Special Chapter #2:

“Goodbye, Grade Twelve.” Saad ni Sir Harry sa kaniyang advisory, si Sir Harry Roque ang siyang teacher at adviser ng classroom sunod kila Bongbong na siya namang advisory ni Professor Miriam.

“Goldbye, Sir Harry, goodbye, classmates, see you tomorrow again.” Paalam ng mga mag-aaral sa kanilang guro at sa kapwa nila mga kaklase, kalaunan nga ay nag-impake na sila ng kanilang mga ginamit sa klase upang lumabas na rin ng eskuwelahan.

It was just an ordinary afternoon for Riza Hontiveros, she’s already spending two months of her school year on the second section of grade twelve. Being in the top of their class is as important for her as being alive—even though it’s against her will.

Riza is literally depressed, hindi niya lang ipinapahalata sa iba dahil ayaw niyang nakikita nila siyang mahina. She has to be strong, she has to be on top of everything. Noon kasing nakaraang taon ay halos mapatay na siya ng mga magulang niya dahil may naibagsak siyang subject.

Ito rin ang nagresulta sa kaniya upang hindi mapabilang sa unang section sa Epiphany. Kabilang si Riza sa Section B, marami rin naman siyang mga kasama sa section niya noong mga nakaraang taon katulad nila Leila De Lima, at Francis Escudero o mas kilala nila bilang Chiz.

“Oh Riza, ’di ka pa ba magliligpit? Anong oras na oh, baka mahuli ka sa biyahe ng bus niyan.” Saad ni Leila nang makarating siya sa tapat ni Riza, napahinga naman nang malalim si Riza at isininop na nga niya ang kaniyang mga gamit.

“’Di ka pa ba nagtataka, Leila, she’s been in this situation for like... her whole junior high school life and even just last year. I doubt that she’ll be able to gain a lot of friends with that behavior.” Sabad naman ni Chiz nang makalapit ito kila Leila at Riza.

“I thought so, Chiz. Look, ayo’kong until college wala ka pa ring kaibigan, Riza. You need to get out of your comfort zone and like... touch some grass!” Sinapo ni Leila ang kaniyang noo matapos niya iyong sabihin.

“I don’t need any, I can do anything by myself and an could live without friends or so. Who would even waste a lot of time making those stupid things?” sabad naman ni Riza. Inilagay niya na nga ang kaniyang mga gamit sa kaniyang bag.

After that, she stood up and and she took a deep breath. Alam niyang mali ang kaniyang mga sinabi kay Leila kaya kaagad siyang bumaling dito.

“Look, I know na mali ang sinabi ko pero that’s based on my perception that’s making it right. I really don’t need friends though, pero kailangan ko kayo ni Chiz. Dahil kayo na lang ang me’ron ako eh.” She smiled at them.

“Alam ko naman ’yon, but still, you need to have some friends before this school year ends. Hindi talaga ako papayag na wala ka man lang maging kaibigan up until this March next year. Anong petsa na oh, July na!” sumabad muli si Leila.

“I got some club stuffs to do, see you tomorrow, you two!” nagpaalam na nga si Chiz. Tumango naman ang dalawa at hinayaan na lang nila siyang umalis. Riza and Leila doesn’t really prioritize clubs at any rate.

For them, it’s just a waste of time. Dahil nga wala silang club ay sabay din silang umuuwi at nagco-commute, pareho silang maykaya sa buhay pero napili nilang nag-commute na lang dahil ayaw nilang makasagabal sa trabaho ng mga magulang nila upang sunduin pa sila ng mga ito galing sa eskuwela.

Hindi naman din sila gano’n kayakan para maka-afford ng sarili nilang service kaya wala silang pagpipilian kung ’di ang mag-commute. May kalayuan kasi ang terminal ng bus mula sa kanilang eskuwelahan at ay naaabutan pa sila ng rush hour kaya medyo mahirap din para sa kanila.

Nang makalabas sila Riza at Leila ng kanilang eskuwelahan ay kaagad nang bumungad sa kanila ang amoy ng mga usok na galing sa iba’t ibang klaseng sasakyan. The noise coming from it also lights up the atmosphere, habang lumulubog ang araw ay siya ring pagliwanag ng buong bayan.

“Tara na, Leila.” Niyaya na ni Riza si Leila upang magtungo sa terminal ng bus kung sa’n sila sasakay pauwi, ngunit nanatiling nakatigil si Leila na ikinataka naman ni Riza.

“Oh, bakit ayaw mong lumakad diyan? Para kang nakakita ng multo, uy!” Minsan pang inalog-alog ni Riza si Leila upang mahimasmasan ito mula sa pagkabalisa.

“I forgot to tell you, I’m sorry.” Napatigil si Riza sa ginagawa niya nang mamataan niyang nagsalita si Leila, her eyebrows crossed as she attempted to ask.

