Unang Kabanata
"So ano guys, ready na ba kayo? Wala na ba tayong nakalimutan?" Masayang tanong pa ni Dhang sa kanyang mga kasama na ngayon ay katatapos lang maglagay ng kanilang gamit sa loob ng sasakyan.
"Sa tingin ko'y wala na, and we're very much ready," nakangiting tugon naman ni Hannah na halatang excited na rin sa kanilang trip.
Naisipan kasi ng magbabarkada na magkaroon ng trip sa bayan ng Clintwood para naman makapag-relax dahil katatapos lang ng kanilang midterm exam.
Naengganyo kasi ang mga ito nang makita nila mula sa isang FB post ang tungkol sa bagong bukas na resort doon. Dinarayo kasi talaga ito ng mga turista at pati na rin ng ibang taga-karatig bayan dahil sa ganda nitong taglay.
"So ano pa'ng hinihintay natin? Arat na?" Tanong pa nitong muli.
"Arat na!" Sabay-sabay namang sigaw ng apat kasabay noo'y pumasok na sila sa loob ng sasakyan habang nakangiti.
Dalawang oras pa ang biyahe papunta sa Clintwood, mula sa Redville kung saan nakatira ang magkakaibigan. Ang Redville ay ang pinakasentrong lugar sa buong lalawigan ng New Willy at katabi lang nito ay ang gubat na kilala sa pangalang haunted forest.
Ang haunted forest ay kinakatakutang lugar ng karamihan lalo na ng mga taga Redville. Marami nang kwentong hindi kanais-nais ang naririnig ng iba patungkol sa lugar na ito. Kung kaya naman pinangingilagan na ito ng lahat at halos wala na ring napabalitang nakatira roon.
Ilang saglit pa'y napreno nang mabilis ni Hannah ang kanyang sasakyan nang bigla na lang huminto ang sinusundan nitong kotse.
Halos masubsob naman ang mukha ng kanyang mga kaibigan dahil sa ginawa niyang iyon.
"Gago ba 'yang nagmamaneho sa unahan natin? Bakit bigla na lang siyang huminto? Muntik na akong magkabukol dahil sa ginawa niya," himutok pa ni Akira na nakaupo sa backseat at nakahalukipkip. Nakabusangot naman ang mukha ng dalawa pa nitong katabi na sina Love at Ashley.
"Ano ba kasi ang nangyayari? Bakit bigla na lang nagkaroon ng traffic?" Takang tanong pa ni Dhang matapos niyang dungawin ang bintana ng kotse atsaka tiningnan ang mahabang pila ng mga sasakyan.
Her friends just shrugged their shoulders kaya napabuntong hininga na lamang siya dahil do'n.
Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin sila umuusad. Nang bigla na lang dumaan ang isang traffic enforcer sa tabi ng kanilang sinasakyan. Kaya dali-dali namang niyang ibinaba ang bintana nito atsaka magalang na tinawag ang lalaki.
"Excuse me po manong enforcer, ano pa ba'ng meron at bakit traffic dito sa highway?" Tanong pa niya rito kaya nilingon naman siya ng lalaki atsaka nginitian.
"May nagsalpukan daw na kotse at Ten Wheeler Track do'n sa Balete Avenue at sa kasamaang palad kapwa patay na ang parehong driver. Naisugod naman silang dalawa sa hospital pero idiniklara nang dead on arrival ang mga ito. Kaya lang hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggal ang mga sasakyan kaya 'yan, pati dito sa Narra Avenue eh mahaba pa rin ang traffic," paliwanag pa nito kaya napatango-tango na lang dalaga atsaka nagpasalamat sa enforcer.
"So, what will be our plan now?" Tanong pa ni Hannah na halatang kanina pa naiinip.
Nagkatinginan pa silang apat at kapwa napabuga pa ng hangin sa kawalan.
