Chapter 1: First Case
2 O 2 O
C E B U C I T Y
"Elijah sandali lang. Tangina, puwede bang tumigil ka muna't makinig sa akin?" pasigaw kong tawag kay Elijah sabay hablot ng braso para makuha ang atensiyon niya.
Huminto naman siya at lumingon sa akin, kasabay ng pagguhit ng kidlat sa langit. "Gusto mo ba talaga akong tulungan dito o hindi?" tanong niya na parang hinahabol ng oras ng kamatayan sa kama-madali.
"Gusto ko. Pero, alam nating dalawa na hindi lang masamang espiritu ang sumapi sa batang tutulungan mo." mariin kong bangit habang nakatingin sa bahay kung saan kami papunta. "At alam din natin, na kung ano man 'yon, mapanganib ang bagay na iyon. Sigurado kabang gagawin natin 'to? Wala pa tayong nakaharap ng katulad nito."
"Kailangan ng bata ang tulong natin."
"Shit, El. Hindi na yun bata. That's a fuckin' demon now. Sinapian ng bagay na 'yun ang labing-isa pang bata ng sabay-sabay. Anong kaya mong gawin para mapaalis yun? Dasalan? Makiusap sa mga Diyos?" mapait kong tawa. "Hindi nga natin alam kung totoo ba sila."
"Ano palang gusto mo? Pabayaan nalang lahat ng bata na angkinin ng— ng demonyo yun ang katawan nila? Kunin ang kaluluwa nila?" tanong Elijah sabay titig sa mata ko na naghihintay ng sagot. Hindi siya papatigil sa akin, alam kong may pagkatigas din ang ulo nitong tarantadong 'to. "Garrett, trabaho natin patayin ang mga kakaibang elemento na nandito sa mundo. Trabaho natin—"
"Oo, trabaho natin yun..." sabi ko sabay tawa ng pilit. "Trabaho natin patayin sila, kung kaya natin, hindi yung magsasakripisyo tayo ng buhay para lang sa wala."
"Sige," huminga siya ng malalim, tumingin siya sandali sa bahay kung saan kami papunta saka bumalik ng tingin sa akin. "Hindi kita pipilitin na samahan mo ko. Kung gusto mo hintayin mo nalang ako dito."
"Tangina, hindi yun ang punto ko! Elijah!"
× × ×
2 O 3 4
C Y B E R C I T Y
| A P A R T M E N T
G A R R E T T
NAGISING AKO SA INGAY NG pagtunog ng orasan sa tabi ko. Pilit kong dinilat yung kaliwang mata ko at pinang-kapa yung kamay ko sa lamesa para hanapin at patayin yung alarm clock ng hindi bumabangon, pero pagdilat ko tumama yung sinag ng araw sa mata ko kaya napapikit ako ng mariin sa hapdi. "Shit,"
Bumangon nalang ako sa kama ng tuluyan habang nag-kakamot ng ulo, saka pinatay ko yung orasan sa lamesa. Umupo ako at hinilamos yung palad ko sa mukha.
Eight-thirty na? Fuck me.
Napapadalas 'ata ang paglipas ng oras sa akin, ng hindi ko namamalayan. Ang bilis na sumapit ng umaga. Tangina, nag sisimula pangalang ako managinip saka ingay naman ng orasan. May ginawa nanaman bang kalokohan ang mga tao sa CYBERLAB para ma-skip ang oras? Huh, lahat naman siguro kaya nilang gawin. Puwera lang sa trabaho namin. Mga weirdo.
"Meaow..." Napatingin ako sa tabi ko nang kalabitin ako ng pusa, pinunas niya sa akin yung ulo niya pababa sa katawan niya hanggang sa buntot. "Meaow..." Bumaba naman ako sa kama saka kinuha yung cat food at nilagyan sa pag-kainan niya. Nanghihingi ng pagkain, alam ko ng galawan nitong pusang 'to, katulad ko lang siya, alone and abandoned.
