Chapter 37:
Four days before the regional track meet. Katatapos lang ng practice nila Leni, Pia, at Sara para sa kanilang laban at kasalukuyan silang kumakain ng ice cream habang nakaupo sa isang bench sa tabi ng creek malapit sa kanilang eskuwelahan.
Tatlo silang nakaupo sa mahabang bench. Sa kanan ni Sara nakaupo si Pia, sa kaliwa naman si Leni, at si Sara naman ang nakaupo sa gitna.
“Ang ganda ng timing mo, Sara! Partida, nagcra-cram ka pa ah, kung ako ikaw eh ’di ko mababalanse ang pagcra-cram at pagtakbo nang maayos. Maybe I have to give up one to improve on the other.” Puri ni Pia kay Sara habang kumakain ito ng ice cream.
“Well, I need to improve faster dahil sa susunod na linggo na ang track meet.” Ngiti naman ni Sara na siyang ice cream din ang kinakain.
“Maybe you’ll make it to the Nationals! Galingan natin ah, dalawang place lang daw ang kukunin para makapasok ka sa Nationals.” Pia shared once again.
“We already knew, kinakabahan nga ’ko eh. Baka matalo ako, baka kung anong mangyari or such. Pero may tiwala naman ako sa sarili ko, and I don’t doubt that.” Nakangiti namang saad ni Sara.
“Makukuha mo ’yan, baka nga maka-ginto ka ulit eh!” Pia encouraged her once more but Sara just laughed at it, hindi naman hinihiling ni Sara iyon.
“Seriously? ’Wag mo ’kong ine-echos ah!” tumawa ang dalaga.
“Oo naman, ikaw pa! Pagsusumikapan ko rin, pati na rin si Leni, ’di ba?” Bumaling ng tingin si Pia kay Leni na nakaupo sa gawing kaliwa ni Sara.
“No one knows, ’di ko rin naman masasabi.” Pasimpleng ngumiti si Leni.
“Anong flavor ba ng ice cream ang kinuha mo, Pia?” iniba ni Sara ang ussapan.
“Rocky road, bakit ba?” tanong naman ni Pia pabalik.
“Patikim ako!” Hindi pa man nakasasagot si Pia ay kaagad nang kumagat si Sara sa ice cream.
“Hoy! ’Di pa ’ko umo-oo, nakakainis ka!” Pia pouted, napatawa na lang si Sara dahil doon.
“Ang sarap! Ikaw, Leni, anong flavor ’yong sa ’yo?” ngiti naman ni Sara kay Leni.
“Strawberry vanilla, gusto mo?” ngumiti si Leni sa dalaga. Inalok niya ito kaya naman kaagad ding sumagot si Sara.
“Ay sige, patikim ako!” Kaagad na kumagat si Sara sa ice cream ni Leni, pinagmasdan niya ito habang kumakain. She couldn’t stop thinking that Sara—her best friend, likes his boyfriend.
“Ang sarap! Salamat, Leni!” Sara thanked her.
“Sa susunod ’yong flavor na binili ni Leni ang bibilhin ko.” Nagpanggap na lang si Leni na hindi siya nakakadama ng inis sa kaniyang kaibigan.
Hindi naman niya masisisi ito, Sara doesn’t know that Bongbong already has a girlfriend. No one can blame her for liking a taken boy because she doesn’t know anything about the relationship between the boy that she likes and another girl.
***
“I’ve heard that your scores on the exams got released these past few days, kamusta score mo?” Imelda asked Bongbong while she’s cooking at their kitchen, nakaupo naman si Bongbong sa hapag at kasalukuyang nagbro-browse sa social media.
“Okay lang naman po ang grades ko, Inang. Sandali lang po at kukunin ko ang mga test papers ko.” Umakyat si Bongbong sa kaniyang kuwarto at kinuha nga niya ang kaniyang mga test paper na kabibigay lang din, matapos iyon ay bumaba siya at nagtungo muli sa kusina.
“Ito po, Inang, I’ve got all there was to get.” Ngiti niya, tinakpan naman ni Imelda ang niluluto niyang Mechado at hininaan ang apoy nito sa stove. Dito na siya bumaling kay Bongbong upang tignan ang resulta ng kaniyang exams.
“Wow! Dati lagpas kalahati ka lang ngayon, nakakakuha ka na ng perfect scores. ipagpatuloy mo ’to ah, gan’to ang gusto ko sa ’yo!” Napangiti na lang si Bongbong at binawi niya na nga ang mga test papers mula kay Imelda.