“Bakit, ano ba ’yon?” tanong niya. Nahihiya pang yumuko si Leila at parang ewan siyang kinikiliti ng kung anong bulate, it annoyed Riza that she almost grabbed her next and she insisted her to say what she wanted to say.

“Ano nga kasi ’yon?! Nakaka-sayang ka ng oras, Leila!” she growled annoyingly. Inalog-alog niyang muli si Leila habang pinipilit niya itong pasagutin sa kaniyang tanong.

“Ito na, ito na, sasagot na! Nahihilo ako sa ginagawa mo, alam mo ’yon?!” Inayos ni Leila ang kaniyang sarili, matapos iyon ay huminga siya nang malalim at dito na nga siya nag-kuwento.

“Kasi... may susundo pala sa ’kin ngayon, nakalimutan kong sabihin sa ’yo kanina kasi abala rin ako sa schoolworks.” Pag-amin niya, dito naman muling napatanong si Riza.

“Ha? Sino namang susundo sa ’yo? Parehas tayong walang sasakyan.” Nanlaki ang mga mata nito nang mapagtanto niya ang isang bagay.

“Or could be... may jowa ka na ba?!” gulat niyang tanong.

“Oo, apparently... mag-isang buwan na kami this July sixteen.” Napaiwas ng tingin si Leila kay Riza habang mamula-mula siya nitong sinagot.

“Kaya naman pala, kaya naman pala! Pero okay lang, as long as masaya ka ay okay na rin ako. Wala naman akong karapatang manghimasok sa personal mong buhay eh, so susuportahan kita sa relasyon niyo ng jowa mo.” Ngiti pa niya.

“Salamat ha, I thought kasi na kapag sinabi kong may jowa na ’ko eh magagalit ka kasi mas maglalaan ako ng time sa jowa or whatever kaysa sa ’yo... alam mo na ’yon.” Paliwanag naman ni Leila na ikinatawa ng kaniyang kaibigan.

“Bakit naman ako magagalit? Ikaw talaga oo, magiging masaya pa nga ’ko at may jowa ka na! Siya nga pala, ano mayaman ba jowa mo?” Lumapit si Riza at bumulong na ikinatawa maman ni Leila.

“As in! Taga-Northridge siya, beh! Nag-aaral siya sa Northridge Academy sa Baguio!” Halos masilihan ang pwetan ni Leila nang sabihin niya ’yon.

“Ay aba naman! Iba rin kung maka-bingwit eh, ano?” tugon naman ni Riza.

Sandali pa ay may humintong isang sasakyan sa harap nila—isang puting SUV, bumukas ang pinto nito at iniluwa nito ang isang lalaking nakasuot ng magarang uniporme.

Medyo may katangkaran ito, maputi rin at may kulay kayumangging buhok, ang kaniyang mga mata ay medyo bilugan at makapal ang kaniyang labi, he has an average body too. But still, he’s expensive as he looks. May suot ding face mask ang lalaki na kalaunan ay tinanggal niya.

Kaagad namang napangiti si Leila dahil ito na nga ang kaniyang hinihintay. She smiled at Riza and she looked at her, kinalabit niya ’yon dahilan upang mapatingin si Riza sa kaniya mula sa boyfriend nito.

“May balak ka pa yatang agawin eh.” Bulong ni Leila rito dahilan upang mapatindig ang mga balahibo ni Riza.

“’Di ah, ’di ako gano’ng tao, ’no!” pagtatanggol niya sa kaniyang sarili. Nginisian naman siya ni Leila.

“Joke lang, ikaw naman. Alam kong ’di ka gano’ng tao!” tawa nito. Tumingin si Leila sa boyfriend niya at napangiti, lumapit siya rito at Ipinakilala niya si Riza sa kaniya.

“Ay, Riza, ito nga pala si Ronnie, Ronnie Dayan. Ronnie, siya nga pala ang kaibigan ko, si Riza Hontiveros.” Pakilala niya rito, nagkamay naman ang dalawa matapos silang magkakilala.

“Ay siya nga pala, isama na natin si Riza sa ’tin. Para ’di ka na rin mahirapang mag-commute, Riza.” Mula sa boyfriend nito ay bumaling tingin si Leila sa kaibigan niya.

“Ay ’wag na, ’di naman gano’n katapang ang hiya ko para sumama pa sa inyo. Magco-commute na lang ako, baka maka-istorbo pa ’ko sa lambingan niyo... alam niyo ’yon.” Pagtanggi niya.

“If you insist, then be it. Oh siya, see you at school tomorrow! Let’s go, Ronnie.” Tuluyan na ngang nagpaalam sila Leila at ang boyfriend nito kay Riza.