Umalis ako sa kama at pumunta sa lamesa para kunin yung arrow ng darts. Hinagis ko isa-isa yung arrow sa dartboards na nakadikit sa dingding ng kuwarto kung saan may larawan ng mukha na naka-pin sa bullseye. "Single..... Triple.... Come on.... Single. Fuck!"
Kailan ko ba matatamaan yung pag-mumuka ng nasa litratong 'yan? Ilang taon nadin, hanggang ngayon nagmimintis parin.
Kinuha ko nalang yung twalya sa aparador na nag-hihikab para maligo na. Papasok na sana ako sa banyo pero narinig ko yung cellphone na tumutunog bigla. Kinuha ko naman yung cellphone ko sa lamesa saka umupo sa sofa. Pinindot ko yung answer button at duon lumutang sa screen yung muka ng boss ng Haunted Operation Institute (HOI).
"Anong kailangan ng boss sa ganitong kaagang oras?" panimula kong tanong sa kanya na naghihikab. "Anong maipaglilingkod ko?"
"Garrett. Pumunta ka ngayon dito sa Institute. May case akong ibibigay sayo." diretsong utos ni Hale.
Napakamot ako ng ulo, "Case agad? Wala munang 'good morning' o ano? Kagigising ko lang. Hindi ba usong kamustahin muna kung anong lagay ko, nasaan ako o ang gina—" angal ko.
"Kailan kita dito. Pumunta ka dito."
"Right. Ngayong hindi na ako tuloy sa vacation plan ko, balik ka sa pagiging bossy mo at pagpapatawag sa akin na walang pinipiling oras. Just fucking great. Alam mong dapat nasa Singapore na ako ngayon diba?" sabi ko saka nagpalabas ng mapait na tawa, habang iniisip yung mga famous bar at clubs na puwedeng bisitahin Singapore. Sa totoo lang, ilang taon ko ng gusto pumunta at i-try lahat ng mga puwedeng inuman at kainan duon, tapos magiging drawing lang pala ang lahat.
"Pinag bigyan kita. Hindi ka umalis nitong lumipas na buwan, ngayong sunod-sunod ang mga case na dumadating dito sa Institute hindi ka makakapunta sa kahit saan hangga't hindi ka nakakatapos ng dalawang case 'man lang." sagot ni Hale. "Nang walang damage na magaganap."
"Jesus Christ. Kilala mo ko, Hale."
Napailing nalang siya habang nag bubuntong hininga na parang kasalanan ko pa na madami akong nasisira at napipinsalang bagay kapag nasa isang case ako. Dapat lang siya ang pumo-problema sa mga damage na nagagawa ko, dahil siya ang head ng Haunted Operation Institute o HOI. Tauhan niya ako, siya ang mananagot, ipagtanggol niya ako 'aba.
"Alam mo naman na sinasagot ng GOTP ang mga pinsalang nagagawa ng mga tauhan sa HOI. Ilang billion ang kailangan nilang ilabas nuong nasira mo ang isang building ng Mall sa harap ng maraming tao nuong last case mo." bunganga niya. "Ilang paperworks din ang kailangan kong gawin para ipaliwanag na aksidente lang lahat ng nangyari."
Ako naman ngayon ang napailing, "Sana nandun ka nuong muntik na ako kainin ng taong ahas na anak ng may ari ng Mall na yun para sabihin yang mga sinasabi mo. Wala akong choice kun 'di pasabugin yung granada na ikaw mismo ang nag bigay sa akin na 'just in case' na may mangyaring masama. Na nangyari nga. Kasalanan ko ba na ganun karupok mga materyales na pinanggawa nila sa building nila at nagiba agad sa isang bombahan lang?"
"Binigay ko yun dahil ang pagkakaalam ko gagamitin mo yun sa hindi makakaagaw ng atensyon, at walang malaking pinsalang matatamo." pagtatama niya na medyo nahihigh-blood na. "Kailan ka ba titigil sa karereklamo mo, Garrett? Binabayaran naman kita sa lahat ng case na natatapos mo. Can you stop complaining?"
