Special Chapter #1:
“Pagod na ’ko, Isko, let’s break up.” Huminga nang malalim si Grace nang sabihin niya ’yon kay Isko, sila ngayon ah nakaupo sa isang bench sa park ng Epiphany Christian Academy habang nagmemeryenda.
Isko took a deep breath also, napangiti siya at uminom siya sa hawak niyang juice, naubos niya iyon sa isang inuman lamang. He nodded at Grace and he stood up the bench, iinapon niya ang cup na pinaglagyan ng juice sa basurahan sa tabi ng bench na inuupuan ni Grace.
“Fine by me, if you wanted to break up with me, then go.” He smiled at Grace, nanlaki naman ang mga mata ni Grace at kaagad na napatayo sa upuan. Mabilis pa sa kidlat, sinunggaban niya ng sampal si Isko.
But, Isko is even faster than Grace’s hand, he countered the slap as he held Grace’s wrist tightly. Pinigilan ni Isko ang sarili niya na saktan pa si Grace dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kaniyang palapulsuhan.
“You wench! So gano’n-gano’n na lang lahat ng ’yon?! You wanted to break up with me sa unang sabi ko pa lang?! Hindi mo lang ba ’ko pipigilan, Isko? Like... mahal mo ba ak—” hindi na naituloy ni Grace ang sinasabi niya nang biglang sumabad si Isko.
“Mahal kita, Grace, I love you so much but you don’t seem to know na nage-effort ako sa relasyon natin. I’ve tried everything to just please you, I’ve tried everything to make you happy but... you just don’t wanna be!” Mula sa pagngiti kanina ay naging seryoso ang muka ni Isko.
“Mahal kita kaya pababayaan kitang bumitaw, mahal kita dahil alam kong hindi ako enough para sa ’yo. I’ll let you go if that’s what you want, because mahal kita eh.” Mapait siyang ngumiti kay Grace.
“Other girls sees me as this perfect and boyfriend material kind of guy, pero alam ko namang marami rin akong flaws. Pero nag-effort naman ako sa relasyon natin eh, sana maisip mo rin na nahihirapan din akong pasayahin ka.” Dagdag pa nito.
“Eh kung nahihirapan ka, mas nahihirapan din ako. Kasi hindi sapat eh, gusto kita no’n kasi akala ko sasaya ako sa piling mo. It turns out that you like me too, I was happy back then, Isko.” Nang sabihin iyon ni Grace ay napaiwas siya ng tingin.
“Pero nitong mga nagdaang buwan, napansin kong wala kang oras para sa ’kin, puro mga kaibigan mo lang ang kasama mo. Maging no’ng school trip, isang beses lang tayong gumala nang magkasama.” Hindi na napigilang lumuha ni Grace.
“Takot akong papiliin ka dahil baka piliin mo sila, takot akong papiliin ka dahil baka kapag pumili ka ay mawala ako sa ’yo. Natatakot ako dahil baka ’yong kaunting oras na kasama kita ay mabawasan pa, napaka-hirap na, Isko.” Grace wiped her tears when she said those words.
“Kaya ngayon, nagdesisyon akong mamili. Dahil napapagod na ’ko. Pagod na ’kong ako lang ang pupuntahan mo kapag wala ang mga kaibigan mo, pagod na ’ko dahil ni minsan sa relasyon natin ay ’di ko naranasang tratuhin mo ’ko bilang girlfriend mo.” Dagdag pa nito, tumingin siya nang diretso kay Isko at mapait niya rin itong nginitian.
“Francisco Moreno Dumagoso, let’s end this worthless relationship.” After hearing that from Grace, Isko nodded and he smiled bitterly.
“Yes, Mary Grace Natividad Sonora Poe, let’s end this worthless relationship because you deserved much better. You don’t deserve me and nor am I with you.” Ngiti ni Isko, matapos niyang bitawan ang mga salitang ’yon ay tumalikod na siya kay Grace at tuluyan na nga siyang lumakad palayo.
Naiwan si Grace na nakatayo lang roon, ilang segundo pa ay natauhan siya nang marinig niyang tumunog ang bell hudyat na pagsisimula na ng klase. She smiled but she couldn’t seem to get off the pain, patuloy pa rin ang pagbagsak ng kaniyang luha.
She restraint herself once more and she took a deep breath. Magsisimula na ang klase, hindi dapat mahalata ng lahat na umiiyak siya at nakipag-hiwalay na siya. Sinayang man si Isko kung tuturingin ng iba, pero alam namn ni Grace na ginawa niya ang tamang desisyon.
Para mahalin ang sarili niya.
***
Malakas ang bugso ng ulan nang makarating si Grace sa kanilang school library, halos basang-basa na siya at hapong-hapo nang dahil sa pagod. Pinunasan niya muna ang kaniyang sarili bago siya pumasok sa loob noon. When she entered, she saw Bongbong doing her club work again.
“Ferdinand, ’di ba sabi ko ako na riyan? Wala na nga ’kong trabaho rito kung ’di mag-arrange lang ng mga libro sa nga book shelf eh, pa-try naman ako ng literary work.” Kaagad siyang tinignan ni Bongbong at napangiti ito.
