Ikalawang Kabanata

Dala nang takot ay nagsimula na ngang mag-panic ang magbabarkada. Nilibot pa ni Dhang ng tingin ang buong kabahayan para makahanap ng kanilang mapagtataguan. Nang makita niya ang hagdan patungo sa ikalawang palapag ng bahay ay napangiti siya nang malapad.


"Ayon may hagdan paitaas!" Sigaw pa nito sa mga kasama.


Nagtakbuhan naman sila paakyat sa 2nd floor ng bahay. Halos magiba pa nila ang hagdan nito dahil sa tulin ng kanilang pag-akyat. Nang marating nila ang ikalawang palapag ay bumungad agad sa kanila ang isa pang pinto. Nakasarado ito kaya sinipa ito ni Dhang, kaagad naman itong bumukas at lumagabog. Pagkapasok sa silid ay nakita nila ang isang bintana. Bintanang sira-sira na at kung susuriin pa'y tila malapit na rin itong bumigay.



Agad na tumakbo si Dhang palapit sa bintana na sinundan naman Ashley habang sina Love at Hannah ay naghahanap nang kung ano upang kanilang magamit sakali mang makaakyat ang lalaki.


Sinipa ni Dhang ng malakas ang bintana kaya nagsihulugan ang mga sirang parte nito sa labas at ibaba.


"Dito na tayo dumaan! Wala na rin kas tayong ibang mapupuntahan!" Kabadong wika pa ni Dhang sa kanyang mga kaibigan.


"What? Ayaw ko nga! Baka magkabali-bali ang mga buto ko kapag tumalon ako d'yan," reklamo pa ni Hannah.


"Oh sige, kung gusto mong mahuli ng lalaking iyon at mamatay dito. Huwag ka nang tumalon, maiwan kana lang," naiinis nang wika ni Love kaya napabuntong hininga na lamang ang dalaga at wala nang nagawa pa kundi sumunod sa suhestiyon ng mga kasama niya.


Nang bigla na lang nagpalinga-linga si Ashley na para bang may hinahanap.



"Oh my gosh! Nasaan si Akira?" May pagtataka nitong tanong habang nakatingin sa mga kasama. Nagkatinginan naman silang apat at do'n lamang nila napansin na hindi nga nila kasama ang kaibigan mula pa kanina.


"Fuck! Naiwan siguro siya sa baba," kinakabahan nang wika ni Love kasabay noo'y napatampal siya sa kanyang noo.



"Ano na, aalis pa ba tayo sa lugar na 'to o hihintayin pa nating makaayat 'yong creepy guy na 'yon," naiirita namang komento ni Hannah pero tinaasan lang siya ng kilay ni Love. Kanina pa kasi siya naiinis sa kinikilos ng kaibigan pero ayaw lang niya itong ipahalata. Minabuti na lang niya na kimkimin ito kesa pagmulan pa ng kanilang away. Wala rin kasi sila sa tamang lugar para mag-away o mag-sumbatan.


"Hindi natin pwedeng iwan si Akira dito baka mapano pa 'yon, ano na lang ang sasabihin natin sa mga magulang niya kung sakaling makauwi tayo na wala siya," naiiyak namang wika ni Ashley sa kanila.



"Tama si Ashley, pero bago natin siya isipin. Unahin mo na natin ang mga sarili natin. Tumalon na tayo bago pa tayo maabutan no'ng lalaking 'yon saka natin hahanapin si Akira," nakangiting wika pa ni Dhang kaya nagkatinginan na lamang ang tatlo na wari'y nag-uusap ang kanilang mga mata. Kasabay noo'y sinang-ayunan na lamang nila ang ideya ng kaibigan.



Pagkatapos magkaintindihan ang magkakaibigan ay bigla na lamang tumalon si Dhang sa bintana. Sumunod naman agad ang tatlo pero bago iyon ay nilingon muna ni Love ang kanyang likuran. Doon niya nakitang nasa pinto na ang lalaking humahabol sa kanila. Nagkatinginan pa ang dalawa, na wari'y nagsusukatan ng mga lakas.

