Chapter 5:
“Oy, Robin.” Tawag ni Pia sa kaniyang clubmate na si Robin Padilla, bahagya namang nalinga ang paningin nila Sara at Leni sa dalawa. Lumapit nga ang mga ito sa kanilang kaibigan.
Katatapos lang ng kanilang meeting para sa mga aktibidad ng kanilang task group. Everybody was then resting at their assigned classroom while everyone was leaving right away. Bongbong however, have some time out so he chose to stay there and proof read his manuscript for the novel he’s currently working on.
“Yes?” tugon ni Robin.
“Chi-neck mo ba ’yong Messenger mo kahapon? Hindi ka nag-seen eh.” Tanong ni Maria, kaswal lang na umiling si Robin at nginisian niya si Pia. Iyong tipong nang-aasar kahit wala namang nakakaasar.
“Sorry, I went to the arcade yesterday.” Napakunot ang noo ni Pia at napatingala sa kisame.
“Totally unbelievable! Check it now so you wouldn’t miss your parts of the activities!” she ranted. Pia turned her back on the boy and walked outside disappointedly.
Kaagad naman siyang sinundan ni Sara ngunit nanatili lamang nakatayo si Leni at pinagmamasdan ang mga nangyayari. She was too stunned to comprehend that Pia is concerned with someone. Hindi kasi madalas magbigay ng puwang ang dalaga sa kahit sino maliban sa kanila ni Sara.
“Hanep, mga pare, pabibo.” Tawa ni Robin at humarap sa kaniyang mga kaibigan na sila Lito Lapid at Bong Revilla. Napahagikgik si Bong at siya ang sumunod na nagbida.
“Siguro, pare, may gusto sa ’yo ’yon.” Tawa ni Bong, bigla namang sumulpot muli si Pia galing sa pintuan na ikinagulat nilang tatlo—at ikinagulat rin ito ni Leni.
“Hoy, lalaking budots lang nang budots sa practice sa club, wala akong gusto sa kaibigan niyong hunghang na mukang retired action star na napaglipasan na ng panahon! Concerned lang ako kasi ako ’yong sumasalo ng mga gawain niyang ’di niya naman nagagawa!” Pia yelled and pointed at Robin.
“Nangangatwiran ka pa, Talaga namang may gusto ka kay Robin. Nababasa namin sa ’yong mga galaw at kilos.” Ngisi naman ni Lito na ngayon ay naka-de kuwatro pang nakaupo sa armchair.
“What the hell?! Hoy lalaking akala mong ikinaguwapo mo ’yang bigote mong muka namang wig, says who? Kayo? When the freaking when have you had the ability to read minds? Wala akong gusto sa bisukol na ’yan!” Pia again shouted, dito na sumulpot si Sara na hingal na hingal sa pagtakbo.
“Pia! Ang bilis mo namang nakarating dito! Bakit ka ba bumalik?!” Sara exhaustedly groused.
“Eh pa’no ’tong mga ’to, sinasabi may gusto raw ako sa bisukol na ’yan!” Pia replied and she pointed at Robin.
“Sapakin mo nga! I’m really, really, really pissed!” Sara just smirked and looked at the three that is now frightened because they recalled what happened to that boy she punched the other year.
“Nah, masasayang lang ang lakas ko diyan. Let’s just eat this out, libre ko na! Binigyan ako ni Tatay Digs ng extra allowance kasi nasama ako sa honors!” Kaagad niyang hinatak si Pia patungo sa pintuan kahut ayaw nito, hindi naman makapalag si Pia dahil sa sobrang higpit ng hawak sa kaniya ni Sara.
To not mind the business of those five, Leni just leered on Bongbong’s direction, focusing on him as he reads his outlines not minding whatever is around him. Nasa bulsa niya ang maliit na stuffed toy kaagad kaagad niya iyong kinuha mula sa bulsa niya at pinisil-pisil, inatake nanaman siya ng dilerya sa pagiging nerbiyosa kapag nalalapit sa binata.
Pero napansin ni Bongbong na nakatingin sa kaniya si Leni kaya naman ay tiningnan niya rin ito, nanlaki ang nga mata niya nang magtama ang kanilang paningin. They couldn’t utter a single word, both hands are shaking and breathing deeply because of the awkwardness.
“Hoy, Leni! Minsan na lang ako mang-libre, sumama ka na sa ’min ni Pia sa canteen!” Nanlaki ang mga mata ni Leni at kaagad napalingon sa gawing pinto kung nasaan sila Sara at Pia, kasalukuyan pa ring kumakawala si Pia kay Sara pero hindi pa rin talaga ito magawa ng dalaga.