"What if, sa haunted forest na lang tayo dumaan, kasi 'di ba d'yan daw ang shortcut papunta sa Clintwood?" Suhestiyon naman ni Love kaya muli na naman silang nagkatinginan sa isa't-isa dahil do'n. Sandali silang na-isip atsaka tinimbang ang pangyayari.
"Well, since nandito na rin tayo, eh 'di ituloy na lang natin. At kung ang tanging daan lang papunta sa Clintwood ay ang haunted forest na 'yan eh go na lang," wika naman ni Hannah. Agad din naman itong sinang-ayunan ng magkakaibigan maliban kay Ashley na nagdadalawang-isip sa sinabing iyon ng kaibigan.
"Hindi ba masyadong delikado kapag d'yan tayo dumaan?" May pag-aalinlangan pa nitong tanong sa kanyang mga kasama. "Alam ni'yo na, 'yong mga kwento-kwento at sabi-sabi tungkol sa gubat na 'yan," dagdag pa niya.
"Sus, nagpapaniwala ka do'n eh 'di ba nga panakot lang ng mga matatanda 'yon sa mga bata," natatawa namang tugon sa kanya ni Hannah. Hindi kasi siya naniniwala sa kwento ng karamihan patungkol sa gubat na 'yon. Ayon kasi sa iba nangunguha raw ito ng tao upang gawing alay sa makapangyarihang nilalang na nakatira doon. May mga ilan ding nagsasabi na lahat daw ng dumadaan doon ay hindi na nakabalik. Habang iba nama'y bigla na lang nawala matapos na magtungo doon. Bukod pa rito ay wala ring katao-tao sa nasabing lugar kaya naman tinawag na lamang ito ng karamihan na haunted forest.
Unang beses pa lang silang dadaan sa nasabing lugar kung kaya't nagbabakasakali si Ashley na sana'y walang masamang mangyari sa kanila. Gustong-gusto kasi niyang tanggihan ang naisip na ideya ng mga kaibigan ngunit ayaw naman niyang maunsiyame ang kanilang lakad kaya ipanagsa-diyos na lamang niya ang kabang nararamdaman.
Habang sakay ng isang itim na SUV na pagmamay-ari ni Hannah ay binabagtas na nga nila ang tahimik at napakamisteryosong kagubatan.
Makalipas ang ilang minuto'y napansin nila mula sa hindi kalayuan ang isang bahay na yari sa kahoy.
"Akala ko ba walang nakatira sa lugar na 'to, eh bakit may bahay dito sa gitna ng kagubatan?" Pagtatakang tanong ni Hannah sa kanyang mga kasama habang patuloy pa rin sa pagmamaneho.
"Oo nga eh, 'yon din ang sabi ng karamihan," komento naman ni Dhang na nakaupo sa kanyang tabi.
Pinagmasdan ito ng maigi ng magkakaibigan at napansin nga nila na isa pala itong luma at abandonadong bahay na yari lamang sa kahoy. Napahabol tingin naman ang tatlo pa nilang kasama na nakaupo naman sa back seat.
Lumipas pa ang maraming minuto nang muli na naman silang makakita ng isa pang bahay. Subalit pareho rin ito ng unang bahay na kanilang nadaanan. Nagtataka man ay ipinagwalang bahala na lamang nila ito at nagpatuloy na lang sila sa pagbaybay sa madamong bahagi ng gubat.
Mayamaya pa'y nakaramdam na ng matinding kaba ang magbabarkada. Sa 'di kalayuan kasi ng kalsada ay muli na naman nilang natanaw ang isang lumang bahay na kanina ay nadaanan na nila.
"Ito rin 'yong bahay kanina 'di ba? Pabalik-balik lang ata tayo eh," Pagtatakang wika pa ni Love.
"Mukhang napaglalaruan na ata tayo," Pakli naman ni Akira habang hinihipo ang magkabilang braso dahil nag-uumpisa nang magtayuan ang kanyang balahibo.
"Nawawala na ata tayo guys!" Mangiyak-iyak namang wika ni Ashley, na kakikitaan na rin ng takot sa mukha.