"When you let me have my vacation break now in Singapore, maybe I can."
"Pinayagan kita, hindi mo kinuha yung pagkakataon. Now, get your ass up here before I took all your fake ID's nang hindi ka makabili ng mga alak at makakain mo araw-araw."
"Alright, alright, siguraduhin mo lang na may kakainin ako diyan sa lungga mo pag dating ko." sabi ko sabay pinatay yung video call. "Ugh! Same old fucking day."
Tumayo ako at kinuha ko ulit yung tuwalya ko saka naglakad papuntang banyo.
"Sounds on," sabi ko pagpasok ko sa banyo, at narinig ko naman yung pagbukas ng sound system ng room. Nang magsimulang tumugtog yung paborito kong kanta, "That's better."
Woo hoo, yee hoo
[ The Sweet Escape | Playing ]
| H A U N T E D O P E R A T I O N
I N S T I T U T E
9 : 3 O A M
Hindi dapat ako nandito ngayon. Hindi dapat ako gigising ng ganitong kaaga, at lalarga agad.
Hindi Singapore ang Pilipinas, kung nasaan dapat ako ngayon at ine-enjoy ang bakasyon. Break and a lot of alcoholic drinks, ayon dapat ang buhay ko ngayon. Pero, heto ako ngayon back on duty pabalik sa Institute para nanaman sa isang supernatural case na ipapaimbistiga sa akin ni Hale na puwedeng abutin ng ilang weeks. Another hunting trip on a vacation. Ano pang hihilingin ko?
My life is a living hell.
Nine years, nine years of me fighting different creatures around the Philippines is goddamn hilarious kung iisipin. Nagsimula akong magtrabaho dito sa Haunted Operation Institute nuong twenty-three palang ako. Protektado ng Government Of The Philippines (GOTP) at Philippine Military (PPM) ang HOI, kaya bukod sa kanila, tago ang trabaho namin sa ibang mga tao, at sila din ang dahilan kung bakit patuloy na nakaka-recruite ang HOI ng mga tao para gawing hunter, tulad ko. Ibig sabihin, ang GOTP ang kumukuha sa mga katulad ko para isabak sa military training at kung ano-anong test na ipapaniwala na gagawin kang isang militar o sundalo, pero ang totoo ay ilalagay ka sa isang giyera na hindi tao ang makakalaban.
Pumipili ang mga GOTP at PPM ng mga taong nasa military services ng mga katulad namin na hindi lang tao ang puwedeng labanan. Kaya 'eto ako ngayon, napili ng kamalasan ng buhay.
Pagpasok ko sa office ni Hale, agad kong nakita si Annie na nakaupo sa sofa habang nag-babasa ng magazine. Hinubad ko yung leather ko na may hood saka nilagay sa sabitan, at pumunta sa upuan sa harap ng lamesa ni Hale na may nakalagay na mangkok na puno ng tinapay. Hinintay talaga nila ako, puwede naman silang magsimula ng boring na meeting na wala ako.
"Ilang oras kaba nag aayos ng sarili mo bago ka makaalis? Anong oras na. Hindi naman traffic!" bulyaw ni Hale. "Lumulutang na ang ibang mga sasakyan ngayon Gavin! Saang planeta ka nangaling?" bunganga niya sa akin na ikinakamot ko ng tenga.
"Shit, you're so damn noisy in the morning. Thirty minutes ako sa banyo naliligo at kung ano-ano pang mga gawain na kailangan ko gawin duon na siguro alam mo naman kung ano dahil lalake ka, at ten minutes akong namimili ng damit susuutin dahil gusto ko namang maging representable sa harap ng boss ko, at ten minutes ang paglalakad ko papunta dito. In total of fifty minutes." paliwanag ko sabay kuha ng tinapay sa lamesa niya at sinubo sabay ngiti. "Hindi ako sumakay, mahirap ako, wala akong pambili ng Transformation ID. Nasira yung fake Transformation ID na binigay mo last case ko diba? Di mo pa ako ginagawan ng bago."