“Ah, si-sige!” Leni smiled and ran when she had a chance of escaping the situation between him and Bongbong. Napahinga na lamang din nang malalim si Bongbong at itinuloy niya ang pagpro-proof read sa kaniyang nobela.
Kinahapunan ay ihinulog ni Bongbong ang first draft ng kaniyang nobela sa post box malapit sa kanilang eskuwelahan para ipadala ito sa isang publishing house. He then went to the church and pray for the success of his novel.
Naglakad siya patungo sa isang public library na hindi na gaanong dinudumog ng tao sa ngayon dahil sa umuusbong na ngang teknolohiya at ang internet. He wants to borrow a few books to gain knowledge and to use that on his current works. Bongbong took a deep breath and slided the door of the library to open, he smiled and called.
“Anyone here? Tao po?” he asked.
“Oy, Bongbong!” Kaagad na Bati sa kaniya ng librarian na ngayon ay kasalukuyan nang nagliligpit ng ilang mga kagamitan.
“Hello, Kuya Ramon.” He greeted him, tango laamang ang itinugon nito at nagpatuloy na nga sa kaniyang ginagawa. Nagpatuloy din si Bongbong sa pamimili ng mga librong kaniyang hihiramin.
Aside from being Bongbong’s close friend and guide in reading, Ramon Magsaysay has always been the librarian of this small public library that the baranggay runs. But nowadays, since people aren’t interested in books anymore, it’s just a matter of fact that the library is sometimes empty, more or less, three people each day—including Bongbong, borrow and return some books.
“Magpa-practice na kami ng ritual dance para sa fiesta sa November sa mga susunod na linggo. Be sure to not miss the practice, nilista kita sa mga mananayaw kasi alam kong taon-taon kang sumasali.” Napangiti naman si Bongbong.
“Ah, good thing. Magpapalista pa lang po sana ako ngayon.” Tugon niya.
Every year in November, La Trinidad celebrates it’s Adivay Festival and it features a wide variety of activities such as beauty pageants, singing and dance contests, trade fairs, and many more. One of those particular activities features the folk dances consisting of dancers dressed in Bahag clothing.
Sandali pa ay nagsimula na nga si Bongbong sa paghahanap sa mga nais niyang basahing nobela. Ay nakita niya sa ibabang bahagi ng bookshelf ang isang serye ng mga erotikang nobela. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pabalat nito.
Napaismid siya at itiningin na lamang sa ibang bahagi ng shelf ang isang Japanese-translated version ng aklat na kung tawagin ay “The Schoolgirl” ni Dazai Osamu. Kaagad niya itong kinuha at binuklat, nabighani si Bongbong sa nilalaman ng aklat. Unang beses niyang makabasa ng isang punto de vista ng isang babae na isinulat ng isang lalaking manunulat.
“Maganda ’yang librong hawak mo.” Nanlaki ang mga mata ni Bongbong nang marinig niya si Ramon, Bongbong hurriedly closed the book and looked at him as he smiled timidly.
“Alam mo, nagsusulat si Dazai Osamu ng mga inner thoughts and experiences ng mga kababaihan in first-person POV. Humahanga nga ako dahil hindi naman basta-basta malalaman ng isang lalaki kung paano nakakaramdam ang isang babae eh.” Napahinga na lamang nang malalim si Bongbong.
“Well, Kuya Ramon, what you said is surprisingly accurate.” Ngiti niya, sandali pa ay kinuha naman ni Ramon ang isang paper bag at dumukot siya rito.
“Here’s the books I was talking about yesterday, you said that you wanted to read some chick lit books for your ongoing novel, so here they are.” Ngiti ni Ramon sabay bigay ng paper bag sa kaniya.
“Hiramin mo lang ’to hanggang kailan mo gusto. If you like, isasama ko na ring i-admit ’tong The Schoolgirl saka ito.” Ramon held at the book Bongbong was reading earlier and that erotica he saw on the lower shelf.
“Nasa edad ka naman na, just read with caution. Saka marami rin namang lessons na maituturo sa ’yo ang mga librong ’yan. Bobo lang ang magsasabi na walang leksiyon ang nga librong kagaya niyan. You should read all sorts of books.” Ngiti pa nito, wala naman nang nagawa si Bongbong dahil inilagay na rin ni Ramon sa paper bag ang dalawang libro.
“Sa-salamat po, Kuya Ramon.” Bongbong just thanked Ramon and he left instantly after borrowing the books.
Nang makalabas siya ng public library ay napatawa na lamang siya sa sarili at nagdesisyong basahin ang mga librong ibinigay sa kaniya ni Ramon. He doesn’t have a choice though, he feels guilty whenever he’s lent a book but never actually reading it.
“Man, I’ve got a lot to read!” he giggled and ran home.
~Fictional Reality.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top