"Tumigil muna kaya tayo at i-check natin kung may nakatira pa ba d'yan sa bahay para naman makahingi tayo ng tulong," suhestiyon pa ni Dhang sa kanila. Nagmistula namang magic word iyo para sa lahat dahil umaliwalas nang muli ang ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Gusto ko 'yan, that's a good idea," masayang tugon pa ni Hannah na tila nabuhayan ng loob.
"Tamang-tama, kanina pa ako ihing-ihi eh," sang-ayon naman ni Akira na medyo nangingiwi na dahil kanina pa sumasakit ang kanyang tiyan. Marahil ay dala lamang iyon ng kabang kanyang nararamdaman.
Tumigil sila sa harapan ng lumang bahay at ipinarada doon ang kanilang sasakyan. Mabilis namang naghanap ng mapu-pwestuhan si Akira dahil kanina pa niya nararamdaman ang pagtawag ng kalikasan.
Naunang naglakad si Dhang palapit ng bahay na kasunod lang nina Ashley at Hannah habang si Love naman ay nasa hulihan. Kahit nakakaramdam sila ng takot ay itinuloy pa rin nila ang kanilang balak.
Pagkalapit nila sa main door ng bahay ay dahan-dahan itong itinulak ni Dhang. Sa kanilang lima kasi siya lang ang pinakamatapang habang si Ashley naman ang pinakamatatakutin. Sira na ang door knob ng pinto at dahil doo'y bumukas ito ng deretso kasabay ng paglangit-ngit nito dala ng kalumaan. Tumindi pa lalo ang nararamdaman nilang kaba nang bigla na lang humangin ng malakas. Sabay-sabay pa silang napatingin sa kanilang likuran nang marinig nila ang humuhuning uwak na nasa itaas ng puno, hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Lingid pa sa kaalaman ng lima, ang uwak na iyon ay lihim na nagbabantay sa kanilang mga kilos.
"Guys, huwag na lang kaya tayong pumasok parang hindi maganda ang pakiramdam ko sa bahay na 'yan eh," natatakot pang wika ni Ashley kasabay noo'y kumapit siya sa braso ni Hannah.
"Ash, uwak lang 'yon okay, hindi ka naman siguro susunggaban no'n no?" Sarkastikong tugon naman ni Hannah dahilan upang mapabitaw ang kaibigan sa kanya. Inirapan pa niya ang dalaga atsaka tinungo ang kinaroroonan ni Love na sa likod lang nila.
Sa mabagal na pagbukas ng main door ay inaabangan na ng magbabarkada kung ano ang nasa loob niyon. Doon nga bumungad sa kanila ang luma at sira-sira nitong mga gamit tulad ng lamesa, upuan, aparador at iba pa. Kaya naman hindi na sila nag-alinlangan at kaagad na nila itong pinasok.
Doon nila mas nakita ang kabuuan ng bahay at kahit papaano'y nakahinga sila ng maluwag dahil wala namang kakaiba sa loob niyon. Sa ibang bahagi naman ng bahay ay naroon ang mga kwartong halos wala ng pinto. Ang sahig na gawa sa kahoy ay may mga butas na at ang dingding naman nito ay marurupok na.
"Tao po? " Malumanay na wika pa ni Love habang sinisiguro kung may nakatira pa nga ba sa bahay. Inilibot niya rin ang kanyang paningin sa buong lugar pero wala naman siyang nakitang kakaiba o nakakatakot doon.
Nakatawag pansin naman kay Hannah ang isang nakatabinging larawan na nakasabit sa dingding. Halos malaglag na nga ito sa hitsura pa lang, kung kaya't pinunasan na lamang niya ang nakatabong alikabok at ipinantay sa pagkakasabit. Larawan pala iyon ng isang lalaking nakaupo. Inilapit pa ng dalaga ang mukha sa larawan upang tingnan ito ng mabuti, nang bigla na lang sumuot ang isang paa ni Ashley sa maliit na butas ng sahig.