"At saan naman napunta ang natitirang ten munites, Mr. Gavin?" tanong ni Annie na tumayo at pumunta sa upuan sa harap ko saka umupo duon. Agad kong napansin yung pag de'kuwarto niya sa harap ko at pagtingin niya sa akin mula ulo hanggang paa na parang kinikilatis ako.
I know what you're doing.
Nagkibit balikat ako, "Dunno, pinakain ko 'ata si Mhadali? Right, pinakain ko si Mhadali. She hates it when I forgot to feed her before I leave." sagot ko. "Moody gal."
"Mhadali?"
"Pusa niya," sagot ni Hale na ikinatango ko lang dahil puno ng tinapay yung bunganga ko. "To the Case, Annie at Gavin. Ito ang trabaho niyo ngayon." nilagay ni Hale yung HoloSphere orb sa lamesa saka pinindot yung button sa itaas nun dahilan para mag-silutangan sa ere ang iba't-ibang larawan para makita ng lahat. "Balete Drive"
| WHAT IS... “ HoloSphere ” is a small orb that projects interactive, multi-layered holographic screens into the air. Users can manipulate the screens through hand gestures or voice commands. |
f i r s t c a s e
"Balete Drive?" tawa ko, binaba ko yung tasa ng kape na iniinom ko sa lamesa saka tumingin sa screen na nakalutang. Picture ng lugar kung saan yung puno ng Balete naka-tayo. "May malaking puno ng Balete duon, Hale. Na sobrang famous na pinamamahayan ng kung ano-ano. Hindi naman na bago yun. Kung hindi naman nakakaabala lahat ng mga nakatira duon, bakit natin sila iistorbohin?"
Tumingin sa mga pictures na nasa screen si Hale ng umiiling. "Hindi ngayon. Tignan niyo 'to."
May pinindot siyang picture at nag zoom in yun para lumaki at makita namin na malapitan. Litrato ng puting kotse na nakataob mismo sa puno ng Balete. Ini-slide niya yung larawan pa-side at lumipat naman ito sa litrato ng isang lalake na wakwak yung dibdib, butas, na parang kinuha yung puso, kita yung mga buto sa dibdib niya na nagsi-uslian at bali. Fucking brutal and bloody disgusting if you ask me.
"Kumain ako. That's fucking disgusting." nawalan ako ng gana sa nakita ko yung mga picture kaya binaba ko na din yung mangkok ng pandesal sa lamesa at nag-pagpag ng pantalon.
"Do you think hindi yung mga nakatira sa Balete Tree ang gumawa niyan?" tanong ni Annie habang nakatingin sa mga picture.
"Isn't it that obvious?.." mahina kong bulong sa sarili na ikinatingin nila sa akin. "Well, tulad ng sinabi mo sila ang nakatira sa punong yan, kung sila ang may gawa niyan bakit nila sisirain tirahan nila? Right?" paliwanag ko sabay taas ng kilay at ngiti na labas ngipin.
Para namang talagang gusto nila malaman yung opinion ko, madalas naman hindi nila pinagkakatiwalaan yung mga opinion at idea na sinusuggest ko dahil ako 'tong tinatawag nilang 'suicidal hunter' na walang pakialam kung mabubuhay ba o mamamatay sa mga hunting case. But for the goddamn record, lahat ng plano ko ang laging may chance na mag tagumpay kesa sa kanila. Let's say na madami ngang damage at mapapahamak, but still, I make better idea than them.
