Teaser

Isang grupo ng kabataan ang nakaisip na magtungo sa bayan ng Clintwood dahil nabalitaan nilang may bagong bukas na resort doon. Ito ay ang magbabarkadang sina Love, Dhang, Akira, Ashley at Hannah. Nais din kasi ng magkakaibigang ito na makapunta sa naturang lugar dahil sa magagandang pasyalan na nakikita nila sa facebook. Sikat kasi ang bayang ito sa magagandang resort, pasyalan at mga atraksyon, kaya naman ayaw magpahuli ng grupo at nahikayat na rin silang pumunta roon.

Magkakakilala na ang magbabarkada ito noon pa man, dahil pare-pareho silang mga college students. Minsan lang kasi sa loob ng isang buwan kung magsama-sama ang mga ito dahil magkakaiba naman ang kanilang mga kurso. Nataon namang walang pasok nang araw na iyon, kaya naisipan ng grupo na mag-unwind para mabawasan ang nararamdaman nilang stress sa school.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng aksidente sa highway na daraanan sana ng magkakaibigan, at nagdulot pa ito ng matinding traffic kaya napagpasyahan na lamang nilang maghanap ng ibang pwedeng daanan. Maliban sa highway ay mayroon pang ibang daan patungong Clintwood, ito ay ang tinugurian nilang haunted forest.

Ang lugar na pinaniniwalaan ng karamihan na isinumpa at punung-puno ng kababalaghan. Wala ring sinuman ang nakatira sa lugar na 'yon kung kaya lalo lamang lumakas ang haka-haka ng marami, na may naninirahan nga ritong isang nilalang na nangunguha ng buhay upang gawing alay.

Ano kaya ang mangyayari sa magbabarkada kapag tuluyan na silang nakapasok sa sinasabing haunted forest? Makakalabas pa ba sila ng ligtas? Matutuloy pa ba nila ang masaya nilang trip o gaya ng mga sabi-sabi ay hindi na nga sila makakabalik pa ng buhay.

Sabay-sabay po nating alamin ang misteryong bumabalot sa haunted forest at kung ano ang kahihitnan ng magkakaibigan.


Haunted Forest
Only the trees can hear you screaming.



Author's Note:

Ang mga pangalang ginamit sa kuwentong ito ay totoong pangalan ng mga kaibigan ko. Pero mga nickname nga lang nila. Ngunit ang mga lugar na mababanggit sa kuwento ay pawang kathang isip lamang. Ito po ang unang horror-suspense story ko dito sa wattpad at unang beses ko rin pong gumamit ng 3rd Person's POV kaya sana po ay pagpasensyahan ni'yo na lang kung hindi ko po naabot ang inyong expectations.

All rights reserved.

No parts of this story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime!

Fisrt Book Cover made by: liam_delino

New Book Cover made by: chinyu_lin147

Newest Book Cover made by: sissyyouu



-CapriceKiara

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top