“As you wish, Grace, kapag may nakita lang akong wrong use of grammar at punctuation dito sa anthology mamaya, humanda ka sa ’kin ah.” Pabirong tugon ni Bongbong at ibinigay niya ang mga chine-check niyang entries para sa kanilang ililimbag na school anthology.
“Aysus, ako pa? Bago tayo maging classmates Ako Ang inilalaban ng section namin sa mga essay writing, spelling, etchetera na mga gan’yan. Gamay ko na ’yan, don’t worry!” ngisi niya naman sa binata.
“Sige ah, pupunta lang ako sa faculty room at kukunin ko ’yong ibang mga entries sa anthology natin kasi Kay Professor Miriam daw nila isinumite. Sana naman chi-neck na ni Prof ’yon para ’di na tayo mahirapang mag-revise rito.” Tuluyan na ngang ibinigay ni Bongbong ang mga papel kay Grace.
Sa mga nakalipas na araw ay natagpuan na ni Grace ang kaniyang sariling nasa library palagi kasama si Bongbong bilang isang miyembro ng literature club. Gusto niya munang magpaka-layo-layo kay Isko dahil kalat na kalat na sa buong eskuwelahan nila ang paghihiwalay nila ng binata.
Although Bongbong is Isko’s friend, she hadn’t heard of him asking that why he just wasted Isko. Tahimik lang si Bongbong kapag magkasama sila at iniiwasan nitong makihalubilo sa kaniya nang madalas, kahit dalawa lang sila sa library ay hindi sila madalas mag-usap—dahil nga may kasintahan na rin si Bongbong.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa library at ipinatong ang sandamakmak na papel sa lamesa upang i-proofread. Bawat salita ay matiyaga niyang inuusisa ang grammar at punctuation ng mga pangungusap sa bawat papel, kagaya nga ng sabi ni Bongbong ay mahirap na gawain iyon dahil kailangang itama pa sa isang papel ang pagkakamali sa isa.
She wanted to give up on her work, she underestimated it so there’s the result of her shortcoming. Nagtiyaga na lang siyang trabahuhin iyon habang hinihintay niyang bumalik si Bongbong mula sa Faculty room, sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pinto kaya kaagad siyang tumakbo patungo roon.
“Hay, salamat naman at dumating ka na, Ferdinand! Ang hirap pala ng trabaho mo, matutunaw utak ko do’n—” pero nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong hindi si Bongbong ang pumasok sa pinto.
“Ay Ave Maria Purisima!” gulat niyang saad. Kasalukuyang kaharap niya ang isang lalaking nakasuot ng P.E uniform ng kanilang eskuwelahan at dahil malamig nga ang panahon ay nakasuot din ito ng kulay dilaw na hoodie. Halos kaedad niya rin lamang ang lalaking nasa kaniyang harapan.
May salamin ang lalaki, medyo may katangkaran at may katangusan ang ilong. Nabibigla ito nang makita si Grace dahil hindi naman pamilyar ang lalaki sa kaniya, ganoon din naman si Grace sa lalaki. Napansin ni Grace na may dalang mga papel ang lalaki kaya inisip niya kung iyon ba ang mga isinumiteng entries para sa kanilang school anthology.
“Ah, ’yan ba ’yong entries sa school anthology?” tanong ni Grace sa lalaki.
“Umn, yes... ito nga.” Medyo nauutal na tugon ng lalaki at inilahad nito Kay Grace ang mga papel, malugod naman itong tinanggap ni Grace.
“Nasa’n nga pala si Ferdinand?” he asked the boy.
“Inutusan siya ni Professor Miriam sa ibang bagay, ako na lang daw ’yong papalit sa kan’ya na mag-check ng papers kasama raw ang isang babae rito sa library. May I ask if it is you Ferdinand is pertaining?” sagot at tanong ng lalaki sa kaniya.
“Ay, oo, ako nga ’yong kasama mo ritong magche-check. Bagong member lang ako ng literature club kaya siguro ’di mo pa ’ko kilala, member ka rin nga ba rito?” tanong naman ni Grace.
“Yes, I’m the secretary of this club. Tama ka nga, siguro ’di pa kita kilala marahil ay bago ka pa lang dito sa club namin. Actually, ako dapat ang unang makilala sa ’yo since ang secretary ang tinatanggap ng nga applications pero kay Ferdinand ka naman na raw dumiretso.” Ngiti ng lalaki, tumango naman si Grace.
“Ay oo, ako nga pala si Mary Grace Natividad Poe. You can call me Grace or Gracia if you want.” Ipinakilala niya ang kaniyang sarili.
“I’m Manuel Roxas, you can just adress me as Mar. Nice to meet you, Gracia.” Ngiti ng lalaking nagngangalang Mar.
“Now, shall we continue to check these entries for the school anthology?” Itinuro ni Mar ang mga papel na hawak ni Grace, bahagya namang nagulantang si Grace dahil doon, nakatingin lang kasi siya sa muka ni Mar.
“Ay, sige. Let’s go check these entries.” Natawa na lang siya dahil sa nangyari at sabay nga nilang chi-neck-an ang mga entries.
Isang panibagong yugto ng buhay ni Grace ang handang maisulat ng tadhana, pero ano kaya ito at paano kaya ito mangyayari?
~Amending Her Broken Soul.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top