"Yun nga ang sinasabi ko. Kailangan niyong pumunta sa Quezon City para imbistigahan itong pangyayaring 'to. At tanungin niyo narin ang babaeng 'to kung ano talaga ang nangyari..." may binigay si Hale na VisFrame sa akin kung saan nakalagay yung picture ng isang babaeng naka school uniform. "...siya ang kasama ng lalake nung naaksidente sila nitong nakaraang lingo. Girlfriend niya."
| WHAT IS... | “ VisFrame ” | is a lightweight, frameless, and fully transparent glass panel that uses nanotechnology to project high-resolution images, videos, or data directly onto the glass surface, primarily for investigative or organizational purposes. |
"Hindi ba 'to ma handle ng PIU (Paranormal Investigation Unit)? Magaling ang department nila sa mga ganitong investigation diba?" tanong ko.
Umiling naman si Hale, "Padating sa ganitong case, actual, hindi ko ipinagkakatiwala sa department nila ang bagay na 'to. Hindi sila trained sa ganitong paraan. Alam mo namang karamihan sa department dito sa Institute nag ba-base at nakakatulong lang gamit ang futuristic technology at gadgets. Kayo lang ang sumasabak sa labas."
Kawawa talaga kaming mga tao sa Hunter Operations Division (HOP), onti na nga lang kami, buwis buhay pa ang trabaho.
"At bakit ko kailangan ng partner sa case na'to?" tanong ko. "Hindi naman na ako probie at mukang simpleng case lang naman 'tong binigay mo."
"Damage Control, Garrett."
Napatawa ako, "Tinatawag mo si Annie na Damage Control? Hale, that's not nice." sabi ko na tumatawa habang nakaturo kay Annie. Nang hindi nila na-gets yung joke ko, tumigil ako sa tawa ko. Jeez, Nobody gets my jokes, everyone here thinks I'm fucking rude. "I don't need a babysitter, Hale."
Napangiwi ako ng tadyakan ni Annie yung paa ko gamit yung pointed heels na suot niya. Sa sobrang talim, puwede ng makapatay.
"Garrett, puwede bang kahit isang beses lang, sumunod ka naman sa pinag-uutos ko ng walang angal?" tanong ni Hale.
"Alright," tumayo ako at kinuha ko yung visframe saka pumunta sa tapat ng pinto at kinuha yung jacket ko. Bumalik ako ng tingin kila Annie habang sinusuot yung jacket. "Here's the plan. Ikaw ang pumunta sa Balete Tree at ako ang maghahanap sa batang 'to. Para walang damage, walang babayaran ang GOTP, just like the boss wanted. Are we good?"
"Pero hindi—" angal ni Annie pero hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita nang buksan ko yung pintuan at naglakad na paalis.
"Good talk. Ciao!" paalam ko saka taas ng middle finger ko sa kanila.
| G E A R & A R M O R Y
D E P A R T M E N T
Siguro, masasabi ko, na itong department na 'to ang favorite spot ko dito sa Institute, sama mona yung spot sa hallway kung saan nakalagay yung coffee dispenser machine kung saan ako nakakapag-coffee break. Dito sa department na'to nakalagay lahat ng mga supplies na kailangan namin para mang-hunting ng iba't-ibang mga creatures—dito nakalagay lahat ng baril, shotguns, holy water, crucifix, and all sorts of stuff. Dito ang bagsakan ng mga weapon na binibigay ng mga GOTP at PPM kay Hale para sa Institute. Minsan, kung lucky day mo, ikaw pa ang makakasubok ng new weapon models galing PPM, na galing at inimbento ng mga tao sa CYBERLAB—kadalasan kasi gusto muna nilang ipa-test sa amin yung mga weapon na gawa ng Creators bago nila mismo gamitin sa giyera.
Pagpasok ko sa loob ng Weapon Vault & Supply Room, may nakita akong hindi pamilyar na muka sa gilid ng mesa na kausap ni Paul, kilala ko lahat ng mga taong nagtatrabaho at Hunters dito sa HOI at sigurado akong yung lalaking yun ay hindi taga dito o kahit saang department. Naka suot siya ng parang black and red uniform at may kung anong umiilaw sa bandang kaliwang dibdib niya, pa-triangle at kulay grey yung ilaw na nanggagaling duon.