“Anong ginagawa niyong mag-ina riyan?” Napatingin si Bongbong at si Imelda sa gawing pintuan at namataan nila doon si Ferdinand, may hawak itong pahayagan at nakasuot siya ng salamin tanda na katatapos lamang niyang magbasa.
“Good news, Lakay, nakakuha ng mataas si Bongbong sa exams niya.” Ngiti ni Imelda at tumingin siya kay Bongbong, ipinapahiwatig nito na gusto rin niyang ipakita ang nakuha niya sa exams sa kaniyang ama.
“Ah, ito po, Tatang.” Lumapit si Bongbong kay Ferdinand at ibinigay niya ang test paper niya rito upang tignan iyon. Napangiti naman si Ferdinand sa anak niya nang makita nito ang resulta.
“Nagi-improve ka na, just continue getting these grades so that you could go to a better college. Pero tandaan mo, Bongbong, don’t put too much pressure into yourself. Okay lang naman sa ’kin kung gano’n ang grades mo sa dati, mas okay lang ngayon kasi ang tataas talaga. Binigka mo ’ko.” Kapwa napangiti si Imelda at Ferdinand sa kanilang anak.
“Siya nga po pala, nasa’n po si Ate Imee?” tanong ni Bongbong sa ama. Iniba nito ang usapan dahil nararamdaman niya nang madaragdagan lang ang expectations para sa kaniya.
“Naiwan siya sa strawberry farm para i-accomidate ang mga bisita ro’n, natuklasan kasi ni Baket na p’wede pala nating gawing tourist attraction ang farm natin.” Ngiti ni Ferdinand at bumaling siya sa asawa.
“Ay nako, maliit na bagay. Naaikaso ko na ang mga dokumentong kailangan para do’n at naisumite ko na rin sa Municipal Hall.” Ngiti naman ni Imelda, natuloy na nga ang pag-uusap nila at nawala na si Bongbong sa paksa ng kanilang usapan.
Nang umupo si Bongbong sa lamesa ay hinawakan niyang muli ang kaniyang cellphone at muli siyang nag-browse sa social media. Umupo naman si Ferdinand sa tabi ni Bongbong at nagbasa siyang muli ng diyaryo matapos makipag-usap kay Imelda. Meanwhile, Imelda left the kitchen when she cooked her Mechado to check on Imee on their strawberry farm.
Sandali pa ay bigla na lang nag-notify kay Bongbong na may tumatawag sa kaniyang isang unknown number, tumunog ang ringtone niya dahilan kung bakit napatingin si Ferdinand kay Bongbong, kunot-noo siyang sumaad.
“Sino ’yan?” tanong nito.
“Unknown number po eh, sasagutin ko po ba?” Bongbong replied to his father.
“Answer it, maybe it’s something important.” Sagot naman ni Ferdinand sa anak niya.
So Bongbong answered the call and he put his phone besides his ear, huminga muna siya nang malalim bago siya magsalita.
“Hello, who’s calling?” bungad ni Bongbong sa kabilang linya.
“Hello, this is Raplh Gonzalez Recto of the Psicom Publishing Incorporated. We would like to thank you for your submission for our publishing entries.” Nanlaki ang mga mata ni Bongbong at wala sa sarili siyang napasaad.
“Psicom Publishing Incorporated?” Napatingin si Ferdinand sa anak, nagkatinginan silang mag-ama at napanganga rin ito dahil sa sinabi ng kaniyang anak.
“We would like to inform you that your entry is one of our nominees for the publishing sponsorship, we would like to meet you on Saturday at ten in the morning here at our commerical building in Baguio City.” Napanganga si Bongbong sa narinig niya.
“Affirmative, Sir, thank you for letting me know.” Tugon naman ni Bongbong.
“That’s all I wanted say. Good day to you, our dear writer.” Tuluyan na ngang ibinaba ng caller sa kabilang linya ang tawag.
“Tatang, my novel was one of the nominees sa publishing sponsorship ng Psicom.” Bongbong excitedly told his father, ikinangiti naman ito ni Ferdinand.
“Congratulations, sana ma-publish ang libro mo. Just then, I could finally read what you’re writing. I’ll let Imelda know by surprise, ’wag muna nating ipaalam sa kan’ya.” Ngisi naman ni Ferdinand.
“Opo, gusto ko po ’yon.” Ngumisi rin si Bongbong at dalawa silang napatawa ng ama.