"Wala naman po kaming balak na masama. Kaya sana'y huwag niyo po kaming sasaktan," kinakabahang wika pa ni Love sa lalaki.


Ngunit katahimikan lang ang itinugon nito sa kanya. Hanggang sa nagsimula na itong lumapit sa dalaga na akmang mananaksak. Ikinagulat ito ng dalaga at pagkuwa'y mabilis siyang tumalikod at tumalon sa bintana.

Pagbagsak sa lupa ay madapa-dapa niyang tinakbo ang papalapit na sasakyan.

"Bilis! Sakay na!" Sigaw ng mga kaibigan niya, kaya mabilis namam siyang sumakay rito.



Mula sa bintana ng bahay ay nakadungaw naman ang lalaking humahabol sa kanila at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang itong nawala sa kanyang kinatatayuan.


Nang tuluyan nang makasakay si Love sa sasakyan ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag.

Halos paliparin naman ni Hannah ang kanilang sasakyan sa sobrang bilis ng pagpapatakbo nito. At habang papalayo sila sa lumang bahay ay siya namang pagbaba ng lalaki atsaka mabilis na bumalik sa dati nitong kinaroroonan kanina. Seryoso lamang siyang nakamasid sa mga ito at wari'y nag-iisip ng gagawin upang sila'y kanyang mahuli.



"Hindi kayo makakalabas ng buhay sa lugar na ito," banta nito habang tumatawa ng malakas.



"Tatanga-tanga ka kasi eh, pumasok na nga ng bahay hinayaan mo pang makalabas," dismayadong wika pa ng kasama nito kasabay noo'y lumabas na rin siya sa kanyang pinagkukublihan.



Samantala, patuloy lang sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan si Hannah. Habang sinisilip-silip naman ni Dhang mula sa back seat kung nakasunod ba ang lalaki sa kanila. Subalit nawala na ito sa kanilang paningin matapos nilanga makalayo ng tuluyan sa bahay.




"Buti at nakatakbo tayo ng mabilis, kundi deads na talaga tayong lahat 'pag nagkataon," naiiling pang wika ni Love habang pinupunasan ang tagaktak nitong pawis sa kanyang noo.

"Mabuti na lang talaga, baka kung ano pa ang ginawa niya isa sa 'tin kung sakaling may naabutan siya!" Nanghihitakutang sabi naman ni Hannah habang nakatingin sa side mirror ng sasakyan.

"Pero si Akira..." naluluha namang wika ni Ashley kaya agad na nakaramdam ng lungkot ang kanyang mga kaibigan. Niyakap naman siya Dhang upang kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman nito.



Natahimik na ang apat habang binabagtas ang madamo at tuwid na daan. Kasabay ng panalangin na sana ay nakaligtas ang isa pa nilang kaibigan at makaalis na sila ng tuluyan sa lugar na iyon. Ngunit tila nawawalan na sila ng pag-asa na makakabas pa sa lugar dahil puro puno at matataas na damo pa rin ang kanilang natatanaw.



"Heto na ata ang tinatawag na lugar na walang patutunguhan," komento pa ni Hannah sa pagitan ng kanyang pagmamaneho.



Laking pagsisisi na lang ng apat dahil naisipan pa nilang dumaan sa nasabing gubat. Kung maibabalik lang siguro ang oras ay hindi na sana sila tumuloy sa kanilang lakad.



"Naliligaw na talaga tayo guys," medyo worried nang sabi ni Love.


"Hindi ba may sabi-sabi na kapag raw naliligaw ka ay baliktarin mo lamang ang iyong suot na damit at pagkatapos ay makakalabas kana," sabi naman ni Ashley kaya agad namang napatingin sa kanya si Dhang habang nakataas ang isang kilay.