Nang makarating ako sa counter, lumapit sa akin si Luke, supervisor ng department. "Lakad ngayon?" tanong niya habang hinahasa yung pocket knife na hawak niya.
Tumango ako, "Quezon City, Balete Drive."
"Oh, big time. Anong kailangan mo?"
"HS2000 at Glock 19." sagot ko. "Yung mga GPS at Salted Shotgun padala mo kay Annie, siya yung kasama ko ngayon." tumango naman siya at nagsimula ng hanapin yung mga baril na sinabi ko.
Pagtapos niya hanapin yung mga kailangan ko, nilagay niya sa counter yung dalawang baril. "Eto, tag-isang case ng bala lang. Magtipid ka, sayo nauubos yung supplies natin ng bala. Sinabi din sa akin ni Hale na warning ka sa mga supplies. Namumulubi na 'ata yung mga taga taas."
Tumawa nalang ako ng tumatango saka kinuha yung dalawang box ng bala at nilagay sa loob ng jacket ko, kinuha ko din yung dalawang baril at kinasa, pihit pababa ng safety mode, sabay nilagay sa magkabilang gilid sa likod ng pantalon ko.
"Tawagan mo ko pag nagkulang." dagdag niya. "Naalala ko, akala ko ba nanghingi ka ng vacation break kay Hale para pumunta sa Singapore? Nagbago ba isip ni Hale?"
Napatawa nanaman ako ng mapait. "Pinayagan niya ako. Pero dahil nga sa Mall Incident Case na nangyari, na delayed yung flight ko papuntang Singapore. At ngayong free na ako, ayaw na ako payagan ng mother fucker Hale na yan."
"Ouch. Hindi kana pala tuloy?"
"Hindi ko alam." sagot ko. "Sabi ni Hale kailangan kong makatapos ng kahit dalawang case—with note na kailangan walang damage—bago niya ulit ako payagan. But honestly, alam naman nating may attitude at anger problem yang Boss natin, pabagu-bago isip niya, kaya aasa paba akong papayagan niya ako?"
Umiling si Luke na tumatawa.
"Sino nga pala yun? Bago?" tanong ko nang mapadpad ulit yung paningin ko sa lalake na nakita ko kanina. Tumalikod siya at napansin ko na may nakasulat sa likod ng suot niya na ANDROID. "Fuckin' Android?"
Tumango si Luke, "Oo, bagong Android slash Hunter daw. Ilalagay sa department niyo, hindi mo alam? Newly released ng Creators galing CYBERLAB." talagang hinusto na nila gumawa ng iba't-ibang klase ng Android. Baka gusto nadin nilang palitan lahat ng tao dito sa mundo ng mga Android.
Years Ago, nagkaroon ng groundbreaking shift sa Pilipinas nuong idiniklara na ng Government Of The Philippines ang pag-assigned sa mga Android para sa ibang gawain na higit sa kakayanan o mapanganib sa mga tao. Dahil 'to sa pagkakaroon ng matinding pandemic noong 2020, na nag-cause ng significant reduction sa population, na kinailangan muna na pagtuunan ang kaligtasan ng mga tao. Para tugunan ito, nakipag-collaborate ang GOTP sa mga international scientist, na kilala bilang mga Creators, galing sa mga bansa kung saan legalized na ang various types of Androids. Sa tulong ng mga Creators, naging posible ang pag-develop ng mga Humanoid Robot dito sa Pilipinas na may kakayahan maglakad, makipag-usap, at mag-mimic ng galaw ng tao. Nang tumagal na, nag established ang mga Creators ng sarili nilang research hub dito sa Pilipinas, na tinatawag na CYBERLAB. Nakatayo ang CYBERLAB sa bagong capital at chief city of the Philippines, CYBER CITY.