Matapos makasakay ang dalawa ay humarurot na rin ng takbo ang kotse. Naiwan ngang mag-isa si Riza habang pinagmamasdan niyang lumalayo ang kotse mula sa kaniyang kinatatayuan. Napabuntong-hininga siya at ngumiti na lang.

“Man, I wish I had that kind of thing.” Wala sa sarili siyang napahagikgik at nagpatuloy na siya sa paglalakad niya patungo sa bus terminal.

Naglakad si Riza patungo sa terminal ng bus, sa nilalakaran niya ay walang masyadong taong dumaraan at nga sasakyan lang ang namamataan. Nasanay na si Riza sa ganitong estado kaya hindi na rin siya natatakot na dumaan sa mga ganitong lugar.

Habang naglalakad si Riza sa sidewalk ay may isang UV express ang huminto sa kaniyang gilid at bumukas ang pinto nito, kaagad naman siyang napatingin dito habang punong-puno ng pagtataka ang kaniyang isip.

“Miss, sumakay ka na. Mura lang dito, makakatipid ka pa!” yaya ng isang lalaki. Napakunot ang noo ni Riza, sa tingin niya’y hindi mapagkalatiwalaan ang mga taong ’yon dahil walang kalaman-laman ang UV express, gusto niyang pumila na lang sa terminal ng bus.

“Ay, hindi po, malapit lang naman po rito ang bahay namin eh. ’Di po ako sasakay.” Pagsisinungaling niya sa lalaking nakaupo sa upuan sa tabi ng pinto ng sasakyan.

“Sige na, hija, mas mahal ang pamasahe sa bus. Hindi ka naman siguro papunta sa terminal ’di ba?” ngisi ng lalaki. Dito na kinilabutan si Riza.

Dapat pala sumama na lang siya kila Leila kanina maski magmuka pa siyang third wheel kesa naman sa kung anong mangyari sa kaniya sa daan.

“Hindi nga po ako sasakay, manong, hindi naman po siguro kayo bingi ano?” Riza started to defend herself using her words.

Dito na napakunot ang noo ng lalaki at dali-dali itong bumaba ng sasakyan. Nabigla si Riza sa ginawa ng lalaki, nagyon ay pinipilit siya nitong sumakay sa sasakyan ngunit nagpupumiglas siya.

“’Wag ka nang pumiglas, miss beautiful, sa ’min ka mapunta ngayon.” She tried to scream for help but there’s no one that could hear her.

Patuloy siyang nagpumiglas hanggang sa makita niyang naglabas ng isang panyo ang lalaki. Alam niya kung ano ’yon, patutulugin siya nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata at sinubukan pa rin niyang nagpumiglas.

“Sabi nang ’wag ka nang pumiglas eh!” Hindi na nakapag-timpi pa ang lalaking nais siyang kunin, handa na nitong itapat ang panyo sa kaniyang bibig nang bigla silang may narinig na boses.

“Hoy, anong ginagawa niyo riyan?” tanong ng boses. Napatingin ang lalaki roon sa pinagmulan ng boses at nakita niya ang isang binatang kaedaran lang din ni Riza.

Nakasuot ito ng uniporme ng Epiphany Christian Academy habang ang mga kamay nito ay nasa kaniyang bulsa. Matangkad ang lalaki, may katangusan ang ilong at may may maangas siyang datingan pagdating sa kaniyang mga matang parang diablong nangungusap.

“Robin...” Wala sa sariling Bulong ni Riza, tama nga ang sinambit nitong pangalan dahil ang lalaking iyon ay ang isa sa mga pinaka-popular na tao sa kanilang eskuwelahan na isa ring miyembro ngayon ng track and field club—si Robin Padilla.

“Anong ginagawa mo rito, paslit? ’Wag kang makialam dito kung ’di mapupuruhan ka!” pagbabanta ng lalaki kay Robin habang hawak pa rin nito si Riza.

Walang talab ang bantang iyon kay Robin, he just smirked at them and he took a deep breath. From smirking,  his face turned into a serious one.

“Pa’no ba ’yan, mas gusto kong mapuruhan eh.” Saad niya, nanlaki ang mga mata ni lalaki sa sinabi nito.

“Abang bata ka...” Akma na itong bubunot ng isang baril galing sa tagiliran nito nang biglang itinutok ni Robin sa kaniya ang isang cuarenta y sinco na may nakadikit pang silencer sa bunganga nito.

“Sige, bumunot ka kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo.” Ngumisi si Robin sa lalaki, nakatutok dito ang baril niya.

“Sa tingin mo matatakot ako sa laruan mo, ha?!” Tangkang bubunot muli ang lalaki nang kalabitin ni Robin ang baril na hawak niya.