Napatili pa ang dalaga kaya agad siyang nilapitan ni Dhang upang tulungan. Napatingin din sa kanya si Love na noo'y nagpipigil din ng tawa dahil sa kapalpakan ng kaibigan.
"Dahan-dahan kasi, alam mo namang may kalumaan na 'tong bahay eh," nakangiting wika pa ni Dhang sa kanya pero buntong hininga lamang ang itinugon ng kaibigan sa kanya.
"Salamat sa pagpipigil ni'yo na huwag matawa ah? Ramdam na ramdam ko eh," sarkastikong tugon pa niya sa mga kaibigan kaya napatawa na lamang sila ng tuluyan dahil do'n.
Habang si Hannah nama'y patuloy pa rin sa pagtitig sa larawan, hindi niya alintana ang mga kaibigang nagtatawan dahil naka-focus lamang siya sa letrato, at hindi pa siya nakontento roon dahil tinanggal pa niya ito mula sa pagkakasabit sa dingding atsaka pinagmasdang maigi. Napakunot noo siya habang sinusuri ang larawan. Parang familiar sa akin ang lalaking ito ah? Hindi ko lang talaga maalala kung saan ko siya nakita. Sabi pa niya sa kanyang sarili habang iniisip kung saan nga ba niya nakita ang lalaki sa picture.
"Siya siguro ang may-ari nitong bahay," komento pa ni Ashley habang pinapagpagan ang suot nitong short. Nilingon lamang niya ito atsaka nagkibit-balikat.
Mula naman sa labas ng bahay ay narinig nila ang pag-alarm ng kanilang sasakyan. Sa gulat ay nabitawan pa ni Hannah ang hawak nitong larawan. Kaya agad umalingawngaw ang tunog niyon sa buong kabahayan.
"Ano ka ba naman Hannah, bakit mo binitiwan nabasag tuloy," reklamo pa ni Love.
"As if sinasadya ko, eh nagulat nga ako," sagot pa nito sa sarkastikong boses kaya naparolyo na lamang ng mata ang dalaga.
Mabilis namang sinilip ni Dhang ang nakabukas na main door nang marinig nito ang alarm. Sa tabi kasi ng sasakyan ay naroon ang isang lalaking na seryosong nakatingin sa kanila. Nakamasid lamang siya at pinagmamasdan ang bawat galaw ng magkakaibigan. Agad napagtanto ng dalaga na may masamang balak ang lalaki sa kanila nang makita nito ang hawak niyang itak. Naalarma naman siya dahil do'n.
"S-s-iya n-n-a s-siguro 'yong may-ari nitong bahay," nauutal pa nitong sabi sa mga kasamahan.
Agad na napatingin si Hannah sa direksyong tinutukoy ng kaibigan ngunit hindi naman niya mamukhaan ang sinasabi nitong lalaki.
Sinuri pang mabuti ng magkakaibigan ang hitsura ng lalaki. Subalit hindi talaga nila maaninag ang mukha nito na halos puti lamang ang tangi nilang nakikita. Nakasuot kasi siya ng ginupit na puting tela na ginawa pang maskara. Hindi naman sila sigurado kung bakit nakasuot ito ng ganoon pero isa lang ang nasa isip nila ng mga oras na 'yon. May itinatago ang lalaking 'yon sa likod ng kanyang maskara.
Mayamaya pa'y bigla na lamang itong naglakad ng mabilis, papalapit sa kanilang kinaroroonan na tila may masamang gagawin kapag sila'y kanyang nahuli.
"Takbo!" Sigaw ni Dhang sa mga kasama.
Mabilis na naisara ni Love ang main door ng bahay, habang si Hannah nama'y kaagad na kumuha ng upuan upang gawing pangharang.
Dito ay natarantang tumakbo ang magkakaibigan na parang hindi alam kung saan sila susuot.
Ano kaya ang mangyayari sa magkakaibigan? Maaabutan ba sila no'ng lalaking may hawak na itak o makakatakas sila mula sa kanya? Abangan sa susunod na kabanata.
Itinuloy..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top