobrang galit, kala mo bulkan na puputok sa sobrang init. Kotse lang naman, akala mo nawala na lahat ng kayamanan niya. "You know what, If I—"

"Mamaya mo na ilabas yang galit mo. To the case, Anong nalaman mo dito?" tanong ko habang tinitignan yung paligid ng Balete.

Nanduon padin yung bakas ng sunog na galing sa aksidente na nangyari. Kung normal ka lang na tao na mapapadaan dito, wala kang mararamdaman na kahit ano, pero hindi na kailangan ng GPS 'to para malaman kung anong meron, dahil titigan mo lang itong puno na 'to ng ilang segundo alam mo na na maraming nakatira dito na kung ano-ano. Yan ang sasabihin ng mga balahibo mo.

"I called the Quezon City Police Department to asked about that case last year you said earlier. Yung sinabi mo sa akin na dalawang naaksidente dito ay mag-asawa." Mag asawa sila? Bakit hindi nakalagay duon sa article na nabasa ko na mag-asawa pala sila. "They didn't gave enough details, pero puwede tayong humingi ng tulong kay DB30 para mag hack ng files nila, unless gusto mong bumalik sa Institute para magtanong sa Paranormal Investigation Unit? You hate that department, right?" Hate is a  wrong word, more like despised it. "I know you, you don't want to waste any time like me."

"Ano ako, Gago? Hihingi ng tulong sa Android?" Ma-isip ko pa nga lang ang word na Android kumukulo na ang dugo ko, tapos gusto niyang humingi ako ng tulong sa latang yun? Siraulo ba 'tong babaeng to?

"Mr. Garrett, Hunter na po ang Android na tinutukoy mo. Sa ayaw at gusto mo isa na siya sa atin. At naka program siya na tumulong sa atin kaya malaking tulong kung tatawagan natin siya ngayon. They have the access to everything, everything."

"Hindi siya tao. Animatronics siya na gawa sa plastic shit, at latang bulok. Non ha un vero cervello. Naglalakad na computer na madaming impormasyon lang ang memory niya, kaya hindi dapat natin siya pagkatiwalaan. Baka mamaya may pinaplano yung mga Android na yun at yung tirahan nilang CYBERLAB para sa atin, edi patay tayong lahat."

"For the love of God, Garrett. He's not Animatronics, is he looks like an Animal? No, ACTROID siya at mission niya na tulungan tayo."

"Oh don't tell me what's animal and not, Annie. I've been with a lot of people and most of them are animal than a real animal. That shit is Animatronics, and you can't convince me that he's not, just because of that— fucking soft— fucking face of him."

"Hay, Ano bang nagawa sayo ni DB30 para laitin mo ng ganyan." Hindi ko alam, makakita lang ako ng Android, gusto ko na durugin na parang lata ng sardinas. "What are you planning to do now? Mr. Pride." tanong niya na napakamot sa ulo.

"Balikan si Joana, tatanungin natin siya kung ano talagang nangyari. At mag research nadin tayo tungkol sa mga Woman in White."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top