Tumama ang bala nito sa gilid ng UV express dahilan upang mapasilip ang nagmamaneho noon sa harapan, it’s eyes widened and he was about to pull out his weapon when Robin fired his gun. The bullet hit the side mirror of the vehicle causing it to shatter. Riza also screamed because of what happened.

“Bubunot kayo, o basag pareho ang bungo niyo? Ibigay niyo sa ’kin ang babaeng ’yan kung hindi, wala na kayong madadatnan pang umaga.” Muling ngumisi si Robin.

Nagtinginan ang dalawang lalaki, pareho silang kinakabahan dahil hindi nila alam ang maaaring gawin ni Robin. Napahinga nang malalim ang lalaking may-hawak kay Riza at dahan-dahan siya nitong pinakawalan.

“Ngayon, umalis na kayo.” Maawtoridad na saad ni Robin, walang nagawa ang lalaking may-hawak kay Riza kanina dahil nakatutok pa rin sa kaniya ang baril na hawak ni Robin.

Dahan-dahan itong pumasok sa loob ng UV express at hindi nga kalaunan ay humarurot ito palayo sa kanilang dalawa ni Riza. Dito na ibinaba ni Robin ang baril niya at isinukbit niya muling ito sa bandang bulsa ng pantalon niya.

Walang kaano-ano ay bigla na lang sinunggaban ng yakap ni Riza si Robin, hindi matigil ang pag-luha nito nang dahil sa kagimbal-gimbal na pangyayaring naganap. He hugged Robin tightly, tightly as in she never wanted to let go.

“Ayos ka lang? May masakit ba sa ’yo?” tanong ni Robin kay Riza. Sinigurado ng binata na wala itong tama o kung ano pa man.

“O-oo, ayos lang ako, s-salamat!” umiiyak pa ring tugon ni Riza.

“’Wag ka nang umiyak, sadyang nangyayari sa mga tao ang mga gan’tong bagay, malas mo nga lang at sa ’yo pa ’to nataon. Pero ligtas ka naman na ngayon, mag-ingat ka na lang sa susunod.” Pagpapakalma sa kaniya ni Robin.

The young man hasn’t touched anything on her, kahit pa nakayakap na si Riza sa kaniya ay hindi siya yumakap dito pabalik o kung ano. Maaaring nadala lamang si Riza sa sitwasyon dahil katakot-takot naman talaga ang pinagdaanan nito.

Hindi niya rin ugaling manamantala.

Kalaunan nga ay kumalma na si Riza at dito na rin siya natauhan sa mga nangyayari, she’s a bit embarrassed because she just suddenly hugged one of the most popular guy in their school.

“Ah, s-sorry dahil na-carried-away ako.” Nauutal na Saad ni Riza habang naka-iwas siya ng tingin kay Robin.

“Wala ’yon, normal na sa ’kin ang gano’ng bagay.” Ngiti naman ni Robin.

“G-gano’n ba?” utal pa ring tanong ni Riza.

“Gano’n na nga. Siya nga pala, anong pangalan mo? Hindi kita palaging nakikita sa loob ng school eh, grade twelve ka rin ba?” Dumiretso na ng tanong si Robin habang nakangisi.

“Ako si Riza, Riza Hontoveros, Grade Twelve B.” Pagpapakilala ni Riza sa sarili niya.

“Robin naman ang pangalan ko, Robin Padilla.” Ngisi naman ni Robin.

“Oo, kilala kita. Siya nga pala, bakit nga pala may baril ka?!” nabibiglang tanong ni Riza.

“Isang heneral ang tatay ko, binigyan niya ’ko ng baril pang-proteksiyon. ’Di ko nga inaasahang magagamit ko ’to ngayon eh, iniwasan ko ring manakit kahit na marunong talaga akong magpaputok.” Huminga ito nang malalim.

Sandali pa ay naglakad si Robin patungo sa isang motorsiklo at kinuha niya ang isang susi sa kaniyang bulsa, he opened it’s compartment and he put the gun inside it. Kalaunan ah sinara niya ’yon at sumakay siya sa motorsiklo.

“Dadalhin kita sa istasyon ng pulis, magfi-file tayo ng kaso sa mga nagtangkang ku-midnap sa ’yo. Sumakay ka na. ’Wag kang mag-alala, mabuti akong tao ’di gaya ng mga lalaking ’yon kanina.” Ngiti pa ni Robin.

“You already proved it to me when you saved me, sapat na ang mga ginawa mo para pagkatiwalaan kita.” Sumampa rin si Riza sa motorsiklo at humawak siya sa baywang ni Robin.

Dito na nga pinatakbo ni Robin ang motorsiklo at dumiretso sila sa istasyon ng pulis upang mag-file ng kaso.

Through this unexpected encounter, the stars are aligned between a bad boy and an introvert.

~The Badass Savior.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top