Naalala ko pa yung mga unang Androids Models na gawa ng mga Creators, halos skeletal palang ang appearance nila at sobrang vulnerable sa water damage. May limit yung mga kayang gawin nila na hindi ayon sa gustong mangyari ng GOTP. Kaya nag-decide sila na mag go beyond the limitations, at magsagawa ng malalim na pag-a-update para maging matibay ito. Kaya ngayon, naging parte na ng lipunan ang mga Android, sila ang gumagawa ng mga trabaho o gawain na mapanganib sa tao. Naging valuable assets din sila ng Philippine Military, na kadalasan dine-deployed sa mga conflict zones dahil sa kanilang matibay na dedikasyon at pagsunod sa kanilang mga programmed directives. Just think of them as mechanical companions, always ready to assist, but lacking the warmth of human touch.
May mga sangayon sa bagong era ng Pilipinas kung saan mag co-exist ang mga Tao at Android, pero madami ding tutol dito—isa na ako duon. Lalo na ngayong ilang taon na ang lumipas at wala na ang pandemic, pero patuloy parin ang pag-multiply ng iba't-ibang version ng mga Android, kung saan halos karamihan ng trabaho ng mga tao ay sa kanila na pinapagawa.
"Mga Androids na pala papalit sa ating mga Hunters sa susunod?"
"Puwede nilang subukan, pero papasabugin ko muna mga ulo nila bago nila ako mapaalis sa trabaho ko dito sa Institute." Yah, they can really try, pero hindi magiging madali sa kanila na paalisin kaming mga Hunters. This Institute is home of the army, we fight till we die.
Nang umalis na yung kausap ng Android, na si Paul, pumalakpak ako ng malakas habang nakangisi, "Congratulations sa pagiging kauna-unahang lata na magiging Hunter sa buong mundo!" sigaw ko na ikinatingin ng Android sa akin.
"Kamusta," bati niya sabay tinagilid niya yung ulo niya na parang aso, saka ngumiti. "Garrett."
"Oh... Oh.." Kilala niya ako. Lumapit ako sa kanya saka kinilatis siya mula ulo hanggang paa. "Anong klaseng Animatronics Android ka? Ngayon lang ako nakakita ng tulad mo." Hindi mukang Android, tao kung magsalita, yung boses sobrang smooth, nakakatakot isipin kung ano pang kayang i-upgrade ng ganitong Android. "Anong Model mo?"
"ACTROID-DB36." Actroid? "Naka programed akong tulungan ang mga Hunter na pumuksa ng mga masasamang elemento dito sa mundo."
Tulungan? Ibig sabihin ba puwede kong utus-utusan itong bagay na'to? "Kuhaan mo ako ng kape." utos ko, pero hindi siya sumagot. "Hello! Lata, kinakausap kita. Kinakalawang ka na ba agad?" tanong ko sabay kaway sa mukha niya.
"Pasensya, ngunit utos galing kay Professor Hale lang ang nakaprograma na sundin ko sa ngayon." sagot niya na kinainit ng ulo ko.
Lumapit ako sa kanya saka tinignan ko siya sa mata. "Do me a favor..." hinawakan ko siya sa balikat at tinapik. Pagtapos ko ngumiti sa kanya, bigla kong sinuntok yung tyan niya. Naramdaman ko yung pag-lubog ng kamao ko sa tyan na parang tyan ng tao pero mga matitigas na bakal laman nito, na sobrang weird at disgusting maramdaman sa kamay ko.
Napaluhod siya sa sahig habang hawak yung tyan niya kung saan ko siya sinuntok. Nakakaramdam siya ng sakit? Niluhod ko yung isa kong tuhod para pantayan siya at nilapit ko yung bibig ko sa tenga niya "Stay out of my fucking way, kung gusto mo tumagal." sabay pitik sa noo niya at tumayo para lumabas.
Ugh! Fucking Android.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top