***
Leni and her family is currently having their dinner, inihain ni Salvacion ang niluto niyang Adobong Manok. Ibinigay niya ang isang mangkok nito kay Lourdes uoang idala na sa hapag-kainan.
“Ito oh, ilagay mo na sa hapag.” Ngiti ni Salvacion sa anak.
“Wow, you sure cook a lot, ’Ma.” Pinuri naman ni Lourdes ang kaniyang ina at kinuha na nga nito ang mangkok.
“Oy, mukang masarao ang niluto ng mahal ko ngayon ah!” malambing na saad ni Antonio sa asawa niya.
“Okay, let’s pray first before eating.” Umupo na nga silang lahat sa mga upuan at humarap sila sa hapag-kainan. Nagdasal muna sila bago kumain.
“In Jesus’ name we pray, amen.” Sabay-sabay silang kumain matapos nilang magdasal, habang ngumunguya ni Leni ang pagkain niya ay narinig niyang nagtanong si Salvacion.
“Sa Sabado ang track meet mo ano, Leni?” tanong niya sa kaniyang anak.
“Ichi-cheer ka namin, manonood kami sa Sabado.” Ngiti naman ni Antonio.
“You don’t have to, mahihiya lang ako eh.” Nahihiya niyang saad.
“Bakit naman?” balik na tanong naman ni Antonio.
“Alam niyo kung bakit? Alam niyo naman po sigurong grade twelve na si Leni ’di po ba?” Ngumisi si Lourdes at dahan-dahan siyang bumaling kay Leni. Nanlaki naman ang mga mata ni Leni at napatingin din siya sa ate niya nang masama.
“So what? Grade twelve na siya, eh ano pa ba?” tanong naman ni Antonio.
“Kaya nga po, kaya ayaw niya tayo do’n kasi baka may jowa na siyang magchi-cheer para sa kan’ya.” Ngisi pa ni Lourdes, dito na nasapo ni Leni ang kaniyang ulo. Suddenly, her own sister betrayed her.
Napahinto sa pagkain sila Antonio at Salvacion at nanlalaking-mata nilang tinignan ang isa’t isa, matapos iyon ay tumingin sila kay Leni na ngayon ay kinakabahan na rin.
“Right, Leni?” Minsan pang tanong ni Lourdes, nanlilisik siyang tinignan ni Leni habang ngumunguya nito ang kanin at adobo sa kaniyang bunganga.
“So? Ayie, dalaga na talaga ang anak ko. Hindi pa ’ko handa, wait lang.” Pakunwaring umakto si Salvacion na para bang umiiyak ito dahil sa tuwa.
“Is that true?” nabibiglang tanong naman ni Antonio.
Hindi makakilos si Leni dahil sa reaksiyon ng kaniyang pamilya, pasimple na lamang niyang ibinaba ang kutsara at tinidor na hawak niya at yumuko na para bang siya ay nililitis. Suddenly, she felt her phone vibrated from her pocket as it produces a sound due to her messenger ringtone.
Kaagad tumayo sa hapag-kainan si Leni at uminom muna siya ng tubig bago siya tumakbo patungo sa kaniyang kuwarto. Kapwa kinikilig sila Lourdes at Salvacion habang nanatiling seryoso si Antonio—na parang ayaw niyang maging malaya ang kaniyang anak.
“Si Leni ay, kumi-kirengkeng na!” tawa ni Salvacion at nagpatuloy na nga sa pagkain, napainom na lang ng tubig si Antonio at nagpatuloy na lang din sa pagkain.
Pumasok si Leni sa kaniyang kuwarto at kaagad niyang ikinandado ang kaniyang pintuan, dito na siya nakahinga nang maluwag at kaagad niyang inihagis ang kaniyang sarili sa kaniyang kama.
“Ate naman eh! Nakakainis ka talaga, Ate!” gigil niyang sigaw.
Huminga siya nang malalim at tumingin siya sa kaniyang cellphone, Nakita niyang mag-chat si Bongbong kaya kaagad niyang pinindot ang contact nito sa messenger.
“Want to meet in the school library sometime tomorrow morning?” Bongbong messaged, nang mabasa iyon ni Leni ay dahan-dahan siyang napangiti. Magtitipa na sana siya ng kaniyang itutugon nang maalala niya ang isang bagay.
“Leni, I think I have a crush on Ferdinand.”
Crush.
Napahinga nang malalim si Leni at nagdesisyon na nga siyang mag-tyoe ng kaniyang isasagot.
“I have something to discuss with you too, let’s talk tomorrow.” She sent her message.
~Rising Opportunities.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top