"Totoo ba iyon? "Tanong pa nito pero nagkibit-balikat lamang ang dalaga.



"Well, there is no harm in trying. Malay ni'yo totoo nga. Hindi ko rin kasi nasubukan," tugon naman ni Ashley.



"Oh sige. Kung iyon lang ang tanging paraan, bakit hindi?" Nabuhayang wika naman ni Love.




At sa 'di kalayuan nama'y naroon muli ang lumang bahay na kanina pa nila nadaanan. Mabilis na nag-preno si Hannah at itinigil muna ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Malapit lang iyon sa kinaroroonan nang lumang bahay pero hindi na nila ito inalala pa bagkus ay ginawa na nila ang kanilang plano.

"Oras na para mag-baliktad ng damit!" Gigil na wika ni Dhang sa mga kasamahan.



Sukat doon ay mabilis na nagbaliktad ang magbabarkada ng kanilang pang itaas na kasuotan. Nang bigla na lang sumulpot mula sa kanilang harapan ang lalaking kanina pa humahabol sa kanila.



"Ayan na naman siya!" Sigaw pa ni Ashley habang mababakas ang takot na takot sa mukha nito.




"Ibalik mo, bilis! Mag-U turn ka!" Utos pa ni Love 'kay Hannah na takot na takot na rin.


" W-w-w-wala na tong balikan ah,"  matapang na sabi ni Hannah habang nauutal.



Muli niyang binuhay ang sasakyan. Sa mga oras na iyon ay buo na ang loob niyang sagasaan ang lalaking may hawak na itak at may puting tela sa mukha.



Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at paulit-ulit pa niyang binusinahan ang lalaki na nakaharang sa daan.



Subalit nasa gitna pa rin ito ng kalsada na tila hindi natitinag. Nananatili lamang itong nakatayo roon at mukhang walang balak na umalis.


Hanggang sa unti-unti nang papalapit ang kanilang sasakyan sa kinaroroonan ng lalaki. Malapit na itong masagasaan ng magbabarkada dahil halos ilang dipa na lamang agwat nito mula sa sasakyan.



Nang malapit na nga nilang mabunggo ang lalaki ay bigla na lamang itong lumihis. Natinag rin ito at kaagad na tumalon sa tabing gilid ng kalsada. Nagpagulong-gulong ito sa mga mayayabong na damo at tumama pa ang kanyang ulo sa malaking bato, may ilang minuto pa ang lumipas bago siya nakabangong muli.



Nanghinayang naman ang misteryosong lalaki kaya napasuntok na lamang ito sa lupa kasabay noo'y inuntog pa niya ang kanyang ulo.


Sa pagkatayo nito'y nakalayo na ng tuluyan ang magbabarkadang sakay ng kanilang sasakyan. Pero pagkatapos ng ilang sandali'y bigla na lamang tumirik ang kanilang sasakyan at pagkuwa'y agad itong umusok.



"Fuck! Bakit ngayon kapa nasira?" Naiinis pang wika ni Hannah kasabay noo'y napahampas siya ng malakas sa kanyang manibela dahilan upang tumunog ang busina ng sasakyan.


Napamura na rin nang tuluyan ang kanyang mga kaibigan na ngayo'y nakatingin sa kinaroroonan ng lalaki na hindi kalayuan lamang sa kanila.


"Bwiset! Kapag minamalas ka nga naman oo!" Iritang sabi pa ni Dhang pagkuwa'y agad siyang lumabas ng sasakyan at padabog na isinara ang pinto nito.



"Kailangan na nating makaalis dito bago pa tayo mahuli at ma-chop-chop ng lalaking 'yon," seryoso pa niyang wika sa kanyang mga kasama na agad din namang sinang-ayunan ng mga ito.





Sino kaya ang lalaking humahabol sa kanila? Makikita pa ba nila ang kaibigan nilang si Akira o tuluyan na nga silang mahuhuli ng lalaki? Abangan sa susunod na kabanata.


Itutuloy..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top